Chereads / The Lost Memories (Tagalog) / Chapter 20 - Chapter 20: When Memories Revived

Chapter 20 - Chapter 20: When Memories Revived

Third Point of View

Kasalukuyan ng nag-iimpake ng mga gamit si Shaina bago tuluyan na muna niyang lisanin ang kanilang mansion. Sinasamantala niya habang di pa dumarating ang mga magulang nito galing ibang bansa.

Umalis na rin ang dalaga sa pinagtatrabuhan nito matapos bumalik lahat ang kanyang alaala. Limang araw siyang di lumabas ng bahay. Gumagawa rin siya ng rason para di sila magkita ni Brixton. Binayaran lahat niya ang mga tao rito sa mansion pati ang ilang management staff upang di magsalita tungkol sa kanya.

Ngayon, naglalakad na siya pababa ng hagdan na hindi gumagawa ng anumang ingay. Kailangan niyang mag-ingat subalit nakita pa rin siya ng isa sa kanilang kasambahay.

Gulat ito nang makita siya na may mga dalang gamit. "Ma'am, saan po ang punta niyo?" Nag-uusisang tanong nito sa kanya. Sa halip na sinagot, patuloy lamang siya sa paghakbang ng kanyang mga paa.

"Ma'am!" Bigla siyang hinarangan nito kaya't sandali siyang tumigil sa paglalakad.

"May kailangan lang akong gawin." Maikli at direkta nitong sagot sa kanya.

"Alam po ba ito ng magulang niyo?" Sunod pa niyang tanong kaya di na niya ginawang sagutin pa. Nagmadaling nilisan ni Shaina ang bahay habang patuloy pa rin siyang sinusundan ng kasambahay.

"Ma'am Shaina!" Tarantang saad nito kasabay ng pagbukas ko ng gate. Hindi niya dinala ang kotse at balak nitong mag-commute na lamang.

Nang makaalis si Shaina sa kanilang bahay, dali-daling tinawagan ng kasambahay sina Mr. and Mrs. Castellejo. "Hello, Sir and Ma'am. Mayroon pong problema."

"What are you talking about?" Nalilitong tugon ng ama ni Shaina.

"Umalis po si Ma'am Shaina. Marami po siyang dala na gamit eh." Nagtinginan ang mag-asawa at di mapakali sa kanilang kinaroroonan.

"Bakit?" Naguguluhan pa ring tanong ni Mr. Castellejo.

"Hindi ko po alam, Sir. Tinanong ko siya kanina pero ang nasabi niya lang may importante raw siyang gagawin."

Matapos kausapin ng dalawa ang kanilang kasambahay, nagmadali na rin silang mag-ayos para makabalik na ng Pilipinas. Tamang-tama na tapos na rin business conference nila rito sa U.K. kaya makakauwi na rin sila sa wakas.

"Finally, you came ijo." saad ni Mrs. Castellejo nang dumating sa tamang oras ang binata. "Ilang beses na naming tinatawagan si Shaina pero naka-off ang phone niya."

"May alam ka bang pwede na puntahan ni Shaina?" tanong naman ni Mr. Castellejo sa binata.

"Ang alam ko lang po ay doon sa dating tinirhan niya nang maaksidente siya..."

Higit na sigurado si Brixton naroon ang kanyang kasintahan dahil wala naman iyon ibang pupuntahan pa.

"Nag-resign na rin siya sa company na ikinapagtataka namin." Ina ni Shaina na kanina pang hindi mapalagay kakaisip sa kanilang anak.

"Sabi niya sa akin, busy raw siya sa opisina kaya di kami pwede magkita." tugon naman ng binata.

Wala siyang kaideya-ideya kung ano nangyayari sa kanyang kasintahan. Nakakausap naman niya ito nang maayos ng mga nakaraan sa cellphone. Pero nang malaman niyang nag-resign na pala ito sa kanilang kumpanya, mas lalo naging magulo ang kanyang isipan.

"Kailangan natin na mahanap siya kaya puntahan mo na siya sa dati niyang tinirhan noon." utos ng ama ni Shaina na di malaman ang gagawin dahil sa biglaang pagkawala ng kanilang anak.

Nagtungo nga si Brixton sa nasabing bahay. Buong lakas na loob siyang kumatok sa pintuan nito. Bumungad sa kanya ang isang singkwenta-anyos na ginang.

"Magandang hapon po." Nakangiting saad niya rito. "Gusto ko lang po malaman kung narito ba si Shaina sa inyo?"

Napakunot ang noo ng ginang sa sinabi ng binata sapagkat wala naman si Shaina sa kanilang tahanan.

"Pasensya na iho pero wala siya rito." mabilis ni Wenilda.

"Please, hinahanap na po kasi siya ng magulang niya."

Maya-maya pa ay biglang sumingit sa kanilang usapan si Ralph na bakas rin sa binata ang pagtataka.

"Wala rito si Shaina. Nagsasabi naman 'yon kapag pupunta siya."

"Sige, salamat na lang sa inyo."

Napaisip ang mag-inang sina Ralph at Wenilda ang biglaang paghanap ng boyfriend sa dalaga. Mga nakaraang araw nagkausap pa lang sila kasama ang kanyang mga kapatid.

"Teka, ano ba ang nangyayari?" pahabol na sabi ni Ralph bago tuluyang lumayo si Brixton.

"Bigla raw siya umalis ng bahay sabi ng isa kasambahay nila. Sige, aalis na ako at kung makita niyo man siya ipagbigay-alam niyo kaagad sa akin. Hanapin niyo lang pangalan ko sa facegram, Brix Ferrari na nakasuot na blue polo shirt na profile."

Pagkatapos, nilisan na nga ni Brixton ang lugar. Nakaramdam siya ng pagod sa paghahanap kay Shaina. Hindi niya malaman kung bakit biglaan na lang ang pag-alis nito. Eh di kaya?

Sana hindi totoo ang nasa isip niya. Ayaw na niyang mawala pa sa buhay niya ang dalaga lalo nang hulog na hulog na siya rito. Pilit niyang ipaglalaban ang kanyang nararamdaman at gagawin ang lahat para makabawi sa lahat ng kasalanan na ginawa niya rito.

Sinubukang tawagan ng mga bata si Shaina subalit tanging operator lamang ang sumasagot sa kanila.

"Bakit hindi matawagan si Ate Beauty? Kahapon pa namin siya di ma-contact..." tanong ni Rhiel na sinang-ayunan rin nina Rachelle at Rhianna.

"Parating out-of-coverage area ang sinasabi ng cellphone operator." dagdag pang saad ni Rachelle.

Tinawagan nga rin ni Ralph ngunit ganoon ang nangyari, walang sumagot. Masasabing naka-off ang phone nito na bagay na ipinagtaka ng binata. Kinabahan siya kung anuman ang mangyari kay Shaina. Ipinagpanalangin niyang ayos lamang ito at ligtas. Datapwat, hindi maalis sa kanya ang kabahan at mag-alala sa dalaga.

"Sagutin mo!" bulong niya ng paulit-ulit.

Nakita ni Shaina na punong puno ng text messages at missed calls ang kanyang phone pero hindi niya sinubukang basahin ang lahat ng iyon saka pinatay ulit ito. Bumuli siya ng isang keypad phone for contact information kay Charlie na kanyang classmate noong college. Isa itong private investigator at binayaran niya ito upang imbestigahan ang lahat ng tungkol kay Brixton at Valerie.

Kinuha na rin ni Shaina lahat ng kanyang pera sa bangko dahil alam niyang ipasasara ng kanyang magulang ang bank account nito. Naalala niya pa kung nakausap si Charlie at siya ang dahilan kung bakit naging safe ang lugar na tinutuluyan niya ngayon. Tagong-tago ang lodging house nito kaya't wala basta-basta makakapasok dahil natatanging kilala lamang ng binata ang maaaring tumuloy.

Hindi siya matutunton dahil naka-off ang phone niya at tanging laptop lamang ang pwede niyang gamitin para makausap si Charlie. Gumawa siya ng pekeng account at email para di matutonton.

Flashback:

"Hello, Charlie! Maaari mo ba akong tulungan ngayon?" Tanong ni Shaina nang magkita sila ng binata sa isang di kilalang bar bago siya nito umalis ng mansion.

"Ano 'yon?" Pagkatapos, lumagok kaagad ito ng alak.

"Gusto kong kuhanin mo lahat ng informations tungkol kay Brixton at Valerie." Natigilan ang binata sa kanyang narinig at bakas sa kanya ang pagtataka.

"Is it Brix your boyfriend, right? Matalik na kaibigan naman kayo ni Valerie...."

"Basta sundin mo lang inuutos ko. Handa akong magbayad ng malaki gawin mo lang lahat ng aking ipapagawa." Tumango lamang ang binata sa halip na mag-insist pa siyang magtanong. "Malalaman mo ang kasagutan diyan sa ipapagawa ko sa'yo."

"Ano ba ang gusto mong mahanap tungkol sa kanila?"

"Ang lahat ng tungkol sa kanilang dalawa. Kahit ang bahay na tinitirhan nila, kailangan mong makakuha ng impormasyon. Maging sa parking lot ng company namin..."

Napakunot ang noo ni Charlie doon sa huling nasambit ni Shaina.

"Kunin mo ang kuha ng CCTV camera mga isang taon ng nakalipas. Dadagdagan ko ang bayad kapag nagawa mo iyon. Heto ang petsa na titignan mo." Isinulat ng dalaga sa isang pinunit na notebook ang date kung saan niya unang nakita kung paano siya lokohin nina Brixton at Valerie.

"Noted. Mayroon ka pa bang idaragdag?"

"Wala na. Balitaan mo lang ako sa contact number na ibinigay ko." Saka na niyang iniwan si Charlie sa lugar na iyon at sumakay kaagad ng sasakyan pabalik ng bahay.

End of flashback

Katatapos lang din ni Shaina maghugas ng pinagkainan nang may biglang kumatok sa pintuan. Dahan-dahan siyang naglakad at nagtungo roon. Sinilip niya sa butas ng pinto bago niya tuluyan itong binuksan.

Bumungad sa kanya si Charlie na may dala ang laptop nito.