Chereads / The Lost Memories (Tagalog) / Chapter 21 - Chapter 21: Shaina's Plan

Chapter 21 - Chapter 21: Shaina's Plan

Shaina Pauleen's POV

Kaagad kong pinapasok sa loob ng lodging house si Charlie at pinaupo ito sa malambot na sofa. Binuksan niya ang laptop saka may isinaksak siya doon na USB.

"Napanood ko ang karamihang videos kaya alam ko na kung bakit plano mong makuha ang kanilang impormasyon." Nagsasalita ang binata habang hinihintay na mabuksan ang computer. "Heto na..."

Marami pa akong natuklasan tungkol kay Brixton at Valerie. Matagal na rin pala sila magkarelasyon. Ibig sabihin ipinagsabay nila kaming dalawa na wala akong kaalam-alam. Akala ko siya na ang lalaki para sa akin at makakasama na habambuhay subalit mali pala. It pinched my hearts many times as I watching the videos. They are all about censored. Matagal nang may nangyayari sa kanila di ako aware. I'm really stupid.

"Are you ok?" Biglang tanong sa akin ni Charlie. "Hihinto ko na lang kung di mo kayang mapanood lahat."

"I'm alright. Kaya ko pang panoorin ang iba pang videos."

Halos isang oras namin napanood ang mga nakuha ni Charlie na video. Pagkatapos, may mga inilatag din siya na mga dokumento na naglalamang impormasyon sa pagkikilanlan ng dalawa.

Brixton is known for being womanizer which I can't believe to know about him. It's amazing that he really convince me of his sincerity. Napakagaling niya talaga magpaikot ng mga babae at isa na ako roon. Sa ginawa niya sa akin na pangloloko hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Si Valerie na isa lamang pala siya foster child ng mga Legazpi. Noon pa man matagal na siyang may galit at inggit sa akin. Akala ko mapagkakatiwalaan siya sa mga bagay. Akala ko isa siyang mabuting kaibigan ngunit hindi pala. She is a great pretender same as Brixton.

Ngayon, magbabayad silang lahat sa ginawa nila sa aking pagtatraydor. Tignan natin kung kakayanin niyo pa ang kahihiyang igagawad ko sa kanila.

"Very good, Charlie. Talagang sulit ang maibibigay ko sa'yong bayad. Malaking tulong na ito sa gagawin kong plano."

"Syempre naman, Pau. Ako pa. Hindi naman ako magiging suma-cumlaude kung papalpak ako sa ganitong simpleng trabaho." Pagmamayabang pa niya pero aminado naman ako dahil sa nakikita ko sa kanya na kakayanan kahit noong nag-aaral pa kami.

Nagshift kasi ako ng kurso noon dahil sa kagustuhan ng magulang kong mag-aral ng Business Administration pero mas pinursige ko ang pagiging modelo.

"Ano nga pala magiging plano mo sa susunod?"

"Malalaman mo na lang 'yan soon. Tatawagan kita ulit kapag meron ako na bagong ipapagawa sa'yo." Maotoridad kong sambit at mabilis siyang tumango. "I need to save these all files to my USB and to my computer. Gusto kong makasiguradong may mga duplicate akong kopya."

"Noted. I can willing to wait naman until you copy all files to your stuff."

Lumipas ang ang tatlong araw buhat nang maibigay sa akin ni Charlie ang lahat ng impormasyon niyang nakuha, naisipan ko na ring bumalik sa mansion at muling magpakita sa aking magulang at lalo na kay Brixton.

Nagmadali akong nag-impake, naligo at nagbihis ng simpleng orange t-shirt at tokong pants. Nagpaalam na rin ako sa isang may-ari ng lodging house.

Mahigit kalahating oras bago nakarating ng bahay. Bumungad sa akin ang hindi maipintang mukha nila Mom and Dad.

"Where have you been?" My father asked while scrutinizing me from head to toe.

"Hoping, you let me explain...." It stopped me when they speak again.

"Dapat lang na magpaliwanag ka. We have not seen you almost a month!" Dad is mad at me same as my Mom. I saw them in their eyes.

"Just what I said earlier, I have something to do that's why I left." As trying to explain the reason but I'm not intended to tell them about the plan I've made.

"What is that? Para mag-resign sa kumpanya na gano'n na lang."

I need to lie. I don't trust my parent about this since they are favoring for Brixton's side. Yes, I was their only one daughter but when money is involved I'm useless for them. They made me so perfect because of that wealth.

"Mas mahalaga pa sa trabaho ko sa kumpanya. That's it." Pagkatapos niyon, tinalikuran ko na sila.

They have called me still but I didn't turned to lean on. Bahala sila basta ako hindi ko sasabihin ang mga bagay na ginawa ko these following days. I didn't trust anyone right now except myself.

Lumipas ang ilang oras na aking pamamahinga, nagtungo ako sa isang lugar na kung saan doon raw gaganapin ang birthday celebration ni Brixton.

Kaunting inayos ko ang sarili bago umalis ng mansion at ipinaandar ang sasakyan. Malapit lamang iyon kaya kaagad akong nakarating. Masasabi kong malapit na matapos ang pagsasaayos niyon.

Napalinga-linga ako sa paligid nang bigla akong nakita ni Brixton at iginawaran ng napakahigpit na yakap.

"Finally, you're here. Ilang araw kitang hinahanap but I can't find you." sambit niya habang nanatili pa rin siyang nakayakap sa akin.

Napapakuyom ako ng kamao sobrang inis na aking nararamdaman para sa kanya. Napagaling niya talaga umaktong totoo sa harapan ko.

"Saang galing ah?" He's really a best actor when it comes to this matter. It's really unbelievable. "I missed you much, Shai."

The last statement he uttered makes me weaken temporarily. I'm still affected however my mind is contradicting. Mahal ko pa rin siya sa kabila lahat ng aking nalaman pero mas nanaig pa rin ang galit na nararamdaman. Niloko niya ako nang napakaraming beses at ang mas masakit, ginamit niya lamang ako.

Mga ilang sandali pa ay pilit akong humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin at nagsalita, "May mga mahalaga lang ako ginawa." I said.

"Ano? And your parent told me that you resigned to your company."

"Yeah, because is there something more important than to my work in the company." I stared on his eyes as making this believable.

"Pwede ko ba malaman?" He looks curious.

"Sasabihin ko sa'yo sa susunod na araw, hmm?" Pinisil ko ang matangos niyang ilong.

"Alright. I'll wait." ngumisi siya at muli niya akong inangkla sa braso.

"Do you want to eat somewhere?" tanong niya ulit at hindi na ako nagdalawang-isip pang tanong.

Dinala niya ako sa isang restaurant na madalas puntahan namin noon. Narito ang mga pagkaing nakasanayan kong kainin. Maya-maya nakahanap kami ng mauupuan at kaagad kaming nilapitan ng waiter saka nag-order si Brix ng maraming pagkain.

"May dumi ba ako sa mukha?" Napansin niya kasing panay ang pagtitig ko sa kanya.

"None. I'm just leaning on you." Gusto ko lang siya akitin sa pamamagitan ng aking pagtitig. I want to find out if he still pretending or not. Kahit naging totohanin ang feelings niya for me, ipagpapatuloy ko pa rin ang plano. I remembered all memories that the way they hurt me very much.

Magandang paraan rin ito para magamit ko ang nararamdaman niya para sa akin tutal ganito rin naman ang ginawa niya sa akin noon. Ang pagkakaiba nga lang ay mas malala at masakit ang gagawin ko.

"Hulog ka na talaga sa akin." Napangisi naman ako nang mapait sa sinabi niya pero hindi niya iyon napansin dahil sa pagkakaalam niya na wala pa rin akong alam.

Pagkatapos naming kumain, inihatid na niya kaagad ako sa bahay. Itinigil niya ang sasakyan nang bigla ko siyang hinalikan sa labi. Napakabilis niyang rumispende habang ako naman ay patuloy siyang inaakit para tuluyan siyang mahulog siya nang lubusan sa akin.

"Magbabayad ka sa lahat ng panglolokong ginawa at pagtatraydor sa akin. Matitikman mo ang masakit at mapait na paghihiganti ko na hindi mo magugustuhan".