"Nay! Tay!" sigaw ko habang naglalakad papasok sa aming maliit na bahay na gawa sa sementong nabibitak na at kahoy.
Hindi man gawa sa magandang materyales ang bahay namin ay malinis naman itong tignan. Iyon nga lang medyo madalas itong kumpunihin ng tatay tuwing tag-ulan dahil madaling masira ang bubong na madalas tumutulo at ang kahoy na madaling malasaw dahil sa ulan.
"Nay—"
Hindi ko na itinuloy pa ang pagtawag sa aking ina ng marinig ko na naman ang mala-kulog na ubo ng tatay.
"Joselito, lumalala na 'yang pag-ubo mo. Mag-tungo na kaya tayo sa pagamutan sa bayan bukas?" dinig kong nagaalalang boses ng aking ina.
Gumalaw ako ng kaunti upang sumilip kung nasaan sila.
Nakaupo ang aking ama sa kahoy na upuan na kanyang ginawa habang patuloy sa pag-hasa na kanyang patalim na ginagamit niya sa pagputol ng pananim sa sakahan.
"Nako! Gastos lang iyan, Esme." mariing tutol ni ama, "Ipandagdag mo nalang sa pag-aaral ni Elviera, isang taon nalang at ga-graduate na ang anak natin!" masayang turan nito.
Napangiti naman ako sa sinabi ng aking ama. Pero agad na naglaho 'yon ng marinig ko na naman ang pag-ubo ng aking ama.
"Pero ang sakit mo?!" natatarantang turan ni nanay sabay hagod sa likod ni tatay.
"Ayos la—" hindi na naituloy ni tatay ang pagsasalita ng umubo na naman ito. Sa pagkakataong ito mas lumakas at halatang malala na ang ubo ni tatay, humawak rin siya sa kanyang dibdib at pinisil ang damit nito.
"Tay!" sigaw ko.
Pareho na kaming nataranta ng aking ina. Tumakbo ako palabas ng bahay at tinawag ang aming kapit bahay na may traysikel upang dalhin si tatay sa pagamutan sa bayan.
"NAY may Tubercolosis ho ang tatay, lumala lang po dahil hindi nakakapagpa-check up noong una palang kaya hindi nabibigyan ng pansin. Sumunod na po kayo sa baba para malaman niyo kung anong gamot ang dapat niyong bilhin at pati na rin ang bill niyo sa hospital." litanya ng Doctor sabay lakad paalis sa kwartong kinaroroonan namin.
"Anak ikaw na muna ang bahala sa tatay ah." saad ni ina sabay hawak sa aking kamay. Pagod na tumango na lamang ako at ngumiti ng malungkot.
Iniisip ko ang aking mga magulang habang nakatulala sa kisame ng ospital.
At their age dapat at hindi na sila nagta-trabaho at dapat na namamahinga na lamang.
Sa edad na sixty-two patuloy parin sa pagtatanim ng gulay ang aking ina sa likod ng aming bahay at ibenebenta 'yon tuwing umaga. Para sa pagaaral ko at iba pang gastusin sa bahay.
Ang ama ko naman ay sixty-four na at gaya ng aking ina patuloy parin ito sa paghahanap buhay sa kagustuhang mapag-tapos ako sa aking pagaaral.
Sa edad kong twenty-one ay matanda na ang kanilang edad, menopause baby ako, nagsama ang aking mga magulang sa edad nilang eighteen at twenty, kahit na ganoon ay nahirapang magbuntis ang aking ina. Nagka-anak sila noong fourty-one at fourty-four na sila.
Kahit na alam nilang mahihirapan sila sa pagpapalaki sa akin dahil nagkakaedad na rin sila ay itinuloy parin nila ang pagtatrabaho para sa akin.
Sa totoo lang may kaya ang pamilya ng aking tatay dahil hindi naman siya purong Pilipino. Purong amerikano raw ang aking lolo at pilipino naman ang lola ko, kaya't nakaaangat rin ang aking itsura sa ibang babaeng kaedad ko, 'yon nga lang. Galing sa mayamang angkan kung kaya't hindi sila boto sa aking ina na mahirap lamang.
Kaya hindi na natuloy ang aking ama sa pagiging sea man dahil hinarangan 'yon ng kanyang mga magulang, hangga't hindi daw bumabalik sakanila ang aking ama ay hindi sila titigil sa pagpapahirap sa buhay nito.
Mahal na mahal ni tatay ang nanay kaya hindi niya iniwan ito. Nang mamatay ang lola't lolo ko ay medyo lumuwag ang buhay namin ngunit hindi na pinalad na makaakyat sa barko ang aking ama sapagkat ito't may edad na.
Ang yaman na dapat sa ama ko mapupunta ay hinati ng aking mga lola't lolo sa iba pang mga Suave, ni piso ay walang napunta sa aking ama, wala ring tumulong sa amin na iba pang kamag-anak.
"Tay..." tawag ko sabay tayo ng makita ko itong magmulat ng mga mata.
"Anak..." nanghihinang anas nito.
"Tay, huminto muna po kaya ako? Tutulong muna po ako sainyo ni nanay." suhestyon ko.
Matagal ko narin namang nais huminto upang tumulong muna ngunit mariin itong tinutulan ng aking ama.
"H-huwag.. Isang taon nalang naman.. Ikaw ay m-magiging isang ganap ng guro." nahihirapang wika nito.
Huminga lamang ako ng malalim at tumango.
Lumingon ako sa aking ina at malungkot itong nakatitig sa akin habang hawak ang papel na hula ko ay reseta at bill sa ospital.
Kinuha ko ito mula sa aking ina at binasa ang gamot na kakailanganin ni tatay pati na ang bill.
Inalala ko ang walong libong ipon ko na nakatago sa aking lagayan ng damit. Para sana 'yon sa huling taon ko sa kolehiyo at pambyahe sa Maynila para sa board exam.
Mukhang kailangan ko munang basagin 'yon para sa kalusugan ni tatay.
"Ako na po ang bahala, Nay. May pera po ako." saad ko at ngumiti para mabawasan ang pagaalala nila.