Maricris's POV
Nakalabas na ang Daddy ni Ana sa hospital at nagpunta ito sa Sydney para doon na magpagaling. Pinadagdagan din ni Ana ang bantay ng Daddy nito na kung dati ay tatlo lang ngayon ay nasa sampu na.
Despite the accident, all this time, her Dad was still clueless about everything. He just thought that it was between the business world. An enemy from another company. He didn't know that it was connected to DQM.
Wala na rin sa mundo ang taong nagtangka rito, dapat maging thankful pa siya dahil si Wencie lang ang nakahuli sa kanya, kung hindi baka hanggang huling hininga niya ay nagsisisi siya sa ginawa niya kung kami o lalo na si Ana ang nakahuli sa kanya. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at naglakad papunta sa next class ko.
Katatapos lang ng lunch break, and as a teacher, my students are my responsibility. So I don't want to make their lives miserable and directionless just because I didn't teach even just one day.
Pagdating ko sa room ay medyo nagkakagulo ang mga students. Yung iba nag-uusap-usap habang nakatayo sa tapat ng board, may mga nagtatawanam pero nahinto ang aking paningin sa isang kumpol ng mga babae.
"Goodmorning class." I greeted which made their attention focused on me, and quickly went back to their respective seats.
They greeted back but in an unorganized tone.
Nakita ko naman si Sandie, one of my students na hindi tumayo at nanatiling nakadukmo sa desk. "Okay, everybody please sit.... Sandie? Is there something wrong?" I asked worriedly.
Nakita ko naman ang palipat-lipat ng tingin ng mga students ko, tila hindi mapakali. Ilang segundo ang lumipas pero hindi nagsalita si Sandie, inilipat ko ang aking tingin kay Mae, ang katabi nitong classmate sa upuan.
"Mae, tell me what happened?"
Yumuko lang ito at hindi nagsalita.
"Is anybody here? Can. tell. me. what. happened?" I sounded irritated this time, kung hindi ko kasi ipapakitang gusto ko talagang malaman baka mamaya hanggang matapos ang time ko ay walang magsasalita.
"Ahm, maam." Hinintay kong magsalita si Frimo, ang president nila.
"A w-while a-ago--"
"It's okay, speak using your mother tounge Ijo." Tila nagliwanag ang mukha nito sa sinabi ko. They all know that using English language in communication is a must in my time.
"Kanina po kasi may nagpunta ditong mga higher grades na babae, tapos pinagsalitaan po nila si Sandie nang masasama."
I frowned. "Really? What they have said?"
"N-na mang-aagaw raw po si S-sandie ng boyfriend." Yukong sagot nito.
What the fudge?
Grade 8 palang sila, and then may nangyayaring agawan?
"Sandie," I called her; at first, she just ignored me, but then she looked at me, afraid and in tears after a while.
"M-ms. Grainer."
"May boyfriend ka?" This is odd. I never speak Tagalog every time I teach English subjects.
She just nodded and looked away.
"Yung mga 'yun bang nagpunta rito ay Ex ng boyfriend mo?" She answered me again with a nod. Her classmates were just watching us intently.
"What they have told you?"
"Inagaw ko raw po si Matt, yung bf ko sa kanya, ang bata-bata ko pa raw po ang landi-landi ko na."
Napalunok ako sa narinig. Should I cut the tongue of those students, right now? Ano pa nga ba? Dahil school 'to ng mayayaman, maraming brat pero kulang sa quality.
I let out a sigh. No.
It's not enough to judge by just Sandie's story, not because I do not believe her, but because I should hear both sides before I do something.
"Gaano na katagal kayo ng boyfriend mo?"
"Almost one week na po."
"You're a newbie. First boyfriend?" I asked, and she nodded.
Napansin ko rin ito na huminto na sa pag-iyak.
"You're too young Sandie, nanligaw ba sa bahay ninyo si Matt? Or kilala mo ba talaga siya? Hindi sa iniisipan ko siya nang masama, I just want to clear everything."
"H-hindi pa po alam nila mommy na boyfriend ko si Matt. Sa text lang po kami nagkakilala."
Text? Bakit ba usong-uso iyon sa mga kabataan. They should've known their partners very well since it is a formal way of getting to know each other's stage. Probably, it's just one of her components of infatuation, but everything went so fast and advanced.
"Kakausapin ko yung mga nagpunta rito to hear both sides but you need to do first is to tell your parents about your relationship with this boy. You're young and you really need the guidance of your parents," paliwanag ko.
"Go to my office after our class. I'll talk you later, okay?" Tanong ko para mas makausap ko siya nang mabuti, ngumiti ito at umupo na.
Tatalikod na sana ako nang biglang may nagsalita mula sa mga nakaupo kong students.
"Ma'am naniniwala po ba kayo sa forever?"
I stiffened.
Ilang days ko nang hindi nakikita si Toffer, puro sa cellphone na lang ang communication namin minsan nga tuloy iniisip ko kung mabuti ba talagang nagka-cellphone pa ang tao kasi nagiging enough na 'yon para sa iba, para masabing connected pa rin sila.
I miss him so much, hindi ko alam kung anong ginagawa niya after niya akong kausapin o bago siya sa akin tumawag.
"Ma'am?"
Humarap ako at ngumiti.
Tsss, forever ang tinanong Maricris hindi si Toffer, okay?
"Actually..." I was hesitant to answer his question, kasi maski ako hindi ko alam ang sagot.
Someone knocked on the door kaya napalingon ako. Narinig ko ang tilian ng mga students ko.
"Ako naniniwala sa forever dahil sa teacher ninyo." He uttered and handed me a boquet of roses.
He was smiling ear to ear while looking intently at my eyes.
"Toffer," I blushed.
Kelly's POV
Tinitigan ko ang bahay sa aking harapan. Isang malaking bahay sa gitna ng gubat. What the F? Anong trip nito?
Ayon kasi sa nakalap kong impormasyon dito pinatay yung dapat target ko. Ilang weeks na nang mangyari ang pagpatay kaya for sure malinis na ang lugar at naimbestigahan na rin ng mga pulis.
Pero sinubukan ko pa ring balikan para makahanap ng mga ebidendsya kung sino ang killer. I'm just curious. Hahakbang na sana ako papalapit sa bahay pero bigla akong napatalon paurong habang nakahawak ang kamay sa lupa.
Mabilis kong tinignan kung saan galing ang pagputok pero walang tao.
Habang nagmamasid ay bigla nanamang may bumaril mula sa ibang direksyon. Tatlong sunod-sunod na pagbaril ang patuloy kong iniwasan hanggang sa pang-apat ay nadaplisan na ako sa binti.
Mabilis akong tumakbo pasakay sa kotse habang iik-ika. Sh*t, ang sakit.
Pinaulanan na nila ako ng pagputok samantalang pinaandar ko na ang aking kotse. Naknang! Hindi ako ready!
Nang makalabas ako sa pinakakalsada ay puro puno lang ang paligid at halatang madalang na may dumaang tao rito. Siguro kung sasadyain na puntahan, mana pa.
Mabilis kong pinaandar ang kotse habang tinitingnan sa rear view mirror ang dalawang kotse na sumusunod sa akin. Napapikit ako sa sakit sa aking binti, tila may kakaiba sa naging tama ko.
Hindi lang ito simpleng bala, may lason ito at nararamdaman ko na ang epekto nito. Ang unti-unting pamamanhid sa aking binti.
Nakarinig muli ako ng sunod-sunod na putok mula sa aking likod kaya medyo nagpagewang-gewang ang pagdadrive ko.
Hindi ko na nakontrol pa ang manibela at napaliko ito sa isang puno saka roon bumangga. Naramdaman ko ang pagtama ng aking ulo sa unahan ng koste dahil sa lakas ng impact.
Kita ko ang pulang likidong tumutulo mula sa aking noo. Pinilit kong gumalaw pero parang paralisado na ang buo kong katawan. Narinig ko ang paghinto ng kotse mula sa aking gilid at nakita na may mga bumaba mula rito.
Binuksan niya ang pinto ng kotse ko at hinitak ako ng marahas palabas dahilan para mapahiga ako sa mga tuyong dahon sa gubat. Blurry man at hilong hilo, nakita ko ang pagtutok ng lalaki sa akin ng baril.
And everything went black.
Diana's POV
"Cheers!" Sigaw namin saka ininom ang mga wine na nasa glass.
"Welcome back Michelle!"
"Wuhooo! Kumpleto nanaman tayo."
"Ang saya-saya clap your hands."
Natawa na lang ako sa mga kaibigan ko, halata ang saya sa mukha ng bawat isa pagkatapos namin makauwi galing sa airport dahil kami mismo ang sumundo kay Michelle.
Tumatawa si Michelle habang nilalabanan ang sounds sa paligid. "Mga luka! Masyado ninyo naman akong namiss!"
"Miss your face, pasalubong mo ang namiss namin."
Uminom ako bago sumingit. "Tsaka, duh. Nag-uusap naman tayo sa skype!"
"Namiss ka namin, Michelle." Nakangiting ani ni Ana.
"Ilang araw ka rito?" Tanong ni Wencie.
"3 days lang eh."
"Umuwi ka pa!"
"Oo nga, sana sa skype na lang tayo nag-cheers." Maktol namin dahil sandali lang pala siya rito, pero syempre, echos lang 'yun dahil buti nga at naisipan niya pang umuwi.
Nagkwentuhan pa kami nang nagkwentuhan hanggang sa napagpasyahan nang magsiuwian. Lumabas kami ng bar at iniwan ang maingay na tugtugan sa loob.
"Oi, text text nalang." Ani ni Maricris habang lumalapit sa kotse niya.
"O sige basta text ninyo ako agad para naman maayos ko schedule ko." Sagot ko naman.
"Mas naging busy ka ata ngayon?" Takhang tanong ni Talline.
Napaismid naman ako nang maalala ang problema nanaman sa company. We lost again 36,000,000 na hindi ko alam kung saan napunta. It's a big amount na rin kaya nababahala ako.
Ang may alam lang naman ng code sa finance ng company ay ako, Hurvey (na kailan ko lang ibinigay but I doubt it na siya dahil mas mayaman pa sa akin 'yun) and my employee na nakatoka sa financial management. I really trusted them kaya hindi ko sila magawang paghinalaan noon pero ngayon nag-aalangan na ako.
"May mga problema lang sa company pero don't worry maayos ko rin 'yon."
"Oo naman, ikaw ba namang nabuhay sa pagma-manage ng isang malaking kompanya?" Michelle uttered.
"Kamusta na nga pala ang Dad mo Ana sa Sydney?" Tanong ni Maria habang nakasandal sa harap ng kotse niya.
Ngumiti ito bago sumagot, "Oh, he's getting well."
"That's good news."
Eto ang kakaiba sa magkakaibigan, magkasama na maghapon, magdamag at araw-araw pero hindi maubos-ubusan nang mapag-uusapan.
Napahinto sa pagsasalita si Maria nang makita namin ang kotse ni CaUx na huminto sa tapat ni Wencie.
Bumaba ito at binati kami, minsan iniisip ko nga na may gusto 'to kay Wencie dahil kahit binabara at tinatarayan siya niyan, lagi pa rin niyang kinakausap at sinasamahan.
Nagpatuloy na ulit kaming mag-usap nang bumaling ito kay Wencie para kausapin siya.
"Si Maria nga, hindi lang naikuha ng number sa pila nung enrollan. Muntik nang umiyak!"
"Oo, naalala ko 'yon. Kaya nga eh."
"Hindi ninyo naman kasi talaga ako ikinuha."
"Eto malupet si Maricris sa time ni Sir Ken, kagandang babae tapos nag--ajhkajsajhsyuhg"
Natawa nalang kami nang biglang takpan ni Maricris ang bibig ni Eloi. Sabay-sabay nalang kaming natatawa eh. Grabe naman kasi ang laughtrip nung time na 'yon. Sumakit kasi bigla ang tiyan ni Maricris, eh hindi makauwi.
"Grabe ka Eloi! Past is past!" Sigaw niya.
"Alululululu, past is past daw pero hindi maiwan sa past si Lourd." Natatawang hirit ko.
"Ang pipink-minded ninyo! We're friends."
"Uhm, guys." Nalingon kami pare-pareho kay Wencie nang magsalita ito. Nalipat naman ang tingin ko kay CaUx na nakapamulsa at malayo ang tingin.
"Oh? Kayo na?"
"Berat, may binalita lang sa akin si CaUx," sagot nito kay Eloi na seryoso ang pagkakasabi.
"Ano, ano, daliiii," excited na tanong ni Ana.
Inayos ni Wencie ang boses bago ito nagsalita.
"Patay na si Kelly."
Iba't ibang singhap ang narinig ko sa paligid, samantalang nanlalaki ang aking mata na nakatingin sa kanya. Kelly was from the other gang pero naging malapit na siya sa amin.
"P-patay?" Nauutal na tanong ni Maria, kung close kami 'non mas close pa sila 'nun.
Lumingon sa amin si CaUx saka siya ang sumagot. "Natagpuan ang bangkay niya sa gitna ng gubat kaya kadadala pa lang sa hospital. And... the Seuss doesn't know anything about this hanggang ngayon."
"Gosh! Si Toffer." Bulong ni Maricris.
What the heck!
Mabilis kaming sumakay sa sariling kotse at napagpasyahang pumunta sa hospital kung saan dinala si Kelly.
D*mn, was this another plan?
Ngayon naman ay sa Seuss sila bumawas. Saang grupo naman ng susunod?
Saan?
Someone's POV
Tinitigan ko ang mga Pinky gangsters na nagmamadaling tumatakbo papunta sa room ni Kelly Meyer.
Sumandal ako sa upuan at umiwas ng tingin nang mapatingin sa akin ang isa sa kanila.
Wencie Smith.
Ilang minuto lang ang lumipas ay sumunod naman na dumating ang grupo ng Seuss gangsters. Nabawasan nanaman sila ng isang magaling na gangster, so unlucky.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan at nagpamulsa para umalis sa lugar na 'yon.
"Excuse me, Sir."
Nahinto ako sa paglalakad at nalingon kay Maricris Grainer, katabi ko kasi ito kanina sa upuan. Tinatap nito ang balikat ng kanyang boyfriend na si Kristoffer Brooks.
"Yes?" I asked as I looked at her.
Itinaas nito ang panyo, at iniaabot sa akin. "Naiwan ninyo po yung panyo ninyo."
Umiling ako. "That's not mine."
Kumunot ang noo nito at binasa ang pangalan na nakaburda rito.
"Hindi po ba kayo si--"
"Maricris! Samahan mo muna si Toffer, aalis lang kami sandali," Ani ni Mediocre (Medioker) Roberts nang makalapit ito sa pwesto namin. Ito nga pala ang tumatayong leader ng Seuss.
Tumalikod na ako at hindi na lumingon pang muli sa kanila.
Naglakad na ako palabas ng hospital at inabutan ko sa tapat ng aking kotse si Hurvey.
"So... who's next?"
-------------
NEXT CHAPTER: ANGELS