Agad akong luminga-linga sa aking paligid habang ramdam ko ang pagyakap sa akin ng malamig na tubig. Agad ko siyang nakita na bahagyang malayo sa akin at hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at lumangoy ako nang mabilis.
Nang malapitan ko na si Mino ay marahan kong tinapik ang kaniyang pisngi. Marahan siyang nagmulat ng kaniyang nanghihinang mata ngunit marahan din siyang pumikit na muli. Entrante! Hindi! Hindi ka maaaring mamatay habang nandirito ako.
Marami tayong dapat pag-usapan at linawin patungkol sa ating dalawa. Hindi mo ako pwedeng iwan! Hindi na ako nag-atubili pa at muling inangkin ang kaniyang mga labi ngunit sinikap ko na mabibigyan ko siya ng hangin na kaniyang kailangan.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi upang mas idiin siya sa akin. Hindi mo na ako maaaring iwan Mino pagkatapos ng mga pinakita at pinaramdam mo sa akin. Wala kang karapatan na basta na lamang mawala.
Pagbabayaran mo ang naging epekto mo sa aking sistema! Hindi ako makakapayag na iiwan mo ako na maraming tanong. Alam ko sa sarili ko na lubos na kitang hahanapin. Ikaw lang ang gusto ko na magparamdam ng lahat ng bagay na hindi ko alam ipaliwanag.
Hindi mo na ako maaaring iwan na mag-isa dahil simula nang maiparamdam mo sa akin ang pagwawala ng aking dibdib ay kailangan mo na akong panindigan. Ilang segundo ko pa siyang binibigyan ng hangin habang hindi ko maiwasan na matakot dahil wala akong naramdaman na paggalaw sa kaniya.
Iniyakap ko na sa kaniya ang aking mga bisig upang mas lalo siyang mapadiin sa akin. I said that you will never leave me! I need your freaking explanation! Kapag nawala ka ay sinisigurado kong wala ng iba pang makakapagparamdam sa akin nang ganito.
Ilang segundo pa na tila walang nangyayari at mas lalo akong natakot ngunit agad akong napasigaw dahil bigla kaming nawala sa tubig at agad na lumapag ang aking mga paa sa damuhan. Dahil yakap ko si Mino at wala siyang malay ay agad akong natumba habang siya ay nasa ibabaw ko.
Nanatiling magkalapat ang aming mga labi habang ramdam ko na ang lamig ng hangin sa aking paligid. Ilang sandali pa ay marahas na nagmulat ng kaniyang mata si Mino at agad na niyang iniangat ang kaniyang sarili mula sa aking ibabaw.
Kapwa kami basang-basa habang nanatili akong nakahiga at naghahabol ng hininga. Mabilis niya akong inilalayan patayo na siya ko namang inabot at nang kapwa na kami nakatayo ay kapwa kami nahihiyang tumalikod sa isa't-isa.
Entrante! Hindi ko alam ang aking sasabihin at dapat na gawin. Kung kanina ay nais ko siyang kausapin ngayon naman para akong nawalan ng tinig dahil sa hiya at kaba na nasa aking dibdib.
Ngunit hindi maaari na hindi ako maliwanagan sa aking mga katanungan ngayon dahil lamang sa aking nararamdaman. Gusto ko na ng kasagutan ngayon din dahil hindi mahaba ang aking pasensya.
"Mino?" nahihirapan kong tawag sa kaniya tsaka ako humarap sa kaniya at ang makisig niyang likuran ang siyang sumalubong sa akin. Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa aking nakikita ngayon. Bakit mas lalo siyang naging kaakit-akit sa aking paningin?
"Yeah?" mahina niyang sagot pabalik atsaka siya humarap sa akin. Muli akong nabingi sa malakas na pintig ng aking dibdib habang nakikita ko ang uri ng kaniyang paninitig sa akin. Tila nanuyot ang aking lalamunan at hindi ko alam ang aking sasabihin.
Kailan pa ako natakot at kinabahan nang ganito? Bakit parang hindi ko kayang magsalita? Bakit ganito na lamang ang epekto niya sa akin? What have you done to me Mino?
I was about to utter some words ngunit nabigla ako dahil sa mabilis niyang inihakbang ang kaniyang mga paa upang makalapit sa akin sabay agad niyang hinapit ang aking bewang at inalayan ako ng isang mahigpit na yakap.
Sa kabila ng basa naming mga katawan ay tila hindi lamig ang aking nararamdaman sa kaniyang mga bisig. "You save my life," garalgal niyang pahayag sa akin habang nanatili akong hindi gumagalaw.
Tila mas nahirapan akong huminga dahil agad siyang kumalas at ipinatong ang kaniyang noo sa akin. Ang kaniyang kaliwang kamay ay nakalapat sa aking pisngi habang ang isa naman ay nakahawak sa aking bewang na tila ba nanunuyo siya sa akin.
Damn! Matindi na ang pagwawala ng aking puso na tila ba may gusto akong sabihin sa kaniya ngunit natatakot ako nang husto. Kailan pa ako naging duwag na katulad nito? This is not me! Anong nangyayari?
"Mino?" mahina kong tawag sa kaniyang pangalan at bahagya siyang lumayo sa akin upang makita niya ang aking mukha nang mas maayos. "You have a lot of explaining to do," agad kong saad ngunit napahawak lamang siya sa kaniyang batok na tila isa siyang batang nahuli na may ginagawang masama.
"Aren't you cold?" pag-iiba niya ng usapan ngunit agad akong umiling. "No! Stay on the topic," agad kong turan sa kaniya na may halong pagtataray upang maramdaman niya na seryoso ako sa aking sinasabi.
Agad na sana akong magsasalita ngunit agad na humangin nang malakas at bahagyang tumama ang aking basang buhok sa aking mukha at dahil basa ito ay bahagya itong dumikit. Nakita ko kung paano humakbang si Mino at iniangat ang kaniyang kamay na tila ba nais niya na siya ang magtanggal ng buhok na humambalang sa mukha ko.
Ngunit tila pinigil niya ang kaniyang sarili at nag-iwas na lamang ng tingin. Bahagya akong natigilan ngunit kusa ko na lamang na inalis ang mga ito. "Explain everything you did right now!" matigas kong utos sa kaniya na agad naman niyang nginisian.
Pinagkrus ko ang aking mga kamay habang nakataas na ang aking kilay na nakatingin lamang sa lalaking wala na ata akong makita kundi perpeksyon. Tumitig lamang siya sa akin na tila ba wala siyang balak na magsalita o hindi naman kaya ay magpaliwanag man lang.
"Mino! Isa!" naiinis kong saad. "Dalawa! Tatlo! Apat!" mapang-asar niyang dugtong sa sinabi ko. Awtimatiko na tumaas ang dugo ko at agad akong umamba ng palo sa kaniya ngunit agad siyang tumalikod sa akin at tumakbo.
"Mananagot ka talaga sa akin!" niinis kong pahayag at sinimulan ko na siyang habulin sa malawak na damuhan kung nasaan kami ngayon. Alam kong mayroon akong bilis ng isang bampira ngunit tila hindi ko ito nais gamitin para lamang lasapin ang magaan na pakiramdam ko kahit naiinis ako sa kaniya.
Mas binilisan pa niya ang pagtakbo sabay humarap siya sa akin nang bahagya sabay nilabas niya ang kaniyang dila na tila ba nang-iinis. "Pasaway!" marahas kong singhal sabay mas binilisan ko pa. Muntik ko na sana siyang maabutan ngunit nabigla ako nang gamitin na niya ang kaniyang bilis upang lumiko.
Ah! Gusto niya pala ng ganito ah! Ginamit ko na din ang aking bilis upang habulin siya. Muli siyang lumiko nang maaabutan ko na siya. Marahas akong sumunod at hindi ko na pinansin pa ang aking basang kasuotan.
Gusto ko siyang maabutan at kutusan lang kahit isa. Sobrang dami ko ng naranasan sa sangtwaryo na ito at hindi ko na nais pa na magkaroon ng mga karagdarang iisipin. Malapit na ako sa kaniya nang bahagya kaya naman mas lalo ko ng binilisan.
Nang aabutin ko na siya ay nagulat ako nang bigla siyang humarap at huminto. Entrante! Agad akong tumama sa kaniyang katawan at kapwa kaming natumba na dalawa. Bahagya siyang uminda dahil sa kaniyang pagsalampak sa damuhan habang nakasubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib.
"Entrante! Mino!" galit kong singhal dahil sa kaniyang ginawa at nang akma na akong tatayo aya agad niyang niyakap ang aking bewang upang hindi ako makaalis. "Stay!" seryoso niyang turan sa akin at agad akong natigilan.
Bahagya kong inayos ang aking mukha at itinagilid ito upang ang kaliwang tenga ko ang nakapatong sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking buhok habang nanatili ang kaniyang isang kamay sa aking bewang.
"Can you hear that?" tanong niya sa akin at marahan akong tumango. "Loud and clear," mahina kong sagot sa kaniya pabalik habang naririnig ko ang malakas at mabilis na kalabog sa kaniyang dibdib. Katulad ito ng ingay na kasalukuyang naghahari sa aking dibdib.
"I never expected that a vampire will make my heart beat this crazy," saad niya na tila hindi makapaniwala kasabay ng mahina niyang pagtawa. "I can lie and hide the truth with my actions and words but my heart won't lie," dagdag niya na mas lalong nagpahirap sa akin na huminga.
Hindi ko alam kung bakit tila tatakasan ako ng sarili kong katinuan dahil sa kaniyang mga sinasabi. Batid niyang ayaw ko sa mga salitang lilituhin lamang ako kaya siguro hinahayaan niya na ang puso niya ang magsalita para sa kaniya.
"Vreihya?" marahan niyang tawag sa akin na tila ba musika sa aking pandinig. Bakit napakasarap pakinggan ng aking pangalan kapag siya ang tumatawag sa akin. "Hm?" mahina kong sagot sa kaniya dahil wala akong lakas upang magsalita.
Isa ito sa mga bagay na siya lang ang nakakagawa sa akin. Ilang segundo kaming natahimik ngunit tuluyan na akong hindi nakapagsalita kasabay ng tuluyang pagwawala ng aking dibdib kasabay ng sa kaniya dahil sa mga katagang kaniyang binitawan.
"I guess I am falling for you! A feeling that I tried to control yet succeeded to deepen".