Chereads / The Lost Memories (Tagalog) / Chapter 9 - Chapter 9: New Visitor

Chapter 9 - Chapter 9: New Visitor

Kasalukuyang nasa grocery store kami ngayon ni Tita Wen. Naubusan kaagad kami ng stocks sa loob ng isang linggo. Bumili lang kami ng mga kinakailangan. Sa pag-purchased ng mga items bigla na lang naagaw ang aking atensyon sa isang sitserya.

Napansin ako ni Tita Wen, "Sige na, Ivy kunin mo na." Nakangiting saad nito sa akin habang nag-aalinlangan pa rin ako. "Sige na. Huwag ka na mahiya. Hihintayin kita sa counter."

Ayon nga, hindi na ako nagdalawang isip pa at kinuha 'yon. Sobra akong natatakam sa sitsirya na 'to lalo na potato flavor.

Matapos naming mamili sumakay na kaagad kami ng tricycle pauwi. Pagkarating pa lang namin sa bahay, kaagad kaming dumiretso sa kusina para maghanda ng kakainin sa pananghalian.

"Ano po ang lulutuin natin ngayon, Tita Wen?" Tanong ko kaagad sa kanya.

"Magluluto tayo ng tinolang manok." kaagad niyang sagot at napatango lang ako sa kinuha at nilabas ang mga sangkap na gagamitin sa pagluto.

Kasalukuyan na akong naghihiwa na ng mga ingredients nang bigla kong tawagin si Tita Wenilda dahil itatanong ko sa kanya ang susunod na gagawin.

"Tita Wen!" Tawag ko sa kanya ulit sa pangalawang beses pero di siya sumasagot. Sinubukan ko sa huling pagkakataon na tawagin siya pero bigo pa rin na walang sumagot. Napag-isipan kong tumungo sa sala at natigilan ako sa aking nakita.

Ang lalaking sumusunod sa akin narito siya ngayon sa aming bahay. Tinawag ko si Tita Wenilda dahilan para maagaw ang atensyon ko nila.

"Shai." Dinig kong saad ng lalaki na 'yon sa hindi kilalang pangalan. Napakakulit niya talaga.

"What are you doing here?" I asked in a surprise since I didn't know on how she locate my address. "Tita, bakit nagpapasok kayo ng di kilala?"

I stared on her but she is not responding so I tried to talk to Tita Wenilda.

Mga ilang sandali may mga nakita akong mga litrato sa table. Kitang-kita rito ang aking sarili kasama ang lalaking 'yon. I can't almost move to my position.

"He is your boyfriend, iha." Sa wakas, narinig ko na rin magsalita si Tita Wenilda. "Kinuwento niya sa akin ang lahat-lahat tungkol sa'yo."

Until now, I can't believe that the guy in front of me now is presenting as my boyfriend. Ganito na ba talaga siya kasidido hanapin ako?

"I have no boyfriend, Tita so it's impossible you said that he is my boyfriend." I stated.

"You still not believing on me, Shai? O h come on." Lumapit siya sa akin pero lumayo ako. Hindi ako sigurado sa mga sinasabi niya. All I know I am single.

"Pasensya ka iho. Talagang hindi ka pa niya makilala sa ngayon." Dinig kong sambit ni Tita Wenilda at lumingon ako sa kanya. "Mayroong amnesia si Ivy."

Ngayon binunyag na niya sa lalaking ito ang aking kalagayan. Bakas sa mukha niya ang pagtataka at pilit niyang hawakan ako pero patuloy lang ako sa pag-ilag.

Maya-maya dumating na rin si Ralph at nakunot ang kanyang noo sa kanyang nakita.

"Ano ang nangyayari dito?" nagtataka niyang tanong. "Sino naman ang lalaking 'to? Ma, nagpapasok ka ng tao di natin kilala?" Nainis na saad ni Ralph.

"Boyfriend siya ni Ivy." paliwanag rito ni Tita pero kaagad sumingit ang lalaki sa usapan.

"No, she is Shaina Pauleen. That's her name." He explained. "Look at the pictures. Siya 'yan nasa litrato at ako."

Napabuga ako ng hangin sa naging saad niya.

"Paano naman ako maniniwala diyan? Baka mamaya edited lang lahat ang mga nasa larawan?"

Tama si Ralph. May possibleng edited lang mga pictures na 'yan gamit ang modern technologies na mayroon ngayon.

Napangisi ang lalaki, "I didn't waste my time is just to mocking you guys. I am here to get my girlfriend here."

Kaagad akong sumingit sa usapan, "I am not your girlfriend so you are only wasting your time too."

Naniningkit ang mga mata ni Ralph habang kausap ko ang lalaking ito tila pinag-aaralan ang bawat galawan naming dalawa.

"Kung sasama ka sa akin malalaman mo ang totoo at maibabalik lahat ng memories mo." He said but it's convincible to me.

"No. Hindi ako sasama. How I can trust a stranger like you?" giit ko sa kanya.

Mukhang nauubos na rin ang pasensya niya sa akin.

"Ok, fine pero let me explain everything to you." He added.

"I am not interested. You may now go." I stated.

"Wait." saad niya. "My calling card." Nilapitan niya ako ulit at inabot niya sa akin ang bagay na 'yon. "Call me if your decision is final. I am available at anytime."

Hindi ko ba binalak pang sumagot sa halip tinalikuran ko na siya at naglakad palayo saka sinilid sa bulsa ang calling card.

"Ok. I will be back next time. Hindi ako titigil hangga't di ka sasama sa akin pabalik sa Manila." I heard him speaking without leaning. "Iiwan ko mga pictures natin dito. You can figure it out again."

Pagkatapos niyon wala na akong narinig pang nagsalita hanggang sa dinala na ako ng aking mga paa pabalik ng kitchen.

Pagkakain namin ng lunch, napansin ko ang pagtitig ni Ralph sa mga pictures na dinala ng lalaki kanina. Napansin niya ang presensya ko kaya kaagad siyang tumingin sa iba.

Pinulot ko na lang ang mga litrato sa mesa at isa-isa muling sinilip nito. Bigla akong nakaramdam ng panghihina as I checking these pictures. My heart pumping very fast. Napalunok akong laway habang nanatili ang aking mga mata sa mukha ng lalaki. Iba ang epekto na iginagawad niya sa akin.

"Don't tell me na naniniwala ka na sa sinasabi ng lalaking 'yon?" Bigla nabaling ang aking atensyon kay Ralph.

"Paano kung totoo ang sinasabi niya?" Napahilamos siya ng mukha sa aking sinabi.

"Wala ka na nga kaalam-alam sa mundo, mapaniwalain ka pa." Bulong niya sa sarili pero narinig ko pa rin.

Nasaktan ako sa sinabi niya pero mas pinili ko na lang na di siya papatulan.

"Tama ka naman. Siguro, it's time para umalis na rin dito sa pamamahay mo."

Pagkatapos niyon, iniwan ko na siya. Wala naman magandang sasabihin. Hanggang ngayon mainit pa rin ang dugo niya sa akin.

Pagsapit ng gabi, naisipan kong tumambay muna sa aming balcony na mag-isa. Tulog na rin ang mga bata pati si Tita Wen. Ewan ko na lang kay Ralph.

Napabuntong-hininga nanaman ako habang tumititig sa mga bituin sa langit. Bigla ko na lang naalala na nasa bulsa ko ang mga pictures at muli kong tinititigan 'to.

I have realized na may connection ang lalaki na ito sa akin. Hindi ko na maikakaila na nagsisinungaling siya since I felt strange when I looked into his eyes. Kapag sa tuwing hahawakan niya ako, may kaiba akong nararamdaman.

Maya-maya napansin ko si Ralph papunta sa aking kinaroroonan kaya kaagad kong itinago ang mga litrato.

"Iba talaga kapag gwapo at mayaman, tinitingala ng mga kababaihan." dinig kong saad niya.