Lumipas ang isang linggo nang magpunta ang lalaki na 'yon dito sa amin. Mas napagtanto ko pa rin ang lahat nang madalas kong titigan ang mga litrato.
Maya-maya nahablot ko rin ang calling card na ibinigay niya sa akin.
"Tuloy na ba talaga ang pag-alis mo?" Nagulat ako nang magsalita si Ralph. Bigla na lang naging iba ang pananalita niya. Nakakapagtaka.
"Oo." Siguradong saad ko.
"Bakit di mo pa siya tawagan?"
Ilang segundo bago ako makapagsalita. "Iniisip ko pa kasi kayo eh."
"OA." Bulong niya pero naririnig ko pa rin.
"Na-mimissed ko kasi sila Tita Wen at mga kapatid mo." Hindi ko na narinig ang mga pinagsasabi niya kaya napangisi ako.
"Huwag kang umalis. Simpleng problema pinapalaki." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ayaw niya rin akong paalisin.
Tinawanan ko siya pagkatapos. "Bakit ka tumatawa?"
"Wala. Nagtataka lang kasi ako sa pananalita mo ngayon. Biglang nag-iba."
"Nalulungkot lang ako para sa mga kapatid ko. Alam mo naman kung gaano mas kamahal ka nila kaysa sa akin na tunay nilang kapatid."
Pag-a-alibi na lang niya pero ang totoo ayaw niya rin ako umalis.
Pagsapit ng hapon napag-isipan ko nang magligpit ng ilang gamit at napansin ito nina Rachelle, Rhiel at Rianna nang pumasok sila sa aking kwarto.
"Tuloy na ba talaga pag-alis mo Ate Beauty?" tanong ni Ria sa akin.
"Oo." Pilit akong ngumiti sa kanila kasi baka tumulo nanaman ang luha ko.
"Nami-missed ka po namin Ate Beauty pati ni Kuya Migz." sambit ni Chelle kaya napangisi ako lalo.
"Impossible. Kaaway nga turing sa akin ng kuya niyo." Pagbibiro ko lang sa kanila pero ang totoo napansin kong nami-missed rin ako ng Ralph na 'yon.
Pagkatapos kong makapag-impake, sinubukan ko na ring tawagan ang lalaki na pumunta dito nakaraan. Nakihiram ako ng cellphone kay Tita Wenilda.
"Hello!" Dinig kong sagot niya. "Who's this?"
"I'm Ivy Villamorez." Pagpapakilala ko pero ilang segundo pa bago siya magsalita. "Ivy..."
"Iyong babae na-meet mo sa mall last time." I remind it to him lalo na di niya ako kilala sa pangalan.
"Oh. I remember. So, why did you call?"
"Sasama na ako." Nagdadalawang-isip akong sabihin iyon lalo na matagal kong di makakasama at makikita ang mga bata pati si Tita Wen.
"Really? You make me glad, Shai. Thank you." Dinig ko sa kabilang linya ang kanyang pagtawa.
"I just want my memories back so I decided to join with you."
Yeah, I seriously hoping my memories can revive. Hindi ako makakapamuhay pa rin ng tama na di ko alam ang buong pagkatao ko. These all I have wanted.
A several seconds before he speak. It sounds like his voice is stuttering right now. "Sure. I will help you then."
"Sige, I will hang up this call." Binababa ko na ang tawag matapos ang pag-uusap namin.
Gusto ko pang sulitin makasama sila kahit ilang sandali. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto habang dala ko ang ilang gamit.
"Wala na bang atrasan?" Nagulat ako nang si Ralph ang bumungad sa akin.
I nodded, "Wala na saka I need to restore my memories."
He nodded then, "Tama ka." Tipid niyang saad. "Anyway, naroon sa balcony ang mga kapatid ko pwede mo sila kausapin."
Aalis na sana siya nang magsalita ulit ako, "Ang bait mo ata ngayon." Pinasingkitan ko siya ng mata para makita ang kanyang magiging reaksyon.
"Ano gusto mo awayin pa rin kita kahit paalis ka na? Ang sama ko naman kung ganoon." Napaka-defensive niya ngayon.
Ayaw niyang aminin na na-missed niya rin ako.
"Bakit ka tumatawa nanaman?"
"None. Sige, puntahan ko muna mga kapatid mo."
Nagtungo na nga ako sa balcony at sakto naroon rin si Tita Wen. Napansin niya aking presensya kaya kaagad niya ako pinaupo sa kanyang tabi.
Marami kaming napag-usapan kasama ang mga bata sa loob ng dalawang oras. Maya-maya pa ay dumating na rin ang lalaki na nagpakilalang boyfriend ko raw.
Umayos ako ng tayo nang makita siyang papalapit sa kinaroroonan namin.
"Let's go?" Pagyayaya na niya sa akin dahilan para mapatitig ako sa aking mga kasama.
Nakaramdam ako ng lungkot nang sabihin na niya 'yon. Parang ayaw ko na tuloy sumama sa kanila.
"Sige na, Ivy sumama ka na sa kanya." saad ni Tita Wen sa akin.
"Add mo na lang kami sa facegram, Ate Beauty." biglang singit naman ni Rhiel.
Napatangu-tango lang ako bilang reaksyon dahil di ko na alam ang sasabihin. Naninibabaw sa akin ang emosyon.
"Tama. Doon na lang tayo mag-usap kapag may time." dugtong ni Rachelle sa sinabi ni RK.
"Nami-missed ka po namin, Ate Beauty." sambit naman sa akin ni Rianna.
"Huwag mo po kami kakalimutan." saad muli sa akin ni Rachelle at niyakap niya ako nang mahigpit. Ganoon na rin kina Rhiel at Rianna. Pagkatapos, niyakap na rin ako ni Tita Wen.
"Huwag mong kakalimutan ang mga naituro namin sa'yo, Ivy." Bulong niya sa akin habang nakayakap pa rin kami sa isa't isa.
Mga ilang sandali pa ay biglang sumingit sa usapan namin si Ralph.
"Mag-iingat ka." Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Nakakapagtaka na bigla siyang bumait talaga.
Napansin kong naging seryoso ang mukha ng lalaki na naghihintay sa akin nang magkausap kami sandali ni Ralph Miguel. Kaya, lumapit na ako sa kanya kasabay ng pagbitbit ko ng gamit saka nagpaalam na sa kanila.
Sobra ko talaga sila nami-missed. Lahat ng nabuo kong alaala kasama sila sa bahay na ito ay itatanim ko sa aking isip. I will treasure those memories until I heal. Hoping na matandaan ko pa rin sila kapag nabalik na lahat ang aking mga alaala.
Nakatulog ako sa buong biyahe kaya di ko namalayan na tumigil ang sasakyan. Naimulat ko ang aking mga mata at napalinga sa paligid.
"Narito na tayo." bungad ng lalaking kasama ko. "Did I disturb you?" Bigla niyang tanong.
"No." Maikli kong sagot at napatangu-tango lang siya.
"Anyway, magpapakilala ako ulit baka sakaling bumalik na rin kaagad ang memories mo." dagdag pa niya. "I'm Brixton Jeorge Ferrari, your handsome boyfriend." Hinaluan niya pa ng jokes ang kanyang pagpapakilala.
Wala pa rin akong naalala kahit nasabi niya na sa akin kanyang pangalan.
Bigla nanaman siya napatitig sa akin dahilan para bumilis nanaman ang tibok ng aking puso. He can only made this to me. I can't blink my eyes as staring on him.
A few minutes bumababa na rin siya at pinagbuksan ako ng pinto ng kanyang kotse. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Nawala talaga lahat ng alaala ko kaya di ko inakala na nanggaling ako sa isang mayaman na pamilya.
"Let's go?" Sumunod na kaagad ako kay Brixton papasok ng bahay. Sinalubong kami ng mga maids ng narito at binati.
"Hello po, Ma'am Shaina. Welcome back po." saad ng isa sa mga katiwala ng bahay na tila nasa edad 40 pataas na rin ito.
"Sa wakas natagpuan ka na rin matapos ang isang taon na paghahanap sa inyo ng mga magulang mo, iha." saad naman ng isang ginang na may edad nang higit sa limangpu.
I just smiled to them because I don't know to how to respond.
Brixton leaned on me for a second, "Pasensya na po kayo, Manang Glenda. Hindi po kayo makikilala pa sa ngayon ni Shai."
Nagulat at nagtinginan ang mga maids sa isa't isa. Bakas sa kanila ang pagtataka.
"Ano po ibig niyo sabihin, Sir Brix?" Tanong ng ginang kasabay ng sandaling pagtitig nito sa akin.
"Shaina has an amnesia." They looked more startled of what this guy said to them.
"Paano po nangyari iyon?" They curiously asked him again.
"Sabi ng nagkupkop sa kanya, nagka-amnesia siya nang maaksidente."
Naningkit ang aking mga mata sa kanyang nasambit gayundin ang pagsakit ng aking ulo. Napadaing ako kaya kaagad nilapitan ako ni Brixton.
"Hey, what happened?" He asked with full of worries on his face. Then, he carried me inside the mansion.
"I'm alright. Sumakit lang ulo ko." mabilis kong tugon.
"Madalas ba sumakit ang ulo mo?" He asked me again.
"Hindi naman." napatangu-tango siya at nagtanong naman siya muli sa mga maids.
"Nasaan nga pala sina Tita and Tito?"
"Nasa Spain po sila ngayon. Isang buwan nang lumipas." sagot ng babae na nasa 40's. "Pero sabi ni Ma'am darating raw sila ng 3:00PM." Tumango lang ang lalaking kasama ko.
So, it means they didn't know that I will come. Bigla ako nakaramdam ng lungkot kaya bumagsak ang aking mga balikat.
"Are you ok?" Tanong nanaman niya at tanging pagtango lang aking sagot.
Ibig sabihin kahit magulang ko wala man lang sila pakialam sa pagbabalik ko. Hindi lang ba nila ako hinanap nang mawala ako? Dapat pala hindi na lang ako umuwi. Mas masaya pa pala kasama sila kasi nararamdaman mong nagki-care sila sa'yo kaysa sa kadugo mo pa mismo.
"Mabuti pa ihatid na kita sa kwarto mo." saad niya sa akin.
Hinatid kami ng isa sa mga maid at itinuro ang mismo kong silid.
"Thank you." saad niya rito saka umalis na kaagad si ateng.
"Siguradong ok ka lang?" Napatango lang ako bilang sagot. "Ok, basta if you need help just call me. I need to go dahil mahuhuli pa ako sa photoshoot namin."
Puro tango lang ang naging saad ko sa kanya. This time I can't move on after what I've heard earlier. I heavily sighed and seat.
"Sige I have to go." Hinalikan niya ako sa pisngi bago nilisan ang silid.
I roamed my eyes in the entire room until it caught my attention of the picture frames displayed at the desk table. I was with the other woman there and we are both smiling. I have a younger sister?
Nagkalikot ako sa buong silid baka sakaling makahanap ng hints para maibalik ang memories ko. Sa gitna ng aking paghahanap, bigla na lang na may kumatok sa pintuan.
Hinintay ko lang na may magsalita, "Ma'am Shai, narito na po sina Ma'am Georgina at Sir Robert."
Siguro sila na 'yong magulang ko. "Sige, lalabas na ako."
Tumigil muna ako lumabas ng silid. Natigilan sila nang makita nila ako.
"Shaina Pauleen, here you are!" saad nila.
Nanatili na ganoon lang ang kanilang reaksyon at wala akong natanggap na yakap mula sa kanila.
"Kumain ka na rin. Sabi ni Manang Glenda hindi ka raw kumain ng lunch." Nanatili lamang ako nakayuko.
"Ok, we know. Brixton told us about your condition. But we have no idea of what happened to you for the past year na hindi ka namin mahanap and now nalaman namin nawala lahat ng memories mo." My father stated.
Wala pa rin akong balak magsalita at hinayaan ko lang sila.
"Anyway, may pupuntahan tayo mamaya honey." My mother interrupt. "Kasama si Shai."
I was little in astonishment of what she said.
"Oh, I almost forgot. Buti pinaalala mo." My father said. Napatitig ito sa akin, "You better prepare for our appointment later. This is about business so it's exciting."
After our conversation, I went back to my room and think towards my parent's statement earlier. I heavily sighed again. Wala akong ginawa kundi ihanda na lang sarili para mamayang 5:00PM. Ganito talaga kapag mayaman, puro business ang parating nasa isip.
As you can see, my parent didn't ask anything well about my condition of how I am feeling? Sino ba 'yong nag-alaga sa akin sa panahon na 'yon? Nagtanong sila ng kaunti at pagkatapos nauwi pa rin sa usapang negosyo. I am so unlucky.
Pagsapit ng ala-singko ng hapon, nakarating na rin kami sa nasabing venue kung saan makikipagkita raw sa isang investor.
It stopped me when I saw him- Brixton Jeorge smiling in front of me now and greet me a 'good evening.'