Diana's POV
"Talline!"
"O, my."
"F*ck!"
"H'wag kang bibitaw, please."
Mabilis ang bawat pagtakbo at pagtulak ng mga nurse sa higaan kung nasaan si Talline. Halos maiyak na ako dahil sa tensyon na nangyayari, may dugo siya sa gown na kanyang soot.
May mga sugat din ito sa pisngi at mga pasa sa mukha tila masyadong malakas ang pagsampal ng mga hinayupak na 'yon sa kanya.
"Talline! Kapag ikaw namatay, p*ta nalang!" Babala ni Eloi habang puno nang pangamba ang expression ng mukha nito.
Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin.
Si Maria naman ay hindi na rin nagsasalita pero may mga tumutulo ng luha sa mata.
This sucks.
Kailan lang nasa isang hospital din kami, nung namatay si Kelly pero mas nanaisin ko pang hindi bumalik dito kung ganito ring may baka o maaaring mamatay nanaman.
Wala pa ang iba at papunta pa lamang. Si Michelle naman ay tinext ko na kanina. Naiwan kami sa labas ng ER habang nawala na sa paningin namin si Talline kasama ang mga nurse.
"D*mn."
"Eloi, tama na." Pigil namin kay Eloi habang sinusuntok nito ang pader.
"Paanong tama na? Nakita ninyo ba ang nangyari? Nasa panganib ang buhay ni Talline!"
Umupo ako at bumuntong hininga kaya si Maria ang sumagot. "Hintayin muna natin ang resulta, h'wag kang magpadalos-dalos."
Natawa ng puno nang pagkasarkastiko si Eloi at iiling iling na nagsalita. "Paano kapag namatay?"
Namatay? No. Malakas si Tal. Gaganti pa siya.
"Hindi mangyayari 'yon, malakas si Talline." Napatayo ako nang magsalita si Ana.
Dumating na pala siya.
Umiiyak ito na parang pinakaapektado sa aming lahat.
Hindi raw mangyayari pero kung makaiyak, mawawalan ka pa lalo ng pag-asa.
Hay.
"Si Maricris at Wencie?" Tanong ni Maria.
"Susunod daw, may klase kasi siya at may bisita sa school nila." Naglakad ito at umupo sa tabi ko. "Si Wencie? Hmm, h-hindi ko alam, out of coverage siya.
"Baka magkasama si Michelle at Wencie." I nodded sa sinabi ni Eloi.
Nasaan na ba sila? Kung kailan naman kailangan namin sila tsaka sila mahirap contakin.
Naghintay kami nang halos ilang oras bago muling lumabas ang doktor sa kwarto kung saan nila ginamot si Talline. Dumating na rin si Maricris.
"Ms. Taylor." Tawag nito kay Eloisa, malamang s'ya ang may-ari eh.
"Maraming pong nawalang dugo kay Ms. Williams, buti na lang at walang pong tinamaan na veins at mabababaw po ang naging tama ng bala sa bandang tagiliran niya."
Nakahinga kami nang maluwag sa narinig na balita. Thanks God.
"So? Stable na siya?"
"Yes, Ma'am."
Woooh. Buti naman.
"How about the guy?"
Oo nga pala, nandito rin si Gabriel. Nalaman kasi namin ang nangyari kay Talline dahil kay Stewart. Tumawag ito sa akin nang malaman ang nangyari. He was in the same place like the two. I think they were in a party earlier.
Hindi ako sigurado kung paano sila napunta o ano talaga ang tunay na nangyari, but the only thing I'm sure was Gabriel saved Talline's life. Yes, you heard it right, ang alam ko ay mas naging malala ang tama nito dahil sinapo niya ang pangalawang bala na tatama sana kay Talline.
Maria's POV
Bumaba ako ng kotse at naglakad papasok na bitbit ang ilang plastik ng pagkain at gamit ni Tal. Ako kasi ang kumuha ng damit niya sa condo kaya dumaan na rin ako sa fastfood para bumili ng mga makakain. Tuloy-tuloy ako sa pagpasok hanggang sa makasakay ako ng elevator.
Bothered pa rin ako sa mga nangyayari. Sabihin mang buhay si Talline, there's still a chance na maulit ito dahil pumalya sila.
Naningkit naman ang aking mga mata nang makita ang isang babae na nakatayo sa labas ng kwarto na tinutuluyan ni Talline.
Kilala ko ito hindi ako pwedeng magkamali pero bakit ayaw niyang pumasok sa loob at tila tulala ito sa mga taong dumaraan sa harapan niya? Pagkalapit ko ay hinampas ko ito ng pabiro sa braso.
"Anong drama 'yan? Bakit ayaw mong pumasok sa loob?" tanong ko kay Wencie.
Ngiti lamang ang isinagot nito at binuksan na ang pinto sa kanyang gilid. Nauna na itong pumasok kaya sumunod na lamang ako.
Hindi man lang ako tinulungan magbuhat.
Hay, nako.
Inabutan namin sa loob yung lima. Samantalang sinalubong ako ni Eloi at kinuha ang dala kong gamit para ayusin. Nakaupo naman si Maricris at Diana habang busy sa ginagawa nila. Siguro ay mga nahinto nila itong gawain sa kanilang mga trabaho, may mga hawak kasi silang papel at kung ano-ano pang documents habang nakaupo naman si Ana sa tabi ni Talline.
"O, magkasama pala kayo ni Wencie?"
Hinubad ko ang soot na jacket at saka naupo sa kaharap na upuan nila Diana. "Nah, nakita ko lang siya diyan sa labas."
"Saan ka ba galing Wencie? Parehong patay ang cellphone ninyo ni Michelle, saan ba kayo nagpupupuntang dalawa?" tanong ni Eloisa habang inilalagay ang prutas sa basket na nakapatong sa gilid ng higaan ni Talline.
Hindi sumagot si Wencie sa halip ay lumapit ito sa higaan ni Talline, "Okay na siya?"
Huminto sa pagsusulat si Maricris at siyang sumagot. 'Once a teacher, always a student' 'yan ang peg niya ngayon.
"Yeah, stable na siya. Hindi naman malala ang pagkakatama sa kanya ng bala pero nagdelikado lang siya dahil muntik na itong maubusan ng dugo."
"That's good then." Komento ni Wencie.
"Tawagan mo nga si Michelle, gaga na 'yon. Kung saan-saan nanaman nagpupunta."
"Eh patay nga yung cellphone kanina."
"Try mo ulit. Baka nalobat lang 'yun."
"No need." napalingon kami kay Wencie nang bigla nanaman itong magsalita.
"Bakit nasaan ba? Kanina ko pa tinext 'yon eh." Tanong ni Diana.
Yumuko si Wencie na hindi ko alam pero parang may mga mali sa galaw niya.
May mali ba?
"Hoy. Wencie! Para kang pipe, magsalita ka nga." Utos ni Eloi. Nakita ko naman kung paano ito bumuntong hininga at namuo ang tubig sa kanyang mga mata.
"Patay na si Michelle."
"Gagu! Mga trip mo, tumigil nga kayo ni Michelle. Tingnan mo nga Ana baka nasa labas lang."
"Ha-ha-ha, baliw."
"Wala rito baka umuwi."
Sunod-sunod na salita nila pero alam kong hindi tama ang tono ng pananalita nila, mahilig magprank si Wencie pero iba ang dating sa akin parang totoo.
Totoong-totoo.
Matagal na katahimikan ang bumalot sa kwarto. Nawala ang mga pekeng tawa at ingay na hindi naniniwala. Tila ang malungkot na atmospera sa labas ng kwarto ay pumasok sa loob nito at pumalibot sa amin. Biglang nasira ang katahimikang nakabibingi nang magsalita muli si Wencie.
"I'm serious, she's really dead."
A-ano----
Kung ganon.... "Nasaan siya?" tanong ko habang nagpupunas ng luha.
Ito na ang pangatlong araw na nakaconfine si Talline. Nasaktuhan naman na ako at si Eloi ang nagbabantay sa kanya. Nagising na rin ito kagabi pero kailangan pa rin ng pahinga para tuluyan nang mabalik ang lakas niya.
About kay Michelle? Wala na siya.
And, it's f*cking hurt.
Akala namin nakaligtas kami gawa ng nabuhay si Talline, but no. They hit us twice para sigurado.
They are jerks, demons.
Ang masakit pa hindi na namin inabutan ang katawan niya, pina-cremate ito ng mga magulang niya sa lalong madaling panahon dahil nasasaktan lang daw sila sa tuwing nakikita ang katawan ni Michelle na halos hindi na makilala.
Nasunog ang halos buong katawan nito, hindi na rin siya rito ibinurol kung hindi ay dinala ng mga magulang niya palipad ulit sa Germany.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Eloi nang makita ko itong tumayo sa tabi ko.
Inayos muna nito ang soot na damit bago sumagot. "Sa DQM."
"What?" Gulat kong tanong kaya naman nailaglag ko ang aklat na hawak. Napatayo na rin ako at sinundan siya sa paglalakad. "No. Eloi, napag-usapan na natin 'to, hindi ba? Alam mo rin ang sinabi ni Queen Theresa kaya kontrolin mo yang galit mo."
Kunot noo lang ito habang ikinukuyom ang mga kamay. "Alam ko. Listen Maria, kung ayaw ninyong lumaban then stop joining me. Hindi ko naman kayo inaaaya, hindi ba?"
Umiling ako sa kanya. Kita ko ang galit at pagkasuklam sa mga mata ni Eloi nang gabing malaman namin ang nangyari pero hindi siya nagsalita. Kahit sigaw ay hindi namin narinig, which was odd.
Siguro ay hinahawakan niya pa ang pag-asang sinabi ni Queen T. that time pero ngayon ay binitawan niya na.
Unlike me, I'm still holding onto that until now.
*****
Umayos ako nang upo habang pinagmamasdan ang gumagalaw na kulay violet na feather sa soot na sumbrero ni Theresa. Animo'y sumasayaw ito kasabay ng hangin sa loob ng kwarto.
"Alam ko kung gaano kayo kagalit sa DQM."
Nalipat ang tingin ko sa kanya, at isinunod kay Eloisa. Seryoso rin ito at tila nag-iisip sa narinig. Walang nagsalita sa amin at pinakikiramdaman lamang si Queen Theresa sa mga sasabihin pa nito.
Mahirap ng magbitiw ng salita lalo na kung sinusubukan lang pala niya kami.
Uminom muna ito sa tasa na hawak niya bago muling nagsalita. "Don't worry, you can trust me. Malaki rin ang galit ko sa DQM."
Automatic na nakunot ang aking noo. "How come? You are a queen, are this not enough for you to love DQM?"
"Being Queen is not an honor. Namatay ang husband ko ng mga panahong tulad ninyo pa lamang ako, isang taong sumusunod sa utos. Nagkaroon ako ng kaisa-isang anak na babae." Naramdaman ko ang pakla sa pagtawa nito.
"If I'm not mistaken, kaidaran nyo na rin siya kung buhay pa sana siya."
"I don't get what you are trying to say Queen T," Eloi stated.
"I just want to tell you that I'm no different from you. Gusto kong gantihan ang DQM, at tapusin na ito."
Really?
"Paano? Queen ka. Madali na 'yon hindi ba?" Naguguluhan kong tanong.
"Akala ko nang mamatay si Georgina ay matatapos na ang lahat, but I'm wrong mas lumala pa nang dumating si Elizabeth. Divine was on my side before, pero ngayon pareho na kaming nakokontrol ni Elizabeth."
"So, what is your plan?"
"Kakausapin ko ang ibang grupo and try to convince them to help me."
Sumandal ako sa sofa at hindi makapaniwala sa naririnig. Isang Queen? Inaaayawan ang pwesto niya?
"So, kaya kinausap mo kami?" Tanong muli ni Eloi.
"Yes. Walang puso si Elizabeth. Eloisa at Maria, yung mga nararanasan ninyo ngayon ay wala pa sa kalingkingan ng mga plano niya. And, I don't want you to end up like that."
Tama, simula nang dumating si Elizabeth halos naiba ang pamamahala ng DQM.
"Pero, hindi ba kayo ang nagpapapatay sa amin? Why do you need our help.... If some other day you will kill us too?"
Umiling ito sa naging tanong ko. "Hindi ko alam 'yan, really? Wala kaming alam ni Divine sa pagpatay na nangyayari."
"So, hindi DQM ang mga may pakana 'non?"
Matagal na tumahimik ang paligid at pare-parehong naging malalim ang iniisip.
"I think yes, or maybe no. Siguro pinapapatay niya kayo dahil gusto na niyang maubos ang dating Dark Queens Mafia to build a new generation. She wants to erase everything, and make a new one."
Yun ang plano niya? Paano na ang mga naging sakripisyo ng mga magulang ko kung mawawala lang sila sa history ng DQM?
"Iniisa-isa niya kayo."
*****
Sinabi rin ni Queen T. na pansamantala munang ilihim namin ni Eloi ang sinabi niya. Which is nag-hesitate kami pero nang sabihin niyang kung marami agad ang makakaalam baka makahalata si Elizabeth. H'wag na raw din kaming kumilos, at siya na raw ang bahalang magsabi sa iba nang hindi kami paghinalaan.
Muli kong binalingan si Eloi at pilit pinakalma ito. "Eloi, ikaw ang makinig sa akin kung magpapadalos-dalos tayo baka mauwi tayo sa plano ni Elizabeth at mahulog tayo sa bitag niya."
"Wala akong pakialam kung mahulog ako. Papatayin ko muna siya bago mangyari 'yon." She said stubbornly.
Napapikit nalang ako nang nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang mahawakan na rin ang doorknob.
She's not freakin' listening to me. Mukhang wala na akong magagawa para pigilin pa siya.
Sumuko na ako sa pagbabawal sa kanya hanggang sa may nauna namang nagbukas nito mula sa labas at talagang ikinagulat namin kung sino ito.
"Hello!"
"F*ck! Mia!"
Tssss, gera nanaman 'to.
Ana's POV
Pinagmamasdan ko ang paligid habang nagmamaneho ako papunta sa hospital, ako naman kasi ang papalit ngayon kay Maria at Eloi sa pagbabantay tutal wala naman akong gagawin.
Gusto ko rin na madalas ko nang kasama ang mga kaibigan ko dahil natatakot ako na kamamatay lang ni Michelle ay may sumunod nanaman sa aming isa. Inihinto ko ang kotse sa harap ng isang flower shop, balak ko kasing bilhan si Talline ng bulaklak.
Binati ako ng guard saka pinagbuksan ng pinto. Pagkapasok ko ay sumalubong agad sa akin ang iba't ibang kulay at klase ng bulaklak.
"Good morning ma'am." Bati muli ng isang babae na nakauniporme ng floral. Nginitian ko na lang ito at tumingin na sa ibang direksyon, natatawa kasi ako dahil naalala ko sa kanya si Maria mahilig kasi 'yon sa floral.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang iba't ibang quotes na nakasabit sa daraanan.
It's hard to answer the question "What's wrong?" when nothing's right. |
Sinunod sunod ko ang pagbasa sa mga ito, nakalilibang kasi.
"We can never go back & change what has been done...but we can always learn the lessons to make things better next time...." |
"Replace tears with smiles! Don't be afraid of wrinkles as you age, because wrinkles are a sign of laughter and smiles." |
Ang cute naman nito!
Naglakad ako palapit sa counter habang binabasa ang huling quotes na nakasabit.
"Ang ganda po ng combination na napili ninyo, Sir. Para kanino po ba ito?" Dinig ko pang sabi nung cashier habang papalapit ako pero abala ang aking mata sa litrato.
"That's the thing about fear. It doesn't shut you down. It wakes you up" |
"Para sa girlfriend sana."
Automatic akong napalingon as soon na marinig ko ang boses nang nagsalita.
Arel Zcirem.
Tatalikod na sana ako pero huli na ang lahat dahil nakita na niya ako.
"Ana," he called.
Hindi ko alam ang aking gagawin o kahit sasabihin.
I'm not yet ready.
Kahit sabihing lagi kong iniisip kung paano, one time magkita kami sa ganitong position, magkaharap at magkalapit, what should I do?
Matagal ko siyang hindi nakita, ang huli ko pang kita sa kanya ay yung sa DQM's party. Yung panahon na akala ko namatay siya pero good thing nakaligtas siya at wala na rin kahit anong sugat ngayon. Nagbalik na rin ang maaliwalas at gwapo niyang mukha.
Hindi ako nakapagsalita, pero nalipat ang tingin ko sa hawak niyang mga bulaklak.
"Nice, f-flowers," I commented.
He showed his half-smile then glanced at the flowers too. "Thanks. Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya pero ramdam ko rin na hindi siya komportable sa sitwasyon naming dalawa base sa tono nito.
Awkward, should I say.
"Bibili ako ng bulaklak." Obvious naman, hindi ba? Flower shop ito eh. Pero hindi tulad noon na kaya ko pa siyang biruin, ngayon parang magkaklase kami na hindi naging close sa buong school year.
Yung tipong kilala lang namin ang isa't isa pero walang nakaraan.
Wala kaming history.
"Para kanino?" Napalunon ako sa tanong niya, kailangan ba alam niya pa 'yon? Medyo mataray na tanong ko sa isip kung ikaw nga para sa girlfriend mo 'yan eh, samantalang ako kay Talline. Pero iba ang lumabas sa aking bibig.
"Kay Trevor." Kaswal kong ani.
"Trevor? I didn't hear that name before. Do I know him?"
"Hinde eh, bago kong kaibigan balak ko kasing bigyan siya dahil bibisitahin ko sa hospital." I lied. Nagseselos ako pero bakit ito ang naging counter attack ko?
For what? Because I'm also hoping that, maybe even just a little, he will feel what I felt when I heard the word 'girlfriend' from him.
I hope he will feel jelly too.
"Ah.. akala ko classmate natin dati na baka nakaligtaan ko lang." Kakamot kamot niyang sabi habang nakangiti.
Those genuine smiles that I missed so much make my heart skip a beat again.
I'm longing to see that again, Zcirem, just so you know.
Imbis na ngumiti ay nagtaas ako ng kilay. Teka nga, Ana? Saan mo nakuha ang lakas ng loob mo ngayon?
"Well, time flies. Marami na akong kilala na hindi mo kilala, ganun ka rin naman. So, there's no biggies." I uttered.
Naglaho ang ngiti niya, hindi ko alam kung good news ba 'yon o hindi. Kung naapektuhan ba siya sa naging sagot ko. O kahit may epekto pa ba ako sa kanya.
Kasi siya, hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin. Lumulutang pa rin ang pakiramdam ko sa tuwing kaharap ko siya.
"By the way, alam mo na ba yung birthday party ni Joseph?" Tumango ako at naalalang sa susunod na araw na nga pala 'yon. "Good then, pupunta kasi ako. Punta ka."
"For what?"
Para umasa nanaman ako?
Napakunot ang noo nito sa akin, tila naguluhan sa naging tono ng aking pagsasalita. "I-i mean, for what na hindi ako makapupunta. Inaaya rin kasi ako nila Alice dahil ngayon lang daw nila ako ulit makikita."
Gee! Umayos ka nga.
"Ahm, I'm looking forward to it. I have to go Ana, dadalhin ko pa kasi itong mga bulaklak, see you at the party." Tango niya kaya tumango na rin ako.
"Sige, bye."
"Bye." Nilagpasan niya ako samantalang naglakad na ako papalapit sa counter. Ipinatong ko ang mga braso sa harap nito at nakatulalang tinitigan ang list ng bulaklak sa board.
Nakikita ko ang mga numbers pero hindi ito pumapasok sa isip ko. Nanghihina ako at ginagawa ko lamang kapitan ang counter.
"Good morning, ma'am, ano po iyon?"
Hindi ko na siya tiningnan pang muli. Kahit naman hindi nagbabago ang pakiramdam ko sa kanya, still... may ego pa rin ako at pride. Para saan pa ang pagiging mafiaso ko kung magpapatalo nanaman ako sa kanya.
"Ma'am?"
Napangiti na lang ako nang mapakla, buti naman nagpaalam na siya ngayon. Nung huli kasi nagulat na lang ako nawala na lang siyang bigla.
Walang pasabi.
And with that, reality backstabbed me again; however, I've never got mad at him kahit iniwan niya ko sa ere.
"May napili na po kayo?"
"Ay! Y-yes." Gulat kong sagot sa babae, see wala na siya sa harap ko pero napapalutang pa rin niya ako.
"Ano po 'yon?"
"May bulaklak ba kayo para sa taong iniwan nang walang paalam?"
"A-ano po?"
Shems, what did I say?
"Joke! The Roses set number 2."
"Ah, o cge po. Wait lang po."
Ana! Umayos ka nga!
Hay.
Makikita ko nanaman siya sa party. And, it's really bad for my moving on process.
So bad.
-----
NEXT CHAPTER: ROWDY