Dalawang linggo ng lumipas nang magkasundo sina Brixton at Shaina. Pinatawad na ng dalaga ang binata dahil mahal na mahal niya ito. Hindi na niya mapigilan ang iwasan ng ganoon pa na katagal ang kasintahan.
Kaya't narito si Shaina sa kanyang opisina abala sa pagliligpit ng ilang gamit bago lumabas ng conference room na kung saan katatapos lang din ang kanilang meeting kasama ang mga marketing staffs.
Pagkalabas niya ng building, nagtungo siya sa parking lot at napansin niya kaagad si Brixton na nakasandal sa kotse nito. Tila, matagal na itong naghihintay sa kanya.
"Kanina ka pa?" kaagad na bungad ni Shaina na nakaagaw ng atensyon sa binata kaya nilingon siya nito.
"Medyo..." hindi siguradong sagot ni Brixton dahil ayaw niyang pag-alalahanin pa ang kasintahan kung sasabihin nitong matagal siyang naghintay sa kanya.
"Ok, let's go?" panyayaya na ni Shaina sa binata na kaagad itong sumunod sa kanya.
"I'm sorry kung naghintay ka pa rin ng katagal." paghihingi ng tawad nito sa binata ng may pag-alala.
"Ayos lang. Ano ka ba, Shai?" saad ni Brixton. "Anyway, we have a date this coming evening."
Biglang napalingon si Shaina sa kanyang kanan dahil nagulat siya sa sinabi ng binata. "This evening?" paninigurado niyang tanong baka kasi nagbibiro lang si Brixton sa kanya.
"Yes." maikli ngunit isang masiglang sagot ng binata. "Why?"
"I'm not prepared for this, Brix. Dapat sinabi mo sa akin kanina na yayain mo ako ngayon para naman makapag-ayos ako at di nag-overtime sa work." paliwanag ni Shaina na may kaunting frustrations dahil sa hindi man lang niya pinaghandaan ang special na date nila ng kanyang kasintahan.
"You don't have to do that. Ayos na 'yan. Hindi mo na kailangan magbihis nang maganda." paliwanag rin ni Brixton sa dalaga. "Then, I told your parents that we have a date so you can't go home right now. Alam kong hahanapin ka na nila kaya nagpaalam na ako?"
"Really, pumayag sila?" tumango lamang ang binata. "Ano sinabi mo para pumayag sila?"
"I just said that you can't go home at this evening after the date. I also told them that we would stay at our mansion with my parent." muling pahayag ni Brixton.
"Alright. May I know where are we supposing to date?" tanong ng dalaga subalit hindi siya sinagot ng binata at biglang mas binilisan nito ang pagtakbo ng sasakyan.
"Hey, Brix. Can you please drive slowly? Baka mapano tayo niyan lalo na medyo madilim ng daan." babala ng dalaga pero di siya sinunod ni Brixton.
Maya-maya pa ay nakarating sila sa isang residential area rin katulad ng kanila. Huminto ang sasakyan sa may tabi.
"We're here." dinig niyang saad ni Brixton saka itong nagmadaling bumababa ng kotse kaya naisipan na rin ni Shaina lumabas na rin.
Bumungad sa kanya ang may katamtamang laki ng bahay.
"That's my house." bulong ng binata sa kanya. "Dito ako tumutuloy galing trabaho at minsanan lang ako umuwi sa mansion namin."
"Really? Hindi mo sa akin sinabi ng may sarili ka palang bahay." nakangising tugon ni Shaina sa kanya.
"Sinabi ko na sa'yo noon at dinala na kita rito." nagulat sandali ang dalaga sa kanyang narinig. Dinala na siya rito noon ni Brixton kaya ganoon na lang ang naging pakiramdam niya nang makita ang bahay.
Samantala, sandaling binuksan ni Brixton ang gate at pinatuloy ang dalaga. "Pasok ka."
Maya-maya pa ay may hinablot ito sa bag na isang scarf. Nagtataka si Shaina na kung bakit may hawak si Brixton niyon at pinatupi ito.
"Blindfold. This is a surprise date kaya dapat di mo muna siya makita." habang sinusuot na niya ito kay Shaina.
"Paano ako makakalakad nito di ko makita ang daraanan ko?" mabilis na tanong ng dalaga.
"Don't worry. I'm here to guide you, ok? Hindi kita hahayaan na madapa." Napatango-tango lamang si Shaina bilang sagot. "Halika na."
Inalalayan mabuti ng binata ang dalaga papasok ng bahay. Walang ideya ang dalaga ang nakapaligid sa loob at di niya ring mapansin ang kanyang dinaraanan na may mga petal ng bulaklak sa sahig. Sa sampung minuto na paglalakad, kaagad nang inalis ni Brixton ang nakatakip sa mata ni Shaina. Unti-unti minulat ng dalaga ang mga mata hanggang magulat ito nang makita ang nakahandang pagkain sa mesa. Napansin rin niya ang mga bulaklak sa sahig na nakakalat at makikintad na ilaw sa kanilang palibot.
"Do you like it?" tanong sa kanya ni Brixton na may malapad na ngiti sa kanyang labi.
"Yes. Very romantic." Kinikilig na saad ni Shaina.
"I'm glad to hear that. Anyway, are you hungry now?" tanong ng binata saka pinaupo ang dalaga sa katabi ng table.
"Yeah. My stomach is starving. Hindi ko lang gaano maramdaman kanina dahil na-surprise ako ng todo sa inihanda mong date." magiliw na pahayag ni Shaina.
Hindi niya talaga ito inaasahan lalo pa walang sinabi sa kanya si Brixton. Sobra siyang kinilig sa ginawa ng kasintahan. Masasabi niyang bumabawe nga ito sa kanya at ipinapatunayan na mahal rin siya nito. Siguro, naging paranoid lang talaga siya ng mga nakaraang araw.
"Alright." Napangisi ang binata dahil sa tuwang nararamdaman dahil nagustuhan ng kasintahan ang kanyang surpresa. "Here." turo nito sa isang pagkain na isa sa paborito ni Shaina, ang carbonara.
"Thanks." Nakangiti ring sagot ng dalaga pero wala siyang ideya na iyon ang pinakapaborito niyang pagkain. "Delicious." muling saad nito pagkatapos namnamin ang pagkain.
"Carbonara is your favorite food." Natigilan si Shaina sa sinabi ni Brixton. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
"Really?" Tumango lamang si Brixton bilang tugon.
"I can't believe this." Kita pa rin sa mukha ng dalaga ang pagka-amazed sa kanyang nalaman. Dahil dito, mas nagkaroon tuloy siya ng motivation para ipagpatuloy ang self-therapy niya para bumalik na kaagad ang kanyang mga alaala.
Maraming pa silang napag-usapan habang kumakain hanggang sa nabusog na sila pareho. Mga ilang sandali may ipinatugtog na isang romantic song si Brixton.
"Can I have this dance?" Bigla ni Brixton kay Shaina habang napatakip ito ng bibig.
"Yes." masayang tugon ng dalaga saka tumayo at samahan na sumayaw ang binata.
"We can enjoy all night together." bulong ni Brixton kay Shaina at napangisi lamang siya.
Pagkalipas ng ilang minuto, unti-unti nang maglalapit ang kanilang mukha hanggang sa magdikit na ang labi. Mabilis na tumugon si Shaina at mas lalo pa niyang inilapit ang sarili sa katawan ng lalaki.
Mga ilang sandali pa ay mas lumalim ang halik at nagtungo ang dalawa sa isang madilim na kwarto. Inilapag ni Brixton si Shaina sa malambot niyang kama habang patuloy lamang sa kanilang ginagawa.
Kinabukasan, napansin ni Shaina na magkatabi pala sila ng kanyang kasintahan sa kama. Nakapulupot pa ang braso nito sa kanyang katawan. Walang nangyari sa buong gabi na iyon. Tanging yakap at halik lang ang ginawa nila. Hindi siya papayag na may mangyari kaagad sa kanilang dalawa ni Brixton kahit sobrang mahal niya ito.
Dahan-dahan na inangat ni Shaina ang brasong nakapulupot sa kanyang katawan. Balak na rin niyang tumayo para magluto ng almusal. Ngayon, magagamit na rin niya ang kanyang lahat natutunan kay Tita Wenilda.
Diretso siya kaagad ng kusina at nagtimpla ng isang mainit na chocolate drink saka nagsimulang nagluto. Pagkatapos ng ilang minuto, malapit na niyang matapos ang pagprito ng hotdog nang biglang may yumakap sa kanya.
"Good morning, babe." Isang matamis na pagbati muli sa kanyang kasintahan.
"Good morning too, babe. Let's eat?" Kasabay ng pagyaya ng dalaga rito.
"Tamang-tama, nagugutom na rin ako." sabik nang kumain ang binata na tila isang araw di kumain dahil gutom na gutom.
Tinawanan ito ni Shaina pagkatapos kaya natigilan saglit si Brixton sa pagkain. "Dahan-dahan lang, Brix baka mabulunan ka." saad ng dalaga habang nagpipigil lamang ito sa pagtawa.
"Can you please stop laughing at me?" Napipikong reaksyon ni Brixton. "The more I see you're dimples when smiling it's makes me falling inlove with you more."
Natigilan si Shaina sa kanyang narinig at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Muli nanaman siyang kinilig sa mga salitang binibitawan ni Brixton.
"You're blushing, babe." Kaya, mas lalo hindi magawa ng dalaga na tumitig pa sa gawi ng lalaki. Pakiramdam niya kasing pula na ng kamatis ang buong niyang mukha.
"No." Pagdi-deny niya pa rin habang nginisian lamang siya ng binata.
Pagkatapos nila kumain ng breakfast kaagad namang hinatid ni Brixton si Shaina sa bahay nito at bumalik kaagad siya sa bahay. Natigilan siya nang makita nito si Valerie sa harapan ng kanyang bahay. Bumababa siya saglit ng kotse at nilapitan ito.
"I saw you two. Alam kong dito rin siya natulog kasama mo. How dare you lie to me, Brix!" Galit na bungad sa kanya ng dalaga. "Akala ko ba nagpapanggap ka lang na boyfriend niya pero ano 'tong nakita ko kanina?"
"Can you please calm down?" malumanay na tugon ni Brixton rito.
"Papaano ako kakalma na may ibang babae kang kasama buong gabi, ah! Siya na ba mahal mo?" Muling bulyaw sa kanya ni Valerie pero bakas na sa binata ang konting pagkainis.
"Valerie, please? Let me explain." Sinubukan ni Brixton na kausapin nang maayos ang dalaga subalit patuloy lamang ito sa pag-rant.
"Wala ka na dapat ipaliwanag, Brix. Kitang-kita ko kung gaano kalapad ang ngiti mo nang magkasama kayo ni Shaina. Bakit hindi mo na lang aminin na nahulog na ang loob mo sa kanya?"
Gusto man sabihin ni Brixton ang totoo pero mas pipiliin niya pa rin ang magsinungaling. Lalo lamang gugulo ang lahat. Iyong plano gagawin pa rin niya naman pero sa ibang paraan. Nahulog na nga ang kanyang loob kay Shaina kaya't ang feelings niya para ito ang tanging daan para maging maayos pa rin ang lahat. Magpapakasal silang dalawa, magiging bahagi na rin siya ng assets at properties nito sa kumpanya at makikinabang rin ang kanyang magulang at mga kapatid. Pero, mas mananaig pa rin ang kanyang nararamdaman para sa dalaga. Na-realized niyang halos di na siya mapalagay nang malayo si Shaina sa kanya kaya't ayaw na niya makagawa ng bagay na magdudulot nanaman ng kanilang pag-aaway.
"It's just part of the plan, ok? Muntik nang masira ang plano kaya gumawa kaagad ako ng paraan para akitin siya pabalik sa akin." Paliwanag ni Brixton at nakita niyang hindi naniniwala si Valerie sa kanya.
"Sa palagay mo maniniwala pa ako sa isang tulad mo na babaero?" muling sigaw ni Valerie sa kanya. "Nagagawang lokohin at pagsabayin ang mga babae?"
"Valerie, matagal na 'yon. Ikaw na lang ang mahal ko." Patuloy pa rin si Brixton sa pagkukumbinse sa dalaga. Buo ang kanyang tiwala na makukuha niya kaagad ang loob nito. Ganito siya kagaling pagdating sa panliligaw sa mga babae noon.
"Bakit kaya hindi ko na lang sabihin lahat kay Shaina ang tungkol sa'tin, what do you think Brix?"
"Don't." Kaagad na pagtanggi ni Brixton kay Valerie. Bigla siyang kinabahan roon.
"Why you look so tense, uh?" Sa halip, ninakawan niya ng halik si Valerie at itinulak ito papasok ng kanyang bahay. Mga ilang sandali ay humiwalay siya rito.
"Ano, magdududa ka pa ba? Hindi ka pa rin maniniwala na acting ko lang 'yon kanina?" Hindi na sumagot pa si Valerie dahil kaagad niyang sinunggaban ang binata at tinulak niya ito papasok sa kwarto nito.
Naglalakad na ring papasok ng opisina si Shaina at kaagad na binuksan ang pinto nito. Umupo siya roon sa dating pwesto at sinubukang i-text si Brixton. Ilang minuto niyang hinintay ang reply nito pero bigo siyang makatanggap ng sagot sa binata.
"Busy siguro. Mamaya na lang." Nakangiting saad ng dalaga at muli na niyang sinimulan ang trabaho.
Sa pagsapit ng lunch, kaagad siyang nakatanggap ng pagkain mula kay Brixton. Maya-maya pa ay tumawag ito sa kanya.
"Oo, kaka-deliever lang nito." sagot ni Shaina habang binubuksan ang mga nakasilid sa isang paper bags.
"Mabuti naman. Sige, kumain ka na. Kita tayo mamaya. I love you, Babe." Napangiti si Shaina sa isang malambing na pahayag ni Brixton sa kanya.
"Sige, I love you too. Ingat diyan."
Pagkatapos nila magkausap, sinimulan na niyang kainin ang mga pagkain na ipinadala sa kanya. Very satisfied si Shaina sa pagkain na iyon kaya nakaramdam siya ng kaunting kirot sa kanyang tiyan.
"Can you please buy a medicine for me? Sa sakit ng tiyan." utos ng dalaga sa kanyang secretary na nasa kabilang linya ng telepono.
"Sige po, Ma'am." sagot kaagad ng secretary nito saka naglakad nang mabilis palabas ng opisina upang kumuha ng gamot.
Pagkalipas ng ilang oras, naalis na rin ang sakit ng kanyang tiyan. Hindi niya tuloy natapos ang mga gagawin sa table. Napabuntong-hininga si Shaina nang napatitig siya roon. Tatlong oras siyang nahiga sa kama at natulog.
Napagdesisyon niyang mag-overtime ng dalawang oras muli ngayong gabi. Kailangan niyang matapos ang mga ito dahil next week mayroong presentation ang kanilang departamento at kailangan nilang paghandaan iyon. Sila ang pinakasentro ng company dahil sa kanila nakasalalay ang sales at profit nito.
Mahigit ala-siyete na ng gabi, hindi pa rin dumarating si Shaina kaya't nakaramdaman na ng pagkainip si Brixton habang hinihintay ang kasintahan. Nangalay na ang kanyang mga binti sa katatayo kaya pumasok muna siya sa loob ng kotse. Sa ilang sandali pa ng paghihintay, nakita na rin niya sa wakas ang dalaga na naglalakad papalapit sa kanyang sasakyan.
"I'm sorry na-late ako ng labas ng office. Nag-overtime ulit ako." paliwanag ng dalaga matapos niyang makapasok sa loob ng kotse.
"Ayos lang babe." maikli lamang na tugon ng binata at hinawakan niya ang kaliwang braso ng dalaga. "I love you."
Na-guilty kasi si Brixton sa nangyari kanina sa kanilang dalawa ni Valerie. Hindi naman niya intensyon iyon kundi kailangan niyang gawin para mapaniwala ang babae na totoo ang kanyang sinasabi rito. Ayaw niyang masira ang plano at tuluyan nang mawala ng tiwala sa kanya si Shaina. Higit sa lahat, ayaw na niyang mawalay pa ito sa kanya. Masasabing tinamaan na talaga si Brixton kay Shaina kaya't ayaw na niyang gumawa ng bagay na maaaring ikabigo ng kasintahan. Iyon na ang huling bagay na ginawa niya kay Valerie at ayaw na niyang maulit pa iyon. Gusto na niyang maging seryoso sa relasyon nila ni Shaina.
"I love you, too." nakangusong saad ni Shaina sa kanya dahilan para mapangisi siya.
"I love you much babe. You know that." Kininditan niya pa ang kasintahan.
"Alam ko naman. Ano na let's go? Gusto ko na rin makapag-rest."
"Kumain muna tayo." pahayag ni Brixton kasabay ng pag-andar ng sasakyan. "Where do you want to eat?" sandaling lumingon siya kay Shaina.
"Kahit saan na may masarap na pagkain." Nagtawanan sila pareho saka na sinimulan na magmaneho paalis sa lugar na iyon.
Pagkatapos nila kumain sa isang restaurant, kaagad na ring sila lumabas roon at di inaasahan na nakasalubong nila si Valerie. Ito ang unang nag-approach sa kanila.
"Hey..." bungad nito. Hindi mapakali si Brixton sa kanyang kinatatayuan nang makita si Valerie. Sa halip, niyakap niya si Shaina sa tagiliran nito para mabawasan ang tensyon na nararamdaman niya.
"Oh hello." maikling sagot ni Shaina sa kanyang best friend. Naiilang siya sa presensya nito at feeling niya hindi siya kumportable kausap ang kaibigan.
"How are you? Matagal-tagal din di tayo magkita." saad ni Valerie at sandali siyang napatitig kay Brixton. Napalunok siya nang makitang nakakapit ang binata sa baywang ng kaibigan.
"I'm fine. Anyway, my boyfriend. Brixton." pagpapakilala ni Shaina rito at napangiti nang malapad subalit nababakas sa mukha ni Valerie ang pagkamuhi sa kanyang matalik na kaibigan.
"Babe, si Valerie. My best friend." nagkamayan sila pareho.
"Nice to to meet you." nakangiting-huwad na tugon ni Brixton kay Valerie. Kaagad niyang binitawan ang pagkakahawak ng kanyang kamay rito.
"Hindi ka pa ba sasabay sa amin pag-uwi?" saad ni Shaina.
"Ay huwag na. Actually, mayroon akong blind date ngayon eh." Nagulat si Shaina sa kanyang narinig at bakas sa kanya ang tuwa nang malaman na niyang may manliligaw ang kaibigan. Samantala, si Brixton wala siyang reaksyon dahilan para mainis sa kanya si Valerie.
Nais lamang ng babae na pagselosin ito subalit wala siyang nakitang kakaiba na reaksyon sa binata.
"Siya nga pala, I have to go. Naghihintay na si Felix sa akin sa loob eh." Pagsisinungaling ni Valerie ang totoo ay sinundan niya talaga sina Shaina at Brixton.
"Sige, Valerie. Next time bumisita ka sa bahay. Gusto ko sanang makapagkwentuhan tayo ulit."
"Sure. No problem." ngumiti si Valerie sa harap ni Shaina at sandaling tumitig kay Brixton.
"Sige, aalis na rin kami." Nagpaalam na sila sa isa't isa pagkatapos. "Mag-iingat ka."
Nang makarating na sa mansion sina Brixton at Shaina kaagad nilang hininto sa tabi ang sasakyan.
"Good night, babe." malambing na saad ng binata sa dalaga.
Ngumiti ang dalaga matapos tanggalin ang seatbelt na nakakabit sa kanya at nilingon ang binata.
"Good night, too at mag-ingat sa pagmaneho." mabilis na tugon ni Shaina kasabay ng pagpisil sa matangos na ilong ng binata.
"Ouch."
"Ang arte." nakangising tugon ng dalaga sa binata. "Sige, alis na ako. See you tomorrow." Akmang bubuksan na ni Shaina ang pinto ng kotse nang bigla siyang hinila ni Brixton saka iginawaran ng matamis na halik. Sandali lamang iyon saka na ring nagpaalam ang isa't isa.
Lumipas ang isang oras, kasalukuyang nakahiga si Shaina sa kanyang kama ng bigla na pumasok sa isipan niya ang videos na pinapanood kamakailan.
Binuksan nito ang isang bahagi ng maliit na cabinet na kung saan doon nakasilid ang ilang CD's at USB's. Isinalpak niya sa laptop ang isa sa mga ito at bumungad sa kanya ang isang video na nagmotor-boating silang dalawa ni Brixton pagkatapos, sinundan pa ito ng iba pa.
Bigla nakaramdam muli ng kakaiba si Shaina sa kanyang katawan. "Ouch, ang sakit ng ulo ko." Nakangiwi niyang saad habang pilit pa ring pinapanood iyon.
Tumitig siya muli sa screen habang naninikit sa sakit ang kanyang ulo. Muli siyang napakahawak sa sentido habang hinihilot ito. Maya-maya nakakaramdam na siya ng pagkahilo kaya kaagad na kang niya pinatay ang laptop.
Nang makatayo siya sa kanyang kinauupuan nang bigla siyang himatayin at bumagsak sa kanyang kama.