Chereads / One Bite To Another / Chapter 49 - FEAR

Chapter 49 - FEAR

Vreihya's P.O.V

"I guess I am falling for you! A feeling that I tried to control yet succeeded to deepen," he said slowly yet full of sincerity. Hindi ko alam kung bakit pero tila huminto ako sa aking paghinga. Agad kong sinapo ang aking dibdib habang nangangatal ang aking kamay.

Tila umatras ang aking dila at nawalan ako ng kakayahan na magsalita. Damn! I froze! Paano ba ang tamang reaksyon sa ganito? Ano ba ang dapat sabihin? Ano ba ang tamang gawin kapag nasa ganitong pagkakataon.

Bakit ba ako kinakabahan? Bakit ba ako tila hindi mapakali? Tiyo! Ina! Hindi ko alam ang aking gagawin! Bahagya akong napakagat sa ibabang bahagi ng aking labi dahil sa halo-halong nararamdaman ko ngayon.

Kinakabahan ako ngunit hindi ko mapigilan ang ngiti na gustong mamutawi sa aking mga labi. Tila sinilaban ang aking pisngi dahil sa matindi nitong pag-iinit. HIndi ko alam ngunit isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib dahil sa matindi kong pamumula.

Tila hindi ko kayang salubungin ang kaniyang mga mata dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa aking kinatatayuan. Marahas akong huminga na tila ba tumakbo ako nang ilang milya dahil sa puso kong matindi na ang pagwawala.

Siya lamang talaga ang tanging nagpabaliw nang husto sa aking dibdib. Tila gusto kong sambunutan ang aking sarili dahil sa hindi ko alam ang aking gagawin. Masyado akong nabigla sa kaniyang pag-amin na hindi ako nakapaghanda.

Tila sariwa pa sa aking isip ang una naming pagkikita. Ang pagkikita na away kaagad ang pinagsimulan. Halos isumpa ko ang kaniyang lahi nang mga araw na iyon ngunit ngayon ay naririnig ko ang kaniyang dibdib na tila tinatawag ang aking pangalan.

Ilang mga palitan ng matatalim na salita nga ba ang aming pinagdaanan ngunit nabaliw ako sa araw na unang beses niya akong kinagat. Ang unang kagat na aking naranasan sa kaniyang nakakabaliw na mga pangil. Siya ang unang halik na talagang hinahanap-hanap ng aking mga labi.

Sadya nga bang wala akong pamimilian kundi ang magkaroon ng damdamin para sa kaniya dahil siya ang aking kapareha o sadyang nakita ko ang mga bagay na magpapahanga sa akin sa katauhan ni Mino. He is genuine with his every actions na tila ba hindi niya inisip na gawin iyon para lamang magpakitang gilas sa akin.

Ginawa niya ang mga kilos na iyon dahil iyon ang tunay na siya. I am the one who is planning to make him fall for me ngunit tila yata nakaramdam din ako ng kakaiba para sa kaniya. This human made me this damn crazy. He made my feelings burn like a wild fire.

Never in my life I had imagined or pictured myself in the arms of a human ngunit ngayon ay tila tahanan sa akin ang kaniyang mga bisig. I never like whenever a human call my name ngunit kapag siya ang bumabangit ng aking ngalan ay tila ba lalabas sa aking dibdib ang aking puso.

I don't care whenever other vampires will talk bad about me ngunit pagdating sa kaniya ay para bang natatakot ako na mag-iba ang kaniyang pagtingin sa akin. I never felt any remorse witnessing a human died but when it comes to him ay tila hindi ko kailanman kakayanin.

Tila hindi ko kaya na hindi siya ang lalaking nakalaan sa akin o hindi naman ay hindi ko siya nakilala at nakasama sa ganitong paraan. Natatakot ako na magbago ang lahat at hindi ko siya makapiling na katulad lamang ng kung ano ang meron kami ngayon.

I just want him. Everything about him seems just enough for me. Hindi man siya isang prinsipe o isang makapangyarihang pambira ay wala na akong hihilingin pa kundi siya. Sapat lamang siya para sa akin at wala na akong nais pang baguhin.

Ang nais ko lamang ay akitin siya at mahulog sa akin upang hindi niya kitlin ang kaniyang sarili at manatili siya ngunit tila higit pa doon ang aking pagnanais ngayon na manatili siya sa aking piling. Siguro ay naramdaman niya ang aking pagkatahimik kaya naman inalis niya ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa akin.

Tumikhim siya na tila ba nagsisi siya sa kaniyang mga sinabi. "I should never said that. Forget about it," seryoso niyang saad at agad akong nag-angat ng tingin upang magsalita. No! I will never forget what you said. Ngayon ko pa ba kakalimutan kung kailan nagwala na nang husto ang aking dibdib at tila naapektuhan na nang husto ang aking sistema?

Nang akma na sana akong magsasalita ay kapwa kami napahiwalay sa isa't isa dahil sa biglang pag-uga ng lupa. Entrante! Ano na naman ba ito Circa? Mabilisan kaming tumayo ni Mino habang pilit na binabalanse ang aming sarili. Agad akong natigilan dahil sa pagbitak ng lupa sa pagitan naming dalawa ni Mino.

"Mino!" malakas kong sigaw habang unti-unting lumalaki ang bitak sa lupa kaya mas lalo kaming napalayo sa isa't isa. "Vreihya!" agad niyang tawag sa akin at kapwa namin inilahad ang aming mga kamay na para bang maabot namin ang isa't isa.

No! Hindi pa pwedeng mangyari ang lahat ng ito. Marami akong gustong sabihin sa kaniya. Marami akong gustong aminin at marami pa akong gustong itanong. Bakit pakiramdam ko ay hindi ko na magagawang ilahad ang lahat? Bakit parang natatakot ako sa susunod na mangyayari lalo na at may hindi pa ako nasasabi sa kaniya?

Tuluyan na akong napasigaw dahil sa naramdaman ko ang pagkabitak ng lupang aking tinatapakan at sabay na bumulusok pababa ang aking katawan. Nakita ko din si Mino na kasabay kong nahuhulog. Pakiusap! Bakit ako natatakot na parang ito na ang huli ng lahat?

Bakit ganito ang aking nararamdaman? Gusto ko pa siyang mayakap! Gusto ko pang sabihin sa kaniya ang laman ng aking dibdib. Ilang segundo pa ay agad kong naramdaman ang pagbagsak ng aking katawan sa tila isang malapot na likido.

Marahas kong tinignan ang aking paligid at hinanap si Mino ngunit kadiliman ang sumalubong sa akin. Tsaka ko lamang tinignan ang likidong aking kinasasalampakan. Kumapit na sa aking balat at kasuotan ang malapot na dugo sa aking paligid.

Entrante! Marahas akong napahawak sa aking ulo dahil sa bigla akong nakaramdam ng paghalukay dito. "AAAH!" malakas kong daing habang tila nakakaramdam ako ng kung anong pwersa na tila bumibitak sa aking utak. Hindi maari! Pakiusap! Hindi ko na nais pang balikan ang ganitong pangyayari! Hindi ko na nais na makita ko pa siya!

Pilit kong pinapakalma ang aking sarili ngunit tuluyan na akong napayuko ng husto habang tangan-tangan ang aking ulo na paulit-ulit kong marahas na iniiling. Hindi maari! Hindi siya pwedeng lumabas ulit! Hindi pwede!

Hindi siya pwedeng makilala ni Mino! Utang na loob! Pakiusap! Huwag ngayon kung kailan mayroon na akong taong kinatatakutan na mawala!

"No! Tama na! Tumigil ka!" impit kong sigaw habang nasasambunutan ko na ang aking sarili dahil sa matinding sakit. "CIRCAAAA!" malakas at nahihirapan kong sigaw habang tila pumipintig lahat ng ugat sa aking utak. Marahas kong ipinikit ang aking mga mata kasabay ng aking mga impit at hirap na sigaw sa dahil sa matinding sakit.

Sa kabila ng matinding sakit na aking nararanasan ay naramdaman ko ang kaniyang prisensya sa aking harapan. Nahihirapan kong iminulat ang aking mga mata ngunit kahit ang aking paningin ay tila yumayanig. Nakita ko kung paano nagningas ang kaniyang kulay lilang mga mata ngunit bakas ang pamilyar na emosyon sa kaniyang mga mata.

Takot.

Marahas akong umiling. Isang bagay lang ang nakakapagpasindak sa diwata ng sangtwaryo ng ganito at hindi ko nais pa na ilabas ito. "Circa! Anong ginawa mo? Hindi mo siya maaaring palabasin!" hirap na hirap kong usal sa kaniya na tila nagmamakaawa habang halos mabaliw na ako sa sakit.

Nanginginig na ang aking katawan habang pinipilit kong pabalikin ang aking katinuan. "I am doing this for you Vreihya. Kailangan mo muna siyang labanan bago mo lubusang ibigin ang mortal," tila pinagtapang niya ang kaniyang tinig upang ikubli ang kaniyang kaba.

Takot ang aking naramdaman dahil sa kaniyang tinuran. Natatakot ako na kapag natuklasan ni Mino ay iwanan niya ako at talikuran ang kaniyang damdamin para sa akin. Walang kahit sinuman ang magnanais na manatili at magmahal ng isang tulad ko.

Natatakot ako na baka itigil na niya ang nararamdaman niya para sa akin. Natatakot ako na baka mas lalo niyang gustuhin na bumalik at muling manariwa sa kaniyang isip na isa akong halimaw. Natatakot na ako na mawala siya.

Marahas na akong napatili dahil sa tila gumuguhit na sa aking buong katawan ang sakit habang tila matatanggal na ang mga buhok na kanina pa nakakumpol sa aking kamay. "Hindi ka maaaring lubusang magmahal hanggang hindi ka pa nagtatagumpay!" agad niyang singhal sa akin.

Ang bagay na ito ang dahilan kung bakit tumakas ako sa sangtwaryo nang unang beses kong sumubok dito. Kahit si Circa ay hindi din kinaya ang bagay na ito kaya siya na mismo ang nagpakawala sa akin. Pumunta ako dito upang alamin kung bakit bigla na lamang nag-iiba ang aking mga kilos at kung bakit duguan na ang aking katawan kahit wala akong naaalala.

Dito sa lugar na ito unang beses ko siyang nakilala at hindi ko na muling ninais na makita siya. "Hindi pwedeng malaman ni Mino," nahihirapan kong pahayag habang panibagong sigaw ang namutawi sa aking nanginginig na mga labi.

Nanlabo ang aking mga mata dahil sa pulang likido na lumalabas sa aking mga mata. Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Circa habang pinipigilan niya ang panginginig ng kaniyang mga kamay. Mino, hindi mo ako maaaring makita ng ganito.

Hindi mo ito dapat malaman. Hindi ko nais na bigyan ka ng dahilan upang talikuran ako lalo pa ngayon na may puwang na ako sa iyong puso. Natatakot ako na baka sa isang iglap ay iwaksi mo ang lahat at piliin mong talikuran ako.

Naramdaman ko ang tila unti-unting pagkalma ng aking sistema habang siya ang laman ng aking isip. Marahan akong naghabol ng aking hininga habang tila unti-unti kong nararamdaman ang pagkawala ng matinding sakit sa aking ulo.

Nangangatal kong binitawan ang pagkakasabunot ko sa aking buhok at marahan na tumingin kay Circa ngunit tila nakakita ako ng determinasyon sa kaniyang mga mata. "Patawad!" agad niyang usal sa akin at kasabay noon ay ang paghila niya ng kung ano sa kaniyang likuran.

Agad na nanlaki ang aking mga mata kasabay ng matinding pangangatal ng aking buong katawan. "KYPPER!" malakas at nahihirapan kong sigaw habang nakatitig ako sa katawan ni Kypper habang hawak ni Circa ang buhok nito upang itayo ang walang buhay nitong katawan.

Agad na nanginig ang aking buong sistema at tila nagningas nang husto ang aking mga mata nang makita ko ang dalawang butas sa kaniyang mukha. Wala doon ang kaniyang mga asul na mata. Masaganang dugo ang umaagos mula doon habang tila itim na espasyo lamang ang makikita.

Mabilisan kong naramdaman ang matinding galit at pagkasuklam dahil sa kababuyan na ginawa niya sa bata. Bakit dinukot niya ang mga mata ni Kypper? Agad akong marahas na napatingala kasabay ng aking malakas na sigaw tsaka ko naramdaman ang tila mabilisang pag-agos ng aking dugo sa lahat ng ugat sa aking katawan.

Marahas akong tumayo habang nararamdaman ko ang labis na kapangyarihan sa aking buong sistema. Tila mabibiyak sa dalawa ang aking utak habang tumatalas nang husto ang aking mga kuko. Impit akong napatili dahil sa nararamdaman ko ang tila pagkabali ng aking mga buto sa aking likuran.

Pilit na may kung ano na lumalabas doon habang wala akong nakikita kundi pula at itim sa aking paligid. Tuluyan ng nabalot ng aking nakakakilabot na sigaw ang buong paligid habang paulit-ulit na umiikot sa aking isip ang walang buhay na katawan ni Kypper habang wala na ang kaniyang mga mata sa dapat nitong kinalalagyan.