Chapter 5 - Chapter 3

Ysa

Maaga pa lamang ay umalis na ako sa restaurant para makapag-prepare ng maaga sa dinner namin ni Nathan. Nag-taxi na nga lang ako para mapabilis, kasi hindi rin naman ako nagdala ng sariling sasakyan kanina, hindi ba?

Magkasabay kaming umalis ng bahay at ngayon nga, i-susurpresa ko siya ng hapunan.

Dahil alam kong late siyang makakauwi kaya tinext ko na lamang din ito na huwag na niya akong sunduin at dumiretso na lang siya sa pag-uwi.

Pero hindi ko sinabi na nasa bahay na ako.

Habang papalapit ng papalpit ang oras ng kanyang pag-uwi ay mas lalo akong kinakabahan, at the same time ay mas na-eexcite sa ibabalita ko sa kanya.

"Babe!" Masiglang pagsalubong ko sa kanya nang makarating ito. Ako na rin ang nagbukas ng pintuan sa kanya at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap bago ito mabilis na hinalikan sa kanyang labi.

Noon naman iniabot nito sa akin ang isang bouquet ng tulips orange habang mayroong malawak na ngiti sa kanyang labi. Hindi rin maitago ang kinang sa kanyang mga mata. Halatang masaya siya na muli akong makita.

Hmmmm. Napapa isip din tuloy ako kung anong meron.

"Thank you, babe!" Buong puso na pagpapasalamat ko sa kanya.

Gosh! My all-time favorite flower.

"Anong meron babe?" Tanong ko kunwari bago ito hinawakan sa kanyang braso at iginaya na sa hapagkainan kung saan naka-ready na ang mga inihanda kong pagkain para sa kanya.

Narinig kong napatawa ito ng mahina noong makita niya ang ginawa kong konting decoration at iyong mga nakahain sa lamesa.

Mas naging malawak pa ang pag ngiti nito sa akin bago ako hinalikan sa aking noo.

"You made these?" Tanong nito. Agad naman na napatango ako at katulad nito ay mas naging malawak din ang ngiti ko. Parang gusto ko pa ngang magtatatalon sa saya eh. Hahaha.

Pero syempre, kailangan ko munang kalmahan at baka masyado na akong nagpapadala sa excitement na aking nararamdaman.

Lumapit ito sa bakanteng upuan at agad na ipinaghila ako.

"Thank you, babe." Muling pagpapasalamat ko sa kanya nang tuluyang makaupo. Umikot ito sa kabilang dulo ng lamesa at agad na naupo na rin.

Kapwa hindi maalis ang malawak na ngiti sa aming mga labi.

"Babe ha, ano bang meron? Bakit parang ang dami naman yata eh dalawa lang naman tayo." May pagdududang sabi nito sa akin.

Napatawa ako ng mahina.

"Dahil special ka?" Nakangiting sabi ko sa kanya. Ngunit pinagtaasan lamang ako nito ng kilay.

"Pwede bang kumain na muna tayo, babe?" Dagdag ko pa. Napatango naman ito.

At katulad nga ng inaasahan, masaya naming pinagsaluhan ang mga niluto kong putahe para sa aming dalawa.

Hanggang sa hindi na naman nito napigilan ang magtanong muli.

"I know something is going on, what is it?" Tanong ni Nathan muli habang umiinom ng wine mula sa kanyang baso.

Napangiti ako ng malawak. Inayos ang aking sarili bago siya tinitigan ng maigi sa kanyang mga mata.

"I have good news, babe!" Hindi maitago ang excitement sa aking boses at mga mata.

Malawak naman ang ngiti ang iginanti nito sa akin.

"Ako rin." Wika nito bago mapataas baba ng kanyang kilay.

Hindi ko mapigilan ang mapatakip sa aking bibig.

"Really?!" Kumikinang ang mga mata na dagdag ko pa at pakiramdam mo rin ay namumula na ang buo kong mukha.

"Sabay tayo?" Dagdag ko pa. Agad naman na Napatango ito. "O-Okay, in 3, 2, 1!"

"I resigned!"

"I received an offer in London as an assistant chef and I said yes." Churos naming dalawa ngunit mas nauna siyang natapos sa akin dahil mas mahaba ang sinabi ko.

Kapwa kami napatitig sa isa't isa habang may gulat na expression sa aming mga mukha.

Napanganga ako in disbelief na tila ba isang malaking joke para sa akin ang sinabi n'ya. At siya naman ay bigla na lamang nanahimik hanggang sa maging blangko ang expression ng kanyang mukha.

Napatayo ito sa kanyang kinauupuan.

"You what?! Nag-resigned ka?" Medyo napataas na agad ang tono ng boses ko dahil sa pagkabigla.

Hindi ito nakasagot agad at diretso lamang ang mga matang nakatingin sa akin. Napahinga na lamang ako ng malalim para kalmahin ang sarili.

"Nag-resigned ka ng hindi mo pinaalam sa akin?" Pag-ulit ko sa aking tanong bago napasabunot sa aking buhok at napahilot sa aking sintido.

"Yes." Tipid ngunit klaro na sagot niya. "Yes babe, I resigned. And that's because we've already talked about it, right? Once na matapos na ang pinapagawang clinic, which will be my own clinic, OUR clinic, mag-re-resign na ako." He scoffed.

"And you, you accepted the offer without even talking to me first?" Pag tanong nito sa akin sa kalmado pa ring boses. Ngunit halata na pinipigilan lamang nito na magalit.

Napalunok ako bago napatayo na rin, lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kanyang braso at pisngi.

"Babe, tinanggap ko na agad para wala nang ibang makakuha pa." Paliwanag ko sa kanya. "Also, it's our dream, isn't it? I have been wanting to get this offer for a long time and this opportunity is only once in a lifetime so...so I grab it right away. Sayang din kasi kung palalampasin ko pa ulit. " Dagdag ko pa.

"Babe, naiintindihan ko naman. Pangarap mo yun eh. Pangarap natin." Saad niya.

Ngunit mukhang hindi ito kumbinsido sa paliwanag ko kaya napapailing na lumayo siya ng konti mula sa akin.

"But what about the contract? Gaano katagal ang pinermahan mong kontrata? Because for sure you will fly to London immediately. And babe, ang layo no'n. Hindi kita basta-basta mapupuntahan." Nag-aalala na dagdag pa niya.

Sandali akong napayuko, kinakabahan sa magiging reaksyon niya. "In just four months, a-aalis na ako ng Pilipinas. Kaya baka next month, aayusin ko na rin agad ang mga papers---"

"W-Wait." Putol nito sa akin. "In just four months? Babe, are you serious?"

Napatango ako habang diretso ang mga matang nakatitig sa kanya. Habang siya naman ay napalunok at napapikit ng mariin.

"Babe naman! Bakit naman kasi hindi mo muna ako kinausap, desisyon nating dalawa dapat ito eh." Napahinga siya mas malalim.

"Babe, ikaw rin naman ha. Nag-resign ka ng hindi man lang pinapaalam sa akin muna." Pagdadahilan ko na hindi ko alam kung saan ko kinukuha.

Siguro dahil alam ko rin sa sarili ko na maling tinanggap ko agad ang offer nang hindi man lamang muna siya kinakausap. Isa pa, hindi ito ang inaasahan kong magiging reaksyon niya sa good news na ilang araw kong pinigilang sabihin sa kanya.

"Because I wanted to surprise you!" Wika nito. Napakagat ako sa aking labi.

"And so do I." Tugon ko.

Talagang sumasagot pa ako. Ako na nga itong may mali. Hmp!

Ngunit napatawa lamang ito ng sarcastic.

"So, papaano na 'yung kasal natin?" Tanong nito. Napapikit ako ng mariin.

Halata rin sa boses nito na nasasaktan na siya.

"Ako, nag-resign ako dahil gusto kong mag-focus sa'yo at sa paparating na kasal natin next year. Ayokong iaasa lang lahat sa wedding organizer natin, gusto ko maging hands on. And besides, ready na 'yung clinic na pinapagawa natin, ilang months na lang may sarili na tayong clinic which ilang taon na rin nating pinaghandaan, babe." He paused bago napahilot sa kanyang sintido.

"Pero ikaw, nag-resign ka para umalis ng Pilipinas. Tapos ano?" Dagdag pa niya.

Kagat labi na sandaling napatitig ako sa kanya bago nagsalita. Para kasing kasalanan ko lahat. Eh parehas lang din naman kaming may gusto pang gawin sa buhay ha.

Ayoko lang talagang palampasin ang pagkakataon na ito.

"Aalis ako pero para rin naman sa atin yun, babe." Pagdadahilan ko. Pero totoo naman, para naman talaga sa amin itong gagawin ko.

"At 'yung tungkol sa kasal, pwede bang i-pause na muna natin ang kasal?" Hindi ko alam kung paano iyon lumabas sa labi ko. Basta ko na lang ding nabitiwan at hindi ko na mababawi pa ito.

Napakurap siya ng maraming beses habang nagtitimpi na huwag akong masigawan. Nawawala na ang pagiging kalmado nito ngunit alam kong pinipigilan lamang niyang magalit sa harap ko.

"W-What? Babe, are you kidding me?!" Hindi makapaniwala na tanong nito sa akin.

"It's OUR wedding, Ysa. Hindi mo na nga muna ako kinausap tungkol dito sa offer at pagpirma mo agad ng kontrata, tapos ngayon sasabihin mo na i-pause na muna natin 'yung kasal? O-Okay ka lang ba talaga?" Pagkatapos ay walang sabi at napapailing pa rin na tumalikod ito, at bigla na lamang nag-walk out.