Chapter 4 - Chapter 2

Ysa

"Shit! Ang traffic na naman." Reklamo ni Patricia bago dismayadong napapailing dahil sa bagal ng pag-usad ng trapiko.

Napatawa ako ng mahina.

"Wala namang bago eh. Kailan ba naging maayos 'tong ganitong sistema?" Pag sang-ayon ko sa kanya.

"Alam mo 'yung nakakainis, kung saan ka nagmamadali, doon ka talaga aasarin ng panahon, ano? Lalo na itong matinding traffic na ito. Haaay! Araw-araw na lang. Tsk!" Bagot na bagot na bulalas nitong muli.

Hayan na naman po s'ya. Panay na naman reklamo. Hindi pa siya nasanay, wala naman talagang bago sa araw-araw.

"Anyway, maiba nga ako." Napalingon ako sa aking kaibigan bago inabante ng konti ang sasakyan dahil kahit papaano ay umuusad na ang trapiko. "Nasabi mo na ba kay Nathan?" Tanong nito.

Awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi dahil sa kanyang katanungan, bago kumikinang ang mga mata na muling ibinalik sa kanya ang aking paningin.

"Oh my God! Hindi mo pa nasasabi." Napapatakip sa bibig na wika niya, halatang nagpipigil ng excitement na nararamdaman.

Hindi ko naman napigilan ang mapatawa ng mahina, pagkatapos ay napailing.

"I just want to surprise him!" Sagot ko sa kanya. "At alam kong matutuwa siya sa ibabalita ko." She nodded and giggled.

"I know. I know." Pagsang-ayon nito sa akin pagkatapos ay himpit na napatili. "Grabe! Ikaw na talaga, Ysa! Ang haba na nga ng hair, swerte na sa mapapangasawa, tapos---"

"Ssshh!! Wag ka nga riyan." Saway at pigil ko sa kanya bago napakagat sa aking labi.

Hindi na ako makapaghintay pa na sabihin kay Nathan ang good news ko. Hindi ko rin mapigilan ang hindi kiligin sa tuwing maaalala ko ito at ini-imagine ang magiging reaksyon ng fiance ko.

---

"Babe, bakit hindi ka napapagod sa atin?" Tanong ko kay Nathan at pabagsak na nahiga sa ibabaw ng kama.

Parehas na kaming tapos sa paglinis ng katawan at handa na naman sa pagtulog.

Dahil bukas, bukas na ang plano kong sabihin sa kanya ang good news. Ipagluluto ko siya ng masarap para naman mas mabalot kami ng good vibes, di ba? Hehe.

"Sa 9 years natin na magkarelasyon, you are always been that sweetest man I have ever met." Dagdag ko pa. Nahiga ito sa tabi ko bago ako marahan na hinalikan sa aking noo.

Mataman na tinitigan niya ako sa aking mga mata at pagkatapos ay napangiti ng pagkatamis-tamis.

"Hindi ako mapapagod sa'yo at sa atin. Hindi kita susukuan. Katulad ng hindi ko pagsuko sa'yo noong nililigawan palang kita. At isa pa, sa'yo lang naman ako nagiging sweet, 'no?" Wika nito bago napayakap sa akin. Agad naman na nagsumiksik ako sa kanya.

"Hindi ako titigil para sa ating dalawa." Dagdag pa niya.

"Paano kung dumating ang araw na mapagod ka na?" Dagdag na tanong ko pa habang napapanguso. Ang kulit ko lang eh, ano?

Napatawa ito ng mahina habang napapailing. Halatang natutuwa na naman sa kakulitan ko.

Oo, assurance. I always want that fucking assurance kahit sigurado naman na siya sa akin at matagal na kaming magkarelasyon. Pero hindi siya tumigil na ibigay at ipadama iyon palagi sa akin.

"Kung sakali man dumating ang araw na mapagod na ako, huwag kang mag-alala, magpapahinga lang ako nang ikaw pa rin ang kasama ko, tapos lalaban ako ulit at ikaw pa rin ang pipiliin ko." Paliwanag niya. "Wala na akong planong bitiwan ka, babe." Pagpapatuloy niya.

Tama talaga sila. Napakaswerte ko kay Nathan. Sa siyam na taon naming magkarelasyon, kailan man ay hindi niya ako pinagtaasan ng boses. Kailan man, hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay.

Sa totoo lang, mahirap akong i-handle at intindihin na tao. Pero para sa kanya, para bang napakadali lamang na intindihin at i-handle ako.

Kahit na minsan o madalas, nagtatalo kami o may hindi pagkakaunawaan, ingat na ingat siyang masigawan ako. Palagi siyang kalmado. Kapag alam niyang mataas na pareho ang emosyon naming dalawa, siya na mismo ang umaalis o dumidistansya mula sa akin.

Pagkatapos ng ilang minuto na kalmado na siya ay babalik na siya at yayakapin ako para humingi ng tawad at para pag-usapan ang bagay na hindi namin napagkasunduan.

Palagi niya akong pinapatawa sa pamamagitan ng mga jokes niya kapag wala ako sa mood. Palagi niyang pinalalakas ang loob ko kapag nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Siya lamang ang bukod tanging nagbibigay ng ngiti sa akin sa tuwing malungkot ako.

Napaka-green flag niya ng sobra. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mas lalong magsumiksik sa kanya na parang bata dahil sa kilig.

Haaaay! Ano pa nga bang mahihiling ko? Wala na. Kundi ang matupad na lamang ang mas marami pa naming plano at mga pangarap para sa aming dalawa.

At syempre, ang makaisang dibdib ang lalaking pinapangarap ng lahat pero nasa akin na.

Napapatanong na lang talaga ako kung ano ba talaga ang nagawa ko para magkaroon ng isang almost perfect na katulad niya sa buhay. Gosh! Am so blessed.

---

"Uhh, babe. Ma-le-late ako ng uwi mamaya ha?" Sabi nito sa akin noong pababa na sana ako ng sasakyan.

Agad na napakunot ang noo ko ngunit mabilis na binigyan ito ng ngiti. Gustuhin ko pa mang magtanong kung bakit o kung may dadaanan ba siya na hindi ko alam, pero mas minabuti ko na ang manahimik dahil mas okay na sa akin ang ganoon dahil mas makakapag-prepare ako ng maayos sa dinner namin mamaya.

"Basta sabay tayong mag-di-dinner ha?" Napatango ito bago ako binigyan ng isang matamis na ngiti.

"Of course, babe. Alam mo namang hindi ko kayang lumunok ng pagkain kapag hindi ikaw ang kasabay ko eh." Hindi ko napigilan ang mapatawa ng malakas bago napahampas sa kanyang braso.

"Sira ka talaga!" Lumapit ako sa kanya para bigyan siya ng halik sa kanyang labi. Agad din naman itong gumanti at pagkatapos ay malawak ang ngiti na muling ipinaghiwalay ang aming mga labi.

"What?" Tatawa-tawa na tanong ko sa kanya. Agad naman na napailing ito.

"Nothing... It's just..." Napahinga siya ng malalim. "I love you so much, babe."

Awtomatikong napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang kilig na nararamdaman.

"I love you more, my Doctor." Ganting sabi ko rin sa kanya. "Oh siya, ma-la-late na ako. Friday ngayon kaya tiyak na maraming customer." Dagdag ko pa bago tuluyang bumaba na ng sasakyan.

"I'll see you later, babe." Pahabol na sabi niya.

"See you!" Ganting sigaw ko naman sa kanya habang dahan-dahan nitong inuusad ang sasakyan papalayo.

Taas noo at proud na napatingin ako sa signage ng aking restaurant. Muling gumuhit ang isang matamis na ngiti sa aking labi kasabay ang isang himpit na tili habang naglalakad papasok ng restaurant. Sobra na kasi talaga akong na-eexcite sa ibabalita ko kay Nathan.

I can't wait to tell him my good news.