Kasalukuyang naglalakad papasok si Brixton papasok sa mansion ng girlfriend na si Shaina nang maka-receive siya ng napakaraming text messages at missed calls ulit. Ngayong umaga lang niya ito napansin kaya kaagad siyang umalis sa bahay ni Valerie.
"Hello. Good morning po, Sir Brix." Masayang bati sa kanya ng isang maid. "Si Ma'am Shaina po ba?"
Mabilis na tumango si Brixton. "Where is she?"
"Wala po siya ngayon dito eh. Maaga umalis."
"Saan siya nagpunta?" Di-mapakaling tanong ng binata rito.
"Hmm, sabi niya magpapa-check up raw siya." Napakunot ang kanyang noo sa sinabi ng maid.
"Alam mo ba kung saan saang clinic siya pumupunta para magpatingin?"
May kinuhang papel at ballpen ang katiwala. May sinulat ito saka inabot sa kanya.
"Puntahan mo na lang siya diyan." Matapos abutin sa kanya ang papel.
"Thanks." tugon ni Brixton bago nagmadaling sumakay ng kotse.
Napapaisip siya kung bakit kailangan magpatingin ni Shaina sa isang doctor. Mayroon ba siyang karamdaman na hindi sinasabi sa kanya o baka inaalam nito ang kanyang kondisyon sa pagkakaroon niya ng amnesia. Iyon ang mas kanyang kinakatakot ang gumaling si Shaina at maibalik ang alaala nito. Mawawala lahat ng saysay ang kanilang mga plano. Kaya, kailangan niya makagawa ng paraan para mapigilan ang dalaga.
"Ano po sa tingin niyo doktora?" Tanong ni Shaina rito habang sinusubukang i-check pa ang kanyang kondisyon.
"In fact your conditions are doing better, Miss Castellejo. As you can see the signs your memories ay malapit ng maibalik sa dati basta ipagpatuloy mo lang abalahin ang sarili sa panonood at pag-approach ng mga bagay na magpapaalala sa'yo." Paliwanag sa kanya ng doktor upang dahilan para magliwanag ang kanyang isip at gumaan ang pakiramdam.
Ang matagal na rin niyang hinihintay ay unti-unti nang matutupad. Maibabalik na muli sa dati ang mga bagay na kanyang nakalimutan.
"You also need to balance your meal and to do a proper exercise para ma-relax ang brain. Iwasan ang mga bagay na mas nakaka-stress sa'yo na nagiging sanhi ng triggering." Dagdag pa nito.
"Sige po, susundin ko po 'yan para maibalik ko lang lahat ng aking alaala. Tingin ko po kasi minsan parang di ko kilala ang sarili dahil sa kondisyon kong ito."
"Huwag kang mag-alala. Unti-unti nang magri-retain ang memories mo pagdating na mga linggo o buwan. Basta magtiwala ka lamang sa iyong sarili." Napangiti naman ang dalaga sa sinabi ng kanyang doctor. Muli nanaman nadagdagan ang kanyang confidence dahil may malaking pag-asa na makakabalik siya sa dati.
Matapos ang kanyang appointment with the specialist, lumabas pa rin siyang na may ngiti sa mga labi. Naglalakad na siya palabas ng clinic nang maabutan niya si Brixton at nagkasalubong sila.
"What are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Shaina sa binata. "Paano mo nalaman na dito ako pumunta?"
"Sinabi lang sa akin ni Kea na narito ka. Hindi mo man lang pinaalam na magpapatingin ka sa doctor." Tinititigan ni Shaina ang boyfriend ng seryoso.
"Bakit kailangan ko pa sabihin sa'yo?" giit ng dalaga. "Di ba busy ka?"
"Sana sinabi mo pa rin sa akin para alam ko at masamahan kita."
Isang sarkastikong ngiti ang ginanti ni Shaina sa kanyang nobyo. "You hear what you're saying?"
Napahinga nang malalim si Brixton. "Look."
"Brix, nalilito na ako. Hindi ko na alam kung dapat pa ba kitang paniwalaan. Kaya tamang di ko na lang ipinapaalam sa'yo kung saan ako pupunta tutal wala ka naman pakialam. Parati kang busy di ba?" Muling giit ng dalaga boyfriend nito.
"Iyan pa rin ba ang isyu na gusto mo sa'yo lang iikot ang mundo ko?" Labis na rin ang pagkainis ang nararamdaman ni Brixton. "Hindi pwede 'yang gusto mo, Shai. I am just your boyfriend not a puppet."
Natigilan si Shaina sa huling sinabi ni Brixton. "Ok fine. Hindi na kita guguluhin. Hindi na ite-text o tatawagan kahit kailan. Bahala na ako kung saan ako magpunta. Sige. Bahala ka na." sabay talikod ni Shaina sa binata pero pinigilan siya nito.
"Shaina. Hindi ito ang gusto kong mangyari." Pilit panunuyo pa nito sa kanya.
"Ayaw ko na, Brix." saka niya iniwaksi ang brasong nakahawak sa kanya saka naglakad nang mabilis si Shaina pero naabutan pa rin siya ni Brixton.
Hindi makakapayag ang binata na ganoon na lang mangyayari. Kailangan niyang makaisip ng paraan para makuha niya muli ang loob ng dalaga. Alam niyang mahal na mahal siya nito kaya kaagad rin ito susuko sa huli.
"Don't touch me." angal nito sa kanya.
"Shaina, pag-usapan natin 'to."
"Para saan pa? Gusto mo ikaw lang ang dapat masunod. Paano naman ako pero di ako makakapayag." saka na siya iniwanan ng dalaga at nagpatakbo nang matulin ang minamaneho nito.
"Ano nangyari brad?" Tanong sa kanya ni Berry ang pinakababata niyang kapatid na lalaki na siyang tunay na nagpapatakbo ng kanilang negosyo.
Kasalukuyan silang umiinom ng alak sa may veranda.
"Nag-away nanaman ba kayo ni Val?"
"No." mabilis niyang tugon.
"Si Shaina ba?" Nilagok muna ni Brix ang isang baso na may lamang wine. "Akala ko ba napapaamo mo na siya?"
"Iyon nga rin inaakala ko. Dahil sa nagkaroon siya ng amnesia mas malaki ang chance na napapasunod ko siya pero di pala. Nalaman ko na ring nagpatingin siya sa doctor para i-check ang kanyang kondisyon. Malalagot ako kapag bumalik na lahat ng alaala niya. Lahat ng pinagplanuhan natin mauuwi lang sa wala." Kwento pa nito sa kanyang kapatid.
"So, what's the next plan?"
"Kailangan ko ulit makuha ang loob niya. Sigurado akong di ako matitiis ni Shaina dahil mahal niya ako. Gagamitin ko 'yan bilang sandata para maisagawa ang pinaka-exciting part."
Kaya, kinabukasan sinubukan niyang puntahan ang dalaga sa trabaho nito.
"Ma'am Shaina nasa labas po si Sir Brixton. Gusto ka raw niya makausap." saad ng kanyang sekretarya habang siya naman ay abala makipagpulong isa ilang staffs na sinasakupan niya.
"Pakisabi, busy ako." Tumango kaagad ang kalihim saka umalis.
Kahit tinanggihan na siya nito, di pa rin titigil si Brixton na di suyuin si Shaina. Kahit nagmumukha na siyang syonga, kailangan niya itong gawin kundi mawawala ang opportunidad na kanilang tatamasain.
Naglalakad patungo sa kanyang sasakyan ang dalaga nang may biglang nagsalita sa kanyang likod.
"Bakit ayaw mo akong harapin?"
"Para saan pa, Brix? Kung ako sa'yo itigil mo na. Mapapagod ka lang." Akmang bubuksan na nito ang pinto ng kotse nang marahan siyang hinalikan ng binata.
"Brix, stop." Nilayo ni Shaina ang sarili kay Brixton. "Ayaw mo ng pinapansin ka di ba? Kaya ginagawa ko na 'to ngayon. Huwag na huwag mo na akong pagbabantaan pa---kundi..." natigilan saglit ang dalaga.
"Kundi, ano?" sigaw ng binata. "Sabihin mo!"
"Wala." saka nagmadali itong sumakay sa kanyang kotse at iniwan ang binata.
Ayaw niya sana gawin ito ni Shaina pero gusto niya lang muna bigyan ang space sa isa't isa para makapag-isip lalo na si Brixton. Nasasaktan siya sa madalas na pagbabalewala nito sa kanya. Gusto lamang niya turuan ng leksyon at kanyang makita kung talagang mahal rin siya ng binata.
Sa susunod na buwan, balak muli ni Shaina Pauleen ang mag-leave sa trabaho. Di makatanggi ang HR Manager dahil anak siya ng amo na kanyang pinagtatrabuhan. Magbabakasyon siya. Pupunta siya sa lugar na kung saan siya namalagi noon. Hindi niya ipapaalam ito kay Brix at kahit sino. Siya lang ang makakaalam nito.
Gusto na muna niya lumayo kahit ilang sandali. Gusto rin niya munang iwasan ang kanyang boyfriend. Nag-impake ng mga gamit si Shaina bago matulog para bukas handa na siya sa pag-alis.
Biyernes ng umaga. Maagang nilisan ng dalaga ang mansion. Nag-iwan siya ng sulat sa katiwala ng bahay para di na mag-alala pa mga ito. Halos matagal ang kanyang binayahe hanggang sa makarating muli siya sa Huling Silang town. Kalahating taon na ring lumipas mula nang siya'y tumira rito.
Kumatok siya kaagad nang pinto nang bumungad sa kanya si Wenilda na ina ni Ralph Miguel. Gulat itong makita ang dalaga.
"Ivy...." nag-aalinlangan itong magsalita dahil di nito alam ang tunay niyang pangalan.
"Shaina Pauleen po ang pangalan ko." Nakangiting tugon ng dalaga sa ginang. "Shai na lang din ang itawag niyo sa akin."
"Siya, hehe. Halika pumasok ka muna." Natutuwa ang ginang sa pagbisita ni Shaina sa kanila. Matagal na rin itong hindi nagpunta rito buhat nang bumalik sa tunay nitong pamilya at tahanan.
Sa pagpasok ng dalaga, kaagad siyang sinalubong ng mga bata.
"Ate Beauty! Sa wakas, nakadalaw po kayo rito. Sobrang missed ka na namin." bungad sa kanya ni Rachelle habang nakayakap ang mga ito sa kanya.
"Ako rin." Malapad ang ngiti ni Shaina nang makita ang mga bata.
"Ma, nasaan 'yong...." natigilan si Ralph Miguel nang makita niya mismo si Shaina sa harap nito. "Shaina?"
"Ayieee. Nagulat si Kuya Migz." saad ni Rhiel.
"Kikiligin na 'yan." dagdag naman ni Rachelle.
"Kayong mga bata talaga." Biglang singit sa kanila ni Wenilda. "Mabuti pa kumain na kayo ng almusal." Habang abala ito sa pag-aasikaso ng pagkain.
"Di ka man lang nagsabi na pupunta ka pala rito." Nakangiting pahayag sa kanya ni Ralph. "Biglaan ata."
Bahagya nawala ang ngiti ni Shaina sa labi nang may naalala siya pero pinilit niyang maging ok pa rin sa harap ng mga ito. Napansin kaagad iyon ni Ralph kaya medyo nagbago rin ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Tamang-tama nakapagluto ako ng masarap ngayon." muling saad ni Wenilda habang abala na sila sa pagkain.
"Ilang araw nga pala rito, Ate Beauty?" tanong sa kanya ni Rianna na abala din ito sa pagkain.
Nag-iisip pa ang dalaga bago makasagot. "Depende kung kailan ko gusto manatili dito."
"Yehey. Kung ganoon magtatagal po kayo rito?" Tuwang-tuwa ang mga bata nang malaman nilang magtatagal ang pamamalagi ni Shaina rito.
"Bilisan niyo na. Mamaya na lang kayo makipag-usap kay Ate Beauty niyo pagkauwi galing school." Kaya, natigilan muna ang mga bata.
Si Shaina na mismo nag-initiate na ihatid sila tutal mayroon naman siyang kotse. Hindi nakasabay sa kanila si Ralph dahil may iba raw ito pupuntahan.
Pagkabalik niya muli sa bahay ng binata, katahimikan ang bumungad sa kanya.
"Nasaan si Tita Wen?" Tanong kaagad ni Shaina nang makasalubong niya si Ralph na nakabihis rin ito.
"Namalengke si Mama. Bakit?"
"Wala naman."
"Oh nga pala inihanda na niya iyong matutulugan mo." Dahilan para mapatitig si Shaina sa binata. "Dito na lang ako sa sala matutulog ulit."
"Thank you." saad ng dalaga habang palinga-linga lamang siya sa paligid.
Napalunok ang binata sa sinagot ng dalaga sa kanya. Hindi siya mapalagay. Naiilang siya dahilan di niya alam kung ano ang susunod na sasabihin.
"Aalis ka na? Pwede kita samahan..." presinta ni Shaina nang makita na niyang palabas na ng bahay ang binata.
"Walang magbabantay ng bahay. Hintayin mo na lang si Mama. Nandito na 'yon maya-maya."
"Ah ganoon ba? Sige."
"Aalis na rin ako. Paki-lock na lang ng husto ang bahay dahil mag-isa ka lang rito." Bilin nito sa kanya at napatango lamang siya bilang tugon.
Mga ilang sandali, nagtungo na si Shaina sa magiging kwarto nito pansamantala na kung siya dati nakikitulog. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang naging pagbabago nito.
Iniwanan niya ang maleta sa bandang gilid at humiga sa kama.
"Na-missed ko 'to." bulong niya sa sarili.
Pagsapit ng ala-singko nagsidatingan na ang mga bata galing eskwelahan.
"Dapat pala sinundo ko na lang kayo. Di ko maalala na ganitong oras pala kayo umuuwi." saad niya sa mga bata.
"Hayaan mo na, Miss Shaina. Ligtas naman sila nakakauwi dito sa bahay dahil sa school bus sila sumasakay." saad ni Wenilda rito.
"Bukas, ako na lang maghahatid at magsusundo sa kanila sa school."
Mga ilang sandali pa ay dumating na rin si Ralph Miguel at nakatitig ito sa kanya kaya kaagad siyang umiwas. Nagtataka na siya sa kakaibang kilos ng binata na dati rating mainit ang dugo nito sa kanya at ngayon bigla na lang bumait.
"Kumain muna ng meryendang hinanda ko." umupo pa ito sa tabi niya ng dalaga na kanyang mas ikinagulat.
"Ahmm..." Pagpaparinig ni Rachelle at Rhiel habang napalingon naman si Rianna sa kanilang dalawa.
"Kayong dalawa, bilisan niyo na at mag-aaral pa kayo." Paninita ng binata sa dalawang kapatid nito.
Pagkatapos nila kumain, naisipan munang tumambay ni Shaina sa balkonahe. Huminga siya nang malalim at muling inalala ang mga araw na nangyari. Ang madalas na pagtatalo nila ni Brixton at ang madalas rin nitong pagbabalewala sa kanya.
"Nakita ko..." Nagulat ang dalaga at naibalik ang presenya nang biglang lumapit si Ralph Miguel sa kanya.
"Ang alin?"
"Na Umiyak ka..." napatitig si Shaina rito dahil akala niya walang makakakita niyon.
"Bakit naman ako iiyak?" Pagmamaangan pa nito pero hindi siya makakalusot sa binata.
"Huwag mo ng i-deny. Nakita ko tumulo ang luha mo." sabi pa nito. "Kung anuman ang pinagdadaanan mo ngayon, nandito ako at makikinig sa'yo." saka ito lumingon sa kanya. Ngayon, kapwa na silang nagtitinginan sa isa't isa pero kaagad umiwas ang dalaga.
Napangisi si Ralph Miguel. "Anong nakakatawa ah?"
"Wala. Ang korni mo lang kasi." saad pa nito na di nawawala ang ngisi sa mga labi.
"Ikaw naman ang weird." Natawa rin saglit ang dalaga.
"Ganito naman talaga ako eh lalo na sa mga taong malapit sa'kin."