Chereads / PINKY GANGSTERS / Chapter 14 - CHAPTER 14: Consequences

Chapter 14 - CHAPTER 14: Consequences

Ana's POV

Huminga ako nang malalim bago kumatok sa pinto at pumasok. Naabutan ko siyang nanunuod ng television habang kumakain ng mansanas.

"Hi..."

Lumingon ito sa akin saka ngumiti. "Hi, hindi ka ba busy? Okay naman na ako eh, you don't need to visit me here always."

Hindi ko masyadong binigyang atensyon ang kanyang sinabi at lumapit ako sa table para maupo sa gilid nito. Ipinatong ko rin ang dala kong isang basket ng prutas sa lamesa.

"Hey," he called again.

Ngumiti naman ako ng medyo awkward saka nagpalumbaba sa higaan na kanyang hinihigaan.

"I'm not busy. How are you feeling?"

Ngumiti lang din ito at hindi nagsalita. Malinaw pa rin sa kanya ang mga peklat mula sa sunog na natamo nito sa katawan. Kalahati ng likod niya ay nasunog hanggang sa left arm, mababaw pero tanggal ang mga balat.

"Kailan ka raw lalabas?" Tanong kong muli.

"Pwede na raw akong lumabas bukas."

"Well, that's good news." Tango ko saka tumingin na sa television na nakapatong sa isang sulok ng kwarto nitong hospital.

Lakers vs. Chigaco Bulls ang magkalaban sa court.

Pamaya-maya ay may naalala ako kaya tinawag ko ang pangalan niya.

"Trevor..."

"Hm?"

"Salamat ulit," nahihiya kong bulong.

-Data-

Dark Cavalier

Name: Trevor Hemmings

Age: 23

Skill: Bomber

Hindi nito inalis ang mata sa telebisyon saka kumagat sa mansanas niyang hawak bago ako sinagot.

"Welcome."

Si Trevor yung lalaking humitak sa akin palayo sa lalaking halos patayin ko na nang paulit-ulit. Nang matapos yung party, nalaman ko nalang na napuruhan pala siya sa naging pagsabog kung saan ikinover niya ako.

Kilala ko sa pangalan ang mga members ng iba't ibang gangs, pero hindi ko alam na siya pala si Trevor Hemmings na mula sa grupong Cavalier. Isa sa mga magagaling about bombs, tulad ni Eloi, pero ang alam ko nagpunta ito sa ibang bansa kaya hindi siya naging active sa mafia rito sa bansa.

"What are you thinking?" Nalingon ako sa kanya nang bigla itong magsalita.

"Nothing," I answered simply.

Bakit naman niya naisipang tanungin ang nasa isip ko?

"How about the guy you were talking about? How was he?" Muli niyang tanong na sa totoo lang hindi ko ineexpect na itatanong niya sa akin. He was so straightfoward to the point that people will feel uneasy when he talked about something.

"T-teka, kaya mo na ba talaga? H'wag ka muna--"

Imbis na sagutin siya ay napatayo ako nang bumaba ito sa higaan.

Hindi pa siya ganun kagaling!

"No, I'm okay already." Pigil niya rin sa akin at lumapit sa lamesa sa gilid niya. Kumuha ito ng baso at nagsalin ng tubig.

"So, what happened?" tanong niya ulit.

I let out a sigh, then tried to open my mouth to speak a word but suddenly it closed again.

I don't know what to say.

"What's his name again? A-apple?"

Medyo natawa ako sa sinabi niya kaya hindi ko na napigilan na magsalita pa.

"It's Arel, not Apple."

"Ahh, yah. Arel, so..."

Umiwas ako ng tingin saka sumagot.

"I don't know. Maybe... "

Halos muntikan nanaman akong maiyak nang maalala siya.

Hindi ko alam kung okay ba talaga siya.

Kung nasaan siya sa mga oras na 'to.

Kung anong nangyayari sa kanya after kong makita siya sa labas ng Grand Hall.

"You're frowning." Nagulat ako kay Trevor nang bigla siyang nagsalita sa aking harapan. Nakabalik na pala ito sa kinauupuan niya na hindi ko man lang napansin.

"May naalala lang ako, si Arel? A-ayun." Lumunon ako saka ngumiti habang nagkukwento, masyado pang confidential ang buhay ko. Iniligtas na nga niya ako, gagawin ko pa siyang si Dj chacha? Tsss..

I don't need someone who can give me advice but someone who I can lean on.

"Buti na lang wala siya ron sa nangyaring pagsabog, may mga nakita kong galos sa mukha niya, pero o-okay naman siya. Buhay na buhay," tawa ko pa.

Tumango ito at hindi na muling nagtanong pa na mas pabor sa akin dahil baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko.

Alam mo yung nakakainis?

Yung siya parang kinalimutan ka na, ikaw naman 'tong asang-asa pa?

Yung dati, updated ka. Ngayon, naiiyak ka nalang kasi wala ka nang karapatan na alamin yung kalagayan niya.

Umuwi ako pagkatapos dalawin si Trevor, lalabas na pala ito bukas kaya hindi ko na muna siya masyadong makikita. Malaki kasi ang utang na loob ko sa kanya dahil sa pagkakaligtas niya sa akin sa oras na blanko na ang lahat para sa akin kaya bilang kabayaran, binisita ko siya sa hospital.

Pagkauwi ko ay mas pinili ko nalang na humiga sa kama at tumitig sa kisame. Napaismid naman ako ng automatic nang nagbalik ang nga alaala na 'yon sa akin.

Ang nakita kong senaryo nang gabing iyon.

*****

Pagkatapos ng party ay nagpaalam na rin ako kila Talline na uuwi na pero ang totoo hahanapin ko si Arel.

Ayokong sabihin na nakita ko si Arel sa party na may kasamang iba at hindi ko alam kung buhay pa. Wala na akong panahon para sa drama ko. All I need is to know if he's still breathing. Tinawagan ko na rin ang phone niya pero patay ito na dahilan kaya mas dumomble ang kabog ng aking puso. Dumiretso ang kotse ko sa bahay niya, nagdoorbell ako ng ilang beses, umaasa na lalabas siya pero wala. Walang taong lumabas. I thought he was at home already. But no one was in there, I'm wrong, I'm f*cking wrong.

Muli ko nanamang pinaandar ang kotse this time, sobrang bilis umabot sa 90 km/h parang singbilis ng tibok ng puso ko.

Iniliko ko ang kotse at napagpasyahang bumalik sa grand hall, wala na ang kotse ng mga kaibigan ko pero may mga sasakyan ng ambulansya. Hindi ko na ito binigyan ng atensyon at itinuloy ang pagdadrive.

Mabilis akong bumaba nang makita na isa-isa nang inilalabas ang mga bangkay ng mga namatay sa party. Hindi ko na napigilan ang luha at tuloy-tuloy nang bumagsak ang mga ito.

Iniaangat ko ang nakatakip na mga kumot sa bandang mukha ng mga bangkay na bitbit nung mga lalaki. Gusto ko man na siyang makita pero hindi sa ganitong posisyon, hindi sa ganitong pwesto.

Ilang bangkay na ang nakita ko pero thank's God wala siya roon. Tatakbo na sana ako papasok sa loob pero napahinto ako nang makita ko si Gabriel Dex Hepburn, kasama si...

"Arel!" Nalipat ang tingin ko sa babaeng tumawag dito, at niyakap siya agad. "Shems! Akala ko kung anong nangyari sa'yo! You scared me bigtime boy."

Gumanti ng yakap si Arel habang inaalalayan siya ni Gabriel. May dugo ito sa mukha at sunog ang ibabang bahagi ng pantalon nito. Pagtingin ko naman sa bandang braso ay napatakip ako sa bibig nang makita na may malaking hiwa ito.

Oh myyy....

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tila kumilos mag-isa ang katawan ko.... sa sobrang nais nitong makita siya ay hindi ko na nagawang kontrolin pa.

"Arel..." tawag ko, bumilis nanaman ang tibok ng puso ko pero this time tibok ng pagmamahal. Lumingon ito sa akin, at nagkasalubong ang tingin namin pero....

"Arel!"

"Arel!" Sigaw ni Gabriel at nung babae nang biglang himatayin si Arel, nawalan ito ng malay. Parang hindi ko alam ang nangyayari, may lumapit na mga lalaki at tinulungan buhatin si Arel. Susunod na sana ako sa kanila pero napahinto ako sa narinig.

"Bullsh*t! Pinigil ko siyang pumunta rito, ang tigas kasi ng ulo. Sasabihin ko talaga kay Tita na pagbawalan na si Arel sumama kung kani-kanino."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa gown na aking soot.

"We all know naman na he is not belong here, Gab! Hindi niya kaya ang mga ganitong bagay." Umiiyak na ani nung babae.

*****

Napailing na lang ako nang mapakla, hindi ko man alam kung bakit nakarating siya sa party, kung okay na ba siya ngayon, o kung sino yung bagong babae na 'yon pero isa lang ang sigurado ako.

Baligtarin ko man ang mundo, hindi siya nababagay sa akin.

I can sacrifice my heart, but not his life.

Never.

Maricris's POV

Ibinaba ko ang baraha habang nag-aabang na ibaba rin nila ang sa kanila. Ayokong matalo, masyado akong maganda para lang matalo sa bagay na 'to.

Nakita ko kung paano kuminang ang mga mata ni Diana nang makita niya ang nabunot na baraha. Sunod ko namang binalingan ng tingin si Talline, na tila naiinis sa nakuha.

"Wahahaha, wooooh! Ganda nito," sigaw ni Eloi, medyo kinabahan ako sa naging reaction niya parang ako ata ang matatalo.

Napangiti naman si Ana nang makuha niya ang kanyang card, pati si Wencie ay tinanguan ako saka nakangiti na umiling.

"Lucky is written on my hands for today." Ani ni Maria.

Binalingan kong muli ang aking baraha, kaming dalawa na lang ni Talline ang natitira na bubunot. Silang lahat ay tapos na ibigsabihin, hindi sila natalo.

"Ready?"

Tumango ako kay Diana at bumunot si Talline sa hawak ko. Sheez.....

.

.

.

.

.

"Waaaaaahh! Ang daya ninyo!!" Sigaw ko nang makita ang nabunot. Inilabas naman ni Eloi ang nakatagong card sa ilalim ng mesa.

"3 hearts."

Pareho? Naku naman!

"Unggoy si Maricris!" Hagalpak na tawa ni Maria.

"Talo! Kinabahan ako kanina, akala ko ako pa matatalo." Baba ni Talline ng baraha.

"Unggoy! Si maricris!" Pangbu-bully din sa akin ni Diana.

"Weak, pfft.." bulong naman ni Wencie na dinig na dinig ko samantalang tawa lang nang tawa si Ana.

"Oo, mukha naman talaga eh," turo naman ni Eloi sa akin at sabay-sabay silang tumawa.

Hanep eh?

#Happy sila.

Sabi na nga ba matatalo ako eh! Tsss. Dapat pala yung isa ang binunot ko.

"Grabe! Dapat hindi na pala tayo naglaro, masyado tuloy nating ipinamukha kay Maricris yung kamukha niya," pang-aasar nanaman ni Eloi. Napakaganda talaga ng babae na 'to, ang lakas ng trip sa buhay.

"Hoy! Isa pang game!" Singhal ko sa kanila.

"Wala na, wala na. Uwian na."

"Oo nga, pagod na ako."

"Yeah, this game is over."

"Inaantok na ako."

Akala ko, wala nang sasabihin si Eloi dahil tumayo na ito pero tama, akala ko lang 'yon.

"Tsaka, unggoy ka naman na. Ilong pa lang oh!" Muli nanaman niyang tawa.

"G*go!" I whimpered.

Ang babait talaga ng mga kaibigan ko.

"Isa pa kasi---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magring ang aking phone. "Hello?"

"Yo! Tara na, alam ko na kung nasaan si Bryant!" Masiglang bati ni Lourd sa kabilang linya. Tumayo ako sa aking kinauupuan dahil iba-iba na rin naman ang ginagawa ng mga kasama ko rito.

"Really? Where art thou?" Tanong ko.

"Just track me."

"Track ka diyan! Manong sabihin yung address, lumalantod pa."

Natawa ito bago sumagot. "Oo na, send ko sa'yo. Bilisan mo, namimiss na kita."

"Bahog!" Napatawa rin ako sabay end call nung tawag. Lakas talaga nang kabahugan ng lalaking ito.

Nagpaalam na ako kila Ana, na hanggang ngayon unggoy pa rin ang tawag sakin.

Mga berat.

Nagcommute nalang ako papunta doon para tipid sa gas tsaka magpapahatid na lang ako kay Lourd pauwi.

Nahirapan din naman maghanap ng info tungkol kay Bryant si Lourd sa totoo lang, pero good thing, nagpatulong siya kay Kelly. Isang sniper si Bryant Hayes mula sa grupong SAM, kaya pala nailagan nito ang pagkakabaril ko.

Tulad ng hinala ko, hindi siya ordinaryo lang. Kaya pati sa pagpaplano ay nahirapan ako, dahil kung uulitin ko ang pagbaril sa kanya sa malayuan maaaring maulit lang din na maiwasan niya 'yon.

And it's not impossible to be repeated.

I'm a sniper, and it was proven that my strengths are his strengths, and my weaknesses weaken him too.

Naalala ko ang sinabi ni Lourd sa akin kagabi.

'Kung hindi kaya sa malayuan, patayin nang malapitan.'

Tama.

"Hindi ka na ba magpapatulong?" Umiling lang ako kay Lourd, nakasandal ito sa kotse niya habang pinagmamasdan akong i-assemble ang aking baril.

"Sure ka?"

"Yeah." Inilagay ko na ang silencer at sumilip sa gilid. Nandito kami sa parking lot, at pasado alas-9 na nang gabi.

"Totoo?" Lumingon ako kay Lourd at sinamaan siya ng tingin.

Paulet-ulet?

Nakita ko na si Bryant na papalapit sa kotse niya, malapit sa kinatatayuan ko. Aalis na sana ako nang biglang hawakan ni Lourd ang aking braso.

"What!?" Naiinis kong bulong. Ayun na eh, pinigil pa ako.

"Ingat ka." He uttered at umiwas ng tingin.

Kinurot ko lang ang pisngi niya at ngumiti.

"Ayeh, boss."

Matapos 'nun ay mabilis ko nang tinakbo ang pwesto ni Bryant at itinutok sa likod ng ulo niya ang aking baril.

"Any last word?" Natawa ito sa naging tanong ko.

"Shoot." Utos niya, okay?

Masunurin ako.

Haharap pa sana ito para lumaban pero mas mabilis ako at naipukpok sa pisngi niya ang baril. Pinahid nito ang dugo sa labi habang nakasandal sa pinto ng kanyang kotse at tumitig nanaman ng nakakikilabot.

Yung titig 'niya nung nakaraan sa akin.

Pwede ba, I don't give a f*ck to those stares anymore.

Nakita ko na huhugot pa sana ito ng baril pero naunahan ko na at binaril ng dalawang beses sa dibdib.

Lumapit ako sa kanya habang nakahiga na ito sa sahig at may lumalabas na dugo sa bibig.

"Masunurin ako eh," I said, then shot him for the third time.

Lumingon ako kay Lourd habang hinihipan ang dulo ng baril na tila nagmamayabang, nakasandal pa rin kasi ito sa kotse niya hindi kalayuan sa akin.

"Thank you," I mouthed.

Ngumiti lang ito at tumango sa akin.

"Huh?" I asked, when he mouthed something obscured to me. Umiling lang naman siya at binuksan na ang pinto ng kotse.

Ako lang ba 'to? O, he mouthed the words I love you?

Diana's POV

"Naks, mukhang may date ka Miss ah?" Naalis ang tingin ko sa labas at nabaling kay Stewart, habang nakatingin siya sa rear mirror ng kotse.

"Yeah."

"Talaga? Kaya pala...." Iiling iling na komento niya. "Sino? Si Hurvey?"

"It's Mr. Hurvey, Stewart." Pagtatama ko, for sure kasi magagalit 'yon kapag nalamang hindi siya ginagalang ng mga assassins ko.

Natawa ito nang bahagya at ginaya ako, "Mr. Hurvey."

Nanatiling tahimik na ang loob ng kotse hanggang sa marating namin ang isang eleganteng restaurant.

Nauna sa aking bumaba si Stewart upang pagbuksan ako ng pinto. Kagagaling ko lang sa trabaho at kapag ganitong may mga lakad ako eh, mas gusto kong nagpapadrive sa kanila para hassle-free.

Nahinto naman ako nang may maalala kaya bago tumuloy sa loob ay tinanong ko si Stewart. "By the way, where's Harris?"

Sinara nito ang pinto at kakamot-kamot sa batok na sumagot. "Ah, eh. May LBM po ha-ha-ha."

Kinunutan ko lang siya ng noo at tumango. LBM?

What the f*ck.

Tumuloy na ako sa loob habang ipinipilig ang ulo. Gusto ko kasing matawa kay Stewart, for real?

Dapat kasi si Harris ang driver ko and then nung sinundo ako sa bahay matapos magbihis ay nagulat ako na si Stewart ang lumabas sa kotse. Siguro kung hindi ako si Miss O'Brien ngayon, kanina pa ako tumatawa.

Laugh trip eh.

Nakita ko sa hindi kalayuan si Hurvey, nakaupo ito at tila may kausap sa phone. Naglakad ako papalapit sa kanya nang mabaling ang tingin nito sa akin ay tumayo siya at pinatay ang phone.

It might be a business conversation.

"Hello, Lovely O'Brien." He held my hand and guided me to sit. "Let's eat first?" He asked.

"Yes, please." Ngumiti ito at tumawag na ng waiter. Pagdating ng pagkain ay kumain lang kaming dalawa, nag-usap din kami about sa company niya. He's a CEO. Kaya nga nagugulat na lang ako minsan, kapag hindi siya nawawalan ng time for me. Every time I needed his presence, ot I needed his advice, he never failed to show up.

And, that's what I really like about Hurvey, he's a walking madman, but when it comes to me, I could say that he was always on his better version, and I really appreciate those simple gestures.

"Rose," I looked at him, his face was so serious. Wala nang halong flirting o pagbibiro.

I smiled when I remembered that he was the only one who was calling my second name, 'Rose', and every time he was doing that...

It sounds really good to my ears.

"I have something to say...." I just waited for him until he heaved a sigh and was able to spill it.

"I love you."

I smiled, "I love you too."

Pagkatapos kong sabihin 'yun ay nagpatuloy na akong kumain. Well, ordinaryo nalang na sabihin namin ni Hurvey 'yon sa isa't isa.

"No." Nahinto ako sa pagsubo at tumingin muli sa kanya.

"I love you, like--- a-- I mean it, i-it's not just a friend I love y-you's, i--- i- I want to be your boyfriend." Napahinto ako sandali habang nakatitig sa kanya, napansin ko ang pamumula ng mga mapuputing pisngi nito.

Nakaiwas ito ng tingin sa akin at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.

"Really?" I asked, full of excitement.

"You love me, as in? You want to have a romantic relationship with me?"

Tumango ito habang nakatitig na rin sa aking mga mata.

"I've been keeping this feeling from you since then. It started when we were in college, I find you as someone that I want to be with forever. But I'm a coward, I'm afraid since I don't want to ruin what we have that time, the bond that we have created, and the relationship that we built. So I'm scared with the how's of us."

Tinitigan ko siya habang puno ng pagkaseryoso ang ekspresyon nito, ang kanyang mga mata ay tunay na nangungusap.

"I'm afraid to bet, to sacrifice our friendship before. But... you see, I'm doing it right now because I realized that I am more afraid if you'll be my 'the one that got away' just because I f*cked up."

"Oh..." I was shocked.

I don't know what to say or how I'm going to react.

Is this real?

"Can you be my girlfriend?" Tanong niyang muli pero hindi ako nakasagot. Nagulat talaga ako, nabigla.

"But-- don't worry I can wait until you--"

Hinawakan ko ang kamay niya at saka ngumiti. I'm afraid too, but I'm not pathetic to just let this chance slip away.

"I love you too, as my boyfriend, Hurvey Anderson."

Matagal ko na ring gusto si Hurvey at tulad niya takot ako pero hindi sa dahilang masisira ang pagkakaibigan namin kung hindi ang malaman niya ang totoong ako.

He flashed his cutest smile and then squeezed my hand, it gave the vibe of assurance. "Thank you, babe."

"You're always welcome babe."

Indeed, my love story has just started tonight.

Facebook Relationship status: 'Diana Rose O'Brien is in a Relationship with Hurvey Anderson. '

Perfect!

--------

NEXT CHAPTER: BIRDS