Eloisa's POV
"Maganda ba?" Tanong sa akin ni Michelle habang tinitingnan sa salamin ang suot na bistida. Umikot pa siya para makita ko itong mabuti.
"Wala. Panget." Simple kong sagot.
Nahinto naman si Ana sa pagtingin ng mga damit at nakangiwing lumingon sa akin. "Panget daw. Maganda kaya!"
"Oo nga Eloi, maganda naman ah." Dagdag pa ni Michelle. Malamang sasabihin niya 'yan, siya pumili eh.
"Ang panget kaya." Irap ko saka tumingin ulit sa cellphone. Mga nagtanong tapos sinabi kong panget ayaw mga maniwala.
Nandito kasi kami sa department store ng mall at namimili si Michelle ng gamit. Namiss niya raw ang pamimili sa Pilipinas.
WTF.
Addiction nga naman.
Pagkatapos naming maglibot pa at kumain ay nag-aya na kaming tatlong umuwi. Ako, si Ana at Michelle lang ang magkakasama ngayon, busy yung iba kaya nagtyaga na kong sumama sa dalawa na ito kahit na tamad na tamad ako ngayong araw.
"Eloi! Sama ka?" Tanong ni Michelle habang binubuksan ang pinto ng passenger seat ng kotse ni Ana. Sinabi ko kasing dun s'ya sumabay.
"Saan?"
"Mag-oovernight kami kila Maria ngayon."
"Oh? Kayong tatlo?" Tanong ko.
Umiling naman si Ana at nakangiting sumagot sa akin. "Hindi ah. Kasama si Maricris at Talline."
"Ano sama ka?"
"Kapag sinipag ako, kakatukin ko nalang pintuan ni Maria." Tamad kong sagot, wala kasi talaga ako sa mood. Tsaka kung gustuhin ko man pumunta, na sa tingin ko ay malabo, eh, halos ilang units lang naman ang layo ng pintuan ni Maria sa akin.
Nakita ko sa side mirror ng kotse na humiwalay na ang dalawa ng daan habang ako naman ay tuloy-tuloy ang tinatahak na kalsada. Pupunta pa kasi sila kila Ana para kumuha raw ng damit at kumuha ng makakain. Inaaya pa nga nila ako pero tumanggi na ako dahil gusto ko nang umuwi.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmamaneho nang mag-ring ang phone ko mula sa unknown number.
At syempre hindi ko sinagot.
Pake ko ba sa kanya.
Hindi ko pinansin ang cellphone ko hanggang sa magpapark na ako ay tumawag pa rin siya for the nth times.
Irita ko itong kinuha at sinagot. "Hello? Anong karapatan mo--"
"Helloooo, to my hot-headed sister." Inaantok na ani ng nasa kabilang linya.
F*ck.
"Problema mo?" Mataray na sagot ko pero deep inside namiss ko rin ang boses niya. It's been several years nang huling tawag nito.
"Uwi ako diyan."
"F*ck, Mia! Manahimik ka diyan at mag-aral-aral ka nalang."
"Hinaan mo nga boses mo! Tsss, sigaw nang sigaw. Bakit naman bawal akong umuwi? Bakasyon namin! For Pete's sake naman Ate! Payagan mo na ako!"
Hinilot ko ang aking temple at bumuntong hininga bago muling nagsalita.
"Kapag sinabi kong hinde. Hinde."
"Napaka-selfish mo Ate!" Puno nang pagkairita ang tono niya na wala na ring halong pagkaantok.
"So?" Sabay end call ko.
Ayoko na siyang kausap, sana marunong siyang makaintindi, lalo na at matalino siya.
Pinatay ko na rin ang phone para siguradong hindi na mangungulit pa si Mia.
My younger sister, to be exact. My sister, whom I wasn't able to see for almost 7 years.
Sumandal ako sa upuan at muling pinihit ang kotse paalis sa parking lot ng building kung saan ako nakatira. I need something to drink.
I feel sick.
It's all coming back to me now.
My contiguous past.
I know, tingin ninyo na sa akin ay isang masamang ate.
Well, ano naman?
Hindi nakamamatay ang tingin kaya okay lang. Binilisan ko ang pagmamaneho para makarating na sa paborito kong bar.
Drinking is my medicine to forget.
Since then.
*****
Bumaba ako sa school bus at isinukbit nang maayos ang dala kong bag. It was already past 7 in the evening, kakauwi ko lang galing sa training academy ng DQM kaya mas kinabahan ako nang makita na ang bahay namin ay patay ang mga ilaw, which was odd.
Hindi hinahayaan ni Granny na madilim ang bahay.
Binalot agad ng kaba ang aking puso nang may isang masamang ideya ang pumasok sa aking isip. Mabilis kong binuksan ang gate ng bahay at tumakbo papasok.
"Mia!"
"Granny!"
I first turned on the lights in the living room, hoping to see them both watching television. I felt relieved when I saw that the furniture and things inside were in the proper places. The next thing I did was head to the kitchen, wishing to see them both eating.
But no.
It was like the living room. It was also well-cleaned. I don't know, but suddenly, I'm being paranoid. So many possibilities were running through my head.
Maybe they were kidnapped. Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto para kunin ang aking baril sa drawer. I need to save them, hindi ko na kaya pang mabuhay kung pati sila mawawala.
As I opened the door, I heard a rhythm that stopped me.
"Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday to you."
"Happy birthday, Eloi!" Napakunot ako na tumingin sa mga kaibigan ko. Si Diana, Ana, Maria, Talline, Maricris, Michelle and Wencie were greeting me excitedly.
Lumapit sila sa akin and hugged me so tight, then the next thing I heard was from Mia and Granny.
"Happy birthday Ate!"
"Happy birthday, Apo."
Lahat ng kaba ko kanina ay naglaho na lang bigla nang makita ko silang buhay na nakatayo sa harapan ko. Tama, paranoid lang ako.
After ng simpleng dinner ay nagkwentuhan pa kami ng mga kaibigan ko kasali si Mia pero maaga rin naman silang nagsiuwian dahil may pasok pa kami kinabukasan.
"Thank you po, Lord." I prayed, then lay my back on my bed with a smile plastered on my face. This day was great; then I closed my eyes.
*****
13 ako at 7 palang si Mia nang mangyari ang lahat. Masyadong mabilis ang mga pangyayari na halos hindi ko na nasundan pa.
Bago muling bumalik sa nakaraan ay tiningnan ko pa sa side view mirror kung may kotse ba sa aking likuran nang mapagtantong wala ay maingat kong ipinark ang kotse sa labas ng isang bar.
*****
"Ate!"
"Ate!"
"Ate!"
Napabangon ako nang makarinig nang sunod-sunod na tawag at ingay mula sa ibaba ng aking kwarto. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang aking baril. Yes. I'm just 13 years old and I know how to use this d*mn thing at an early age.
Tumakbo ako pababa at inabutan si Mia na nakayakap sa bewang ni Granny habang umiiyak. May tatlong lalaki naman na nakatuxedo ang nasa harapan nila at may hawak na mga baril.
"Ate!" Tawag muli ni Mia kaya lumapit ako at hinarangan sila sa maaabot ng aking makakaya. For Pete's sake, sa liit ko na 'to kinakabahan akong baka hindi ko kayang ipagtanggol sila.
"What do you want?" I shouted, trying to hide the tension and anxiety in my voice.
"Give her to us. This is DQM's command, so you better get out of our way kiddo." Ani ng pinakahead ata ng tatlo.
Alam ko ang gusto nilang makuha and d*mmit! Of course, I refused.
"Hindi niyo siya pwedeng kunin! Ang bata-bata pa ng kapatid ko. Ano pa ba? I've never forgotten to attend my daily training. I will double my hard work if you want! Just let her go!"
May pagmamakaawa na sa aking boses kahit hindi ko naman ito gawain. Lumaki ako na ako ang nasusunod, that I am the rule.
"No. No. D-dont touch me! Ate!" Itinutok ko ang baril sa lalaking may hawak sa braso ni Mia nang hilahin niya ito palayo kay Granny, pero mabilis din akong napatilampon nang madikit sa aking pisngi ang malaking palad ng isa sa mga ito.
I felt dizzy pero tumayo pa rin ako kahit gumagalaw ang aking paligid. Mas lumakas pa ang iyak ni Mia nang bitbitin siya at dalhin papalapit sa pinto. Napatakbo naman ako nang makitang inaatake si Granny, nahihirapan siyang huminga, siguro ay dahil sa takot.
Hindi ko na alam ang gagawin kaya lumuluha kong kinausap ang lalaking sumampal sa akin.
"Stop! I'll bring her for you! J-just give us some time. P-please, ako na ang magdadala sa kanya roon. P-promise."
Matagal bago tumango ang lalaki sa kasamahan niya at automatic naman nitong ibinaba si Mia, walang salita silang sinabi at lumabas na ng bahay.
'Yun lang naman ang kailangan nilang assurance para sumunod.
Ang magmakaawa kami sa aming mga buhay na parang sila ang nag-mamay-ari sa amin.
*****
Nang araw na iyon ay namatay si Lola, at nagbago ang takbo ng buhay ko. No wonder kung bakit ayaw na ayaw ko ang aking birthday, para kasing ibinabalik lang ako nito sa nakaraan.
Since that day, DQM left me with no choice.
It's either isasali si Mia sa mga katulad namin o aalis siya ng bansa. Both choices, kills me but I chose what I think is better.
Gusto nilang ibilang si Mia sa mga planners dahil sa angking katalinuhan nito, kaya bata pa lang ay nais na nilang kunin ito at isama sa mga kapwa planner niya.
Ayaw naman niyang umalis ng bansa kahit yun na ang pinili ko. Hindi raw niya ako kayang iwan.
Hanggang sa mag-10 si Mia at 16 naman ako ay ginawa ko na ang lahat para ayawan niya at kainisan niya.
Until the day, na siya na mismo ang sumama kay tita sa America para doon tumira.
Tama naman kasi siya kung araw-araw lang kaming hindi magkakasundo at lagi kaming nagbabangayan mas mabuti na lang na umalis siya. Siguro ay sumaya pa ang buhay niya kung malayo sa akin.
I made her life miserable, so I won't blame her if she's still seeing me as a pain in her life after all these years.
"Another one." Utos ko sa bartender kaya mabilis naman niya akong binigyan ng isa pang shot.
Nakaka-anim na ako, pero wala pa rin akong nararamdaman na pagkalasing dahil sanay na ako kahit sa hard drinks pa.
Muli nanaman akong uminom hanggang sa maramdaman ko ang pag-ikot ng aking sikmura.
"F*ck. What's this!" Sigaw ko sa bartender. Halata ang gulat nito at itinuro lang ang lalaki na nakaupo hindi kalayuan sa pwesto ko. His eyes were full of lust.
Inirapan ko ito saka naglagay ng pera sa mesa bago tumayo palabas ng bar. Binigyan niya ako ng alak na katulad ng iniinom ko kaya hindi ako nanghinala. Ito namang g*gong bartender ay wala man lang pasabi bago ko inumin 'yon.
Bawat hakbang ko ay para akong lumulutang. May drugs ang drinks na 'yon at sigurado akong marami ang inilagay nung lalaki na nagpaabot kaya ganito na lang ang epekto sa akin.
Bago ako tuluyan makalabas ay may naramdaman akong kamay sa aking braso na gumabay sa akin para hindi matumba.
"Wala bang thank you sa drinks na ibinigay ko?" He said, inches away in my left ear.
Sh*t. Sh*t. Sh*t. Sh*t. Sh*t.
Kadiri!
Itinulak ko ito ng buong lakas kaya napaupo ito sa sahig kasabay ko. Pasalamat kang gago ka at naka-high ako at kung hindi baka napatay na kita.
"I like the wild ones, just saying."
Nakakadiring komento niya.
Napairap na lang ako sa hangin nang makita ko itong papalapit sa akin saka dinukot sa aking bulsa ang isang kutsilyo at inihawi ito, na dahilan para masugatan siya sa braso.
"P*tcha! Ang sakit!" Singhal niya, saka inagaw sa akin ang kutsilyo, hindi ko na nagawang lumaban dahil unti-unti na akong nanghihina.
"Dahas pala gusto mo ah."
He said at lumapit muli sa akin na halos magkahalikan na kami. Papikit na rin ang aking mata pero walang labi ang dumikit sa akin.
"Ina! Sino kaba at nakikialam ka rito!"
Napahiga na ako sa sahig kahit dinig ko ang sigawan sa paligid. Was that my lifesaver?
Inililigtas niya ba ako?
O after nito, siya naman ang gagamit sa akin?
Gusto kong matawa kahit nawawala na ako sa tamang pag-iisip.
Importante pa ba sa akin 'yon?
My life was just a waste already—nothing to be proud of.
Itinakip ko sa aking mukha ang unan na yakap ko, tinatamaan kasi ng sinag ng araw ang aking mukha. Pakipaalala sa akin na papaalis ko sa mananger nitong condo yung bintana kailan kaya nila----
Nanlalaking mata akong bumangon habang hawak ang sintido.
Tsss, this f*cking headache!
Inilibot ko ang aking paningin, puro itim ang nakikita ko. Itim na kurtina, itim na bedsheet at itim na painting.
Where am I? Narape ba ako!? O my!
Joke lang naman yung kagabi eh!
Iniangat ko ang kumot at sinilip ang aking soot at...
The heck!
Kill me! Now.
Ana's POV
"Maluluto na ba 'yan Talline?" Tanong ni Michelle habang nakikiusosyo.
"Oo nga, hintay-hintay rin 'no." Sagot ni Talline habang tinitingnan ang niluluto sa loob ng oven.
"Kumuha ka nalang ng juice sa ref Michelle nang may magawa ka." Utos ni Maria rito.
Ibinaba ko naman ang pangatlong plato sa mesa. Halos tanghali na rin kami nagising dahil sa movie marathon hanggang madaling araw. Nagre-ready na kami ngayon para sa breakfast.
"Good morning."
"Good morning din." Nakangiti kong bati kay Maricris, sinusuklay nito ang buhok habang suot na ang uniporme ng school na tinuturuan.
May klase kasi siya, buti na nga lang at panghapon ito. "Oh, eto luto na."
"Hay! Sa wakas!"
"Hindi ba pumunta si Eloi rito?" Tanong ni Maricris sa amin habang naghuhugas ng kamay sa sink.
"Wala eh. Tamad kasi talaga 'yun."
"Speaking of Eloi. Hindi ba you told me na nakita niya na ang Mr. Right niya? Then puntahan natin siya and ayain sa isang breakfast!" Masayang suggestion ni Michelle.
Oo nga pala, hindi pa ito nakikita ni Michelle. Tsaka tutal nandito lang naman siya malapit sa room ni Maria, eh, mukhang magandang idea yon.
"O sige! Interviewhin natin." Natatawang saad din ni Maricris.
"Dali tara na! Bilis." Aya ni Maria, sumunod na rin naman ako sa kanya.
"Oy! Wait lang!" Hiyaw naman ni Talline habang inilalapag sa mesa ang niluto.
Sinundan lang namin si Maria hanggang sa makatapat sa pintuan ni Mr. Right. Teka ano nga ba pangalan 'nun?
"Maria, ano ba pangalan niya?" I asked habang pinindot na ni Talline ang doorbell.
"Aeone (Eyown)."
"Pindutin mo ulit baka hindi narinig." Utos ulit ni Michelle
"Tadtadin mo." Tawa ni Cris.
"Mga loko kayo! Kayo gumawa sige."
"Ako dali." Pinalitan ni Maricris sa pwesto si Talline at pinag-ulit-ulit ngang pinindot ang doorbell.
Naestatwa naman kami sabay-sabay nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Mr. Right ni Eloi.
Wew.
Grabe ganito ba talaga siya magising?
Gwapo agad?
Naaalala ko tuloy sa kanya si Trevor. Hays.
"Ah. Eh."
"I hate you to death!"
Nagkapalit palitan kami ng tingin nang marinig ang sigaw mula sa kwarto ni Aeone, pero hindi man lang niya ito pinansin at naghikab lang.
"What can I do for you ladies?"
"Ah.... K-kase--" simula ni Michelle.
"F*ck! Where are my clothes! Give it back to me!" Muli nanamang sigaw nung babae. Haya!
Kawawa naman si Eloi, taken na pala 'to.
"Pardon?" Nakangiting tanong nito ulit sa amin. Naramdaman ko ang pagkapit ni Michelle sa braso ko na parang sinasabing may magsalita na.
"Get out the hell in my wa---"
"ELOI!?"
We gasped automatically when we saw Eloi standing beside Aeone.
O, My Shems.
She was just wearing an oversized shirt above her knee while having her morning face.
Don't tell me....
"Gosh! Hindi na virgin si Eloi."
"Ga. Naunahan pa ako."
"Ommmgeeee."
"Sh*t. Masakit?"
"Ano feeling?"
Iba't ibang komento ng mga kaibigan ko. "What the f*ck! Anong masakit?" Inis na tanong nito.
"Kaya pala hindi nagpunta kagabi, busy sa iba."
"Nasiyahan kaya ganun."
"Oo. First time eh."
"Angas."
"Hoy! Ano bang pinagsasabi ninyo!"
Napakagat labi na lang kami sabay-sabay nang tumayo na ito sa aming harapan habang nakapamewang pa. Sa hindi malaman na dahilan ay bigla na lang kaming napatakbo dahil naramdaman namin ang galit ni Eloi.
Owww. This will be a really long day.
So run.
"Bye! Aeone!"
"Bye, ladies." Sagot niya sa amin na natatawa pa dahil ang tatanda na naming babae para magtakbuhan sa hallway, may pasigaw-sigaw pa.
Maricris's POV
Umupo ako sa upuan pagdating ko sa waiting area ng school. Katatapos lang ng aking klase at susunduin ako ngayon ni Toffer. Anniversary namin ngayon, kaya maganda ang gising ko.
Well, mas gumanda pa dahil sa napagtripan namin si Eloi.
*****
"Masherep ba?
"Baka masheket?"
"Tigil tigilan ninyo ko ha." Irap niya sa amin pagkalabas ng banyo. Pagkatapos namin maghabulan ay sinundan namin siya sa condo unit niya at hinintay matapos maligo.
"Haya! So, si Aeone ang nakauna?"
"Sure 'yon. Sino pa ba mauuna."
"Sabagay, oo nga."
"Ano ba!? Hindi ba kayo titigil? Sinabing walang nangyari sa amin!" Atungal niya.
Tumayo ako at inakbayan siya. "So, ano lang nangyari?" May halong mapang-asar ang aking ngiti.
Tinabig nito ang aking braso at lumayo sa amin.
"Hindi ko nga alam! I was drunk. Okay?"
"Ooooohh. So hindi ka nga sure na walang nangyari sa inyo?"
"Oo." Nagtatakhang sagot niya.
"So, mayroon ngang chance!"
"Wala nga!"
Ilang minutong tumahimik saka muling nagsalita si Michelle. "Isa lang naman ang sagot diyan. Tanungin mo siya kung anong nangyari sa inyo."
"Yuck! Over my dead body. Hinding-hinding-hindi ko iyon kakausapin."
We just flashed our mocking smile then nagsalita si Maria. "So, iisipin na lang namin na may nangyari sa inyo."
"What?" Galit na galit nanaman niyang sigaw.
*****
"Ms. Grainer, tatawag na po ba ako ng taxi?" Tanong ni manong guard sa akin. Pangatlong beses na niya itong itinanong sa akin, hindi ko naman siya masisisi dahil halos tatlong oras na akong naghihintay rito. Nalobat na ang aking cellphone, kaka-call kay Toffer pero out of coverage ito.
Tumayo naman na ako at sinundan si manong, mabilis itong nakapara ng taxi kaya sumakay na ako. "Thank you po manong guard."
Walang tumatakbo sa isip ko kung hindi inis. Anniversary namin at wala akong ginawa kung hindi maghintay sa wala.
Keep calm.
Keep calm.
Bago ka magalit, pakinggan mo muna ang explanation niya, okay? Paulit-ulit kong mantra para manatili sa composure.
Nang makauwi ako sa bahay ay naglinis ako sandali saka nahiga na sa kama. Ayoko nang mag-isip nang masama, sasakit lang ang puso ko. Mag-aaway lang kami ni Toffer kung palalalain ko pa kakaisip nang kung ano-ano.
Naalimpungatan ako saka kinapa sa side table ko ang aking phone nang marinig itong magring.
It was Toffer.
"Nandito ako sa labas."
Bumangon ako, and ended the call. 1:53 am.
Tapos na ang Anniversary namin.
Tapos na.
Pagkababa ko ay pinagbuksan ko lang siya ng pinto pero hindi ko ito pinansin.
Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin hanggang sa kusina. Kahit naman kasi anong pilit ko, kinokontrol ko lang ang inis pero hindi ko iyon kayang mawala ng ganun-ganun lang.
Kumuha ako ng tubig sa fridge at nagbuhos sa baso. Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Toffer mula sa aking likod.
"Hindi mo man lang ako binati?" He asked.
Lumayo ako sa pagkakayakap at kuno-noong tiningnan siya.
"Uminom ka?" Hindi ko na napigilan ang aking sarili.
Tao lang ako.
I know; I'm a teacher. I know how to understand things from different perspectives, but it doesn't mean I'm perfect.
I have my limitations too.
"Ayos ka rin ah? Pinaghintay mo ako ng tatlong oras habang ikaw umiinom?"
"Tinext naman kita na hindi kita masusundo."
"Tinext kung kailan nalobat ako kakatawag sa cellphone mong hindi ko alam kung anong kalagayan?"
Bumigat ang kanyang paghinga bago sumagot. "Kakauwi ko lang sa mission bago kita itext, akala ko kasi masusundo pa kita. Kaya hindi ko rin kasalanan ang nangyari."
Napaismid ako sa narinig. Hindi niya kasalanan?
So, sino may kasalanan yung cellphone ko at cellphone niya?
Napakainam naman pala, e'di sana yun na lang ang bumuo ng relationship at hindi kami.
"Galit ka ba?" Simple niyang tanong.
"Sa tingin mo? Natutuwa ako sa nangyayari? Anniversary natin! Ang tagal kong naghintay, then hindi ka sumipot. Anong parte ang nakatutuwa 'ron, sige nga?"
I saw the letter V slowly forming on his forehead.
Now, he is getting mad too?
How sweet.
"Bakit akala mo ba kinalimutan ko? Ginawa ko naman lahat para masundo ka. Sana naman isipin mo rin yung nagawa kong tama, hindi yung puro mali."
"Ginawa mo lahat?" I asked sarcastically.
Kung ginawa niya lahat, nasundo niya sana ako. Kung makalahat siya akala mo naman enough na!
For f*cking sake! It's our ANNIVERSARY! Do I need to spell it or slap the letters one by one on his face?
"Hindi ba enough? T*ng*na naman. Masyado ka nang demanding. Girlfriend kita pero alam mo kung ano tayo o kahit ako. May mga responsibilities din ako sa mafia!"
"H'wag mo kong minumura, Kristoffer." Seryoso kong saad.
"Hindi kita minumura. Sana lang maintindihan mo minsan!"
Naglakad ako palabas ng kusina, kasunod ko naman siyang naglalakad.
Intindi?
Pagkatapos nang lahat ng pag-unawa kong ginawa, sasabihin niya 'yon na parang kahit kailan hindi ako nakaintindi?
"Nakakasawa ang puro pag-intindi! Lagi na lang! Puro ganun na lang!"
"So, nagsasawa ka na? Ganun ba?" He asked.
It's not what I mean.
Naisuklay ni Toffer ang mga kamay sa kanyang buhok nang hindi ako sumagot. Bigla na lang din tumulo ang luha ko nang ito'y tumalikod saka isinara ang pinto padabog na walang kahit anong salitang sinabi.
Nagagalit siya. Nagagalit din naman ako. Unfair lang, kasi ako nanaman ang unang naiyak sa aming dalawa.
-----
NEXT CHAPTER: MINUS ONE