Chereads / One Bite To Another / Chapter 50 - AWAKEN

Chapter 50 - AWAKEN

Third Person's P.O.V

"Vreihya!" malakas na sigaw ni Mino pagkatapos niyang sumalampak sa mababaw na tubig. Unang hinanap ng kaniyang mga mata ang binibini ngunit nabigo siyang masilayan ang pigura nito. Kadiliman ang siyang nakapalibot sa kaniya habang may liwanag na sa kaniyang lamang nakatutok.

Sa kaniyang pagtingin sa tubig na hanggang tuhod niya lamang ay hindi niya maiwasan na mapahanga sa kalinisan nito. Malinaw niyang nakikita ang kaniyang repliksyon sa tubig na bahagyang gumagalaw dahil sa kaniyang pagkakasalampak dito.

Bahagya siyang napatulala sa tubig habang tila nakakarinig siya ng mahihinang bulong. Ilang segundo pa siyang tumitig dito habang hinihintay na tumigil sa paggalaw ang tubig na kaniyang kinatatayuan. "Mino," bahagya siyang natigilan dahil sa tinig na tumawag ng kaniyang pangalan.

"Nakalimutan mo na ba lahat?" muling saad ng tinig na batid niyang nanggagaling sa tubig na kaniyang kinatatayuan. Bahagya siyang napaatras dahil sa narinig niyang tila umiiyak na tinig. May pagtataka niyang nakilala ang pag-iyak na iyon.

"Mom?" he called and looked intently on the crystal clear water. Ilang segundo pa ay nakita niya na hindi na ang kaniyang repleksyon ang nakikita sa tubig kundi ang imahe na ng kaniyang Ina. Sumalubong sa kaniya ang malulungkot nitong itim na mga mata.

"Mino! Bakit mo kinalimutan lahat?" nagsimulang humagulgol ang kaniyang Ina habang hindi luha kundi asul na pintura ang lumalabas sa mga mata nito. Muling tinawag ni Mino ang kaniyang Ina ngunit ilang sandali lamang ay tila napalitan ng isang galit na ekspresyon ang mga mata nito.

Marahas niyang pinahid ang pintura na siyang sanhi kung bakit ito nagkalat sa kaniyang pisngi. Pagtataka ang siyang bumalot kay Mino kung bakit ganito ang nakikita niya sa imahe ng kaniyang Ina.

"Kung hindi mo maalala ay ipapaalala ko sa'yo!" marahas nitong sigaw at agad na nanlaki ang mga mata ni Mino nang marahas na lumabas mula sa tubig ang Ina at agad na hinawakan siya sa kaniyang leeg at buong pwersa na hinila palublob sa malinaw na tubig.

Agad siyang nagpupumiglas dahil sa pagbulusok ng buo niyang katawan at matagumpay na nawala ang pagkakahawak sa kaniya ng kaniyang Ina. Marahas niyang itinayo ang kaniyang sarili kasabay ng paghahabol niya ng kaniyang hininga ngunit hindi pa man siya nakakabawi sa pagkagulat ay agad siyang nilamon ng pagtataka.

Luminga-linga siya sa kaniyang paligid at tila pinoproseso kung nasaan siya ngayon. Napatingin siya sa malaking bath tub kung saan siya tumayo. Bahagya siyang napasandal sa tiles na pader ng malawak na shower room.

Hindi siya maaaring magkamali sa eleganteng disensyo nito. Napatingin siya sa malaking salamin sa harapan ng sink kung saan siya laging nagsisipilyo. Nakita niya ang pamilyar na towel na siyang lagi niyang ginagamit.

Napahawak na lamang siya sa kaniyang sintido dahil sa halo-halong niyang emosyon. "Mino? Kanina ka pa diyan. Come out now," rinig niyang marahan na tawag sa kaniya ng kaniyang Ina mula sa labas ng malaking pinto ng shower room.

"Yes mommy! I'm out!" agad siyang napatingin sa pinagmulan ng isang tinig kasabay ng pagbukas ng glass door na punong-puno ng steam kaya hindi makikita ang kung sinuman na nasa loob. Lumabas mula doon ang kaniyang batang sarili habang may tapal ang ibabang bahagi ng katawan nito at kinuha sa sampayan ang tuwalya na marahan niyang pinangpunas sa kaniyang basang buhok.

Bahagyang napangisi si Mino habang nakatingin sa kaniyang sarili dahil hindi niya maitatanggi na talagang napakagwapo niya kahit noong bata pa lamang siya. Umalis siya sa pagkakatayo niya sa bath tub at tinabihan ang batang sarili habang nakaharap ito sa salaman at pinupunasan ang buhok.

"If I will have a son, I swear to God he is this handsome," he bragged to himself habang nangalumbaba na siya sa sink at nakatingin sa bata. "Mom! Let me pick my clothes! You don't have to do it! I am way older now!" magalang na sigaw ng bata sabay naglakad na ito upang buksan ang pinto.

Sumunod na din si Mino sa kaniyang sarili at agad na bumungad sa kaniya ang malawak niyang silid. Suddenly, he breathed the air coming from the huge window in front of his large bed na tila ba gumaan ang kaniyang loob na muling makabalik sa mundong ito.

"Mom! You should let me do that," agad na ngumuso ang batang Mino habang lumalapit sa kaniyang Ina na kasalukyang inilalatag ang kaniyang susuotin na damit sa kaniyang higaan. "But you're still my baby Mino. Hayaan mo na ang mommy na gawin ito habang hindi ka pa binata," pahayag ng kaniyang Ina sabay kinuha nito ang hawak na tuwalya ng bata tsaka sinimulan na tuyuin nang lubusan ang buhok nito.

"I am not a baby anymore mom. I am nine already! I am a big boy now," marahan na pagpoprotesta niya sa kaniyang Ina. "Ay naku! Big boy daw eh samantalang may sabon pa na natira sa ibaba ng tenga," natatawang saad ng kaniyang Ina sabay punas sa ibaba ng tenga ng anak at bahagyang natigilan ang bata.

"Big boy na daw pero naiiyak pa kapag nadapa? Tatawagin pa si mommy kapag nakarinig ng kaluskos sa gabi? Tapos gusto pa makipaglaro ng habulan sa daddy nia? Big boy ah!" pabirong turan ng kaniyang Ina sabay kiliti sa tagiliran niya na siyang nagpahalakhak sa kaniya.

Mino can't help but to smile while the scene is being played in front of him. He missed his parents so much even though hindi niya maitatatanngi na nagkaroon siya ng hinanakit. He will never forget the scenes like this everyday kung saan palagi siyang binubusog ng lambing at pagmamahal.

His childhood is the best if you would ask him. Yes! He was born with a golden spoon yet it is not the luxurious life that he is thankful about. It is all about how his parents had cared and loved him despite the fact that he is not perfect and he makes stupid mistakes.

Ngayon niya tila gustong tunguhin ang kaniyang Ina at bigyan ito ng isang yakap na may pananabik. He missed his parents this much lalo na at matagal na rin nang huli niya silang nakita. He felt sudden worry nang dumako sa isip niya kung ano na ang nangyayari ngayon sa kaniyang mga magulang habang nanatili siya sa mundo ng prinsesa.

Tila may gumuhit na kung ano sa kaniyang dibdib habang iniisip ang kagustuhan na makitang muli ang kaniyang mga magulang ngunit maiiwan niya ang prinsesa. Tila ngayon nanariwa sa kaniyang isip ang magkaiba nilang mundo. Nasa kalagitnaan siya ng ganoong pag-iisip nang marinig niya ang pagbukas ng malaking pinto at ang pagpasok ng kaniyang Ama doon.

"Daddy!" agad na masayang tumakbo ang batang si Mino sabay nagpabuhat sa kaniyang Ama. "Oh big boy nga," natatawang biro ng kaniyang Ina na tapos ng pagmasdan na magbihis ang nag-iisang anak. "You smelled so good Iho. Are you ready?" agad na tanong ng nakangiting Ama.

Agad na masayang tumango ang bata sabay inilihad ng kaniyang Ama ang kaliwang kamay nito na masaya namang tinungo ng kaniyang asawa sabay mahigpit itong hinawakan. Marahan na hinalikan ng kaniyang Ama ang kamay ng kaniyang Ina na siyang nagpapula sa mga pisngi nito.

Mino smiled again upon seeing that simple but genuine action. He can't wait to go back and do the same thing to his princess. He also want to clasp his hands on her and give her the sweetest kiss that he can offer.

He want to let his actions speak for his heart as he know that the princess is not fond with mere words but genuine actions of sincerity. Never in his life he had imagine being this excited to see a vampire more than ever.

Ngunit hindi niya maiwasan na malungkot with the idea that he can't wait to see Vreihya yet he wanted to go home and see his parents also. Tila ngayon bumabalik sa kaniya ang katotohanan na magkaiba sila ng mundong ginagalawan.

"They're savages right dad?" agad na namalik-mata nang bahagya si Mino at nagbago ang lahat ng nasa kaniyang paligid. It is not his room anymore but a dark room with a large flat screen in front. May helera ng limang upuan na tila pangsinehan ang nakaharap sa flat screen Tv.

Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang silid kung saan sila madalas na nagmo-movie marathon ng kaniyang mga magulang. This room is specifically build for that purpose. "That's their nature Mino," rinig niyang sagot ng kaniyang Ama sa kaniyang tanong.

Agad na napatingin si Mino sa movie na pinapalabas ngayon sa sa malaking screen. It's a vampire movie that showcased the horrible sides of vampires and alike. "Their sole purpose is to suck blood and feast on us humans!" dagdag pa ng kaniyang Ama.

"Ano na nga ang kailangan mong gawin kapag nakakita ka ng halimaw?" rinig niyang tanong ng kaniyang Ina sabay turo sa bampirang umiinom ng dugo sa pinapanood nilang pelikula. "Run for help!" mabilis na sagot ng batang Mino na para bang isang oral quiz ang kaniyang sinagutan.

Agad na napahinga nang malalim si Mino habang pinapanood ang lahat ng nangyayari. Sa mura niyang edad ay tinuruan na siya ng kaniyang mga magulang na kamuhian ang mga kauri ng prinsesa. They are warning him about vampires indirectly dahil sa alam nila na balang araw ay kukunin nila siya mula sa kanila.

Agad siyang lumalabas sa madilim na silid at bumungad sa kanya ang malaking aklatan ng kanilang mansyon. Nakita niya ang malawak na helera ng book shelves habang walang ibang laman ang mga ito kundi libro patungkol sa mga bampira at kung gaano sila kalupit.

He knew that very well dahil halos makompleto na niya lahat ng ito kakabasa kahit sa murang edad. He saw the wide reading table on the right corner of the room habang may nakabukas pang aklat doon.

Tinungo niya ito at agad na inangat ito upang basahin. "They are emotionless creatures. They doesn't have the ability to feel love or even worthy of that genuine affection," malakas na basa niya sa isang kataga na may guhit pa ng isang pulang ballpen na para bang pinakatatandaan ng kung sinumang huling nagbasa nito.

Agad niyang kinuwestyon ang nakasulat as he remembered how Vreihya cared for her people and how her people loved her in return. The memory of Vreihya fighting the stinging pain for Kypper because of the magical powder flash backed on his mind.

"Vreihya isn't emotionless, as a matter of fact she is selfless and genuinely love the people around her and I hope he feel the same way for me too," mahinang bulong ni Mino sa kaniyang sarili. "She might be harsh at me sometimes but her eyes tells the opposite. She is caring and a cry baby," he added as it he remembered how easily it is for Vreihya to tear up.

He flipped the book and read the name of the author while his brow is raising. "Hindi ka sure," pambabara ni Mino sa author na para bang naririnig siya nito. "Paano mo nasabi?" dagdag pa niya at marahas na isinara at isinalampak ang libro sa lamesa.

He will never forget this book dahil ito ang librong kaniyang binabasa nang una silang magkita ng prinsesa sa kaniyang silid. Ang unang araw na nakaramdam siya ng kakaibang kirot sa kaniyang dibdib at takot nang makita niya ang nag-iibang kulay na mga mata ng prinsesa.

Nasa kalagitnaan siya nang ganoong pag-iisip nang bigla siyang nagulat dahil sa marahas na pagbukas ng malaking pinto. Agad siyang natigilan nang makita niya ang kaniyang Ina na may nanlilisik na mga mata. Siya ang imahe na nakita niya kanina dahil kitang-kita ang asul na pintura na pinahid nito nang lumabas ito sa kaniyang mga mata.

"Bakit mo kinalimutan lahat!" marahas na sigaw ng kaniyang Ina habang panibagong asul na pintura ang dumanak palabas sa kaniyang lumuluhang mga mata. Hindi maiwasan ni Mino na makaramdam ng kilabot habang unti-unting napupunit ang magkabilang gilid ng mga labi ng kaniyang ina.

Masaganang dugo ang dumanak dito habang patuloy ito sa paglapit sa kaniya. "Wala kang karapatan na magmahal ng isang halimaw!" kakila-kilabot ang paraan ng pagsigaw nito habang nagsisimulang maging garalgal ang tinig nito.

Tila nanlalamig si Mino sa kaniyang nakikita habang paunti-unting tila humahaba ang kukuko ng kaniyang Ina. Sa unti-unti nitong paglapit ay tila naririnig ni Mino ang pagkaputol ng mga buto ng kaniyang Ina sa kaniyang katawan. Her body became deformed as she move closer to her son.

Ngunit tumigil ito atsaka marahan na tumingin sa likuran. Tila mas lalong nanlamig ang buo niyang pagkatao nang makita niya ang kaniyang ama habang may malaki din itong hiwa sa kaniyang bibig. Duguan ang leeg nito dahil sa pag-agos ng masaganang dugo mula sa bibig nito.

Ngunit lalo siyang hinampas ng kaba nang makita niya ang tangan-tangan na katawan ng kaniyang Ama. Lumapit nang bahagya ang kaniyang Ama at marahas na binitawan ang tangan niyang katawan. Agad na napakuyom si Mino sa kaniyang kamao nang malinaw niyang nakita kung sino ang bangkay sa kaniyang harapan habang nakatitig sa kaniya ang walang buhay nitong mga mata.

He saw the cold and lifeless body of the princess while there is two bullet holes on her forehead. Tila nayanig ang kaniyang pagkatao dahil sa kaniyang nakita. Vreihya is just staring blankly at him habang tila may matinding pwersa na gustong lumabas sa kaniyang katawan.

He begun to feel some nerves beating on his neck. His palm started to feel a stinging sensation as his sharp claws started to dug into it. His eyes started to get as sharp as it can be as he feel some dark aura escaping from his body. Her pupils became slit like a python and his fangs automatically became sharp.

Every part of his body is thirsty for blood and aching to break something with his grip. All of his senses became enhanced as he can hear everything from a single falling leaf outside the window to the tiny vibration of a bee's wings from afar.

Something was awakened from inside of him as he stares as the lifeless body of the princess whom he wanted to hold the most. The two creatures stared at him while feeling the upcoming death with that terrifying glare from him.

"You fucked up!" he said coldly and with that he is now behind the two creatures while he is holding both of their slaughtered head with both of his hands. A loud thud filled the room as the two headless body slumped on the cold floor.