Chapter 10 - Chapter 9

Now playing: Without you by AJ Rafael

Blake POV

Malawak ang ngiti na umuwi ako sa bahay dahil sino ba naman ang hindi sasaya kung makakasama at masosolo mo ang taong hinahangaan mo ng sobra, hindi ba?

Sinadya ko talagang magpagabi dahil ngayong araw ang pahinga ni Auntie sa kanyang pagbabarbeque.

Kaya naman naisipan kong pumunta sa nahanap kong lugar at itinuring ko na bagong sanctuary. Isa pa, masyadong abala naman ang mga kaibigan ko sa paggala at nakalimutan na yata akong isama.

Hindi ko naman inaasahan na nandoon din pala si Ms. Author sa lugar na iyon. Haaay. Kung sinuswerte ka nga naman, oo.

Kaya ngayon, kahit yata hindi na ako maghapunan ay busog na busog na ako dahil sa mga nangyari.

Gosh! At naisipan ko pa talaga siyang ihatid sa tinutuluyan niyang bahay.

Mabuti na lang at nakapag timpi pa ako kanina dahil kung hindi...

Haayyy. Napahinga ako ng malalim habang naglalakad patungo sa aking kwarto.

Bakit naman kasi ang hirap hindi maging mahalay kapag siya na 'yung kaharap ko?

Halay na may manners naman ha. 'Wag nga kayong ano riyan. Hmp!

Agad na naglinis na rin ako ng aking katawan at nahiga na sa kama pagkatapos na makapagbihis. Hindi ko na hihintayin ang mga kaibigan ko. Ewan ko at ang aga ko rin yatang antukin ngayon.

Gano'n yata taga kapag masaya ang puso. Hehe.

Kinabukasan maaga akong nagising at nag-prepare ng agahan. Habang tulog pa 'yung dalawang kaibigan ko at si Auntie ay sinamantala ko na ang pagkakataon na walang manunukso sa akin.

Minsan lang kaya ako sipagin sa pagluluto, 'no? Pero kapag nagluto ako, sinisigurado kong tataob lahat ng kaldero. Hahaha. Kidding aside.

Baka nga kapag natikman ni Tala 'yung luto ko, pati ako kainin niya. Napatawa ako sa aking sarili nang maisip iyon.

Haaay. Iba na yata talaga itong tama ko kay Ms. Author. 'Yung pagkakagusto ko sa kanya, hindi lang yata 'to in love, kundi sakit na. Tsk.

Pakanta-kanta ako habang naghahain ng huling putahe ng agahan na niluto ko, nang bigla akong makarinig ng isang malutong na pagmura mula kay Eli.

"Tang*na Faye!" Parang gago na tinitignan ako nito mula ulo hanggang paa, habang nagpapaikot-ikot sa akin. "Halika dali! May maligno yatang sumapi sa kaibigan natin!"

Tumatawa naman na lumapit si Faye sa amin. Sinapak ko naman ng mahina si Eli sa kanyang ulo.

"Siraulo! Baka gusto mong hindi kita pakainin?" Magkasalubong nag kilay na sabi ko sa kanya.

"Nakakagulat naman kasi talaga." Pagsang-ayon ni Faye habang pinagmamasdan ako ng maigi bago napa-cross arms.

"Ang alam ko kapag napapaluto ka ng biglaan, may magandang nangyari eh." Pagpapatuloy nito. "Spell the tea, sis. What happened?" Pagkatapos ay makahulugan akong tinignan.

Hindi ko naman naitago ang ngiti sa aking labi nang maalala ang naging moment namin ni Ms. Author.

"Hayaan niyo na. Walang nangyari. Gusto ko lang talaga kayong ipagluto." Pagsisinunging ko sa kanila bago tinawag na si Auntie para sabay-sabay na sa agahan.

Maging ito ay nagulat din sa aking ginawa. Ano bang nakakagulat sa pagluluto ng breakfast? Tss!

Maya-maya lamang habang naghuhugas ng mga pinggan si Faye ay may narinig akong ingay mula sa sala.

Agad na nabosesan ko ang isa sa kanila.

Si Lexie.

Pasimple naman na sumilip ako at hindi nga ako nagkakamali, kasama nito si Ms. Author na nakasuot lamang ng sando ngayon at high waist short shorts pa rin.

Bakit ba ang hilig niyang magshort? Nakakapanghina ang kakinisan at kaputian ng kutis niya eh. Isama mo pa na nakasando lamang ito ngayon kaya mas lalong mapapasipol ka na alng talaga habang tinitignan siya.

Bigla akong napaiwas ng tingin noong mapatingin ito sa gawi ko at nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Nakita ko pang napangisi ito bago lumapit sa akin.

"Hi. Good morning!" Pagbati nito. "Ang agang nagyaya ni Lexie eh. Na-miss daw agad si Eli." Pagpapatuloy niya.

Binigyan ko lamang ito ng isang ngiti bago napatikhim.

"Eh ako? 'Di mo ba ako na-miss?" Pagkatapos ay napanguso pa. Isang irap lamang ang natamo ko bago ito napatingin kay Faye.

"Hi, Faye!" Pagbati nito sa kaibigan kong abala sa paghuhugas ng mga pinggan. Habang ako naman ay pasimpleng tinignan muli si Ms. Author sa kanyang kabuohan.

Damn! Ang hot niya talaga! At noong mag-angat ang aking paningin ay nakatingin na rin pala siyang muli sa akin. Sandali kaming nagkatitigan bago ito unang nagbawi ng kanyang mga mata.

"You know what? I saw my future in your eyes, and since then, my heart isn't mine anymore." Sabi ko sa kanya bago napatawa noong muli itong napairap.

Tumalikod na rin ako sa kanya, bago ko pa makalimutang may niluluto pa nga pala akong pasta. Hinayaan ko na lang muna itong bumalik sa sala kasama sina Lexie at Eli na halatang naghaharutan.

Tss! Naman oo, ke aga-aga.

Noong matapos na ako sa pasta ay sumaglit muna ako sa kwarto para maligo. Habang naliligo, hindi ko mapigilan ang mapangiti palagi dahil sa para bang umaayon sa akin ang tadhana.

Biruin mo yun? Araw-araw kong nang nakakasama ngayon 'yung babaeng pinapangarap ko lang na maging akin. At ang universe na talaga ang gumawa ng paraan para mangyari ang lahat ng ito.

Haaaay. I will never waste this chance given to me. By crook or by hook, I will make her mine.

"Where have you been?" Tanong ni Tala sa akin noong makarating ako sa sala. Nakakandong si Lexie kay Eli, habang si Faye naman ay nanonood ng Kdrama.

"Guys, get a room. Will you?" Saway ko sa dalawa bago sila binato ng nahawakan kong unan.

Tapos na akong maligo kaya alam kong wala na itong atrasan pa ngayong araw. Mukhang wala naman yata silang balak na lumabas ngayon eh.

Pagkaraan ng ilang sandali ay napatingin akong muli kay Ms. Auhtor. "Tinatanong mo ba kung saan ako galing?" Napataas ang isang kilay nito bago napatango bilang sagot.

Binigyan ko lamang ito ng isang ngiti bago naupo sa kanyang tabi. "I went to a fridge to get a snack but uhh...you weren't there." Pagkatapos ay tinitigan siya sa kanyang mga mata. Iyong titig na mapapa-lip bite siya, and she did.

Napailing lamang ito ngunit may sumisilip na ngiti sa gilid ng kanyang labi kaya naman nagpatuloy ako.

"Just so you know, I'm going to eat you out today." Muling wika ko ataka mas lumapit pa sa kanya. Naramdaman ko naman agad ang pagsinghap nito kaya mas lalo yata akong ginaganahan.

"Oh, really?" Tanong nito. Halatang bothered.

"Ah huh?" Sagot ko bago napatitig sa labi niyang nang aakit at ang sarap-sarap lasapin.

"Can I ask?" She paused.

"Dati ka bang adik?"

Isang malutong na pagtawa ang pinakawalan ko dahilan upang mapatingin sa akin 'yung dalawang naglalampungan at pati na rin si Faye na kanina pa yata walang kibo at wala sa mood.

"Well, ngayon pa lamang." Sagot ko kay Tala.

Ngayon pa lang ako mauulol ng ganito. Dagdag ko pa sa aking isipan.

"You know, everybody has an addiction, but mine happens to be you." Sabay dila at kagat ko sa aking lower lip habang nakatitig sa kanya ng malagkit.

Gosh! I really love to do this with her. Lalo na sa tuwing nakikita ko ang kanyang reaction, mas lalo akong ginaganahan.

---

Tala POV

Gosh! Why is she always like this?

Is she just horny or what?

Lumabas muna ako para magpahangin dahil hindi ko na alam kung dapat pa ba akong matuwa sa mga banatan ni Blake or magpapadala na ako ng tuluyan.

Masyado siyang...

Masyadong malakas ang charm niya para hindi ako magpapadala. At nakakainis lang!

Sa ganda niya, sobra. Hindi ko talaga maitatanggi iyon.

Kaya nga palaging nakabuntot 'yung mga mata mo sa kanya, 'di ba? Tuyo ng aking isipan.

Pero hindi ko akalain na ganoon kahalay ang utak niya. I mean, parang sa tuwing magkikita na lang kami panay kahalayan ang sinasabi.

"Sabi nila kissing is a language of love," Napapikit ako ng mariin sabay hinga ng malalim nung muling marinig ang boses ni Blake mula sa aking likuran. "So would you mind starting a conversation with me?" Pagkatapos ay isang malawak na ngiti nito ang muling bumungad sa akin, bago ito tumabi sa akin sa pag-upo dito sa labas ng bahay.

Pilit na kinakalma ko ang aking sarili. Dahil sa totoo lang malapit nang maubos ang pasensya ko sa kanya. Pero alam mo 'yung feeling na inis na inis ka na, ngunit sa tuwing mapapatingin ka sa mukha niya awtomatiko ka na lang na mapapangiti?

Argh! Ang unfair lang.

Hindi na lamang ako kumibo at tinitigan na lamang ng matalim si Blake, 'yung makikita niya sa mga mata kong malapit nang maubos ang pasensya ko sa kanya. Pero nginitian lamang ako nito na para bang hindi man lamang nasisindak sa akin. 'Yung ngiti na hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya pabalik o magtataray ako lalo.

"Stop it, Tala." Biglang saway nito sa akin kaya napanganga ako in disbelief.

At ako pa talaga ha? Okay lang ba talaga siya?

"Stop what? I'm doing nothing." Pagtatanggol ko sa aking sarili dahil wala naman talaga akong ginagawa.

"Stop undressing me with your eyes!" Muli ay hindi ko mapigilan ang mapatirik ng aking mga mata.

"Ugh! Hot! Can you do it again? Please?" Pagpapatuloy nito.

"BLAKE!"

"What?" Pagkatapos ay muling napatawa ito ng malutong.

Napahinga ako ng malalim. Walang patutunguhan ito kaya naisipan kong sakyan na lang ang mga pang-ti-trip niya. Tumayo ako mula sa pag upo at inayos ang suot ko habang tinitignan siya. Tahimik lamang din itong nakatingin sa akin habang napapakagat sa kanyang labi at tinignan ako ng malagkit baba at pataas.

"Your outfit."

"What about my outfit?" Tanong ko sa kanya.

"Sa tingin ko, it would look great on my bedroom floor." She teased again.

Kaya naman dahan-dahan na lumapit ako sa kanya at walang sabi na naupo sa kanyang kandungan. Halatang nagulat ito sa ginawa ko pero mabilis niya iyong naitago sa pamamagitan ng paglunok ng mariin.

Akala mo ha!

"Please don't let this go to your head, but do you want some?" I teased back. Pagkatapos ay mas itinapat ang aking dalawang hinaharap sa kanyang mukha.

Lalo naman itong napalunok ng mariin at hindi na makapagsalita pa.

"You know, I love my bed," Sabi ko sa kanya at dahan-dahan na inilapit ang aking mukha sa kanyang tenga. Pagkatapos ay marahan at sinadya kong isagi ang dulo ng aking ilong sa kanyang balat. "but I'd rather be in yours." Pagpapatuloy ko.

Narinig ko ang paghinga nito ng malalim.

"T-Tala, stop it or you'll really end up in my bedroom right now, while I'm on top of you." Ganting pagbabanta nito sa akin. Napangisi ako.

Pagkatapos ay kagat labi na tinignan siya sa kanyang mga mata. Iyong tingin na maaakit talaga siya.

I'll finish what she started.

"Oh! I'd love to." Sagot kong muli bago mas idinikit ang aking katawan sa kanya.

"Fuck! I'm sorry, I-I didn't..." Kapwa kami napatingin sa narinig naming napamura.

Agad naman na bumungad sa amin ang gulat na gulat na mukha ni Faye dahil sa naabutan niya kami sa ganoong posisyon.

Oh! Shit! I'm dead.