Chereads / Treaty with an Accardi / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Pupungas-pungas akong bumangon at kinusot ang aking mga mata nang marinig ko ang pagtunog ng aking telepono.

"H-hello?"

"This is Manager Jo from Bean Factory. Are you Ms. Elviera Suave?"

Agad akong napaayos ng upo at napadilat ng marinig aking pangalan.

"O-opo.."

"Good. Please come to the Bean Factory, here in my office for your first interview. Just say your name and my staff will assist you. Be here before 10 a.m."

Ngumiti naman ako at tumango-tango kahit hindi ako nakikita, "S-sure po. Thank you."

Pero first interview palang daw. Mataas ata ang standard ng coffee shop na 'yon, parang starbucks pala, kailan may itsura ka rin.

Pero sana tumawag parin 'yong agency, 'di hamak na mas mataas ang suweldo ng mga makakapasok sa trabaho kapag natawagan ng agency. Puro raw kasi mayayamang negosyante ang madalas tumawag sa ganoong ahensya. Gusto nila ng mga professional na empleyado.

Bumangon ako at pinusod ang aking buhok bago sinulyapan ang orasan sa taas ng pinto.

Alas-otso palang ng umaga. Siguro ay tulog pa si Tiya Medring, paniguradong pagod 'yon mula sa paglalaba at paglilinis kahapon.

Bumili ako ng dalawang itlog at apat na hotdog sa tindahan. Nakasalubong ko pa sina Pasing at mga kaibigan nito.

"Goodmorning, ganda."

"Magandang umaga, crush." nakitawa na lamang ako sakanilang kalokohan at binati sila pabalik.

Sinindihan ko ang de kahoy na lutuan at unti-unting hinipan ito para lumakas ang apoy. Nagsaing na rin ako ng kanin at isinalang 'yon sa lutuan.

Inihanda ko rin ang almusal na binili ko sa tindahan at niluto ang mga ito.

"Ay bakit ka nagluluto? Ako na d'yan at gumayak kana."

"Tapos na ho, Tiya. Alas-diyes pa po ang interview ko."

"Nako! Napakasipag mo talagang bata, mana ka sa iyong ina. Kung noon lang gigising ako ng gutom e hindi pa ako maghahain. Napaka-swerte ko sayo." nakangiting saad nito at hinaplos ang braso ko.

"Salamat po. Masuwerte rin po kami ni nanay dahil nand'yan kayo."

"Osya! Kumain na tayo at may trabaho pa tayong dalawa."

"Sige po."

Masaya naming pinagsaluhan ang simpleng pagkain na aking inihanda.

"Tumawag kana ba sainyo?" tanong ni Tiya Medring habang naghuhugas ng pinagkainan.

"Hindi pa po, tatawag po ako mamaya."

"Pakikumusta mo ako sa magulang mo ha."

"Opo, Tiya." saad ko habang pinupunasan ang aking buhok gamit ang tuwalya.

"Pagbutihan mo sa interview, hija. Kunsabagay, teacher nga pala kurso mo tiyak na alam mo na ang iyong gagawin."

"Opo."

"Pero tatandaan mong iba parin ang probinsyang pinanggalingan at itong Maynila. Maraming masasamang loob at manloloko sa syudad na ito, Elviera. Magiingat ka parati."

"Opo. Salamat po sa paalala, Tiya. Tatandaan ko po 'yan."

Isang simpleng three-fourth sleeve na kulay puti na medyo hapit sa aking katawan at fitted na paldang itim na hanggang sa ibabaw ng tuhod ang haba.

Litaw na litaw ang kurba ang hubog ng aking katawan sa suot ko, ngunit hindi nakakabastos tignan. Tama lang para sa interview.

Ipinusod ko na lamang ang aking buhok at hinayaang malaglag ang ibang parte ng aking buhok. Hindi na ako nagabalang magayos pa ng aking mukha dahil na rin sa natural na pagkapula ng pisngi at labi ko.

Muli kong sinulyapan ang orasan, "Aalis na po." paalam ko sabay mano kay Tiya Medring.

"Magiingat ka."

Kinawayan ko na lamang siya at sumakay sa traysikel.

"Ako po si Elviera Suave." nakangiti kong bati sa lalaking staff.

Suminghap naman siya at napatitig sa mukha ko. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya madali akong nag-iwas ng tingin.

"A-ah. Tara na sa office ni Ms. Jo." utal niyang turan pagkatapos ay tumikhim.

"Salamat." sabi ko bago siya naglakad palayo, namumulang tumango naman siya.

Sumulyap muna ako sa pambisig na relo bago kumatok naman ako ng dalawang beses at hinintay siyang magsalita.

"Come in."

Pumasok ako at ngumiti sakanya.

"Have a seat." saad niya at nilahad ang kanyang kamay, "I'm Manager Jo."

"Elviera Suave." I said in a professional way.

"You're the seventh applicant who'll be interview for this week. The others are good. I hope you're too." seryosong saad niya at tinignan ang resumé.

"May I know, why did you stopped entering school? You're just twenty one."

"Financial problem. Both of my parents are old and my father is sick, we don't have enough money to pay for all the bills and other expenses."

"Oh, that's why you chose to stopped and work?" tanong niya, tumango na lamang ako.

Nagtanong pa siya ng iilan. Common questions.

"Thank you. I'll just call you."

Ngumiti naman ako at umalis na. Pinili kong magpunta sa karinderyang kinainan ko na noon.

"Isang order po ng torta at kanin."

"Eto na suki, singkuwenta nalang sayo, neng. Mukhang napapadalas ka rito ha."

"Opo e. Salamat." ngiti ko.

Nagsimula na akong kumain, iniignora ang ibang kalalakihang pasulyap-sulyap sa aking puwesto.

"Salamat ulit, neng!"

Agad kong kinapa ang aking cellphone mula sa aking bag nang marinig ko itong mag ring.

"Hello, this is Alice from Primera Agency. We alrrady have a job offer for you. Kindly go to our main office before 2:00 pm."

"S-sure. Thank you!" masayang sabi ko.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang mapigilan ang pagtili ng malakas. After how many days, Finally!