Third Point of View
Nakarating na ang magkasintahan sa isang exclusive restaurant. Umorder sila ng pagkain kaagad at sinimulan nilang kainin iyon. Mga ilang sandali bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Brixton. Kaya natigilan siya saglit sa pagsubo ng kanyang pagkain. Tinititigan niya lang iyon at napalingon sa kanyang girlfriend.
"Why you didn't answer the call?" Shaina asked. "Maybe it's an important appointment."
"No. It's just my staffs keep asking about the tasks they should do." Pagsisinungaling ng binata pero kaagad namang napaniwala ang dalaga sa kanya. "Sila na bahala mag-isip ng techniques kung paano gagawin."
Napatangu-tango lang si Shaina bilang tugon subalit nag-o-overthink siya kung baka ibang babae na kanyang boyfriend ang tumatawag sa rito. Napaka-awkward niya para magselos. Hindi ganoon si Brixton. Loyal ito sa kanya. Mahal na mahal siya nito at ramdam niya 'yon.
"Enjoy your meal." Muling saad ng binata sa kanyang girlfriend at nginitian siya ng dalaga.
Pagkatapos nila kumain, nagpunta sila sa isang sinehan para makapanood ng bagong movie na ipapalabas ngayon. Nang magwakas na ang palabas, nagdesisyon na rin silang umuwi.
Ala-sais na ng gabi sila nakarating ng mansion.
"Did you enjoy this day?" Tanong kaagad ni Brixton nang itigil niya ang sasakyan sa tabi.
"Oo naman." Masayang tugon ni Shaina sa kanyang kasintahan. Napangiti rin si Brixton bilang reaksyon. "Naalis man lang stress ko sa work. Alam mo naman I have no interests talaga sa business ng parent ko."
Napangisi muli ang binata sa naging sagot ng dalaga, "Makakasanayan mo rin 'yan."
"Sabagay." Bilang pagsang-ayon ni Shaina sa sinabi ni Brixton.
"You may now go. It's already dark outside." dagdag na pahayag pa ng binata. "Baka hanapin ka ng parent mo."
"They went to Japan for business conference. So, ako lang at mga katulong ang kasama ko sa bahay." Napatango naman si Brixton rito.
"Hmm, mayroon ka pa bang sasabihin?"
"Bakit gusto mo na ba ako umalis kaagad?" Napailing-iling ang lalaki sa naging tugon ng girlfriend sa kanya.
"It's not like that. Look, gabi na oh." Dumungaw siya saglit sa labas para ipakita sa babaing kasama niya na madilim na talaga ang oras.
Mga ilang sandali nagulat na lang si Brixton nang bigla siyang hinalikan ni Shaina sa labi. Hindi niya alam kung magre-respond siya lalo ng biglaan ito. Hinayaan niya na dumampi sa labi niya ang labi ng babae. Pumikit lang siya at dinama iyon.
Bigla na lamang nag-iba ang kanilang posisyon kaya kaagad niyang pinutol ang paghalik sa kanya ng girlfriend.
"Gabi na. Sa text or chat na lang tayo mag-usap." May bahagi sa mukha ni Brixton ang pagkainis sa nangyari.
"Ok. Nag-iwan lang ako ng goodnight kiss."
Pagkatapos, bumababa na ang babae sa kotse at hinintay niya muna makaalis ang binata bago pumindot ang doorbell. Kaagad siyang pinapasok ng isa sa kanilang maid at dumiretso siya kaagad ng kwarto.
Nagbihis na siya ng pambahay nang biglang may nag-text sa kanya. Buo akala ni Shaina si Brixton ito pero si Ralph lang pala.
Ralph:
"How are you? Pinatatanong ng mga bata."
Hindi niya muna ito sinagot. Medyo nakaramdam siya ng pagtatampo dahil di pa nagte-text sa kanya si Brixton. Nangako ito sa na magpapadala ito ng mensahe pagkauwi sa kanilang bahay pero mag-aalas nuwebe na ng gabi at wala pa rin.
Nireplayan niya muna si Ralph saka siya humiga hanggang sa nakatulog.
Lumipas ang tatlong araw. Sinabi ng HR Manager na mayroong activity ang ibang employees ng kumpanya sa labas. Magsasagawa ang ilan sa mga ito ng repacking of reliefs para sa mga nangangailangan sa mga naging biktima ng bagyo.
"Gusto ko rin sina mag-volunteer para makatulong..." pahayag ni Shaina subalit tumanggi ang ginang.
"Hindi pwede, Miss Castallejo. Magagalit sa akin ang magulang mo kapag hinayaan kita pumunta roon."
"Ako na bahala magpaliwanag sa kanila. Is this the foundation that they establish, right?" Tumango ang HR Manager. "So, may karapatan akong tumulong roon. I want to help."
Walang ginawa ang ginang kundi pagbigyan ang dalaga. Nagpasalamat si Shaina rito bago lumabas. Nagtungo siya sa C.R para makapagbihis ng T-shirt na kung saan may imprinta ng nasabing aktibidad ng kumpanya.
Mga ilang minuto bago siya nakarating sa nasabing lugar. Huminto siya gilid para doon i-park ang sasakyan saka diretsong nagtungo sa isang foundation site. Taas-noo siyang ngumiti at nagulat ang karamihan nang makita siyang naroon.
"Ma'am Shaina, bakit po kayo narito?" Nagtatakang tanong ni Mrs. Santos sa kanya na isa sa nagma-manage sa pagpapatakbo nitong programa ng kanyang magulang.
"Gusto kong maging volunteer para makatulong sa mga nangangailangan."
"Nako, Ma'am hindi na po kailangan. Marami naman kami rito eh." Di-mapalagay na tugon ng ginang dahil hindi pinahihintulutan ang dalaga ng kanyang mga magulang na magsagawa ng anumang aktibidad. "Saka po magagalit si Mrs. and Mr. Castellejo."
"Huwag po kayong mag-alala. Ako bahala magpaliwanag sa kanila. Naka-leave ako kaya dito gagamitin ang oras ko ngayon. Sige na ituloy niyo lang mga ginagawa niyo at hayaan niyo lang ako makatulong dito."
Tumango ang lahat sa kanyang naging tugon. Itinuro sa kanya ng mga naririto ang mga gagawin.
Sa di-kalayuan, palihim siyang tinititigan ng isang binata. Wala ng iba kundi si Ralph Miguel. Napangisi ang binata habang pinagmamasdan ang dalaga sa ginagawa nito.
"Talagang nagkamali ako ng impression sa kanya. Akala ko isa siya sa mga mayaman na kilala kong matapobre pero naiiba siya." Nangungusap ang mga mata ng binata habang patuloy niyang tinititigan ang dalaga sa isang site.
Maya-maya napansin niya na nakamasid din sa kanya si Brixton kaya kaagad inalis ni Ralph ang paningin sa dalaga.
"Tayo na po, Manong." saad na lang nito sa driver ng taxi saka nila nilisan ang lugar na 'yon.
Naging iba ang awra ni Brixton nang makita si Ralph na sandaling tumitig sa kanyang girflfriend. Hindi siya nagseselos subalit ayaw niyang may iba pang tao nauugnay kay Shaina dahil mas lalong di niya maisasakatuparan ang plano. Pero nang nahuli ng lalaki nakatitig siya rito kaagad itong umalis.
Nag-uumpisa pa lamang siya sa plano at wala pa ito sa kalagitnaan. Kaya hindi niya hahayaan na makalapit pa ang lalaki na 'yon kay Shaina.
Sa ngayon, naglalakad na siya palapit sa dalaga at kaagad niyang ginawaran ng halik sa pisngi.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Nagtatakang tanong ng dalaga sa lalaki dahil wala siyang iba na pinagsabihan na pupunta siya rito.
"Sinabi sa akin ng secretary mo." Napakunot ng noo si Shaina dahil nabanggit ni Brixton ang kanyang sekretarya.
Paano naman malalaman ito ng kanyang kalihim sa pagpunta niya rito. Sa halip niya itanong, iniba na lang ng dalaga ang kanilang usapan.
"Ahhh." Iyon na lang na naging sagot niya.
Abala si Shaina sa pag-abot ng mga repack na reliefs sa mga typhoon victims. Nakangiti siyang nilalahad ito sa kanila. Masaya siyang nakakatulong sa mga mahirap na gaya nito. Naalala niya sa kanila ang magkakapatid.
Sa kabilang dako, napatitig lang sa kanya si Brixton habang nakikipag-usap siya sa mga iba pang volunteers at mga binibigyan nitong tulong.
Naninibago siya sa babaing nakikita niya ngayon. Iba ito sa noon nang magkakilala sila. Hindi niya lang masabi kung bahagi pa ito ng kanyang kundisyon o sadyang nagkaroon ng pagbabago sa dalaga. Sa kabila nito, ipagpapatuloy niya pa rin ang plano dahil pati siya makikinabang nang malaki pati ang kanyang pamilya at negosyo kapag naisakatuparan niya iyon.
Pagsapit ng alas-tres ng hapon niyaya niya ang girlfriend kumain sa labas. Muling nasabik ang dalaga at nakaramdam ng kilig sa ginagawa ni Brixton sa kanya.
"Sana laging ganito na sabay tayong kumakain." Maligayang saad ni Shaina habang kumakain sila sa isa namang exclusive restaurant.
"Sana, kaso busy din ako sa business namin kaya di parati kitang mayayaya kumain sa mga ganito. But look, bumabawi naman ako."
Sumang-ayon naman si Shaina sa sinabi ni Brixton. Naiintindihan niya naman ito dahil negosyante rin ang kanyang mga magulang kaya mas abala ang mga ito sa business kaysa sa kanilang personal na buhay.
Matapos nila kumain, hinatid na kaagad ng binata ang dalaga sa bahay nito saka umalis siya kaagad. Kagaya ng dati, dumiretso kaagad ng silid si Shaina upang makapagpahinga. Bahagyang sumakit ang kanyang likod at binti sa halos maghapon na nakatayo sa foundation site at mabuti naroon ang kanyang boyfriend para alalayan.
"I am so lucky to have someone like him in my life." bulong ng dalaga sa kanyang sarili kasabay ng paghinga niya nang malalim.
Maya-maya pa ay tumunog ang kanyang phone at bumungad sa kanya ang isang text message mula kay Ralph. Nakasanayan na niyang nagti-text sa kanya ito kapag takipsilim na. Nagri-reply siya sa texts nito pero kadalasan hinahayaan niya lang.
Ralph:
How's your day?
Her:
Medyo pagod.
Ralph:
Oh, ano ginawa mo?
Kunwaring di alam ng binata para di mahalatang naroon siya kanina sa foundation site. Nagkataon din kasi na papunta siya isang seminar. Nadaanan niya roon at nakita ang dalaga.
Her:
Nag-volunteer ako kanina sa pag-impake ng relief goods at pamamahagi nito sa mga nasalanta ng bagyo.
Ralph:
Good kung ganoon.
Pagkatapos niyon, di na muling sumagot si Shaina sagutin pa ang text ng binata. Nagpunta siya ng kusina para na rin makakain ng gabihan. Bigla kasi siyang nakaramdam ng gutom.
KINABUKASAN. Palabas na ng mansion ang dalaga para pumunta ng gym. Kailangan niyang mag-ehersiyo para magpapawis at mabawasan ang stress dahil napi-pressure siya nang husto sa kanyang trabaho.
Nang maglalakad na siya, nagulat siya dahil bumungad sa kanya si Ralph. Paano nalaman nito ang kanyang address.
"Hello. Ipinadadala nga pala sa akin ni Mama para sa'yo." Nakangiti lang saad nito habang ang dalaga ay bakas pa rin sa kanya ang pagtataka. "Cassava cake. Kahapon niya lang ito ginawa."
"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Sa halip na pasasalamat ang sunod na isasagot niya kundi pagtatanong dahil sa kuryosidad.
Hindi rin siya sinagot ng binata, "Siya nga pala, mahuhuli na ako sa seminar. Sa text na lang ulit tayo mag-usap." Akmang aalis na ito ng pigilan niya.
"Hindi ka lang ba muna kakain ng agahan?" Pangyayaya ng dalaga pero kaagad tumanggi ang binata.
"Thank you pero kumain na ako ng agahan sa bahay kanina. Sige, aalis na ako." Natatarantang tugon ni Ralph kay Shaina.
Diretso lang siya naglakad pabalik ng taxi. Hindi na niya magawang lumingon pa.
"Anong ba nangyayari sa akin ngayon? Hindi naman ako ganito sa kanya dati." Bulong ni Ralph sa kanyang isip.
Bigla na lang nagbago lahat buhat ng umalis si Shaina sa kanilang bahay. Na-realized din niyang nagkamali siya ng trato sa dalaga kahit naging mabuti ito sa kanya. Hindi niya lang talaga maiwasan maiinis sa mga mayayaman na isa sa nagpapatay ng kanyang ama na hanggang ngayon di pa rin nakukuha ang hustisya dahil nabayaran ang witness. Napagtanto niyang iba si Shaina sa nakilala niyang mga elitista na mahilig mag-alipusta ng mga mahihirap na tulad niya at ng kanyang pamilya. Na dati mabigat ang loob niya talaga sa dalaga at ngayon naging magaan na. Ganito siguro kapag tanggap niya ang isang tao.
Matapos magtungo ni Shaina sa gym, naisipan muna niyang magpahinga ng ilang oras bago muling bumalik sa foundation site. Gusto niyang lubusin ito habang naka-leave pa siya. Panigurado sa pagbabalik niya sa trabaho mawawalan na siya ng oras para pumunta pa roon.
"Ma'am Shaina, nandito po ulit kayo." Nakangiting bungad sa kanya ni Mrs. Rivera na isa ring volunteer.
"Oo. Gusto ko kasi makita ang sarili ko na nag-aabot ako ng tulong sa mga nangangailangan." pahayag niya kaya nagtinginan ang mga iba pang volunteer dahil nagulat sila sa naging sagot ng dalaga.
Isang oras lang ang pamamalagi roon ni Shaina sa foundation site kaya nakarating siya kaagad sa kanilang mansion. Habang siya naglalakad muli siyang nakatanggap ng text kay Ralph at hinintay rin niya ang text ni Brixton subalit bigo siyang makatanggap niyon. Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi sumasagot.
Nagtungo siya sa kusina para makainom ng tubig. Nagbukas siya ng facegram nang makita niya sa friend request si Ralph.
"I-add ko pa ba siya?" Tanong niya sa kanyang sarili. Maya-maya biglang nag-pop ang message nito sa kanya.
Ralph:
Hope you accept my friend request. Saka sorry nga pala sa mga sinabi at ginawa ko sa'yo noon.
Natigilan si Shaina nang mabawasan iyon. Hindi niya akalain na isang masungit na lalaki na si Ralph Miguel ay hihingi ng apology sa kanya. Bigla siya nakaramdam ng pagtataka.
Dahil diyan, natuloy pa ang pagpapalitan nila ng text messages hanggang sa di namalayan na mag-aalasingko na ng hapon.
Sa sobrang tutok sa pakikipag-usap niya sa binata bigla na lang siya tinawag ng isa sa kanilang maid.
"Ma'am Shaina, may bisita po kayo." Natigila ang dalaga sa pagtipa at ibinababa ang cellphone sa table.
"Sino?"
"Kilala niyo po siya." tugon nito pero napasalubong lang kilay ng dalaga. "Matalik mo raw siyang kaibigan."
Sa sinabi iyon ng maid, hindi nagdalawang isip tumayo ang dalaga at naglakad patungong living room para makita nito ang bestfriend raw niya umano. Isa na ito sa magiging paraan para maalala niya ang tungkol sa kanyang nakaraan.