Shaina Pauleen's POV
Tanghali nang ako'y magising. Napansin kong 7:30 na pala ng umaga pero wala akong balak pang bumangon mula sa kama. Mga ilang sandali napansin kong iba ang naging aking posisyon sa kama.
"Nahimatay nga pala ako kagabi." bulong ko at hinablot sa unan ang phone upang kontakin ang aking doctor. Gusto ko mag-set ng appointment sa kanya ngayon.
Mga ilang sandali naisipan ko na ring bumangon at sinimulan na ring maghanda at mag-ayos ng sarili. Papasok pa rin ako kahit late na. Kaunti lamang kinain kong breakfast dahil sa aking pagmamadali.
Pagsapit ng tanghali, nagulat na lamang ako nang biglang bumungad sa akin si Brixton sa aking harapan.
"Gusto ko sana makasama kang kumain ng lunch." sabi nito sabay inangat ang dalang paper bags na may lamang pagkain.
Natulala lamang ako habang naglalakad siya papasok ng aking opisina hanggang sa inaayos niya ang aming pwesto. Pilit kong isinasariwa ang naging panaginip ko rin kaninang madaling araw.
"Hey, Shai!" nabalik ako sa ulirat nang bigla ako lapitan ni Brixton sa aking kinauupuan.
"Ah, Brix?" tulalang sagot ko sa kanya dahilan para sumimangot ang kanyang mukha.
"Kanina pa kita tinatawag hindi ka nagsasalita. Mukhang malayo ang iniisip mo ah." saad ko at hinaplos ang aking mukha. "May problema ba?"
"Ah, wala naman. Puyat lang." Pagsisinungaling ko dahil ayaw kong magalit at mag-alala siya sa akin kapag sinabi ko ang totoo.
"Ah, ok. Mabuti pa kumain na muna tayo." Inalalayan ako ni Brixton na tumayo saka hinatid sa pwesto kung saan kami kakain.
Halos araw-araw nanaginip ako kahit itinigil ko na ang panonood ng mga videos. Pilit kong maging ok sa harap ni Brixton kahit nakakaramdam ako minsan ng pagkahilo dahil unti-unti pagbabalik ng aking mga memories. Di ko nga lang nakikita nang malinaw ang mga pangyayari.
Pagkagising ko sa umaga, naramdaman ko ang pagkalagapak ng pawis sa aking mukha. Kaagad ko itong pinunasan gamit ang towel. Naalala kong Sabado pala ngayon kaya wala kaming pasok. Laking tuwa ko na lang na makakapagpahinga pa na rin ako lalo na sobra din akong na-stress sa trabaho.
Kumain ako ng agahan saka bumalik sa kwarto nang biglang tumunog aking cellphone. Buo aking akala na si Brixton ang tumatawag pero si Ralph lang pala. Kaagad ko itong sinagot.
Bumungad sa akin ang mga kapatid nito, "Hello, Ate Beauty." sabay nilang saad sa akin.
"Hello din. Good morning sa inyo." Isang ngiti ang ginawad ko sa kanila. Binati nila ako at nakipagkwentuhan sila sa akin.
Pagkatapos, sumingit na sa kanila si Ralph at binati rin ako nito ng magandang umaga.
Maya-maya pa ay naglakas-loob akong sabihin sa kanya ang mga nangyari sa akin nitong mga nagdaang araw.
"Nagpa-check up ka na ba?" Mabilis akong tumango sa kanyang tanong.
"My doctor told me to avoid stress but I can't lalo na marami akong inaasikaso sa opisina. I'm the Marketing Manager there so I have many responsibilities and obligations that needs to priority."
"Pero huwag mo pa rin sana balewalain ang advice sa'yo ng doctor. Huwag mo rin biglain ang mga bagay-bagay. Makakabalik rin mga alaala mo soon." paliwanag niya sa akin kaya kahit papaano gumaan ang aking loob.
"Alam ko pero nag-alala lang kasi ako sa sarili ko. I really want my memories back. Dahil, sa tingin ko kasi parang may kulang sa pagkatao ko." pahayag ko rin sa kanya dahilan para huminga siya nang malalim.
"Naiintindihan kita, Shai pero huwag mo sana pahirapan ang sarili mo. It takes time naman eh."
Tumango lamang ako sa mga advice ni Ralph. Pero kailangan ko talaga itong gawin. Hindi ako napapakali hangga't di bumabalik mga alaala ko. Simula nang magkita muli kami ni Brixton, bigla nagkaroon ng pagkakataon na mabuksan lahat ang mga bagay na dapat kong maalala at lalo na rin nang magkita kaming dalawa ni Valerie.
Mga ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Isa sa aking katiwala ang bumungad sa akin.
"Ma'am Shai, may naghihintay po sa inyo sa sala." saad nito na aking ikinapagtaka. "Si Sir Brixton po." dagdag pa niya kaya napalinga ako sa paligid saka ko siya sinagot.
"Sige, pakisabi na lang na maliligo ako saglit."
Tumango ito saka nagmadaling umalis palayo sa silid at bumalik ako saglit sa taong kanina ko oang kakwentuhan.
"Narinig ko ang usapan." saad sa akin ni Ralph. "Mayroon pala kayong date ngayon."
"Actually, hindi ko alam eh. Biglaan." Nahihiya ko tuloy na pahayag sa kanya dahil naputol ang aming pag-uusap dahil roon.
"Sige. Mag-prepare ka na baka mainip 'yon kakahintay sa'yo. Next time na lang ulit."
Magsasalita na ako nang bigla na lang nawala siya sa screen. 'Ano nangyari sa isang 'yon? Hays!'
Dumiretso na kaagad ako ng banya at naligo. Mga ilang minuto, nagbihis na rin at nagsuot ng flat sandals, saka nagsuklay ng buhok. Maya-maya pa ay nakalabas na rin ako ng silid at nagmadaling bumababa ng hagdan.
Nakita kong nagbabasa si Brixton ng isang magazine sa living room. Balak ko itong gulatin habang naglalakad ng dahan-dahan palapit sa kinaroroonan niya. Hindi nito napapansin aking presensya dahil sobrang tutok siya sa pagtingin ng larawan ng mga sexy na babae sa magazine.
Pagbilang ko ng ilang segundo, kaagad ko siyang ginulat na ikinalaki ng kanyang mata. "Ah babe nariyan ka na pala."
Bakas sa kanya ang pagkataranta nang makita ako kaya kaagad niya binalik sa dating pinaglakagyan ang magazine na kanina pa niyang pinagmamasdan.
Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan at namumutla ang mukha nito. "Bakit babe?" Tanong ko tuloy sa kanya.
"Ginulat mo kasi ako eh." Tinawanan ko siya ng malakas dahilan na para siyang bata na umaakto sa harap ko ngayon.
"Ano 'yong tinitignan mo sa magazine kanina?" Tumitig ako sa kanya ng kakaiba kaya kaagad siyang lumapit sa akin para suyuin ako.
"Wala 'yon, babe. Nagbabasa lang ako kasi nakakainip maghintay eh." Tinaasan ko siya ng kilay habang nagpapaliwanag. Kasi naman, napakarami na pwedeng basahin dito sa sala iyon pang female magazine ang gusto, tzk. "Totoo 'yan babe."
Pinisil ko na lang ulit ang matangos niyang ilong at ngumti sa kanya. "Sige na nga." Pumulupot ako sa kanyang braso nang biglang dumating ang aking magulang.
Binati kami ng magandang umaga. "You didn't tell us that you have both a date again." saad ni Mom habang nagpapalit ang tingin nila sa amin.
"Gusto ko lang ulit i-surprise si Shaina kaya di ko po pinaalam." mabilis na sagot ni Brixton.
"Sige, mag-ingat na kayong dalawa. Brix, please take care my daughter uh?" saad naman ni Dad at tumango kaagad si Brixton bilang sagot.
Nang makarating na kami sa mall, nagpunta kaagad kami sa isang botique at pinamili niya ako ng mga damit at sapatos doon. Di ko akalain na magaling siya pumili at alam niya kung bagay sa akin ang mga iyon o hindi.
Pagkatapos naming mamili idinala muna ang mga ito sa sasakyan saka muli kaming bumalik sa mall. Para raw hindi hassle sa paglalakad namin dito ang mga bitbit na damit at sapatos.
Habang naglilibot kami sa mall, tahimik ko siyang tinititigan na nakikipag-usap at kwentuhan sa akin. Natulala ako kasabay sa pag-isip ng tungkol sa aking mga panigip tuwing madaling araw.
"Hey, Shai." tawag niya sa akin at dinig ang pagbuntong-hininga nito. "What's going on? I have noticed you lately that seems you're precoccupied about something." Bigla naging seryoso tuloy ang kanyang mukha.
"Wala naman. Stress lang ito." Hindi ko pa pwede sabihin sa kanya ang tungkol sa aking panaginip at epekto nito sa akin. Ayaw kong bigyan niya iyon ng kahulugan at mag-alala pa siya ng husto.
Muli siyang huminga nang malalim. "I told you earlier that you must be careful. Huwag mo masyadong isipin ang trabaho na nakakapag-triggered sayo, ok?" Tumango lamang ako bilang sagot.
Pasensya ka na Brix. Nagsinungaling ako sa'yo. Hindi ko lang talaga pwede sabihin sa'yo tungkol sa mga panaginip ko.
Mga ilang sandali pa ay bigla na lang niya ako niyakap nang mahigpit at hinayaan ko lang siya. Ramdam na ramdam ko sa kanya ang pag-alala sa akin.
Bago kami umuwi, kumain muna kami sa isang kilala na fastfood chain. Marami kaming inorder kaya ang iba ay inuwi na namin. Ipinakain ko na lang sa mga maids ang ipinatake-out na pagkain saka nagtungo muli sa kwarto.
Paglipas ng tatlong oras, di ko namalayan na ala-singko na pala ng hapon kundi pa nag-text sa akin si Rachelle. Napangiti ako nang mabasa iyon. Talagang napalapit ang loob nila sa akin.
Susubukan ko na siyang tawagan nang bigla naman na tumawag si Ralph. Kaagad ko itong sinagot.
"Hello?" napansin kong tahimik ang background ng kabilang linya. Mukhang nasa kwarto na ito.
"Oh, hi." maikli niyang saad.
"Napatawag ka?" tanong ko sa kanya kasabay ng pag-upo ko muli sa kama.
"Kamusta? Sumasakit pa ba ulo mo?" Sunud-sunod niyang tanong.
"Hindi naman." maikli ko lang din sagot.
Ayon, napahaba nanaman muli ang pag-uusap namin ni Ralph. Masasabi kong ganito na kami na sobrang magkasundo hindi katulad ng dati na di-pwede pagsamahin at baka magliyab ng apoy. Ngayon, comfortable akong kausap siya at nagagawa kong sabihin sa kanya ang hindi ko masabi-sabi kay Brixton.
"If my memories returned, can I still welcome to your home?" malumanay kong tanong. Wala kaagad akong narinig na sagot mula sa kanya. "Matatanggap at makikilala niyo pa rin ba ako?"
Maya-maya narinig ko siyang ngumisi, "Siyempre naman, Shai at bakit hindi?"
"Wala. Matanong ko lang kung sakali?"
"Ano ka ba! Huwag mong isipin 'yon, ok? Kung ano ka man ng past mo tatanggapin ka pa rin namin." Napangiti pa rin ako sa naging sagot ni Ralph kaya muling gumaan ang paghinga ko.
Nagbabakasali lang kasi ako. Malay ko bang masama akong tao noon, di ba? Mahirap na.
Pagkatapos namin mag-usap, napagdesisyon ko na rin kumain ng gabihan at nakasabay ko rin sina Mom and Dad. Pagkakain ko, kaagad akong bumalik ng kwarto para magpahinga na rin.
Lumipas ang isang oras, sinubukan kong matulog subalit hindi ako dinalaw ng antok kaya sinubukan ko ulit panoorin ang iba pang videos na kinuhanan noon. Ang iba dito ay noong birthday celebration ko pa at iyong first confession pa sa akin ni Brixton.
Nakaramdam na rin ako ng antok nang makapanood ng tatlong videos. Isinilid ko nang remote at humiga muli sa kama at ipinikit ang mga mata.
I just walked alone when I heard somebody laughing very loud. For curiousity, I stepped towards on it and get surprised as I saw Brix and Valerie are kissing torridly. It turned my eyes to cry. They have noticed my presence so it stopped them from what they are doing.
Sinugod ko silang dalawang at sabay sabi, "How dare you betray on me! Ano ginawa ko para lokohin niyo ako ng ganito?" Isang malakas na sigaw ang iginawad ko sa kanila subalit tinawanan lamang ako nina Brixton at Valerie.
"Ginamit lang kita para maisakatuparan lahat ng plano na makuha lahat ng mayroon ka pati ang iyong magulang. Kaya, kung ako sayo huwag ka ng mag-demand na magkakagusto ako sayo."
I can't believe na magagawa nila sa akin ito. Ang bobo ko para di malaman na ginagamit lang nila ako sa kanilang pansariling interest.
"Brixton is right. Ginamit ka lang para masunod ang gusto ng magulang niya- to reach their main goals." Sinamaan ko ng tingin si Valerie dahil isa rin siyang traydor matapos ituring ko siya na isang matalik na kaibigan.
"You're pathetic." saad ko nang nakakuyom ang aking mga kamao sa sobrang galit at poot na nararamdaman.
Minura ko ang mga sila sa sobrang sama ng loob at dissapointments. Di ko akalain na magagawa nila ito sa akin. Isa lamang pala itong pakulo. Kailanman hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nilang pagtataksil at pagtatraydor.
Mga ilang sandali ramdam ko na ang sobrang higpit na pagkakahawak ni Brix sa aking braso.
"Ouch! Don't touch me." hasik ko sa kanya.
"Nakakaawa!" sarkastikong saad ni Valerie na mas lalong ikinainit ng aking ulo.
Hindi ko sila mapapatawad. They are the great pretenders. Magsama sila pareho.
Maya-maya ay naglakad ako palayo mula sa kanila at sumakay ng kotse. Mabilis ko iyong pinatakbo hanggang sa di inaasahan na may makakasalubong na sasakyan na siyang dahilan para umiwas ako pero tumama ito sa isang malaking puno. Nakaramdam ako ng dugo sa aking mukha at hanggang sa mawalan na ng malay.
Mga ilang sandali ay nagising ako na pawis-pawis at hingal na hingal. Patuloy ang pagtulo ng aking luha kasabay ng pagkuyom ng aking dalawang kamao sa sobrang galit na nararamdaman.
"Hindi pa tayo tapos. Hintayin niyo ang aking mapait at masakit na paghihiganti! Shaina Pauleen is back."