"What!" bulalas ni Ms. Velasco. "Totoo ba ang sinasabi ni Castillo, Antipasado? Don't you dare lie. Just tell the freaking truth, you little piece of shit!"
Para akong napako sa kinatatayuan. Gusto kong humakbang at sabunutan si Layla hanggang sa makalbo ito kagaya ni Dragon Lady. Paano nito ako nagawang traydorin at lokohin? Ano'ng ginawa kong kasalanan para ako nito ipahamak? Ito lang ang tinuring kong totoong kaibigan dito sa Purvil High. Ito ang tinuring kong matalik kong kaibigan pero nagawa pa nito akong traydurin.
"T-Traydor ka!"
"Ows, talaga?" Napailing si Layla sabay simangot na tila nasaktan ito sa mga sinabi ko. "Ang sakit mo namang magsalita, Miya the Dragonslayer. Is that how to treat your own bestfriend?"
"Pinagkatiwalaan kita, Layla. T-Tinuring kitang parang kapatid ko. Dapat pala hindi na kita kinaibigan."
Napabungisngis si Layla.
"Tanga ka, e. Hindi ka marunong kumilatis ng tao. Matagal ko nang gustong ingudngod ang pagmumukha mo sa kanal pero wala ka pa ring kaalam-alam. Hindi ko alam kung sadyang tanga ka lang talaga o manhid na tanga. Pathetic!"
"Layla..."
"Kasalanan mo kung bakit ko ginawa ito sa 'yo." Nagdilim ang mukha ni Layla sabay titig nang masama sa akin. "Mang-aagaw!"
"Ano'ng sinasabi mo? Mang-aagaw? Ako? At paano ako naging mang-aagaw? Nahihibang ka na ba, Layla?"
"Playing dumb again, Miya? Huwag ka nang magmaang-maangan, bitch. Aminin mong may gusto ka rin kay Bruno. Aminin mo!"
"Wala akong aaminin. Wala akong alam sa mga sinasabi mo."
"Bullshit!'
"Layla, please, makinig ka. Nagkakamali ka ng akala."
"Lying bitch!"
Nagsimula akong humakbang palapit kay Layla.
Tinutok sa akin ni Layla ang hawak na payong na parang espada.
"Sige, subukan mo'ng lumapit. Itatarak ko sa dibdib mo 'tong payong," babala ni Layla, sabay ngiti nang makitang tumigil ako sa paghakbang. "Good girl. Good bitch. Ngayon, sagutin mo na ang tanong ni Ms. Velasco."
"Wala akong pakialam sa away n'yo sa lalaki," singit bigla ni Mrs. Villarica. Kasing tigas ng bato ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Seems like you need to explain something, Antipasado." Tinuro nito ang silya sa harap ng lamesa. "Please have a sit. We still need to talk."
"W-Wala na pong dapat na pag-usapan, Mrs. Villarica," matatag na sabi ko. "It's getting late. Kailangan ko nang makauwi. Hinahanap na ako sa amin."
"No, you won't," pinal na sabi ni Mrs. Villarica sabay buntong-hininga na tila ba pagod na ito sa mahigit isang oras na pakikipag-usap sa pinakapaborito nitong estudyante ng Purvil High. "Walang uuwi. You too, Castillo. Stay with us. I need your opinion as well."
"Whatever, Mrs. Villarica," nakasimangot na turan ni Layla. Humalukipkip ito sabay sandal sa tabi ng pinto.
"Antipasado, alam mo bang bawal dito ang paggamit ng cellphone?" mariing paalala ni Mrs. Villarica. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa likod ng lamesa saka tumingin ng matalim sa akin. "In case you forgot, bawal ang cellphone dito sa Purvil High dahil maaaring magamit ang camera o ang video nito para makunan ang loob ng compound. Maari rin itong gamitin ng mga estudyante para mandaya sa exam at gumawa ng kung anong kalokohan. I won't allow that to happen. Not in my school. Not while I'm still in charge in here, you hear me?"
"Hayop ka talagang bata ka," nanlilisik ang mga matang anas ni Ms. Velasco. Nakapako ang tingin nito sa dibdib ko, sa bulsa kung saan nakaipit ang ballpen. "Look, Mrs. Villarica. Ayun ang ballpen na sinasabi ni Castillo. God, kaya pala may maliit na butas sa dulo nito, lens pala ng camera. How dare you!"
"Kaya behave, Mrs. Villarica at Ms. Velasco. Nire-record ko ngayon ang bawat kilos n'yo," sabi ko sa kabila ng panunuyo ng lalamunan ko. Pinilit kong patatagin ang tono ng boses ko. May isang butil ng pawis na tumulo mula sa noo ko papunta sa kaliwa kong pisngi. Pinigilan ko ang sarili ko na magtaas ng palad para punasan ito.
"Ang lakas ng loob mo para takutin kami ni Mrs. Villarica," nanggagagalaiting sabi ni Ms. Velasco. Nakita ko ang pagbubukas-sara ng mga kamay nito na tila anumang oras ay handa ako nitong talunan at sabunutan hanggang sa malagas ang pinakahuling hibla ng buhok ko. "Ang kapal ng mukha mo!"
"Dapat ba kaming matakot, Antipasado?" tanong ni Mrs. Villarica. "Kaya pala kanina pa ako nagtataka kung bakit kalmante ka pa rin kahit alam mong patatalsikin na kita rito sa Purvil High. I should have known. Kampante ka dahil gagawin mong panlaban sa amin ang video. You will use it against us. At sa tingin mo hahayaan ka naming gawin ito? You think you can get away with that so easily?"
"N-Na-video-han sigurado ng gagang 'yan ang ginawa niyang pamamahiya sa akin kanina," turan ni Ms. Velasco. "Malamang balak niyang i-upload ito sa social media sa oras na makauwi siya sa kanila. Balak niya tayong ipahiya sa lahat, Mrs. Villarica. Plano ng gagang 'yan na matanggal tayong dalawa sa trabaho."
"Is that so?" Muling umupo si Mrs. Villarica. Dinampot nito ang isang kutsara sa tabi ng cake at sumundot ng kapiraso sabay kagat. Bahagyang itong napangiti, mga mata'y nanatiling nakapako sa akin. "Sa tingin mo maibabagsak mo kami, Miya Antipasado?" anito habang nanguya. "Or should I say, Miya the Dragonslayer?" Saglit nitong sinulyapan ang nakatiim-bagang na si Ms. Velasco.
"Dragonslayer! What a fucking joke!" inis na bulalas ni Dragon Lady.
"Miya the Dragonslayer my ass," narinig kong anas naman ni Layla sa likuran ko.
"Sa tingin ko kaya ko. Kaya maghanda na kayong dalawa. Tapos na ang maliligayang araw ninyo." Pasimple kong sinulyapan ang nakabukas na bintana. Malakas ang pagbuhos ng ulan. Halos hindi ko na maaninag ang malawak na compound ng Purvil High. Wala na rin akong mga estudyante na nakikita bukod sa amin ni Layla. Lahat ay umuwi na para iwasan ang bagyo.
"Okay, let's make a deal, shall we?" narinig kong sabi ni Mrs. Villarica. "Yaman din lamang na pare-pareho tayong dehado, I think we can make some good arrangement. A good deal."
"Deal?"
"Tama ang narinig mo." Muli itong sumubo ng cake.
"Ano'ng klaseng deal?"
"Alam mo kung ano'ng deal ang tinutukoy ko. Matalino ka, hindi ba?"
"Pero napakabobo sa Math!" muling paalala ni Ms. Velasco. "Sobrang bobo talaga. Doesn't even know what an acute angle is. Pathetic!"
"Ibigay mo sa amin ang ballpen, Miya. Kapalit nito, hindi na kita patatalsikin sa Purvil High." Muling ngumiti si Mrs. Villarica. "Great deal, isn't it? What do you think?"
"Ibigay mo sa amin ang ballpen, bitch. Or else, hihilingin mo na hindi ka na isinilang sa mundong ito!"
"Now, now, we don't need that kind of language here, Ms. Velasco," saway ni Mrs. Villarica. Pinunasan nito ng tissue ang magkabilang sulok ng bibig na may bahid ng chocolate cake. "Let's be polite with each other, shall we? Paano ibibigay sa atin ni Miya ang ballpen kung aawayin mo siya."
Ingat, Miya, bulong ko sa sarili. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Mrs. Villarica. Hindi totoo ang deal, kasing peke ng buhok ni Ms. Velasco. Siguradong sa oras na ibigay ko ang ballpen, tuloy pa rin ang pagpapatalsik nito sa akin. Kapag nawala sa akin ang ballpen, wala na akong panlaban sa kanila. Tuluyan na akong mapapaalis dito nang walang kalaban-laban.
"You should be wise, Miya," sabi pa ni Mrs. Villarica na tila isang bata ang kinakausap nito. "Pag-isipan mong mabuti. Isa itong laro na hindi mo maipapanalo kailanman. Better to surrender now or regret later."
Tama si Mrs. Villarica. Kailangan kong pag-isipang mabuti ang mga sinabi nito. Isa itong laro na hindi ko kailanman maipapanalo, ang sabi nito. Pero nagkakamali ito. Nasa akin ang ballpen. At mabilis akong tumakbo. Lihim akong napangiti. Nagkakamali si Mrs. Villarica. Isa itong laro na maipapanalo ko.
"Mukhang ayaw niyang ibigay ang ballpen. Wala siyang balak na ibigay ito sa atin," usisa ni Ms. Velasco. "Baka gusto pa ng inggratang 'yan na lumuhod tayo sa harapan niya. Magmakaawa. Halikan ang kanyang maalipungang paa. Pwe! Over my dead body. Never!"
"Siya nga, Miya? Wala kang balak na ibigay sa amin ang ballpen?" animo'y nalulungkot na tanong ni Mrs. Villarica habang pinag-aaralan ang mukha ko. Nang mapansin nito ang paraan nang pagtingin ko rito, agad na nagtiim ang mga bagang nito. "Ang akala ko pa naman matalino kang bata. I was wrong. You just proven me wrong, girl. How sad."
"H-Hindi n'yo 'ko malolokong dalawa."
Ngumiti si Mrs. Villarica. Lumitaw ang mga ngipin nito na may bahid ng chocolate. Napabuntong-hininga ito.
"Oh, well, I guess, Plan B."
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Sa isang iglap ay hawak na ni Ms. Velasco sa magkabilang kamay ang leeg ko. Sobrang higpit. Hindi ako makahinga! Kinalmot ko ang mukha ni Ms. Velasco. Napasigaw ito. Lalo nitong hinigpitan ang pagkakasakal sa akin hanggang sa pareho kaming mapahiga sa sahig. Napaungol ako nang buong lakas nitong tukuran ang tiyan ko. Hinawakan ko ang mga bisig nito, pilit na nilalayo sa akin, pero tila gawa sa bakal ang mga ito. Narinig ko ang tila baliw na pagtawa ni Ms. Velasco. Tumatawa rin sa hindi kalayuan si Mrs. Villarica.
"Hindi mo alam kung gaano katagal ko na itong gustong gawin sa 'yo, Antipasado. Tigas mo. Ngayon tignan natin kung hanggang saan ang tigas ng leeg mo!"
Hindi ito totoo. Nananaginip lang ako. Imposibleng patayin ako ni Ms. Velasco. Walang guro na papatay ng sariling estudyante sa loob pa mismo ng paaralan. Wala! Magigising din ako.
"Mamatay ka! Mamatay ka!" nanggigigil na anas ni Ms. Velasco malapit sa tainga ko. Naramdaman ko ang mainit na hininga nito na dumadampi sa pisngi ko. Sinubukan kong magsalita.
"What did you say?" mapaglarong tanong ni Ms. Velasco. Medyo niluwagan nito ang pagkakasakal sa akin. "Any last words, you little piece of shit?"
"Ang baho ng hininga mo," bulong ko.
Muli nitong hinigpitan ang pagkakasakal sa leeg ko.
Nagsimula nang magdilim ang lahat sa akin.