Ysa
I was in the middle of the conversation with one of my regular customer here sa restaurant, nang makita ko mula sa labas ang kararating lamang na sasakyan ni Nathan.
Napasulyap ako sa wall clock kung saan mayroong mga orasan mula sa iba't ibang mga sikat na mga bansa.
But syempre, doon nakatuktok ang mata ko sa oras dito sa Pilipinas.
Ang aga naman niya yata? Miss na miss ako agad? May pagka-feeling na tanong ko sa aking sarili. Mag-aalas nuebe pa lamang kasi ng gabi.
Agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa aking mga labi, bago ibinalik ang aking mga mata sa aking kausap.
"Well, congratulations, Ysa! You deserve it. Ilang taon mo na ring inaalagaan ang restaurant na ito kaya I know you deserve that opportunity." Pagkatapos ay hinawakan ako sa aking balikat.
Agad kong binigyan ito ng may pagkaalanganin na ngiti.
Alam kong nanonood sa amin si Nathan kaya pasimpleng inalis ko ang kamay nito na nakapatong sa aking balikat bago siya pinasalamatan.
"So, kailan ang alis mo? My family will miss you, Ms. Chef! Lalo na ako 'no?" Sabay tawa at kindat na sabi nito sa akin. Kahit na alam kong nagbibiro lamang siya ay naiilang pa rin ako sa paraan kung paano niya ako tignan palagi.
Ken and I are classmates since high school. Kaya lang dahil sa madalas kaming pagtagpuin ng tadhana na hindi ko rin alam kung bakit, kaya naging regular customer na namin siya rito sa restaurant. Lalong-lalo na ang family niya kapag may okasyon talaga ay dito sa restaurant ang kanilang takbuhan for celebration.
"Thank you, Ken, Don't worry, magagaling naman ang mga Chef na maiiwan dito." Wika ko sa as I close our conversation. "So, paano? I have something---"
"Ah, Ysa. Wait!" Putol nito sa akin bago may kinuhang isang maliit na box mula sa bulsa ng kanyang pantalon na suot.
Kunot noo na napatingin ako sa hawak nito bago napalunok at sandaling napasulyap kay Nathan habang napapailing.
Nathan warned me before na may gusto raw talaga sa akin itong si Ken. Kahit naman kasi ilang beses ko pa siyang iwasan, ay na-co-corner pa rin ako nito lalo na kapag kasama nito ang kanyang pamilya. Katulad na lamang ngayon na pati mom niya ay nalulungkot nung malaman na aalis ako ng bansa for two years.
"A little gift for you." Sabay abot nito sa akin at binuksan nito ang box.
Kusang nanlaki ang mga mata ko ngunit agad ko rin namang naitago. Isa kasi iyong mamahaling necklace na hindi ko alam kung magkano ang halaga.
Muling binigyan ko ito ng ngiti at patulak na tinanggihan pabalik sa kanya ang gusto nitong ibigay.
"Thank you, Ken." Napapatango na pagpapasalamat ko. "But I'm sorry, I don't think I can accept that.That's...that's too much." Mariing pagtanggi ko sa kanya.
Agad naman na nalungkot ang itsura nito.
"But w-why? It's a gift for you and---"
"Listen, Ken. I will not accept anything from you or anything from the other guys, dahil ikakasal na ako." Sabay pakita kong muli sa kanya ng suot kong singsing mula sa kaliwa kong kamay. "And you know that. I will get married soon and I want you to respect that." Dagdag ko pa bago napasulyap kay Nathan na ngayon ay mukhang napipikon na.
Tinignan ko siya ng 'I got this' look. Para hindi na ito mag-alala pa, at para na rin pigilan siya sa binabalak niya dahil kilala ko kapag si Nathan na ang nagalit, lalo't alam niyang nababastos na ako.
Ken scoffed said, "Hindi pa naman kasal ah. IKAKASAL pa lang." Bigay diin nito sa kanyang sinabi kaya muling ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya. "Look, Ysa. I can give you a bright future more than what he can give and offer."
This time hindi ko na napigilan pa ang mapatawa ng sarcastic. Anong akala niya sa akin? Yes! Mataas ang pangarap ko sa buhay! Pero hindi ako katulad ng iniisip niya na pwedeng masigaw sa mga mamahaling bagay at pera.
Pakiramdam ko, minamaliit at hindi niya ako nirerespeto. Lalong-lalo na ang pagkatao at relasyon ko.
"I'm sorry, Ken. But you and your family have to leave NOW." Maawtoridad na sabi ko sa kanya sabay turo sa exit ng restaurant. Nagtataka naman na napatingin sa amin ang kanyang buong pamilya. Lalong lalo na ang concern niyang ina.
Ngunit napangiti lamang ito ng parang siraulo pagkatapos ay dinuro ako.
"Tandaan mo 'to, Ysa. Pagsisisihan mong tinanggihan mo ako at pagsisisihan mong---"
Ngunit hindi na nito naituloy pa ang kanyang sinasabi nang mabilis ang mga hakbang na lumapit sa amin si Nathan at mabilis na binigwasan si Ken sa kanyang mukha.
Hindi man ito natumba pero agad na dumugo ang ilong niya.
Habang ako naman ay agad na hinawakan si Nathan at tinignan ng masama.
Hays! Sinabi na kasing ako ng bahala at kaya ko naman. Tigas ng ulo!
"Ano? Susuntukin mo ako pabalik? Baka nakakalimutan mo, ikaw 'tong binabastos pa si Ysa. Anong gusto mo? Manood lang ako? Tarantado ka pala eh!" Galit na sabi ni Nathan at lalapitan na naman sana niya si Ken nang pinigilan ko siya.
"Nathan, will you please stop?!" Bukod kasi sa sinabi ko na kaninang ako nang bahala, eh may ibang customer pa sa loob ng restaurant. But here we are again.
Pati mga kapatid at magulang ni Nathan ay nakialam na rin. Ako na lang ang nagpakumbaba at humingi ng paulit-ulit na tawad sa kanila. Pati na rin kay Ken na bastos at walang modo.
Nakakainis! Dapat nga siya ang humingi ng tawad sa aming dalawa ni Nathan, lalong lalo na sa akin.
"Dapat lang mag-sorry ka sakin. Tss!" Iyon ang sinabi niya sa akin bago mag-walk out at tuluyang lumabas na ng restaurant.
Habang si Nathan ay pinapasok ko na muna sandali sa office ko para kumalma. Hindi ko na muna rin siya sinundan dahil alam kong magtatalo lamang kami. Sinigurado ko muna na kalmado na kami pareho at nung matapos na ang lahat ng mga ginagawa ko bago ako pumasok sa loob ng office ko.
Walang kibo na kinuha ko ang aking bag at pati na rin ang ibang mga kailangan ko. Habang si Nathan naman ay walang imik na lumabas na ng restaurant at agad na dumiretso sa kotse.
Kahit sa buong biyahe ay kapwa kami binalot ng nakakabinging katahimikan. Walang may gustong magsalita sa aming dalawa.
Kaya pagdating na pagdating namin sa bahay, uupo pa lamang sana ako sa sofa nang biglang magsalita siya.
"Ayaw ko lang na binabastos ka ng kahit na sino sa harap ko." Sabi nito sa akin habang may nakayuko. Iyong parang bata na nagpapaliwanag dahil napagalitan ng kanyang nanay.
Napalingon ito sa akin bago ako binigyan ng isang malungkot na ngiti. "Kaya kahit kaibigan ko pa yan o kahit na sino, 'di ako magdadalawang isip na tablahin sila kapag ikaw na ang nababastos. Lalo na kung hindi marunong rumespeto sa relasyon ng iba." Dagdag pa nito.
Napahinga ako ng malalim, ayaw kong magsalita kasi siguradong mag-aarmalayt na naman itong bunganga ko.
"Eh ang gago naman kasi ng lalaking yun---"
"Kaya ano, makikipagbasagan ka na lang palagi ng mukha?!" Biglang singhal ko sa kanya.
"I'm sorry." Paghingi nito ng tawad bago lumapit sa akin at niyakap ako.
Pero dahil mataas pride ko mga sis, kaya hindi ako nagpayakap syempre. Hmp!
"Hindi ka naman dating ganito ha! But lately, nagiging mainitin na ang ulo mo. Kung dati nakokontrol mo pa ang galit mo, pero ngayon---" napahinto ako sandali. "Sinabihan na kasi kitang ako nang bahala, 'di ba?"
Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang itong napaiyak. Narinig ko na lamang ang sunod-sunod na pagsinghot nito.
"Babe, sorry. Hindi ko mapigilan lalo kapag naaalala kong magkakalayo tayo." Pagdadahilan n'ya. "Naiisip ko pa lang kasi, namimiss na kita agad ng sobra kaya minsan hindi na nagiging tuwid pa ang isipan ko."
Napapailing ako bago padabog na muling napatayo at agad ding nameywang.
"Nathan, kailangan mong magpakatatag. Ngayon pa ba tayo magkakagulo palagi kung kailan malapit na ang pag-alis ko? Ngayon ka pa makikipagbasan palagi ng mukha?" Hindi ko lang talaga mapigilan ang madismaya.
"Kaya nga ako nagkakaganito kasi hindi ko alam kung paano ako kapag umalis ka eh!" Muling pagdadahilan niya.
Napa-face palm ako.
"Kailangan mong kayanin, Nathan! Wag ka naman masyadong dumepende sa akin. Sabi mo ready ka nang magkapamilya tayo, then be a man and be strong enough for us! Hindi 'yung kung saan tumanda tayo, doon ka pa mas magiging pabebe kaysa sa akin." Pero kahit naman papaano naaawa pa rin ako sa kanya.
At isa pa, mahal ko lang din 'yung tao. Kaya walang nagawa na lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay niya.
"Tignan mo 'yang kamao mo! Daig mo pa ang teenager na basagulero. Ganyan ba ang ituturo mo sa mga magiging anak natin? Ang makipagbasagan ng mukha? Na kapag may problema magpapakalango sa alak? Tuturuan mo silang magpakamiserable?!"
Ngunit sa halip na makinig sa akin ay agad na tinignan ako nito ng diretso sa aking mga mata.
"Ang sakit mo na magsalita, babe. Please, tama na." Pagkatapos ay binawi nito ang kanyang kamay at tumalikod sa akin. "Alam ko ang ginagawa ko kaya please, wag mo'ko manduhan na parang ako ang nagsimula nitong nangyayari sa relasyon na'to!" Dagdag pa niya sa matigas na tono.
Hindi ko mapigilan ang mapasinghap kasi napapadalas yata ang pagtatalo at pagtaas ng mga boses namin ngayon sa isa't isa.
Pero bakit parang sinisisi niya ako na nangyayari sa amin ito ngayon? Akala ko ba okay na kami pareho sa pag-alis ko at napag-usapan na namin? Tsk!
Magsasalita pa sana ako nang tuluyang tinalikuran na niya at umalis na saharap ko. Pumasok ito sa kuwarto kaya agad na sinundan ko rin. Ngunit nagulat na lamang ako nang lumabas itong muli habang may dalang blanket.
"Sa sala ako matutulog." At pagkatapos ay padabog na isinara nito ang pinto.
Wala namang nagawa na napapailing na lamang ako.