"Saan ka ba nanggaling?" nag-aalalang tanong ni nanay.
"Hahanap po sana ng trabaho, Nay." pagsi-sinungaling ko.
Hindi na ako nag-abalang ikuwento pa ang mga nangyari sa hacienda dahil tiyak na kagagalitan lamang ako ni nanay.
Hindi ko rin alam na magiging ganoon ang aking pinsan.
Noong labin-dalawang taong gulang kasi ako ay nagpunta kami roon ng aking ama, hindi kasama ang nanay.
Nais palang makipag-ayos ng aking lola kay tatay pero ang sabi ay kailangang hiwalayan nito si nanay at sasama kami sakanila, na mariing tinutulan ni itay.
Habang sila'y nagu-usap ako naman ay nakaupo lamang sa duyan na nakatali sa ilalim ng puno.
Doon ko unang nakilala ang pinsan kong si Kuya Dominic at ang dalawa ko pang babaeng pinsan na anak ni Tiya Jessi, bunsong kapatid ni tatay.
Kahit na mailap ako sakanila ay patuloy parin sa pagtataray sa akin ang dalawang babae na noon ay edad walo at labin-dalawa, kagaya ko.
Si Kuya Dominic lamang ang nagtyagang makipag-usap sa akin noon. May iba pang bata sa hacienda na gustong lumapit sa akin ngunit bantay sarado ako sakanya.
Kaya nakapalagayan ko rin ng loob si Kuya Dom, dahil napaka-buti niya sa akin.
Hindi ko alam na pagkatapos ng mahabang panahon ay magiging ganoon ang pakikitungo at pagtingin niya sa akin.
Tumataas ang aking balahibo kapag naaalala ko ang mga salitang kanyang binitawan sa hacienda. Kailan man ay hindi sumagi sa isipan ko ang pumasok sa maduming trabaho, lalo na at pagiging guro ang nais ko.
"NAY, pasok na po ako." paalam ko.
Ikatlong araw na ng pananatili ni tatay ngayon sa hospital at hindi parin siya nagigising kung kaya't nahihirapan ang mga Doctor na sabihin sa amin kung bubuti ba ang kanyang lagay o hindi.
Sinimulan ko ng maglakad patungo sa aking paaralan ng makasalubong ko si Tony.
Madali siyang lumapit sa aking tabi at tinitignan ako.
"Nabalitaan ko ang nangyari kay Mang Jose, Eli! Handang tumulong si Nanay at Tatay pati na ang iba pa nating kapitbahay!" turan niya.
Ngumiti naman ako ng tipid, "Nakakahiya man pero hindi ko tatanggihan 'yan. Salamat sainyo ah. Wag kayong magalala babayaran ko 'yon kapag nakahanap na ako ng trabaho." paliwanag ko.
"Huh? Mag working student ka, Eli?"
"Hindi. Hihinto muna ako."
"A-ano? Pero isang taon nalang oh? Tutulong naman kami sainyo."
"Salamat, Tony. Pero hindi parin kasi kaya, may maintenance na gamot pa si tatay kaya kukulangin din." huminga ako ng malalim.
"Ganoon ba? Saan mo balak magtrabaho? Hindi ganoon kaganda ang mga offer dito, mababa pa ang suweldo."
"Iyon na nga, plano ko sanang sa Maynila. Dahil mas maraming oportunidad doon."
Umaasim naman ang mukha ni Tony at sumulyap sa akin.
"Nako! Magiingat ka roon, ha. Tapos tumawag ka sakin lagi, para may ibabalita ako sa magulang mo."
"Salamat, Tony ha." saad ko sabay ngiti.
"Shit!"
Gulat na napalingon ako kay Tony ng marinig ko ang mura niya. May bumatok sakanya mula sa likuran.
"Kaya pala hindi mo 'ko pinapansin!" gigil na sigaw ng isang babae.
"M-maris?" tawag ko sa girlfriend ni Tony.
Sumama naman ang tingin nito sa akin. Ngumisi si Tony at inakbayan si Maris bago hinalikan ng ilang beses ang tuktok ng ulo nito.
"Ayusin mo nga yang mata mo, Maris." tatawa-tawang saad ni Tony, "Ang sungit mo na naman, ano buntis kana ba?"
Nanlaki ang mga mata ko at tumitig kay Tony. Namula naman si Maris at ibinaon ang mukha sa dibdib ni Tony.
Tumawa naman si Tony at hinila ng muli si Maris, "Biro lang, hali kana nga, Babe."
Napailing nalang ako habang tinitignan silang dalawa. Bagay sila, isang makulit at isang masungit.
NAKAUSAP ko na ang aking mga propesor kahapon, sinabi ko ang rason kung bakit titigil muna ako sa pag-aaral. Nanghihinayang sila at ang iba ay nagpaabot din ng tulong sa aking magulang.
Ngayon araw na 'to ang luwas ko sa Maynila.
"Magiingat ka roon, anak ha." paalala ni nanay habang nakahawak sa kamay ko.
"Ingat ka, Eli." paalam ni Tony matapos ilagay ang ibang bagahe ko sa bus.
"Opo. Salamat." niyakap ko silang dalawa, "Tatawag ho ako, Nay."
Sumakay na ako sa bus at kumaway sakanila habang unti-unti itong umaandar.
Nang makalabas na ng bayan ang bus ay iniyos ko ang aking dalang shoulder bag kung nasaan ang mga dokumentong kakailanganin ko.
Maraming photo copy ng ID, birth certificate at resumé ang nasa loob ng bag na dala ko. Pitong libo lang rin perang dala ko dahil kakailanganin pa ni tatay ang mga 'yon. Si tatay naman ay hindi parin nagigising, pero sabi ng Doctor ay bumubuti na ang kanyang lagay dahil minsan ay nakikita na naming naigagalaw ang kanyang daliri at kamay.
Si nanay nalang ang bahalang mag paliwanag kay tatay na huminto muna ako kapag nagising na ito.
Ang tutuluyan ko naman sa Maynila ay malayong kamag-anak ni Mama. Third cousin niya. Walang anak at mag-isa lang sa buhay.
Huminga ako ng malalim habang bitbit ang malaking bag na naglalaman ng aking mga gamit. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo, tirik na tirik ang araw ngayon.
Tinignan ko ang address na binigay ni Mama. It's somewhere in Tondo.
Muli akong sumakay sa jeep pagkatapos ay traysikel naman. Nasa anim na daan ang bawas sa aking pera dahil sa pamasahe.
"Tiya Medring?" katok ko sa pintong kahoy.
Napapatingin na rin ang ilang kalalakihan na pawang mga walang saplot pang-itaas.
Maraming nakatambay at nagiinuman, ang mga bata naman ay marungis, payat at hubo't hubad, mga matatabang babaeng nagchi-chismisan, may mga nagsisigawan,hindi rin ganoon ka ganda ang lugar at dikit-dikit ang mga bahay.
Bumukas ang pinto at may dumungaw na babaeng sa tingin ko ay kasing edad ng aking ina.
"Ikaw na ba 'yan, Elviera?" natutuwang tanong niya.
"Ako na nga po, Tiya. Pasensya na po sa abala." ngiti ko.
"Ay halika pasok ka. Ang bigat nitong mga dala mo." ngumiwi siya at lumingon sa paligid, "Pasing! Allan! Tulungan niyo nga ako!" sigaw niya.
Dali-dali namang lumapit ang dalawang kalalakihan, nakiusyoso naman ang iba.
"Aling Medring, bigatin tong kasama niyong si ganda ah. Foreigner!" sabi nong nagngangalang Allan.
"Pamangkin ko 'yan, wag niyo ng pormahan."
"Ang higpit niyo naman Aling Medring. Baka tumandang dalaga 'yan ah." tatawa-tawang saad naman ni Pasing.
"S'ya! Salamat nalang ha at magsilayas na kayo."
"Salamat." saad ko.
Gulat silang lumingon at nahihiyang tumango at nag-kamot sa batok. "Walang anuman, miss."
"Tiya, aalis na po ako at maghahanap ng trabaho."
"Hala? Hindi ka man lang ba magpapahinga? Pagod ka sa byahe!"
Ngumiti na lamang ako at umiling. Hinatid niya na ako sa sakayan ng traysikel, nagpabaon din siya ng tatlong daan sakin kahit tanggi ako ng tanggi.
Totoo ngang maraming tutulong saiyo kung ikaw ay mabuti at kung ang taong 'yon ay tunay na may malasakit sa kanyang kapwa.