Third Person's P.O.V
As our two heroines starts their journey and challenges, the enemies are also thriving to get their hands on them. Jealousy, anger and honor are the things that pushes them to do horrible acts. They are like hungry beasts searching for their prey and on the right moment they will bite their necks.
The King sat on his golden throne while his chin is resting on his right palm. He cannot hide his excitement as the moment of searching for the downfall of the Zecillion kingdom is just inches away from his grasps.
"Isang kahangalan ang ginawa ng prinsesa!" galit na bulyaw kaagad ni Haring Arthur ng Calixtas. "Sinasabi ko na nga ba at may baho silang itinatago!", madiin na saad ni Reyna Elena. Nanatiling tahimik si Reyna Marayca sa kaniyang kinauupuan ngunit hindi maalis ang ngisi sa kaniyang labi.
This is a big moment for them. This is the chance that they are all waiting for. Hindi pa din sila halos makapaniwala lahat sa katotohanan na kanilang natuklasan. King Ozyrus is standing still beside King Zakarias. He knew exactly what the king is planning to do.
"Hindi katanggap-tanggap na magkakaroon ng lahing tao ang papalit sa ating Dyosa!" bulyaw na muli ni Reyna Elena. Marayca can't help but to raise her brow dahil puro ingay na lamang ang kaniyang naririnig. She wants some action not mere words and curses. They need to grab this once in a lifetime chance.
She looked at King Zakarias and all she can see on his eyes are burning desire and excitement. She can't help but smirk at the idea that they both are the same team. "Kailangan na mapatay ang mortal na 'yon sa lalong madaling panahon," prente lamang na saad ni Reyna Marayca sabay marahan na ininom ang dugo sa kaniyang eleganteng baso.
Kapwa na nagsitango ang mga nakarinig maliban kay Haring Ozyrus na prente na lamang uminom sa kaniyang baso. "Balita ko ay wala na sa kanilang kaharian ang prinsesa at ang mortal," saad ni Haring Arthur at napatitig sa kaniya ang mga kausap. "Hindi din magtatagal ang kanilag pagtatago," agad na sabat ni Reyna Elena.
"Nagtanong-tanong na ako sa mga koneksyon ko sa ibang mga kaharian ngunit walang nakakita kung nasaan ang prinsesa," prente lamang na saad ni Marayca. "Ano ang hakbang na ating gagawin?" dagdag niya sabay titig kay Haring Zakarias na marahas na tumayo mula sa pagkakaupo.
Agad niyang iniangat ang kaniyang kamay at agad itong lumiyab. Sa nagniningas na apoy sa kaniyang palad ay tila nagiging hugis tao ang kaniyang apoy at kasabay nito ay ang malakas at takot na sigawan ng mga hugis. Umalingawngaw ito sa buong silid at mabilis na napangisi ang mga nakasaksi. Batid na nila ang nais na tukuyin ng hari sa kaniyang ginawa.
Bahagyang napayuko si Haring Ozyrus dahil sa kaniyang nakita. Hindi niya maitago ang biglang siklab ng galit sa kaniyang dibdib. Iniisip niya kung ito din ba ang nararanasan ngayon ng babaeng lubos niyang iniingatan at minamahal. King Zakarias has the power of the burning fire. Everything he touches turns into ashes.
Kasing bagsik ng kaniyang ugali ang kaniyang naglalagablab na apoy. Nang gabi ding iyon ay bumagsak nang tuluyan ang kaharian ng prinsesa. Marami ang nasawi sa walang awang pagsugod ng iba't-ibang kaharian sa kanila. Imbis na humarap sa labanan ay mas inuna ni Alonzo at Reyna Zaliah na itakas at iligtas lahat ng kanilang makakaya.
Kung nakipaglaban sila ay higit na mas marami ang masasawi dahil hindi sila nakapaghanda. Queen Zaliah used her power to transport and hide her people. Alonzo lead the first line of defense na nagresulta ng kamatayan ng mga kakampi ng kaaway ngunit sadyang ibinuhos ng ibang kaharian ang kanilang pwersa upang siguruhin na babagsak ang kaharian.
Ang madilim na gabi ay napalitan ng naglilingas na liwanag ng malalaking apoy habang nasusunog ang mga tahanan sa baryo. Marami ang nasawi, nasugutan at nasunog ng buhay sa pagpupuyos ng ibang sakim na kaharian. Dumanak ang dugo sa mga bulaklak sa parang at maging sa damuhan.
Ilang mga katawan ang nakasandal sa malalaking puno na wala ng buhay o hindi naman kaya ay naghihingalo. Even the greatest kingdom with the most powerful leaders will fall down to the hands of cruel enemies na kapwa nagtulungan para sa iisang masamang hangarin. The Zecillion kingdom was defeated. The peaceful and ever so beautiful garden-like kingdom was destroyed with the forces of evil.
Rinig na rinig ang malademonyong pagtawa ng Hari habang papalabas siya sa malaking pintuan ng kaharian. Hindi niya iniinda ang naglalagablab na apoy na tuluyan ng tumutupok sa palasyo na kaniyang pinasok kanina upang sunugin ang bawat sulok.
He looked like a demon that is peacefully walking from the burning fire. Kapwa nakangiti ang mga kasama niyang namumuno sa ibang kaharian habang nakikita nila ang unti-unting pagbagsak ng palasyo. Ozyrus can't help but to clenched his jaw upon seeing that horrible scene.
A large burning castle with a devil on its entrance. Matagal na siyang nadadarang sa apoy ni Haring Zakarias ngunit ang kaniyang bibig ay tila nakabusal at ang kaniyang katawan ay nakagapos sa kaniya. Lahat ng kaniyang pagtitiis ay para sa kaniyang minamahal.
--------------------------------------------
"Mabuti naman at may naitago ka pang ganito," prenteng usal ni Reyna Marayca habang pinakatitigan ang isang bangkay ng isang malaking nilalang. Makikita ang tuyot at sunog nitong bangkay. Itim na itim ang kulay nito ngunit ang mga pangil at matatalas na mga kuko ay nanatiling malinis.
"Koleksyon," maikli at malamig na saad lamang ni Haring Zakarias habang naglalakad nang marahan paikot sa lamesa kung saan nakahimlay ang sunog na labi ng halimaw. Napangisi na lamang ang reyna dahil batid niya ang hilig ng Hari na mangolekta ng iilan sa mga sinunog niyang bangkay upang gawing koleksyon o hindi naman kaya ay palamuti.
"Sobrang tagal na din nang huli akong makakita ng buhay na Awol," pahayag ng Reyna at bahagya niyang hinawakan ang malaki at matalas na pangil nito. Maitutulad ang katawan ng Awol sa isang malaking sigbin na siyang kinakatakutan na halimaw sa mundo ng mga tao.
Nakalabas sa likuran nito ang matatalas na mga buto habang ang mga mata nito ay kulay itim. "Huwag mo ng patagalin pa Marayca," naiinip na pahayag ng Hari sabay hinila nito ang isang upuan upang prente ng makaupo at pagmasdan ang gagawin ng Reyna.
Hindi na nag-atubili pa ang Reyna at bahagya itong tumapat sa bibig ng halimaw. Sandali siyang nag-usal ng dasal at sa kaniyang kumpas ay may tila isang bilog na portal ang lumitaw sa kaniyang harapan. Kulay itim ang pinakagitna nito ngunit ang gilid ay umuusok ng kulay pula. Agad na nagningas ang mata ng Reyna kasabay ng pagpasok niya ng kaniyang kaliwang kamay sa portal.
Tila may kinukuha siya dito na kung ano at ilang sandali pa ay inilabas niya sa portal ang hawak niyang isang botelya na may kakaibang disenyo. Nang maialis na niya ito nang lubusan ay nawala ang maliit na portal maging ang pagniningas ng kaniyang mata.
Her powers were simple but it can kill. Ang kapangyarihan na bagay sa isang reynang patago kung pumatay. Mataman lamang na nakatingin sa kaniya ang Hari habang binubuksan na ng Reyna ang botelya. Agad na naglabas ng itim na usok ang botelya at agad na kumulo ang kulay dugong likido sa loob nito.
Bahagyang napatakip sa kaniyang ilong ang Hari dahil sa masangsang na samyo ng likido. Bahagyang inayos ng Reyna ang bibig ng halimaw upang hindi matapon ang likidong sinisimulan na niyang ibuhos sa bunganga nito.
Agad na dumaloy sa lalamunan ng halimaw ang likido. Unti-unting nagliwanag ang mga nakalabas nitong ugat sa katawan at nagsimulang gumalaw ang matatalas nitong kuko. "Sa apoy namatay! Sa apoy din mabubuhay!" malakas na usal ng Reyna at sa isang pitik lamang ng Hari ay agad na nagliyab ang katawan ng halimaw.
Bahagyang napalayo ang Reyna sa malaking apoy at agad niyang narinig ang tila mabigat na paghinga ng halimaw. Kapwa nila hindi mapigilan na mapangisi ni Haring Zakarias habang unti-unting tumatayo ang halimaw.
Sadyang kakila-kilabot ang tunog na nagmumula dito. Kasabay ng tuluyang pagkabuhay at pagbangon ng halimaw ay unti-unti nawala ang pagliyab ng katawan nito. Agad itong umungol ng pagkalakas-lakas at ginagalaw nito ang kaniyang katawan na tila bagong gising.
Wala na ang sunog at payat nitong katawan kanina. Napalitan ng isang kulubot at maugat na maitim na balat na may nakalabas na malalaking ugat. Kitang-kita ang dugong dumadaloy dito. Hindi maipagkakaila ang matinding gutom na nararamdaman ng halimaw.
This is a monster that is created to devour humans and feed on their fresh blood and flesh. Agad na umusok ang itim nitong mata at nagsimulang amuyin ang kaniyang paligid upang maghanap ng isang tao. Agad itong napaalulong habang nakaharap sa norte.
----------------------------------------------
The king quickly clenched his jaw upon staring at the entrance of the Sanctuary. Maging si Reyna Marayca ay hindi din maiwasan na magkaroon ng galit dahil batid niya na nahuli sila sa paghahabol sa prinsesa at sa mortal.
Samantalang napaupo habang nanginig ang halimaw sa takot dahil sa nakita nito ang sangtwaryo. Hindi sila makakapasok sa loob dahil hindi tinatanggap sa sangtwaryo ang mga Awol at dahil sa takot nila na baka mabaliw sila sa loob. Masisira ang plano ng Hari kapag pumasok siya sa mapaglarong lugar na 'yon.
"Entrante!" agad na nagliyab ang isang puno na tinapunan ng Hari ng bola ng apoy. "Hindi na natin sila naabutan!" dagdag naman ng Reyna at matalas na tumingin sa mga kawal na kasama niya. Halos masakop na ng kanilang bilang ang malawak na damuhan.
Ilang araw na silang naglalakbay upang hanapin ang prinsesa at ang mortal. Dumaan na sila sa disyerto at sa nagyeyelong kagubatan. Mabuti na lamang at hindi nila nadaanan ang ginawang kagubatan ng prinsesa dahil lumihis na doon ang pang-amoy ng Awol dahil nakaalis na doon si Mino.
"Matatagalan pa bago sila makalabas sa bwiset na lugar na 'yan," malakas na singhal ng Hari habang agad siyang naglabas ng apoy sa kaniyang palad upang subukan na sunugin ang pwersang nakapalibot sa sangtwaryo ngunit wala itong epekto.
"Wala tayong mapapala dito talagang napakatuso ng prinsesa," mapait na saad ng Reyna habang hinahawakan na niya ang halimaw upang aluin. "Kung ako sa'yo saidin na lang natin ang kanilang nasasakupan dahil batid kong may mga nakaligtas," agad na suhestyon ng reyna habang patuloy na hinahaplos ang nakakadiring balat ng halimaw.
Agad na napatango ang Hari sa ideya ng Reyna sabay naghudyat siya sa mga kawal na magsimula na muling maglakbay pabalik. "Kung susuwertehin tayo ay sa loob na mismo sila ng sangtwaryo mamamatay," malamig na saad ng Hari.
"Hanapin na lamang natin si Alonzo at si Zaliah," dagdag niyang pahayag habang sinusunog ang bawat paro-paro na dumadapo sa kaniyang palad. Hindi niya maiwasan na mapangsi sa ideyang walang laban ang kaharian ng mga Zecillion. Unti-unting lumalapit sa kaniya ang pagkakataon na makabawi at makuha ang tagumpay na tingin niya ay nararapat sa kaniya.