Vreihya' P.O.V
"Weak!" malamig na saad sa akin ni Mino habang nakaamba na muli ang kaniyang punyal. Hawak ko ang aking balikat na siyang nasugatan habang ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa aking tagiliran. Iilang sugat na ang aking natamo dahil sa kaniyang pag-atake.
Kanina pa niya ako inaatake ngunit panay pag-iwas lamang ang aking ginagawa. Kung dati kapag nag-aaway kami ay talagang nanlalaban ako sa kaniya ngunit ngayon ay wala akong lakas. Hindi pa din maproseso ng utak ko ang ganitong katauhan ni Mino.
Sa lugar na ito ay hindi ang pisikal na lakas ang basehan upang tumagal. Ang lakas ng iyong isip at diwa ang siyang sinusubok sa sangtwaryo dahil kung ang pisikal na lakas lamang ang kailangan ay marami na sana ang magtatangkang pumasok.
Mas lalo akong natigilan dahil may kinuha pa siya sa kaniyang likuran na panibagong punyal. Bahagya niyang pinunas sa kaniyang t-shirt ang punyal na may bahid ng aking dugo. Mabilis siyang sumugod sa akin at kahit wala siyang bilis na katulad ng mga bampira ay hindi ko maiwasan na mabigla.
Halata sa kaniyang kilos na nag-ensayo siya nang husto sa pakikipaglaban sa aking mga kauri. Agad akong napatumba dahil sa ginawa niyang pagsipa sa aking kaliwang binti. Agad niya akong dinamba ng saksak habang nakahiga ako sa damuhan.
Agad kong napigilan ang dalawang punyal na balak niyang itarak sa aking magkabilang balikat. Entrante! Hindi biro ang kaniyang lakas dahil nahihirapan akong kontrahin ang kaniyang pwersa. Mabilis kong inangat ang aking ulo at iniuntog sa kaniyang noo kaya mabilis siyang uminda at nawala ang kaniyang pwersa.
Napaalis siya sa aking ibabaw at ginamit ko itong pagkakataon upang makatayo. Sapo-sapo niya ang kaniyang noo habang matalim ang pagkakatitig sa akin. Hindi pa man ako nakakabawi ay agad siyang umatake sa akin at agad kong iniharang ang aking kaliwang braso dahil sa tatama sa aking kaliwang pisngi ang kaniyang sipa.
"Haist Mino! Lagi mo talagang pinapasakit ang ulo ko!" naiinis kong pahayag dahil tamaan na niya lahat huwag lang ang maganda kong mukha. Ako naman na ngayon ang umamba ng atake dahil nauubusan na ako ng pasensya sa kaniya.
Mabilis lamang niyang naiilagan ang mga suntok at sipa na aking pinapakawalan. Nahihirapan din ako na gumalaw dahil sa mahabang kasuotan na aking suot. Nakukulayan na ng pula ang aking kasuotan dahil sa aking mga sugat.
Nang sandali kaming humiwalay sa isa't isa ay marahas kong pinunit ang laylayan ng aking kasuotan. Hanggang tuhod na lamang ito at mabilis kong itinali ang telang napunit sa nagdurugo kong braso.
Muli siyang sumugod at sabay niyang iniamba ang punyal na siyang paulit-ulit kong sinalag. Nakakita ako ng pagkakataon na maitulak siya sa kaniyang dibdib kaya naman ginawa ko ito. Agad siyang tumalsik at bahagyang napasandal sa puno.
Hindi ko alam ngunit agad akong napatakip sa aking bibig dahil sa lakas ng aking pagkakatulak. Entrante! Hindi ko sinasadya! Akma na sana akong lalapit ngunit agad akong nabingi sa alingawngaw ng tunog ng baril.
Agad akong nakaramdam ng pagkirot sa aking likuran. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat ay agad kong naramdaman ang panibagong pagtama sa likuran na parte ng aking hita. Entrante! Agad na nangatal ang aking labi kasabay nang marahas kong paluhod.
Muli na naman sumariwa sa akin kung gaano nga ba kasakit ang matamaan ng bagay na ito. Saan sila nakakakuha ng ganitong bagay? Mula sa pilak na punyal at sa pilak na bala ng baril ay nakakapagtaka na may kaalaman sila sa mga bagay na makakasakit sa amin.
Ilang sandali pa ay nabatid ko ang tuluyan kong pagbagsak sa damuhan. Agad kong nakita ang paglabas ng kaniyang mga magulang mula sa 'king likuran. Agad nilang tinulungan na makatayo nang maayos mula sa pagkakasalampak sa puno ang kanilang nag-iisang anak.
Nakita ko ang nakasukbit na baril sa lalagyanan na nakalagay sa kanilang tagiliran. Ramdam ko ang lamig ng damuhan sa aking pisngi habang nagsisimulang bumigat ang aking paghinga. Ganito ba ang sasapitin ko sa kamay ni Mino kung sakaling iba ang ginawa ng kaniyang mga magulang?
Hindi na ba siya ang Mino na minsanan ko ding ninanakawan ng tingin? Hindi na ba siya ang lalaking may magaganda at asul na mga mata? Hindi na ba siya ang lalaking minsan na nagsasaad ng mga salita na siyang nagpapawala ng aking puso at nagpapagulo ng aking isip?
Ano na lamang ba ang gagawin ko kung hindi siya ang lalaking iyon? Hindi ko na ba mararanasan ang mahalikan habang nasa ilalim ng malamig at banayad na ilog sa ilalim ng liwanag ng Dyosa? Hindi ko alam ngunit hindi ko mapigilan na makaramdam ng kirot sa ideyang nagbago ang lahat at wala na ang Mino na aking nakilala.
Masasagip ba namin si Kypper kung hindi siya ang aking kasama? Mararanasan ko ba lahat ng mga bagay na naranasan ko na siya ang aking kapiling? Mararanasan ko bang mangako na hindi ko siya hahayaan na masaktan at maiwan sa mundong ito?
Tila hindi ko kaya na isipin na iba ang aking magiging buhay at karanasan kung hindi siya ang aking kasama o hindi naman kaya ay ibang Mino ang aking nakilala. I just want him the way he is now. I just want my irritating Mino and no one else. I cant stand seeing him changing or not recognizing me at all.
I just want him that way... My one and only Mino. Ngayon lamang ako nagnais ng ganito sa buong buhay ko. Tila mas makirot ang ideyang hindi niya ako makilala at hindi siya ang lalaking nakalaan sa akin kaysa sa mga sugat na natamo ko sa tama ng bala.
Agad na nabigla ang aking katawan dahil sa bigla silang naglaho sa aking harapan. Tila natulala pa ako nang panandalian ngunit agad akong nagulat dahil sa mga bisig na humawak sa akin upang ilayo ako sa damuhan.
Nanatiling akong nakaupo sa damuhan ngunit ang itaas na parte ng aking katawan ay nakahiga na ngayon sa hita ng kung sino habang nakahiga sa kaniyang bisig ang aking ulo. Marahan niyang pinunasan ang mga luha sa aking mga mata na siyang nagpapalabo dito.
Nang luminaw na ang lahat ay tsaka ko nakita ang lalaking paulit-ulit kong tinaggihan. Nginitian niya ako nang magaan habang marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Ihya?" marahan niyang tawag sa aking pangalan.
Ngumiti ako sa kaniya pabalik habang nararamdaman ko ang kirot ng aking mga sugat at ng aking dibdib. Nakita ko ang mariin niyang paninitig sa akin. "Just say that you would like to escape with me and all of this will be over," agad niyang saad sa akin.
Marahan niyang hinalikan ang aking noo kasabay ng pagbuhos ng aking masaganang luha. Nasasaktan ako nang husto dahil sa takot na magbabago ang Mino na kilala ko. Muli niya akong pinakatitigan habang pilit niyang pinupunasan nang marahan ang aking luha.
"I will never hurt you like this Ihya... Never," mapanuyo niyang saad sa akin. Calix is always selfless when it comes to me na minsan ay ikinakainis ko na din. Kaya nga matindi ang inis ko dahil siya ang unang nakalaban ni Mino sa duwelo upang makuha ang aking kamay dahil hindi ko kayang buhayin na muli ang nararamdaman ko para sa kaniya noong kami ay mga bata pa.
Batid ko na talagang tatalunin niya talaga si Mino nang araw na 'yon kaya matindi ang aking inis. Naiinis man ako sa kaniya minsan dahil hindi niya ginagawan ng pabor ang kaniyang sarili na kalimutan ako ngunit mahalaga siya para sa akin.
Hindi ko nais na ipilit pa ang namagitan sa amin dahil batid kong masasaktan ko siya kung papalaguin ko ang damdamin ko noon sa kaniya. Minsan man ay may paghihinayang at pagnanais na siya na lamang ngunit mahal ko ang aking kaibigan bilang kaibigan.
"Calix," mahina kong tawag sa kaniyang pangalan at agad kong nakita ang lungkot sa kaniyang mga mata. Batid kong alam na niya kaagad na kabiguan na naman muli ang aking magiging sagot. "You deserve better," panimula ko sa kaniya na marahas niyang inilingan.
Agad kong hinawakan ang kaniyang pisngi kahit namamanhid na ako sa sakit na aking nararamdaman. "You deserve someone that can love you back without hesitations. You deserve someone that is really meant for you and you already knew that it wasn't me," nanghihina kong pahayag sa kaniya habang sinasalubong ko ang kaniyang mga mata.
I don't care whether he is an illusion or not ngunit gusto kong isaad sa kaniya ang buong katotohanan. He will always be the first person that I liked and my only friend ngunit hanggang doon lamang ang titulo na kaya kong ibigay sa kaniya.
Tanaw ko man ang luhang namumuo sa kaniyang mga mata ngunit pinilit niyang ngumiti sa akin. "This silly illusion," agad kong saad nang pataray dahil grabe naman ata ang emosyon ng kausap kong ito. Kaunti na lamang ay maniniwala na ako na tunay na si Calix ang aking kausap.
Ilang segundo pa ay nagulat ako dahil nagsimulang magliwanag ang aking katawan. Tila ba unti-unti akong umaangat mula sa kaniyang mga bisig. Tuluyan na akong umangat sa ere habang inaangat ko ang aking mga kamay upang tignan ang asul na liwanag na lumalamon sa aking katawan.
Agad akong nabigla sa mabilisan kong pagbulusok paitaas kasabay ng pagtama ng aking katawan sa tila isang salamin na muli na namang nabasag sa aking katawan. Mukhang ibang pagsubok na naman ang aking mararanasan. Unti-unting bumigat ang aking paghinga kasabay ng pagbabago ng aking paligid.
Marahan na lamang akong pumikit para sa panibagong pagsubok ng diwata sa akin. Paglabas ko talaga dito ay palulunukin ko ng ugat si Circa!