Chapter 6 - Chapter 4

Nathan

"Teka lang wag mo akong tatalikuran please naman, kinakausap pa kita eh!" Pakiusap nito sa akin kaya natigilan ako at muling napaharap sa kanya.

Hindi ko lang kasi mapigilan ang hindi masaktan sa mga nalaman at naririnig ko ngayon mula sa kanya. Sa lahat ng bagay na pwede niyang gawin bakit iyong kasal pa namin?

Hindi ba siya excited na maikasal sa akin?

Ako lang ba ang may gusto nito?

Tapos ang gusto niya pansamantalang i-delay na muna namin ang kasal? Eh kailan kami magpapakasal?

Bakit hindi niya agad sinabi sa akin ang tungkol sa offer na natanggap niya? Bakit nagdesisyon siya kaagad na hindi man lang muna ito ipinapaalam sa akin?

Maigi na tinitigan ko siya sa kanyang mukha at diretsong tinignan sa kanyang mga mata.

"Babe, be honest with me," I paused for a moment. "Hindi ka pa handa, no?" Parang karayom na tumutusok sa dibdib ko habang binibitiwan ang katanungang iyon, dahil natatakot sa kanyang magiging sagot.

"You just love the idea of getting married, don't you? Pero hindi ka pa talaga ready na mag-settle at maikasal tayo." Dagdag ko pa.

Sandaling natahimik ito bago dahan-dahan na napatango bilang sagot sa akin.

Napalunok ako ng mariin. Pilit na itinatago ang lungkot na nararamdaman.

"Then why'd you say yes kung hindi ka pa pala handa?" Tanong kong muli nang may hinanakit sa aking mga mata.

I just can't help it. Masyado ko siyang mahal para hindi masaktan sa mga nangyayari ngayon.

"Dahil mahal kita!" Sagot nito sa akin. "Ayokong masaktan ka. Kaya nag-yes ako. At isa pa, Nathan, gusto ko naman talagang maikasal sa'yo. Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay." Dagdag pa niya

Napatango ako ng maraming beses habang napapa-face palm. Alam ko namang mahal niya ako at ramdam ko yun. Palagi niya iyong pinapakita at pinaparamdam sa akin.

Pero minsan, hindi sapat ang pagmamahal lang lalo na kung hindi ka naman niya kayang panindigan.

"Mahal mo ako, oo. Pero hindi ka pa talaga handa makasama ako hanggang pagtanda. You still have doubts, don't you?" Napapalunok na muling saad ko.

Ilang segundo itong natahimik, napaiwas din siya ng tingin mula sa akin bago napayuko.

"Nathan, marami pa akong gustong gawin sa buhay. Okay? Marami pa akong gustong tuparin na mga pangarap para sa sarili ko, not just for us. Hindi ba pwede na suportahan mo na lang muna ako---"

"YES! I will support you, of course! Because I love you." Putol ko sa kanya. "Babe, you have always my hundred one percent support. Pero--- pero hindi mo ba pwedeng gawin lahat ng mga iyon nang kasama ako? Kasi sasamahan naman kita sa lahat eh." Dagdag ko pa.

"Pero kasi--- k-kasi 'yung gusto mong mangyari ngayon, alisin ako sa buhay mo. Parang ang gusto mong mangyari, hayaan kita na hindi mo ako kasama. Ysa, nasaan ang TAYO doon?" Pagpapatuloy ko.

"Because as far as I know we're in this together. Magtutulungan tayo, 'di ba? Kaya nga ako nandito, para samahan ka. And our wedding babe---"

"I just want you to support me, that's it." Putol nito sa akin. "At hindi ako mawawala sa buhay mo, Nathan." Napahinga ito ng malalim.

Pilit na kinakalma ko na lamang ang aking sarili kahit na ang totoo ay ang sama-sama pa rin ng loob ko. Para lang hindi ko siya magawang masigawan o mapagtaasan ng boses. Para mahinahon at maayos ko pa ring maipapaliwanag sa kanya ang mga bagay na gustong sabihin at maintindihan niya.

"Babe, I will support you, hundred one percent. Of course, I will support you. But you just said earlier, gusto mong i-pause na muna ang kasal natin. Hindi ko maintindihan kung bakit. Kasi kasal natin yun." Napapailing na dagdag ko pa.

Hindi ko kasi matanggap. At kahit na ilang beses kong piliting mag-sink in sa utak ko, ayaw talaga. Pwede naman n'yang gawin lahat, pero wag naman na sana pati kasal namin, i-de-delay niya.

"In just four months aalis na ako, babe. Itutuloy naman natin eh. Pero ibigay mo muna sa akin 'tong opportunity na'to, please." Lumapit ito sa akin at marahan na hinawakan ako sa aking kamay. "Para rin naman ito sa atin. Two years lang, babe." Dagdag pa niya.

Sa totoo lang. Pinipigilan kong maluha sa harap niya. At kahit na mahirap at hindi ko alam kung papaano intindihin ang mga rason niya, pinipilit kong intindihin siya.

"Pero kasi Ysa, nag-propose ako sa'yo as a man, because I want you to be my wife. Ikaw 'yung nakikita kong kasama sa future. Handa na akong makasama ka sa future na yun eh, handa na akong maging asawa mo, maging ama ng mga magiging anak mo. Handa na akong ikaw ang magiging ina ng mga anak ko. Handa na akong magkapamilya kasama ka eh. At ayaw ko nang magsayang pa ng maraming oras o panahon. Ba't naman gano'n?" May hinanagpis na wika kong muli. Awtomatiko na lamang din na pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Ngunit mabilis ko itong pinunasan bago napatikhim.

Hinawakan ako nito sa pisngi at marahan na hinaplos habang nakatitig sa mga mata ko.

"I just want you to trust me, babe. Hindi ako mawawala sa'yo at yun ang sigurado ako. Ikaw at ako parin. Tayong dalawa pa rin." Mahinahon na pagpapaliwanag nito sa akin.

"Ibigay mo muna sa akin ito, please? At alam ko namang susuportahan mo ako. Promise, pagkatapos ng dalawang taon? Promise, cross my heart, magpapakasal na tayo." Pagkatapos ay malambing ako nitong niyakap. Napatangad siya sandali ngunit nananatiling magkadikit ang aming mga katawan.

"Alam ko namang gusto mo nang magka-baby tayo eh. Swear, babe. We'll get there. Pero sa ngayon, ito na lang ang gusto kong gawin bago tayo magsimulang magkapamilya. Hmmm? Please?" Paglalambing pa niya.

Sino ba naman ako para hindi siya suportahan. Sino ba naman ako para pigilan siya sa mga gusto niyang gawin at gusto pang abutin? Of course, I will support her.

As a man, I will always support my woman.

Pero hindi maaalis at hindi maiiwasang nasasaktan ako. Syempre, nakakalungkot na ma-a-adjust na naman ang magiging kasal namin.

Napahinga ako ng malalim bago siya niyakap na rin ng mahigpit pabalik.

"Alright, basta two years lang. Promise?" Ani ko.

Napatango siya at malawak ang ngiti na napataas ng kanyang kamay sa ere tanda ng kanyang pangako.

"Promise, babe." Pangako niya. "Yay! Thank you, babe. Thank you talaga. You're always the best!" Pagkatapos ay muli na naman akong niyakap.

Noong muling kumalas na kami sa isa't isa ay nahuli ko na lamang ang aking sarili naglalakad na palabas ng bahay.

"Uhh, babe? Where are you going?" Tanong ni Ysa sa akin. Napalunok ako at malungkot siyang binigyan ng ngiti.

"Just wanna have drinks with Kiko." Ang bartender na best friend ko. Napatango si Ysa bago tipid na binigyan ako ng ngiti. Mabilis na lumapit ito sa akin para bigyan ako ng halik sa pisngi.

"Be careful, okay?" Hindi ko na ito sinagot at dire-diretso nang lumabas ng bahay.

"I love you!" Rinig kong sigaw niya bago pa man ako makapasok sa loob ng sasakyan.

Malungkot na napapangiti na lamang ako sa aking sarili.

Sobrang natatakot lang akong mawala siya sa akin. Pero anong magagawa ko? Isa sa love language ko ay ang palaging suportahan siya sa mga pangarap niya at gusto niyang gawin, dahil palaging gano'n din siya sa akin.

Without Ysa, I don't think kaya kong maging successful na doctor. Kung wala siya, kung wala ang mga pagsusuporta niya at ang mga pag-mo-motivate niya sa akin, hindi ko alam kung nasaan ako ngayon o kung anong career ang meron ako ngayon.

Siya ang dahilan kung bakit mas pinili kong maging better person. Kasi gusto kong maging mabuting asawa sa kanya, gusto kong maging mabuting ama sa mga magiging anak namin.

Kaya kahit na mahirap para sa akin na i-delay na muna ang kasal, kahit na mahirap para sa akin na magkakalayo kami, titiisin ko. Titiisin ko kasi palagi naman siyang worth it.

Kung ang kapalit naman ng dalawang taon na paghihintay ay ang habambuhay na makakasama ko siya, maghihintay ako. At ibibigay ko sa kanya, kung ano ang gusto niya dahil mahal na mahal ko siya.