"What is this?" Itinuro ni Ms. Velasco ang iginuhit nito sa blackboard gamit ang chalk. "What kind of angle is this?" muling tanong nito sabay tingin sa aming lahat.
Nagtaas ng kamay si Karina.
Gosh, Karina. Please, don't do it. Sinisira mo ang mg plano ko, inis na naisaloob ko habang nakasimangot na nakasulyap kay Karina.
"Antipasado?"
Gaya nang inaasahan, napansin ako ni Ms. Velasco. Bakit pa ako nainis kay Karina? Alam naman naming lahat na invisible si Karina sa mundo ni Dragon Lady. Sa mundo nito, kaming dalawa lang ang umiiral sa silid na ito. And God knows kung ano pang mga pamamahiya ang ipatitikim nito sa akin.
"What kind of angle is this?" Hinampas ni Dragon Lady gamit ng ruler ang blackboard. "Ano? Bilis. Sagot agad! You should know this. Matalino ka, hindi ba?"
Acute angle! Ang akala siguro ng dragon na ito napakahina ko sa Math. Hindi ba nito alam na hindi porke't ayoko sa Math ibig sabihin ignorante ako rito?
"Obtuse angle po."
"Ay Gaga! Ano'ng obtuse angle? Mukha bang obtuse angle 'yan!" Halos magputukan ang litid ni Ms. Velasco sa leeg habang sumisigaw sa harapan. Sa talim nang pagkakatingin nito sa akin, aakalain mong nakagawa ako ng isang karumal-dumal na krimen na kailan man ay hinding-hindi nito mapapatawad.
"S-Sorry po, Ms. Velasco," paumanhin ko sabay yuko.
"Naturingan kang presidente ng klase na 'to pero antanga-tanga mo sa Math, Miya Antipasado. Simpleng tanong hindi mo masagot ng tama. Gaga!"
Nakagat ko ang labi ko. Kagaya nang inaasahan, ako pa rin ang parausan ng init ng ulo ng dragon na ito. Mula nang magsumbong ako sa prinsipal, ako na ang naging paborito nitong tampulan ng mga panlalait at panggigipit. Malinaw ang pagkaaburido sa mukha nito sa tuwing nakikita ako. Walang araw na hindi nito ako pinahihiya. Hindi na ako magtataka kung isang araw malaman ko na lang na binagsak ako nito sa Math. Mapapa-summer class ako nang wala sa oras. Siguradong magagalit sa akin ang mga magulang ko. Ano'ng silbi ng pagpapaaral ng mga ito sa akin sa isang private school kung ibabagsak ko lang ang isa sa mga pinakaimportanteng subject?
"Ano, boba? Cat got your tongue?" Punum-puno ng pang-uuyam ang boses ni Ms. Velasco. Kulang na lang ay lumundag ito at sakmalin ako. "Look at me when I'm talking to you, you little piece of shit!"
Nag-angat ako ng tingin.
"A-Ang sakit n'yo naman pong magsalita, Ms. Velasco," sabi ko sa mababang tinig.
Narinig ko ang manghang bulalasan ng mga kaklase ko. Nang pasimple akong lumingon, nakita ko ang nakakunot-noong si Bruno na matamang nakatingin sa akin. Bakas sa namumutlang mukha nito ang pangamba para sa kalagayan ko na tila ba iniisip nito na totoong dragon si Ms. Velasco na handa akong bugahan ng apoy anumang oras nito naisin.
"Truth hurts!" sigaw ng dragon.
Muli kong binaling ang tingin kay Dragon Lady.
"Pero wala pa rin kayong karapatan para laitin ako, Ms. Velasco."
Humakbang palapit sa akin ang dragon, mga mata'y nagbabaga sa likod ng salamin nito.
"At sino ka para sabihin sa akin ang mga dapat kong gawin? Sino? Estudyante ka lang. Ang kapal ng mukha mong pagsabihan ako! Who the hell do you think you are? You're nothing but a piece of shit!"
Gan'yan nga, Ms. Velasco. Magalit ka pa. Ipakita mo sa buong mundo kung sino ka talaga. Pagkatapos ng araw na ito, sisiguraduhin kong magte-trend ka sa social media. Pagsisisihan mo ang lahat ng mga ginawa mo sa amin.
Ramdam ko na ang tumataas na tensyon ngayon sa pagitan namin ni Ms. Velasco. Maging mga kaklase ko ay kanya-kanya ng usapan habang nakatunghay sa aming dalawa.
"Freedom of expression, Ms. Velasco. Gaya ng ginawa ko nang isumbong ko kayo sa prinsipal last time. Nakalusot ka, pero kung sa tingin mo buong school year mo kaming matatakot, nagkakamali ka, Velasco, or should I say, Dragon Lady?"
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ms. Velasco sa narinig. Nakita ko ang paggalawan ng mga daliri nito sa magkabilang kamay na tila gusto nito akong sabunutan hanggang sa malagas ang pinakahuling hibla ng buhok ko.
"W-What did you just call me?"
"Maglinis ka nga ng tutuli mo. Ang sabi ko Dragon Lady."
May mga kabadong bungisngisan akong narinig mula sa likuran ko.
"How dare you!" Nakuyom ni Ms. Velasco ang magkabilang kamao. Sa oras na magpakawala ito ng suntok o sampal, panalo na kami laban sa dragon. Pasado na kami sa requirement na hiningi ni Mrs. Villarica. May physical abuse na. Bukod pa roon, hindi nagsisinungaling ang video camera ko na hanggang ngayon ay rumorolyo pa rin. "You little piece of stinky shit!'
"Stinky shit?" Pinilit kong tumawa. Lalong bumalasik ang mukha ni Ms. Velasco nang makita ang pagngisi ko. "Wonderful, Dragon Lady. Naisip mo 'yon. But then again, lahat naman ng tae mabaho. Maliban na lang kung mabango ang tae mo. What's it called? Holy shit?"
"Pagbabayaran mo nang mahal ito, Antipasado!"
"I don't think so!"
Nag-angat ng mga kamay si Ms. Velasco at hinablot ang kuwelyo ng uniform ko. Hinigit nito ako paitaas hanggang sa maging pantay ang mukha naming dalawa. Dumampi sa pisngi ko ang mainit na hininga nito na tila galing sa bunganga ng nagliliyab na pugon.
"B-Bitiwan mo ako!"
"I should teach you how to respect your teacher, you stupid bitch!"
"Ambaho ng hininga mo!"
"Y-You bitch—"
Lumingon ako. Nasilayan ko ang mukha ng mga kaklase ko. Lahat sila may nakaukit na ngisi sa mga labi. Ang iba ay tumatawa nang tahimik sa kani-kanilang mga upuan.
"Guys, sino'ng may tawas sa inyo?" Muli kong binalik ang tingin kay Ms. Velasco. "Bigyan n'yo nga ng tawas si Dragon Lady at amoy kili-kili ang hininga niya."
Hagalpakan ng tawa ang mga kaklase ko.
"Hayup kang bata ka," makamandag na anas ni Ms. Velasco. Kung naging laser lang ang titig nito malamang kanina pa ako natunaw na parang kandila sa tindi nang pagkakatitig nito sa akin.
"Mas hayop kang matanda ka!"
Lalong lumakas ang tawanan sa loob ng classroom.
Hindi maipinta ang mukha ni Ms. Velasco. Para itong bulkan na malapit nang sumabog anumang oras. Nagpagala-gala ang mga mata nito, sinisipat ang mukha ng mga kaklase ko, tinatandaan marahil kung sinu-sino ang mga pangahas na tumatawa. Siguradong isa ako sa mga ibabagsak nito.
Pero sisiguraduhin kong si Dragon Lady ang unang babagsak. At sisiguraduhin kong hinding-hindi na siya makakabangon pa.
Pinagmasdan ko ang malugay na buhok nito. Pinangarap ko rin dati ang magkaroon ng magandang buhok nang kagaya kay Dragon Lady. Pero napagtanto ko mula nang madiskubre ko ang lihim nito, na hindi lahat ng magagandang bagay na nakikita ng ating mga mata ay totoo.
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.
"Ang ganda ng buhok mo, Dragon Lady. Saang funeral parlor ka nagpapa-rebond?"
Lalong lumakas ang tawanan.
Nanlaki ang mga mata ni Ms. Velasco nang makitang hahablutin ko ang buhok nito.
"No. No. Don't you dare—"
Agad nitong binitiwan ang kwelyo ko sabay atras.
Pero mas mabilis ang mga kamay ko kaysa sa mga paa ni Dragon Lady.
Naiwan sa mga kamay ko ang malago at mahaba nitong buhok.