Nathan
Ang sabi ko kay Ysa, susunduin ko siya pagkatapos na pagkatapos ng shift ko sa hospital. Hindi na muna ako tumatambay ngayon doon at hindi na rin muna ako tumatanggap ng overtime dahil gusto kong masulit ang mga araw na kasama ko ang babaeng mahal ko bago siya tuluyang makaalis ng bansa.
Isa pa, isang linggo na lamang din ang pamamalagi ko sa Hospital dahil magiging abala na rin ako sa nalalapit na pagbubukas ng clinic ko.
Malapit na ako sa restaurant nang biglang magtext ang fiancée ko na wag ko na raw siyang susunduin dahil mayroon silang girls night out na magkakaibigan.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa aking sarili. Syempre, kapag mayroon silang night out, meron din kaming mga lalaki.
Kaya naman agad na pinihit ko ang manobela patungo sa bar kung saan si Kiko. I dialed his number, nakakadalawang ring pa lamang nang sagutin niya ito.
"Pre, si Luis ba kasama mo?" Agad na tanong nito sa akin. Nagtataka naman na napakunot ang noo ko.
"Nope." Tipid na sagot ko sa kanya. "Tawagan ko ba? Actually, papunta ako ngayon d'yan sa bar." Pagpapatuloy ko pa.
"Kanina ko pa kasi tinatawagan eh, hindi sumasagot. Oh siya, sige pre. See you na lang dito. Nag-day off ako eh. Susurpresa ko sana kayo." Paliwanag niya. Bihira lang kasi siyang mag-day off, paano ba naman kasi siya lang ang bukod tanging nag-aasikaso palagi ng kanilang bar.
"Sige sige pre. Mabilis lang ako." Pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag.
Nang makarating ako sa bar ay agad na sinalubong ako ni Kiko. Dumating na rin pala si Luis na abala sa kanyang kausap mula sa cellphone. Ngunit hindi rin naman iyon nagtagal kaya't agad na nakipag-man to man hug sa akin.
"Pare, parang dekada bago tayo muling nagkita ah. Ang busy masyado sa opisina." Paliwanag nito sa akin.
Kaya naman hindi ko mapigilan ang mapatawa at pabirong tinapik ito sa kanyang braso. Mayroon na ring naka-serve na beer sa aming lamesa. Pero dahil nangako ako kay Ysa na hindi na ako iinom masyado kaya naman kumuha lang ako ng dalawang bote.
"Ano ka ba! Okay lang yun. Mahalagang unahin mo na muna yan syempre, mag-iiba pa lahat kapag may anak na kayong dalawa." Wika ko sa kanya.
"Tama si Nathan, pre. Kapag may anak na kayo ni Patricia, mas madadagdagan pa ang responsibility." Pagsang-ayon naman sa akin ni Kiko.
"Mas lalong magiging mabigat ang responsibildad pero pre, yun ang pinakamasaya sa lahat. Ang bumuo ng sariling pamilya kasama ang tao na pinili mong makasama." Dagdag ko pa.
Agad naman silang napatawa ni Kiko at pagkatapos ay nag-aper pa.
"Alam mo pre, sana ikaw na lang ang naunang kinasal 'no?" Wika ni Luis. "Kasi sa ating tatlo, ikaw talaga ang husband and father material eh." Dagdag pa niya. Napatango si Kiko.
"Sinabi mo pa pre, eh ang kaso hindi." Sarkastikong sabi nito kay Luis. "Inunahan mo kasi eh!" Dagdag pa niya habang tumatawa.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong nalungkot nang maisip iyon. Sana nga, sana nga kami na lang ni Ysa ang naunang ikinasal, baka sakaling hindi na kami magkakalayo. Baka sakaling mas uunahin na nitong i-priority ang magiging pamilya namin ngayon.
Pero ang selfish ko no'n. At ayaw kong dumating ang araw na isusumbat niya sa akin ang lahat dahil lang sa naging makasarili ako at inuna ko ang sarili kong nararamdaman.
"Kumusta naman ang buhay may asawa?" Pangungumusta ko bigla. Para na rin maalis ang atensyon nilang dalawa sa akin.
Sandaling natahimik si Luis bago napangiti ng tipid.
"Masaya naman, pre." Tipid na sagot nito. "Pero andoon 'yung pressure, alam n'yo yun?" Tila ba biglang naglaho ang saya at excitement sa mga mata n'ya. Naglaho bigla ang masasayang ngiti na nakita ko sa kanya noong araw ng kasal niya.
Napahinga ito ng malalim. "Pero ayos lang, ganun naman kasi talaga, 'di ba? Hindi man lahat masaya, pero ang importante nananatili tayong tapat at totoo sa taong pinili nating makasama. Isa pa," Napahinto siya sandali. "kasama talaga sa isang relasyon ang madalas na bangayan at pag-aaway." Dagdag pa niya.
"Kasama ang pag-aaway at pagtatalo, oo. Pero wag naman palagi, pre. Toxic na yun eh." Wika ni Kiko.
Napahinga ako ng malalim bago napatango kay Luis.
"Hayaan mo, hindi man palaging masaya. So as the sadness, right? Hindi rin palaging malungkot. Ang importante nagiging better tayo day by day bilang partner." Dagdag ko pa sa sinabi ni Kiko.
"Salamat mga pare!" Nakangiting sabi ni Luis sa amin bago ibinaling ang paningin sa akin.
"Ikaw? Anong plano mo? Malapit na ang pag-alis ni Ysa ah." Pagbabalik sa akin ni Luis ng usapan. Kaya dalawa sila ay sa akin na muli ang atensyon.
Lumapit ito sa akin bago ako inakbayan.
Medyo namumula ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung lasing na ba siya o baka pagod lang.
"Hayaan mo pre, kami na ni Kiko ang bahala sa'yo kapag naka alis na si Ysa. 'Di ba pre?" Pagkatapos ay muli itong nakipag-aper kay Kiko habang nagtatawanan pa silang dalawa.
"Alam mo ba kung ano ang good thing sa relasyon ninyo ni Ysa?" Tanong ni Luis sa akin.
Napangiti ako. "Ano?"
"The good thing is hindi pa kayo kasal." Sagot nito. "Pwede mo pang gawin lahat ng gusto mo. Malaya ka pang magagawa, whatever the hell you want." Hindi ko alam, hindi rin ako lasing dahil dadalawang bote ng beer lang naman ang iniinom ko pero para bang biglang uminit ang tenga ko sa narinig na sinabi ni Luis.
Kahit na hindi naman nakakatawa ang sinabi nito ay pilit kong matawa na lang atsaka agad na napatayo.
"Teka, saan ka pupunta?" Tanong ni Kiko.
"Jijingle lang ako sandali mga pre." Paalam ko sa mga ito habang naglalakad palayo sa kanila. Pero ang totoo eh gusto ko lamang ikalma ang sarili ko dahil sa narinig na sinabi ni Luis.
Naghintay ako ng limang minuto bago bumalik sa kanilang dalawa.
Pagbalik ko, mayroon na silang kasamang babae na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Maganda siya, sexy, matangkad, medyo morena. Iyong para bang modelo ang pustura. Pero kahit anong itsura pa niya, di hamak naman na walang-wala siya sa Ysa ko, no? The best kaya ang future misis ko.
Magkatabi sila ni Luis, kaya naman sa tabi na Kiko ako muling naupo.
"Uy, pre! Ba't d'yan ka?" Tanong sa akin ni Luis. "Dito ka na maupo sa tabi ni Miss Beautiful!" Dagdag pa niya.
Kaya imbis na kalmado na ako eh muli na namang nabuhay ang inis na nararamdaman ko kanina. Napakamot ako sa aking batok habang pilit na napapangiti bago napaharap kay Kiko.
"Lasing na ba 'to?" Tanong ko sa kanya at tukoy ko rin kay Luis. Ngunit nagkibit balikat lamang ito.
"Nagulat na lang din ako nung dumating 'yung babae." Paliwanag nito sa akin. Napatango ako at muling tinignan 'yung babae na ngayon ay naupo na sa tabi ko.
Tatayo sana akong muli para makaiwas sa babae nang muling magsalita si Luis.
"Pre! Okay lang yan. Tayo lang naman ang nandito---"
"Luis, pre! Okay ka lang ba?" Tanong at putol ko sa kaibigan ko.
"O-Oo naman pre! Chill ka lang d'yan. Magsasaya tayong gabi." Para bang hindi man lang nararamdaman nito nag-iinit na ang ulo ko.
Suminyas ako kay Kiko na pigilan naman niya si Luis hindi 'yung tatawa-tawa pa siya na parang tuwang-tuwa rin sa kalokohan ng kaibigan namin, bago ko tinignan ang babae.
Napakamot ako sa aking batok bago nagsalita. "Uh, miss? Pwede bang umalis ka na lang? Kakausapin ko lang 'tong mga kaibigan ko. Pasensya na ha?" Pakiusap ko sa kanya.
"Sure pogi!" Sabay kindat pa nito sa akin. Napapailing na lamang na muling ibinalik ko ang aking mga mata kay Luis na ngayon ay sinusundan ng tingin iyong babae.
"Pre, ano---ano ba talagang problema?" Seryosong tanong ko kay Luis bago nameywang.
"Pre, gusto ko lang pasayahin ang gabi natin." Pagdadahilan nito.
"That's bullshit!" Biglang pagsigaw ko sa kanya. Bigla itong napatango na tila ba maghahamon ng suntukan. "Alam mo, kung may problema ka sa pagsasama ninyo ni Pat, pwede bang ayusin mo na lang? Eh sa ginagawa mo mas lalo mo lang pinalalaki ang problema eh!" Dagdag ko.,
"Bakit? Ano bang pakialam mo? Eh kung gusto kong mambabae, may magagawa ka ba---" Hindi ko na pinatapos pa ang gustong sabihin nito nang bigla ko siyang sinuntok sa kanyang mukha. Natumba ito at nung makatayo ay sinuntok din ako pabalik kaya tinamaan ako sa aking labi.
Muling sinuntok ko na naman siya at sinaktan. Iyong matatauhan siya. Agad naman kaming inawat ni Kiko at ng mga bouncer ng bar.
"Ganyan ba ang gawain mo kapag nakatalikod ang asawa mo?! Mambababae at idadamay mo pa ako sa kalokohan mo?!" Sigaw ko sa kanya pero muling sinunggaban na naman niya ako pero this time hindi na niya ako natamaan kaya siya ang muling nasuntok ko sa sikmura. Mabilis na hinawakan ko siya sa kwelyo pagkatapos.
"At oo! May pakialam ako!" Matigas na sabi ko sa mukha niya. "Kaibigan ko kayong dalawa ni Patricia! At hinding-hindi kita ito-tolerate sa kagaguhan mo!" Ganting sigaw ko sa kanya.
"What the hell is going on here?!" It's Patricia with Bettany and Ysa. Habang mayroong pagtataka sa kanilang mga mata.
Agad naman na itinulak ko papalayo sa akin si Luis at tinignan siya ng masama.
"Eh gago 'yang asawa mo eh." Sabay harap ko kay Patricia. "Wala na ngang respeto sa relasyon ng may relasyon, wala pang respeto sa'yo na asawa niya. Yayain ba naman akong mambabae!" Pagkatapos ay napailing ng mariin atsaka nag-walk out na sa harapan nilang lahat.
Walang lingon likod na lumabas ako mula sa loob ng bar kaya hindi ko napansin na agad din pala akong sinundan ni Ysa.
"Babe, can you please wait for me?" Napapikit ako ng mariin at unti-unting kumalma ng marinig ang boses ng mahal ko.
Lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"I'm sorry." Paghingi ko ng tawad sa kanya dahil sa nangyari.
Napailing ito bago kumalas mula sa akin. "It's alright, babe. What you did is right. Tama lang yun! Pasalamat nga sila at mayroon silang kaibigang katulad mo. And thank you for being so honest and loyal as always." Pagkatapos ay muling niyakap ako.
"Lika na? Uwi na tayo?" Malambing na sabi nito. "Ako na ang magmamaneho." Dagdag pa niya. "Para magamot na rin natin 'yang sugat mo."
Napatango ako at inabot sa kanya ang susi. Pinagbuksan ko na rin siya ng pintuan sa driver seat bago ako umikot sa kabila para makasakay na rin.