Wencie's POV
Sunod-sunod na pagkatok ang nanggaling sa aking pintuan kaya napahinto ako sa pagwawalis ng bahay at tiningnan nang masama ang pinto.
May hampas lupa sa labas ng bahay ko.
Kahit papalapit na ako ay patuloy pa rin ito sa pagkatok.
"Could you please wait!" Sigaw ko nang hindi talaga ito tumitigil.
"Mabuhay!"
Sinamaan ko lang siya ng tingin at isasara na sanang muli ang pinto pero bigla nito akong pinigil. "Sandali naman! Could you please wait?" Tanong niya na may panggagaya sa tono ko kanina.
"Busy ako, umuwi ka."
"Ang tipo kong babae, maginoo pero medyo bastos. Maginoo pero medyo bastos, maginoo pero medyo bastossss ohhhh." Kanta niya habang nakaharang ang dalawang braso sa pintuan.
Maginoo pala ha.
Itinulak ko ng malakas ang pinto kaya ayun naipit siya.
"Aray! Ang bastos mo talaga!"
Inirapan ko lang ito, saka iniwan doon na hawak-hawak ang braso habang nakangiwi.
"Ayan, pwedi ka nang pumasok."
"Woowww. Salamat ha, napaka-welcome ko naman sa bahay mo."
Kinuha ko ang walis sa gilid at nagsimula na ulit. I don't have nannies, actually, I don't have any plan to get one. I'm happy living alone. Doing stuff without any help from anyone.
Napairap nalang ako sa hangin nang makitang pumasok sa kusina si CaUx, galing ah.
Feel at home ang loko, napailing na lang ako at hinayaan na siya.
Simple lang ang bahay ko. Walang second floor, pero malaki ang sala. 3 ang kwarto, may isang kusina, may office o parang library ko tsaka isang kwarto para sa gameroom namin nila Eloi.
Oo, mag-isa lang ako pero tatlo ang kwarto.
Paano ba naman kasi napagtitripan nila minsan na dito matulog, yung isang kwarto sa akin. Yung isa guest room at yung isa para sa aming 7 nila Talline, bali 2 king beds ang nandoon.
Siguro nalalakihan ka na niyan pero sa akin maliit lang talaga ito, dahil kung ikukumpara sa mansyon namin na tinirahan ko nung bata pa ako ay wala pa ito sa kalahati.
"Bakit ayaw mo na lang maghire ng katulong?"
Nang ma-dustpan ko na ang kalat ay nilingon ko si CaUx nna sa sofa habang nanunuod ng T.V at may hawak na isang bowl ng chips.
"Ayoko, pake mo ba."
"Pwede naman kasi 'yon, tapos kapag tapos maglinis, paalisin mo na," komento na naman niya saka pabirong natawa.
Inirapan ko lang ito at itinapon ang laman ng dustpan.
"Hindi mo ako tulad na tamad."
"Oo na lang."
Pagkatapos kong iligpit ang aking mga ginamit ay naupo ako sa tabi niya at kumuha ng chips sa bowl na hawak din nito.
"Bakit ba nandito ka?" Tanong ko.
"Wala akong matambayan eh, walang namang pinapagawa sa akin."
"So, akala mo tambayan 'to? Kung barilin kaya kita?"
Nanlaki ang mga kanyang mata at nahinto sa pagsubo ng chips, may mga naiwan pa ngang chips na nakadikit sa gilid ng kanyang labi. Sa umpisa ay pinigil kong matawa pero sh*t, napakalupit ng mukha ni CaUx!
Parang tanga!
Kahit gaano pala kagwapo ang isang tao nagmumukha ring tanga na parang ganito.
Don't get me wrong.
Hindi porket lagi kong inaaway si CaUx ay itatago ko ang katotohanang may itsura ito. Mas matangkad siya sa akin, at brown ang kulay ng kanyang buhok na bumagay sa kayumanggi niyang balat.
"Bakit?" Tanong niya matapos makita akong halos mamatay na sa katatawa. "Babarilin mo na ako?"
"Ayusin mo nga sarili mo mukhang kang tanga." Tawa ko pa rin at tumayo na para maglakad palayo.
Baka mahawa pa ako sa kalokohan nitong tao na'to.
"Saan ka pupunta?"
"Maliligo, sama ka?"
"Sige ba!"
Lumingon ako sa kanya nang masama ang mga tingin.
Pervert na g*gong 'to.
"Ha-ha-ha-ha, sige na kako maligo ka na at manunuod ako rito."
Tumalikod na ito sa akin at nanuod. Naglakad naman na ako, papuntang kwarto dahil may sarili akong bathroom sa loob 'non.
Bwisit na CaUx 'to lakas ng gatok sa ulo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng kulay puting dress at ito ay hanggang bago sa tuhod ko. Nagblower ako ng buhok at naglagay ng clip na may design na maliit na kulay pink na ribbon, saka isinuot ko ang 3 inches peep toe heels na kulay itim.
Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Sa totoo lang, hindi ko trip ang pormang ito dahil babaeng babae ang pigura ko ngayon na hindi naman usual na ako pero kailangan ito, so go lang.
Kinuha ko ang shoulder bag at lumabas na ng kwarto.
"Hoy, CaUx. Wala kang gagawin hindi ba?"
Hindi ito lumingon, pero sumagot.
"Oo nga, kay kulit."
"Bantayan mo yung bahay ko, Tamad." Naglakad na ako papunta sa pintuan nang bigla itong humarang sa aking harapan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Teka, teka? Anong gagawin mo?"
"Aalis, kaya tumabi ka na diyan."
"Nang ganiyan ang itsura?"
"Oo."
Itinulak ko ito pero mas humarang pa. "Mission ba 'yan? Sama mo naman ako."
"Hu, ayoko nga. Makasira ka pa sa plano ko."
Ibinuka nito ang kanyang dalawang braso habang nakapuppy eyes. "Pleaseee. Maawa ka na. Parang--"
"Oo na! Lumayas layas ka lang diyan at baka mabaril na talaga kita kapag hindi kita natantya---" mabilis itong nawala sa harapan ko. Saka bumalik sa sofa at pagkatapos ay pinatay na ang TV.
Iniligpit din nito ang lahat ng naging kalat niya.
"O? Tara na, adventure 'to." Aya niya na parang walang nangyari kaya napabuntong-hininga na lang ako dahil sa kakulitan nito.
Pagka-lock ko naman ng gate ay hindi ko naiwasang magtanong sa kanya. "Bakit mo pa iniligpit? Sana hinayaan mo na lang, mamaya ko na lang lilinisin."
Binuksan nito ang kotse niya bago nagsalita, "Kung pwede naman ngayon bakit hindi pa? Tsaka ako ang nagkalat kaya ako dapat ang maglinis--- aray! Ano ba ang bastos mo talagang babae ka, parang mas malakas ka pang mangbatok sa akin--jdkshswyey"
Tinakpan ko ang bibig niya, ang ingay kasi saka iniwan siya at nauna nang sumakay sa passenger seat kaya pumasok na rin siya.
Napakaraming alam.
"O? Hindi ka magdadrive?"
"Malamang hinde, makakapagdrive ba ako kung walang manibela rito?" Sumimangot lang ito kaya inirapan ko siya at tumingin na sa labas.
"Pasaan ba tayo?" Tanong niya habang papalabas na kami ng village.
"I will tell you the directions just keep on driving, may kailangan lang akong singilin."
"Singil? Bakit nagpapa 5'6 ka na?" Hinampas ko ito kaya medyo gumewang ang daan namin. "Anu ba!? Napakasadista mo!"
"Oo talaga at mamaya babarilin na kita! Napakaingay mo." Tinalikuran ko siya at hindi na pinansin kahit may mga sinasabi pa.
Tsss, napakadaldal, ang akala mo hindi lalaki kung magbunganga.
Tungkol naman sa ginawang plano na paghihiganti ni CaUx ay hindi ito natuloy dahil sa bukod sa inisip niya ang kapakanan ng mga kaibigan niya ay naging hadlang din ang ginawang pasabog ng DQM na kumitil ng maraming buhay sa loob ng Grand Hall.
Binalaan ko naman siya, hindi pa panahon para sa paglaban.
Naglalakad ako at nauuna kay CaUx. Nanatili ito sa aking likod simula nang dumating kami. Buti nga ay tumahimik na ito kaka-dada.
Pasimple ko namang sinusundan yung lalaki, hindi kalayuan sa akin. Ganito talaga ang ibinihis ko, para hindi ako mamukhaan at para isiping babaeng mahilig lang sa dress ang isang tulad ko.
"Psst."
"Pssst."
"Pssssssst."
"Shut the f*ck up, CaUx!" Mariin kong bulong sa kanya nang lingunin ko ito.
"Ano ba kasi gagawin natin? Maglalakad lang dito sa mall? Nasaan na yung umutang sa'yo? Tara na. Hanapin na natin nang masingil at makakain na." Nakapout nitong salita.
Kahit kailan talaga, slow 'to.
"Sumama ka sa akin, hindi ba? Pwes magtiis ka." Harap ko sa kanya saka sinundan muli nang tingin yung lalaki pero..
"Sh*t!"
Medyo napatakbo na ako nang mawala na sa aking paningin yung lalaki, anla naman.
Natakasan tuloy ako!
"Hoy! Hintayin mo nga ako, mamaya madapa ka niyan nakaheels ka pa man din!" Sigaw nanaman niya pero nagpatuloy ako sa pagtakbo, where art thou, bastard? Napahinto ako nang muli ko nanaman siyang matanaw at naglalakad na ito papunta sa direction namin, tila lalapitan kami.
Mukhang nakatunog na ito!
Mabilis akong pumasok papuntang comfort room ng mall at napamura sa isip nang makitang walang katao tao kahit isa sa cubicle o kahit sa labas. Ano ba!? Bakit ngayon pa?! Inihanda ko na ang baril para kung pumasok man siya rito ay handa na ako.
Sabi na nga ba, bakit ko ba isinama ang Benneth na 'yon!
Panira lang, nabuko pa tuloy ako. Ikinasa ko ang baril, pero nagulat ako nang may umagaw sa akin 'non at ibinalik sa bag ko ang baril.
"Ano bang ginagawa mo!?" Inis ko nanamang bulong pero hindi niya ako pinansin at bigla akong hinila papayakap sa kanya saka idinikit ang labi sa pisngi ko.
Itutulak ko na sana ito nang bigla akong makarinig ng pagtulak mula sa pinto.
I readied myself to attack, pero nagulat ako nang biglang magmura si CaUx sa lalaking pumasok.
"D*mn!" Humiwalay si CaUx at tiningnan nang masama yung lalaking sinusundan ko lang kanina.
Nandito na siya!
"What the hell are you doing dude? Can't you see, we are just about to start taking the ride to heaven and you're interfering already? How's it feel?"
Medyo nagulat yung lalaki at ibinaling ang tingin sa akin, pinahid ko naman nang kaunti ang aking labi tila pinapakitang katatapos ko lang sa isang iwwwww!
Kadiri! kadiri!
So gross!
"S-sorry, I just thought -- forget about it. I didn't mean to disturb you." Naiilang na sagot nito.
Tumango naman si CaUx sa kanya saka nagsalita "Fine, just go away. You see, I don't want that there is someone watching us, okay?"
Tumango na rin ang lalaki at umalis sa harapan namin, sinundan ko pa ito para masiguradong nakaalis na bago hinarap si CaUx. "Ano 'yon? Pwede ko naman siyang barilin, bakit naggagawa ka pa ng kung ano-anong senaryo ha?"
"Thank you lang sapat na, tsaka nakisakay ka naman, hindi ba?" Aniya saka iniabot ang shoulder bag ko, hinablot ko naman ito dahil naiinis na talaga ako sa kanya.
"Tss, kasi nagsimula ka!"
Umiling lang ito at ngumiti nang mapakla, "Masyadong mainit ang ulo mo, nakalilimutan mong nasa mall tayo Wencie." Naglakad na ito palabas ng comfort room pero nagsalita pa muli bago tuluyang maglaho. "Bilisan mo, baka mawala nanaman 'yon sa paningin natin."
I just let out a sigh, then followed him.
Well, he has a point.
Mukhang muntik ko nang hindi ma-control ang temper ko.
I shook my head repeatedly trying to remove that idea and decided to focus on the mission. Siguro hindi lang ako sanay na may kasama na gumagawa at nakikielam sa mga plano ko.
Sana'y kasi akong nag-iisa sa mga bagay.
Sana'y na sana'y.
CaUx Benneth Parker's POV
Huminga ako nang paulit-ulit habang naglalakad palayo kay Wencie, nakalimutan siguro niyang kapag nagpaputok siya kanina ay maraming matatakot na tao. Siguro ay naoffend din ito dahil pinakeelaman ko ang plano niya.
Walang nagsasalita sa amin hanggang sa nakalabas na kami ng ladies comfort room pati na rin sa exit ng mall. Actually, sinusundan na lang namin yung lalaki dahil papalabas na rin ito ng mall. Nagpunta ito sa parking lot at tumingin muna sa paligid tila nagmamasid kung may nakasunod sa kanya.
Bobo nga ang g*go eh?
Naniwala ba naman.
Nang makarating ito sa kotse niya ay hindi na ako nagulat nang bigla na lang itong tumilapon at napahiga sa sahig.
Nilagpasan lang naman ako ni Wencie sabay suntok ng baril doon sa lalaki.
Tsss, I think, she can really do things on her own without the help of anyone. Mukhang mas malakas pa sa akin eh? Parang hindi babae.
"Speak." Tinutukan niya ito ng baril habang blanko ang mga mata.
Halata ang gulat at takot sa lalaki. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Wencie, sumandal lang ako sa pintuan ng kotseng sasakyan niya kanina at tinitigan din siya.
"Y-you and y-you ... The couple inside th---"
Inunahan ko na siyang magsalita, nabubulol pa eh.
"Yes, stupid man."
"D*mmit!" He shouted full of frustration.
Buti nalang at nagpark siya sa malayo sa mga tao, siguro ay naisip niya na rin ito. Na hindi siya makaaalis agad o makatatakas kung nakapagitna ang kanyang sasakyan sa iba pang mga kotse kaya pinili niya na sa malayo sa tao pumwesto.
"Answer me. Who the hell commanded you to shoot Mr. Custer!?"
Madiin ang bawat salita ni Wencie, tila isang maling sagot nung lalaki ay mawawala na siya sa mundo.
Pero teka? Mr. Custer? Tatay ni Ana 'yon ah!
"Don't tell me..." Putol kong tanong kay Wencie.
Lumingon ito sandali sa akin pero mabilis ding ibinalik ang tingin sa lalaki. "Nope, gladly he's still alive but he was confined in a hospital right now. He gets some bruises and has been shot on the leg of those assholes!"
Wew.
Buti naman, ini-imagine ko pa lang ang gagawin ni Ana ay kinakabahan na ako para sa gumawa 'non sa Dad niya. Pinky gangsters' members, without a doubt, can kill without mercy.
I know how dangerous they are too.
Napadaing sa sakit ang lalaki nang tadyakan ito ni Wencie sa tiyan.
Ow, brad naka-heels siya.
"WHAT!?" Sigaw niyang muli.
Napayuko ang lalaki at hindi ito nagsalita pa. "Let me handle this." Pigil ko kay Wencie, alam ko namang kaya niya 'yan, it's just that, baka wala pa man din siyang nakukuhang information mapatay niya na ito.
She's impatient when she is really mad. Believe me.
Hinawakan ko ang kwelyo nito at iniangat sa akin, lumayo naman nang bahagya si Wencie tila nagpapalamig. "Magsasalita ka ba o ako na mismo papatay sa'yo?"
Natawa ang lalaki saka nagsalita. "G*go! Papatayin ninyo rin naman ako. So, it does not make any sense at all." Iiling-iling na sagot nito.
Sinapak ko ito sa mukha kaya naman may tumulong dugo mula sa kanyang ilong. Tatawa ka pa ha!
"So? Gusto mo talaga?" Biro ko. "Let's have a deal. I will spare your life just tell us your secret."
"Psh! Hindi ako g*go. Alam kong papatayin ninyo pa rin ak--" sinuntok ko ito ulit at hinayaan nang bumagsak sa sahig.
Kulit eh.
Binigyan na ng choices ayaw pa.
"G*go ka pala eh! Hindi pa ba obvious? Kaya hindi naniniwala ang mga babae sa atin eh. Tayong mga lalaki palang wala nang isang salita."
Nakakainis.
Mukha ba akong nagsisinungaling? May isang salita ako, at hindi ako ganun kasama para pumatay nang pumatay.
"Sh*t!" Singhap ko nang may tumalansik na dugo sa aking pisngi.
"Bakit mo binaril!? Magsasalita na siya ah!" Angil ko kay Wencie nang itinago na nitong muli ang baril sa ilalim ng dress niya. Hindi ko naman napigilan na mapaiwas nang tingin nang makita ko nang bahagya ang legs nito.
Pinahid ko nalang ang dugo sa aking braso at pisngi. Kadiri naman 'to! Buti nalang at dark color ang suot ko kaya hindi masyadong mahahalata.
"Tsss, dada nang dada, hindi naman ako yayaman 'don."
Tumalikod na ito at naglakad palayo. Sinulyapan ko naman ang lalaki dahil kaawa-awa siya, g*go kasi eh sabing h'wag pinaghihintay ang mga babae eh.
Ayan, sakit ang kinahantungan.
Ana's POV
"Hey, you need to rest na." Nanatili akong nakahawak sa kamay ni Daddy at pinagmamasdan ang mga mata nitong nakapikit.
"Oo nga Ana, kagabi ka pa hindi natutulog." Dagdag ni Diana sa sinabi ni Maricris.
Umiling lang ako saka sumagot. "No, I won't leave Dad," I said stubbornly.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng mga kasama ko rito sa loob ng kwarto. Wala si Wencie dahil may aasikasuhin daw ito samantalang si Maria at Talline ay umalis sandali para bumili ng makakain.
"Look Ana, we're just concerned about Tito's condition and of course, you also. So please, if you won't go home just at least rest for a while."
Lumingon ako kay Eloi saka muling nagpahid ng luha. "Ayokong iwan si Daddy, sana maintindihan ninyo ko."
"Sana maintindihan mo rin na kailangan mo ng pahinga." Malungkot na ani ni Diana sabay upo sa sofa.
"Yeah, don't worry. Babantayan namin si Tito. Trust us." Buti nalang nandito ang mga kaibigan ko, umabsent pa talaga si Maricris sa school niya para samahan ako at maging si Diana ay ipina-cancel ang mga appointments sa kanyang company.
Ibinalik ko naman ang tingin kay Daddy and hold his hand tighter this time.
I'll come back Daddy, I'll just take a shower then I'll be back, I promise. Saad ko sa sarili at tumayo na.
"Let's go, I'll come with you." Aya ni Eloi sa akin nang makatayo na rin ito sa kinauupuan.
Hindi na ako nakipagtalo pa dahil wala na akong lakas at ayokong ubusin ang lakas ko para lang 'don, may mga bagay akong dapat asikasuhin at alamin. I'm dying to know who has just tried to kill my Father, at sana nalaman ni Wencie.
Aalis na kasi ako dapat kagabi pero pinigilan niya ako at siya na raw ang bahala. Magtiwala lang daw ako, kaya pumayag na lang ako kahit gusto kong ako na mismo ang pumatay sa bastardong 'yon.
Ayoko rin naman din kasing iwan si Daddy, sa totoo lang.
Nagpaalam na kami sa kanila then kiniss ko ang forehead ni Daddy. Lumabas na rin kami at sumakay sa kotse ni Eloi since she insisted to drive for us.
Habang nasa byahe ay nanatiling walang nagsasalita sa amin habang nakatitig lang ako sa labas at patuloy siya sa pagmamaneho. "Don't worry, Tito we'll be fine soon."
"I hope."
"Talagang pinapagalit tayo ng mga hinayupak na 'yon, h'wag nilang hintayin na tayo ang kumilos." Nanggigil na saad nito nang hindi na mapigilan ang kumalma.
"Siguro, ito ang balak nila sa atin ang mainis sa kanila nang sa ganon ay tayo ang magsimula. They are trying to trick us." I blurted out.
Tama, they started sa Rebellion then to my Dad.
What will be the next or who will be the next?
I just shrugged, I don't want to know. I'm scared.
However, I will not let anyone die.
"Kung gusto nilang magsimula. Aba, dapat pala simulan na natin nang matapos na agad."
Napalingon ako kay Eloi sa sinabi niya. "No, kapag ginawa natin 'yon parang pinatunayan nating na they can control us using our feelings and emotions."
"D*mn that feeling. Buhay na ang kinukuha nila iisipin pa natin ang pagkatalo? We should fight."
I clenched my fists just to suppress the grudged to kill. Hindi ko pwedeng ipush si Eloi, kailangang pigilin ko siya kahit ako mismo ay kating-kati nang pumatay. "Hayaan muna natin sila, buhay si Daddy and I know he'll be very fine soon."
She just showed her mocking face that sends a shiver down my spine. Mukhang wala talagang balak magtalo si Eloi.
"May mamatay lang sa atin, lintik lang walang ganti." She reminded.
-------
NEXT CHAPTER: FOREVER