Nanghihinang napaupo na ako sa upuan sa isang karinderya.
Ikatlong araw ko na 'to sa paghahanap ng trabaho, at laging walang bakante kung minsan ay mayroon pero hindi qualified dahil under grad palang ako.
Sinubukan ko ng magapply bilang; receptionist, office clerk, secretarial position pero wala talaga. Lalo na at ang background school ko ay sa probinsya lamang. Iilang babae rin ang nag-offer sa aking mag waitress sa bar na agad kong tinutulan. Dahil kahit na ganoon ay maikli parin ang mga damit na kailangan suotin.
Sinabihan rin ako ni Tiya na mahihirapan talaga ako lalo na ang mga tao ngayon ay sa mga Agency na raw kumukuha.
"Isang order po ng kanin at caldereta. Salamat." saad ko.
Ang plano ko ngayon ay magaayos uli ng papel dahil susubukan ko na sa Agency, kapag natanggap ako ay sila rin ang tatawag sa akin.
"Ito na, eighty-five lang, ganda." sabi sa akin ng aling serbidora habang titig na titig sa mukha ko, "Mukha kang amerikana, kumain ka ng mabuti ha."
Iniabot ko na ang bayad ko, "Salamat po."
Nagsimula na akong kumain habang nakatitig sa mga papel na nasa ibabaw ng mesa.
Inabot ko ang isang diyaryo at binasa ito, may isang kilalang agency rito malapit sa kinakainan ko. Doon ang plano ko pagkatapos kong kumain dito.
"Salamat po ulit."
Ngumiti ang tindera, "Salamat rin, balik ka ulit!"
Naglakad ako habang bitbit ang envelope na naglalaman ng mga requirements ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang malaking building ng agency na balak ko pasukan.
Sinunod ko ang ilan sa mga nakasulat sa pader na mga arrow at text para kung saan ako pipili.
"Requirements, miss." saad ng babae.
"Ito po."
"Ano bang posisyon o trabahong nais mo?" tanong nito habang tutok na tutok at nagtitipa sa computer na nasa harapan niya.
"Kahit ano po sana, under grad po ako, educ ang course. Yung pang isang taon lang po sana ang kontrata, secretary, clerk, receptionist, cashier o kahit ano po."
Tumango-tango naman. "Paki-fill up-an po ito. Ang pinaka mabilis na tawag na magagawa namin ay bukas hanggang sa isang linggo. Depende kung gugustuhin na kayong kunin ng magiging amo niyo." paliwanag nito.
"Salamat po." saad ko at naglakad palabas. Hindi rin sigurado 'yon kaya sinubukan ko pang maghanap ng mga coffee shop na p'wedeng pasukan.
Pumasok ako sa isang coffee shop, Bean Factory.
"Cashier po, wala na bang vacant?" pakikiusap ko sa isang staff.
"Nako miss, hindi pa sigurado e. May nag-apply kasi kanina, iwan mo nalang requirements at contact mo sa akin. Ipapasa ko sa boss ko mamaya. Baka pumipili na yon." iniabot ko ang iilang papel sakanya at tumango.
"Salamat, Miss."
Pang-apat ko ng pinag-applyan ito ngayong araw.
May mga tumawag naman sa mga pinag-appylan ko 'yon nga lang. Puro 'sorry you're not qualified' 'sorry there's no vacant available'
Hindi parin naman ako nawawalan ng pag-asa, kailangan ko, para kay tatay at sa pagaaral ko.
Nagising na pala ang tatay kahapon, ayon naghisterya ng malamang huminto ako sa pagaaral, pero wala narin naman siyang maggagawa dahil talagang kailangan.
"UY neng bumalik ka." bati ng ale sa karinderyang pinagkainan ko kanina.
"Opo. Isang order po ng sisig at dalawang manok." ngiti ko sabay abot ng bayad. Bumili na kasi ako ng pang-ulam.
Para hindi na mag-abala pang magluto mamaya si Tiya Medring. Alam kong pagod 'yon, tumatanggap pala siya ng labada ng mga mayayaman kung minsan naman taga linis ng bahay, may kaibigan kasi siyang care taker ng isang mansion.
"Tiya Medring.." bati ko sabay mano.
"Oh? Ulam ito ah." gulat niyang turan, "Dapat ay itinago mo na lamang ang pera mo, hija. Magluluto na sana ako."
"Nako, minsan lang naman po, Tiya. Baka bukas o maghihintay lang ng isang linggo may trabaho na ako."
"Ay mabuti naman kung ganoon. Para makapagpadala ka sa mga magulang mo."
"Kapag po nakaluwag, bakit hindi nalang po kayo manirahan sa probinsiya kasama namin?" tanong ko. Nagiisa na lamang kasi siya rito.
"Ay. Matagal na naming plano ng nanay mo 'yan. 'Yon nga lang lagi kaming kapos."
Tumango naman ako.
"Tiya Medring, kapag nakaipon at nakatapos po ako, isasama na po kita sa probinsya, para magkasama kayo ni nanay."
"Ay napakabuti mo talagang bata."
"Bakit hindi po kasi kayo nag-asawa?" biro ko.
Umirap naman si Tiya at nagsandok ng kanin, "Mataray kasi ako noong panahon, yung mga nangakong hihintayin ako, nakapangasawa at nakabuntis na!"
Tumawa naman ako pero agad ring tumigil, kawawa naman pala si Tiya.
"Pero ayos lang, nagkaroon ako ng kasintahan noon, minahal ko 'yon. Pero wala, kinuha agad ni Lord."
"Ohh.." what a tragic story.
Medyo kinabahan ako, meron pala sa kamag-anak namin ang naging matandang dalaga at mayroon din nahirapan na magkaanak. Sana naman maging normal lang kapag sakin na. Lalo na iba sa panahon namin ngayon, nais kong humanap ng kagaya ni tatay, mabait at marunong maghintay. Pero hindi natin masasabi, iba ang mga lalaki sa panahon ngayon.