Chereads / The Lost Memories (Tagalog) / Chapter 17 - Chapter 17: Let Her Back

Chapter 17 - Chapter 17: Let Her Back

Dinig na dinig ni Shaina ang seryosong tinig ng kanyang ama sa kabilang linya.  Napakagat-labi lamang ito at halos hindi na makapagsalita.

"The HR Manager told me that you file a leave for two weeks. Is this true?" Tanong ng kanyang ama habang siya ay hindi mapakali sa kanyang kinaroroonan.

"Yes, Dad." Napapikit siyang sumagot at napahawak sa kanyang noo.

"I gave you already a job but here you just not take it seriously." Naiinis na saad nito sa kanya. "Where are you?"

"Sa bakasyunan, Dad." Napatitig siya kay Rachelle na nagtataka rin itong tumitig sa kanya. Sinenyasan niya lamang ito ng 'ok' para hindi masyado itong mag-alala sa kanya.

"Umuwi ka ngayon na!" Nagulat siya sa sinabi ng ama kaya muling napakagat-labi.

"Dad?" Pag-aalma pa ni Shaina subalit hindi ito pinansin ni Mr. Castellejo.

"Umuwi ka na. Huwag mo hahayaang na hanapin ka namin at kami mismo ang magsusundo sa'yo, Shaina." maotoridad na sambit pa nito. Napaikot ng mata sa kawalan ang dalaga.

"Fine. I will pack my things now." Hindi na siya nagpaalam pa at binababaan na niya ng tawag ang ama.

"Aalis na po kayo, Ate Beauty?" Nag-uusisang tanong ng dalagita sa kanya.

Nilapitan niya ito kasabay ng pagtango. "Yes, my dear. Pero babalik pa naman ako rito eh sa mga susunod na buwan."

"Ang tagal pa niyon, tzk." Reklamo nito at tipid na ngumiti ang dalaga.

"Hindi pa naman sana ako aalis kung hindi pa tumawag ang magulang ko. Pupunta pa sana tayo sa beach resort para mamasyal ulit kaso heto." Hinimas ni Shaina sa ulo ang dalagita.

"Huwag kayong mag-alala babawi ako sa inyo next time, ok?"

Tumango lamang ito saka sabay silang pumasok ng bahay at nakasalubong pa nila ang dalawa na sina Rianna at Rhiel. Nilapitan ito ni Shaina.

"Uuwi na muna si Ate Beauty niyo." bungad ni Shaina sa mga bata.

Mabilis na tumugon ang mga ito, "Bakit po?"

Maya-maya dumating rin si Wenilda at si Ralph. Nilingon niya ito at nagpaalam nang uuwi na siya sa kanilang mansion.

"Biglaan yata." sabi nito.

"Oo nga po eh pero babalik naman ako ulit sa susunod na mga buwan." Napatango ang ginang at umalis ito saglit saka may inabot sa kanya.

"Desert. Dalhin mo pag-uwi." Napangiti naman ang dalaga. Napakaalalahanin kasi ng ginang.

"Sige po, maraming salamat."

"Ate Beauty, nangako ka sa amin na babalik ka rito." saad sa kanya ni Rianna at pinisil nito ang pisngi.

"Oo naman. Pangako ko 'yan sa inyo." Nakipag-apiran siya sa mga bata na ikinatuwa rin ni Ralph na nakamasid lamang sa kanya sa di kalayuan.

Ngayon, nag-iimapake na ng mga gamit si Shaina dahil maya-maya ay lilisanin na niya ang lugar. Napabuntong-hininga siya. Nakakaramdam ng pagka-miss sa bahay na ito. Walang kakaibang saya ang naranasan ng dalaga ikumpara sa buhay na kanyang kinigisnan.

Mga ilang sandali pa ay natapos na rin ng dalaga at pag-aasikaso ng mga gamit. Lumabas na siya kaagad ng kwarto at saktong niyaya siya ng ginang na kumain ng meryenda.

"Halika, Shaina samahan mo na kami kumain ng hapunan." Iniwan saglit ng dalaga ang maleta at sumunod sa ginang.

"Ate Beauty!" Sigaw sa kanya ng mga bata. Ngumiti lamang siya bago umupo sa bandang kaliwa ni Ralph.

"Heto, banana cue." Inilahad sa kanya ni Wenilda ang inihanda nitong kakanin.

"Salamat po." Saka, niya nilasap iyon at kumuha pa ng iba. Napansin niya na panay ngisi ng lalaki sa kanyang tabi. Tinignan niya ito nang masama.

"Miguel!" Sinuway siya kaagad ng kanyang ina.

"Ano sa'kin, Ma?" Nagmamaang-maangan na tanong pa nito pero kaagad na rin siyang tumigil.

Nang makapag-paalam na si Shaina sa mga bata pati kay Wenilda, bagsak ang kanyang balikat habang naglalakad palabas ng gate. Inalalayan siya ni Ralph lalo na sa pagbuhat ng kanyang maleta.

"Thank you." Tipid niyang saad rito at akmang bubuksan na ni Shaina ang kotse nang bigla siyang nagsalita ang binata.

"Hindi man lang ba tayo, magkakabati bago umalis?"

Mga ilang segundo pa bago nilingon ito ni Shaina. Napag-isip-isip niya pa rin na hindi tama na balewalain si Ralph dahil naging matalik na magkaibigan na sila nito. Ayaw niyang masira at mawalan siya ng isang kaibigan katulaf ng binata. Na-aappreciate na niya ang pagiging mabuti na nito sa kanya.

Hinawakan saglit ng dalaga ang magkabilang balikat ni Ralph na ikinagulat nito. Natulala siya bigla at naestatwa sa kanyang kinatatayuan habang pinapakinggan ang sinasabi sa kanya ni Shaina.

"Apology is accepted." Tipid pa ring sagot niya kay Ralph. "I have realized that you're just concerned about me as a friendly. Don't upset with it anymore. I can handle this." Napatingala sa langit si Shaina habang sinasabi iyon dahil pagpipigil pa rin siya ng luha. "Ayaw kong maging burden pa kayo sa pinagdaraanan ko." She said.

Ramdam ni Ralph na naging emotional nanaman si Shaina. Ang tanging magagawa niya lamang ay damayan ito sa halip na magbigay ulit ng payo katulad ng dati.

Kaagad na pinahiran ng binata gamit ng kanyang palad ang luhang tumulo sa mata ng dalaga at hinayaan lang siya nito.

"Huwag ka ng umiyak. I hate seeing someone in front of me crying emotionally." Napangisi saglit ang dalaga sa kanyang sinabi.

"Why?" Napalinga-linga sa paligid si Ralph dahil di na niya kayang titigan ng diresto si Shaina.

"Basta!" saad nito ng hindi pa lumilingon.

"Ang hina mo naman kung ganoon." Dinig ng binata dahilan para halikan nito ang palad ng dalaga. Nagulat si Shaina rito at hindi rin makagalaw.

Kalaunan, lumayo siya sa binata. "What are you doing?" Tinaasan siya nito ng mata.

"Good bye kiss lang iyan mula sa isang kaibigan." Halos magkabulol-bulol siya nang sabihin iyon. "Ikaw kasi sinabihan mo akong mahina. Akala mo sa akin!"

Tumawa saglit ang dalaga. "Anong nakakatawa doon?"

"Wala! Anyway, nami-miss ko kayong lahat dito." Malumanay na pahayag ni Shaina na halos ayaw niya ng umalis sa lugar at doon na lang manatili.

"Babalik ka pa naman dito di ba?"

"Oo pero matagal-tagal bago makapunta ulit dito." nakangiwing saad ng dalaga. Muli itong huminga nang malalim. "Eh, paano 'yan aalis na ako. See you all soon." Iginawayway ng dalaga ang kanyang kamay bago pumasok sa loob ng kotse.

"Mag-iingat ka, Shai." Napalingon at natigilan siya nang itawag siya ng ganoon ni Ralph pero di na niya kaagad pa pinansin 'yon.

Ala-siyete na ng gabi nang makarating na sa bahay si Shaina. Kaagad siyang nagtungo sa kwarto para mailagay ang maletang dala niya bago magtungo sa kusina.

Maya-maya hindi niya inaasahan na narito ang kanyang magulang na tahimik na kumakain ng dinner.

"Finally, you arrived." saad ng kanyang ama. "Bakit gabi ka na nakarating?" Panenermon agad nito sa kanya.

"Pauleen, kumain ka muna." Kasabay ng pag-alok sa kanya ng ina ng pagkain.

"Someone said that you stayed with them again." Binigyang-diin ng kanyang ama ang huling salita. "All I thought you are just staying in hotel alone. Nalaman ko na lang na nakikitulog ka pala sa mga....." hindi masabi-sabi ng kanyang ama ang salitang 'hampas lupa' sa harapan ng kanyang anak.

"Dad, ano masama kung makitulog ako sa kanila? Saka, napakalaki ng utang na loob sa kanila. Kundi dahil sa kanila, makikita niyo pa kaya akong buhay ngayon?" Hindi na mapigilan ng dalaga ang sagutin ang kanyang ama. Wala silang ideya kung gaano kalaki naitulong ng pamilya ni Ralph sa kanya lalo nang mawala ang lahat ng alaala niya.

"Just stay away from them!" Natigilan si Shaina sa pahayag ng ama.

"Dad!" Pagtatanggi pa ng dalaga.

"Sumunod ka na lang sa ama mo, Pauleen. Para ito sa kapakanan mo ang iniisip namin."

Hindi maintindihan ng dalaga ang pinagsasabi ng mga ito sa kanya. Parang masamang tao ang tingin nila sa pamilya ni Ralph. Bahagya siyang nalungkot at nawalan ng gana ng kumain.

"I have to go." Isang malamig na tinig ang iginawad ni Shaina sa kanyang magulang. Kaya na lang siguro kanina, hirap siyang ihakbang ang mga paa palabas ng gate dahil dito.

Mga ilang sandali pa ay nakatanggap siya ng text message kay Ralph.

"Nakauwi ka na ba?" Kaagad niya itong sinagot.

"Yes. I have done eating my dinner too." Pagkatapos niyon pilit na ni Shaina makatulog dahil bukas babalik nanaman siya ulit sa trabaho.

Pagkasapit ng alas-diyes ng umaga nakatanggap siya ng mga bulaklak at sabi ng kanyang sekretarya na galing raw ito kay Brixton. Paano nalaman nito nakabalik na siya?

"Pakilagay na lang siya sa vase." Kaagad niyang utos rito. Hindi niya nagawang hawakan ang bulaklak dahil mas nakatutok siya sa trabaho.

Maya-maya ay biglang tumawag sa kanya ang boyfriend pero hindi niya ito sinagot. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa kanya ang ginawa nitong pagbabalewala.

Nagpa-extend ng isang oras sa trabaho si Shaina kaya't ala-sais na ng gabi siya nakalabas ng opisina. Kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa kotse nang may yumakap sa kanya. Si Brixton. Malakas siyang kumawala sa bisig ng binata.

"Shai, please naman oh mag-usap tayo." Pilit itong lumalapit sa kanya at hawakan ang palad niyo pero kaagad lumalayo si Shaina.

"I'm busy." Walang gana niyang saad.

"Busy? Come on. Ayaw mo lang makipag-usap sa'kin."

Bakas sa mukha na ni Brixton ang pagkabigo na magkasundo sila ng dalaga. Inaamin na niya ngayon sa sarili na nahulog na ang loob nito kay Shaina. Nakaraang gabi lang niya na-realized iyon na hindi makita ang dalaga ng ilang mga araw. Nakaramdam siya ng pagka-miss rito at ang laking tuwa niya na nakauwi na ito sa kanilang mansion.

"Please, padaanin mo na ako." Nakaharang kasi ang binata sa pinto ng kotse.

Hinayaan na lang ng binata si Shaina sa halip na pigilan pa ito.

"Wala na ba talagang pag-asa?" Tanong ni Brixton habang papasok na sasakyan si Shaina.

"Umalis ka na, Brix." Iyon lang ang tanging nasabi ng dalaga saka isinara na ang pinto ng kotse.

Napahilamos ng mukha si Brixton sa pilit na pag-iwas pa rin sa kanya ni Shaina.

Binalak nanaman niya muli magpunta ng bar at niyaya ang kapatid nito. "I'll wait you there." huling sambit niya saka nagtungo sa kanyang sasakyan.

Lasing na lasing nang umuwi si Brixton sa bahay nito kasama ang kapatid na si Berry.

"You're stupid." sabi pa nito. "Brix naman gumising ka na diyan sa kahibangan mo."

"Anong magagawa ko kung mahal ko siya brad." Lasing na saad ni Brixton.

"Nak ng tipaklong. Paano natin magagawa ang plano?" Kita kay Berry ang pagkadismaya sa kapatid.

"Ako na ang bahala...."

Sa halip na sumagot ito, iniwanan na lang niya sa sofa si Brixton at isinarado ang pinto ng bahay. Labis ang pagkainis na naramdaman ni Berry. Nasira ang plano dahil sa bwis*t na love na 'yan.

Kinabukasan, akala ni Shaina tumigil na si Brixton sa kahahabol sa kanya. Nakita niya itong nakaabang na pala sa labas ng kanilang bahay. Nakatayo lamang ito habang hinihintay siya at di alam ni Brixton, gamit ni Shaina ang kotse nito.

Mga ilang sandali ay ipinarada ng dalaga ang sasakyan sa isang parking lot. Kaagad siyang bumababa at nakasalubong nanaman niya si Brixton.

"Brix, itigil mo na." Pakiusap ng dalaga sa binata subalit hindi nagpatinag ito.

Bigla na lamang ni Brixton si Shaina nang mahigpit. "Na-missed kita, Shai." Bulong nito. "I'm sorry kung nasaktan kita. Can you give me a chance?" Pagsusumamo ng binata subalit bigo pa rin siya nang kaagad lumayo ng kalahating metro si Shaina sa kanya.

"Sorry, Brix. Nasaktan mo rin ako at hindi ganoon kadali para patawarin ka." Nagpipigil lamang ng luha ang dalaga habang binibitaw ang katagang 'yon.

Maya-maya ay unti niyang tinalikuran ang binata at naglakad palayo subalit nahinto siya nang magsalita muli si Brixton.

"Ano ba dapat kung gawin para mapatawad mo na ako, ah? Sabihin mo lang at gagawin ko." Napapikit ng mata si Shaina bago tuluyang naglakad palayo sa kinaroroonan ng kasintahan.

Sumunod na mga araw, hindi na nagparamdam sa kanya ang binata dahil maaaring napagod na ito kakahabol sa kanya. Halos limang araw itong pabalik-balik sa parking lot at nagpapadala ng mga gifts sa kanya sa opisina. Masasabi niyang napagod na si Brixton, kakasuyo sa kanya.

Bumuntong-hininga siya nang simulan muli maglakad papasok ng building. Pagkatapos, dumiretso na siya sa opisina at bumungad sa kanya ang isa sa staffs ng marketing.

"Ma'am, nagkaroon po tayong problema sa sales ng ating kape." bungad nito sa kanya na kaagad ikinakuot ng kanyang noo.

"Why, what happened?" Tanong niya habang nilalapag ang mga gamit sa sofa.

"I don't know, Ma'am basta nakita na lang namin na naging zero balance ang sales natin sa market."

Nagpatawag ng meeting si Shaina sa marketing staffs para pag-usapan ang naging problema sa sales. Kinakabahan siya lalo na siya ang nagha-handle nito.

"Sana, hindi muna malaman ito ni Mom and Dad." bulong niya sa kanyang isip. Dahil sa kanyang kapabayaan, malulugi ang kumpanya pero ang kanyang ipinagtataka ay wala man lang alam ang ibang departamento ukol dito.

"Hindi pa po namin ipinapaalam, Ma'am hangga't wala kayong sinasabi." Napatangu-tango lamang si Shaina sa sinabi ng staff.

"Tama na hindi niyo muna inilahad ang tungkol dito. Huwag kayong mag-alala magagawan natin ito ng paraan."

Pagkatapos ng pulong, kaagad bumalik ng opisina si Shaina para ayusin ang problema. Naupo siya bench at nagpatuloy sa pag-isip ng resolution sa problema ng sales ng kanilang kumpanya.

Gabing-gabi nang nakalabas ng office si Shaina. Dama na niya ang pagod at antok kaya muntik na siyang mapatapilok sa kanyang dinaraanan. Sa kanyang paglalakad, nagising diwa niya nang makita si Brixton na nakasandig sa kanyang kotse at hinihintay siya.

Palinga-linga siya habang naglalakad kunwari hindi pa niya ito nakikita.

"Why are you so late uh?" Sermon kaagad ni Brixton nang makalapit na siya sa kanyang sasakyan. Nagulat siya na nag-alala ng ganito ang boyfriend o sadyang di lang niya napansin.

"Sobrang busy ako sa office ngayon."

"Lagi naman." Nakangising saad nito.

"Iba ngayon." Pataray na tugon ni Shaina sa binata.

"Ok..." maikling sagot nito pero pilit niyang tinulak ang binata palayo sa kanyang kotse. "I'm sorry." Bigla siyang nakaramdam ng pag-alala rito. "I have to go." saka sinarado ang sasakyan at pinaandar ito.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ni Shaina bigla na lamang napahinto siya sa kanto. Napansin niyang may mali sa kanyang kotse. Maya-maya kaagad siyang bumababa at nakitang plot ang kanang gulong nito. Napabuga siya ng hangin sa kawalan.

Sumunod, biglang may dumating na sasakyan. Tinignan niya lang ito at wala siyang balak na pumara. Hihintayin na lang niya na sumapit amg umaga bago siya pumunta sa isang malapit na vulcanizing shop dito.

Mga ilang sandali may isa pang dumaan na kotse sa kalsada kasabay ng unti-unting pagpatak ng ulan. Papasok na sana siya sa loob nang may tumawag sa kanya.

"Shaina." saad ni Brixton dahilan para lingunin niya ito. Naglakad ang binata palapit sa kanya at napansin nito ang plot na gulong ng kotse ng dalaga.

"Bakit narito ka sa labas tumatambay? Umaambon oh." Turo nito sa bawat pagpatak ng ulan sa kanyang kamay.

"Ano paki mo?"

"Shaina. Please stop nagging? Hanggang dito ba naman." Nagagalaiti ng tugon ng binata pero nilapitan niya ang dalaga pero pilit itong lumalayo sa kanya.

Kaagad kinulong ni Brixton sa kanyang mga braso si Shaina. Nagulat ang dalaga sa ginawa nito. Hindi siya makagalaw. Nanatili lamang silang nakatitig sa isa't isa. Maya't maya pa bumilis naman ang tibok ng puso ni Shaina dahilan na mas lalo hindi siya mapakali sa kanyang kinatatayuan.

Mga ilang sandali pa ay kaagad na ninakawan ng halik ni Brixton si Shaina sa gitna ng paunti-unting pagpatak ng ulan. Hindi na nakatanggi pa ang dalaga at kaagad niyang tinugon iyon.

"I love you, Shaina." saad ni Brixton sa kanyang nang magkahiwalay sila saglit. "Sorry sa nagawa ko. I'll promise that never do that again. Mas alagaan kita at mamahalin pa higit pa sa noon."

Napakingiti ang dalaga sa sinabi iyon ng binata. "Talaga?"

"Oo. Bakit nagdududa ka pa rin ba?"

"Hindi naman." mabilis na saad ni Shaina.

"Thank you." Niyakap siya ni Brixton nang napakahigpit at muling nagdikit ang kanilang mga mukha at nagdampian ang kanilang mga labi.

Hindi hadlang sa kanila kung mabasa man sila ng ulan ng gabi iyon ngunit ang mahalaga ay napatunayang mahal na mahal pa rin nila ang isa't isa.