Naghiwa ng isang piraso ng chocolate cake si Ms. Velasco gamit ang kutsilyo, inilagay sa malinis na platito, pagkatapos ay inilahad sa harap ko.
"Eat," alok nito sa mababang tinig.
"H-Hindi po ako nagugutom."
"I insist."
"No, thanks."
"Don't be silly, Antipasado. Birthday ngayon ni Ms. Villarica. Masamang tinatanggihan ang pagkaing iniaalok sa 'yo ng birthday celebrant. The least you can do is be polite."
Pero hindi ikaw ang birthday celebrant, gusto kong sabihin. Pinagmasdan ko ang nakalahad na cake. Sa lamya ng liwanag dito sa loob ng Principal's Office, nagmistulan itong malabsak na putik na nakalagay sa plato. Mukha ring mga maliliit na itlog ng inahing palaka ang mga bilugang bagay na nakadikit sa ibabaw nito. Naramdaman ko ang bahagyang pagbaligtad ng sikmura ko. Gusto kong maduwal.
Nakatingin lang sa amin si Mrs. Villarica. Nakaukit ang payak na ngiti sa mga labi. May kakaibang kinang sa mga mata nito na tila natutuwa ito sa nakikita. Kung may dapat bang ikatuwa sa ginagawang tila kabaitan ngayon sa akin ni Dragon Lady.
"Oo nga pala, gusto mo ang cherry, right? Silly of me to forget." Dumukot ito ng isang cherry sa ibabaw ng cake at pinatong sa hawak. "Here. Take it."
Wala na akong nagawa kundi ang kunin ang iniaalok nitong cake. May mali sa mga nangyayari ngayon. Bakit bigla yatang bumait si Ms. Velasco sa akin? Ano'ng nangyayari? Dapat ay nagwawala pa rin ito hanggang ngayon sa sobrang poot sa akin.
Napasigaw ako nang biglang lumapat sa mukha ko ang kanina lang ay hawak kong cake. Naramdaman ko ang malagkit na tekstura na bumabalot at rumaragasa sa pisngi at noo ko. Halos pumasok sa isang butas ng ilong ko ang napisak na cherry. Nabitiwan ng nanginginig kong kamay ang platito. Maang akong napatingin sa humahalakhak na si Ms. Velasco.
"Masarap ba, Antipasado? Gusto mo pa?" nanggigigil na tanong ni Ms. Velasco sa gitna ng pagtawa. Halos magtalsikan ang laway nito habang nagsasalita. "Mukhang nagustuhan mo ang cake ni Mrs. Villarica. Kitang-kita sa mukha mo."
"That's clever of you, Ms. Velasco," natatawang sabi ni Mrs. Villarica. Pinunasan nito ng panyo ang magkabilang dulo ng mga mata sabay hagikhik muli. "She didn't see that coming, did she?"
Kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang panyo at mabilis na pinunasan ang nanlalagkit kong mukha. Paano nila nagagawa ang bagay na ito? At si Mrs. Villarica! Naturingang prinsipal pero daig pa ang walang pinag-aralan. Hindi lang pala si Ms. Velasco ang bully teacher dito sa Purvil High. Maging ang mismong prinsipal din!
"Why a long face, Antipasado?" animo'y nalulungkot na usisa ni Mrs. Villarica. "Hindi mo ba nagustuhan ang cake? By the way, regalo ito sa akin ni Ms. Velasco. Sa lahat ng guro dito sa Purvil High, bukod-tanging siya lang ang nagregalo sa akin ng chocolate cake. Kung hindi mo kasi naitatanong, paborito ko ang chocolate cake. Ikaw, Antipasado, paborito mo rin ba ang chocolate cake?"
"Ayoko ng chocolate cake," narinig kong tugon ko. Tinapon ko sa maliit na trash bin ang panyong gamit ko na kasing itim na ng putik.
"Oh, too bad," naiiling na sabi ni Mrs. Villarica.
Muling kumidlat nang napakalakas.
"Tapos na po ba tayo, Mrs. Villarica? Kung wala na po kayong sasabihin, uuwi na ako."
Unti-unting bumalik sa pagiging seryoso ang mukha ni Mrs. Villarica. Tila naalala na hindi ako isang bisita sa birthday party nito kundi isang hamak na estudyante lang.
"Watch your language, Antipasado. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo."
"Siyempre naman po alam ko," sagot ko. Nagbigay ako ng bahagyang ngiti. "Kayo lang naman si Mrs. Villarica, ang prinsipal ng Purvil High. Ang dapat sana ay gumagabay sa aming mga estudyante."
"You're mistakening me for a guidance councelor, girl," walang emosyong sabi ni Mrs. Villarica. "Anyway, kung may gagabayan man ako, hindi sa estudyanteng kagaya mo. I don't tolerate rebellious students here. No. I won't allow it. Never!"
"At anong klaseng estudyante ang nais ninyong gabayan, Mrs. Villarica? Mga bully rin na kagaya ninyo?"
Umasim ang mukha ni Mrs. Villarica.
"How dare you talk to me like that, Miya Antipasado. Pinapakita mo lang kung gaano talaga kagaspang ang ugali mo. Anyway, gaya nga ng sinabi ko, I don't tolerate such behaviour in my school. Not in a billion trillion years."
"Ano po'ng ibig n'yong sabihin?"
"Come on, Antipasado. Huwag ka nang magtanga-tangahan. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Matalino ka, hindi ba?"
"Pero sobrang bobo sa Math!" dagdag ni Ms. Velasco mula sa kinauupuang sofa. "Pinakabobong estudyante dito sa Purvil High. She doesn't even know what an angle is. Pathetic!"
Pinili kong huwag nang pansinin si Dragon Lady. Kahit baligtarin man nito ang kwento, mananatiling nakaukit sa aming lahat ng mga kaklase ko ang katotohanan na kamag-anak ito ni Bembol Rocco. Sapat na ang kaisipang ito para makapagbigay ng ngiti sa mga labi ko.
Tango lang ang tinugon ni Mrs. Villarica sa mga sinabi ni Ms. Velasco. Nanatiling nakapako ang tingin nito sa akin.
"Kung iniisip n'yo na matatakot n'yo ko, nagkakamali kayo," matatag na turan ko. "Hindi n'yo 'ko maaaring i-expel nang dahil lang sa nagawa ko kay Ms. Velasco. That's too much. Mababaw na dahilan."
"You think so?"
"I know so."
"Really? But sad to say, wala sa iyo ang kapangyarihan para magdesisyon." Muling napangiti si Mrs. Villarica. "Gaya ng sinabi mo, ako ang prinsipal. And I'm supposed to have the last say."
"Matatanggap ko po ang suspension pero ang i-expel ako..."
"Antipasado, walang may pakialam sa kung ano ang tanggap mo o hindi," sabi ni Mrs. Villarica. "Tulad ng sinabi ko, wala ka sa posisyon para magdesisyon. I am. Ako ang pinakamakapangyarihan dito. Kaya kong baluktutin ang patakaran nang naaayon sa gusto ko. At ang gusto ko ay ang matanggal ka rito sa school ko. Once and for all."
"Ng dahil sa nagawa ko kay Ms. Velasco?"
"Yes," walang gatol na sagot ni Mrs. Villarica. "Ng dahil sa ginawa mong pamamahiya kay Ms. Velasco."
"Mrs. Villarica..."
"Gusto kong makausap ang mga magulang mo sa Lunes. I would like to inform them the news. Na ang spoiled brat nilang anak ay pinapatalsik ko na dito sa Purvil High."
Muling natawa si Ms. Velasco sa kinauupuan nito.
"Ano ka ngayon, Antipasado? I told you you're gonna regret it!" Ilang saglit pa'y nanlisik ang mga mata nito at nagtiim ang mga bagang. Mistulan itong asong ulol na nakawala sa kulungan. "Kulang pa 'yan sa ginawa mong pamamahiya sa akin kanina. Kung pwede lang kitang kalbuhin ngayon ginawa ko na. Balatan nang buhay. Ilublob sa kumukulong tubig. I want you to suffer, you miserable cunt!"
"Enough, Ms. Velasco," saway ni Mrs. Villarica sa mababang tinig. "Calm yourself. Justice is already served."
"Justice!" anas ko. Gusto kong matawa. Pasimple kong hinaplos ang ballpen na nakasuksok sa bulsa ng uniform ko. At gaya ng inaasahan, gumagana pa rin ito. Walang kaalam-alam sina Mrs. Villarica at Ms. Velasco na kanina ko pa sila kinukuhanan ng video. Umaayon sa akin ang lahat. Tagumpay ang buong plano namin ni Layla. Wala silang laban sa ebidensyang ibibigay namin sa DepEd. Oras na mapanood na ng buong mundo ang video, paniguradong sibak silang pareho sa trabaho.
Muling kumidlat ng napakalakas. Kasabay nito ay ang unti-unting pagpatak ng ulan.
"Makakaalis ka na, Antipasado," sabi ni Mrs. Velasco. Kunot ang noo na nakatingin ito sa labas ng bintana. "Mukhang dumating na ang bagyo. May dala kang payong, Antipasado?"
"Wala po."
"Good. Now get the hell out."
"Get out! Now! Faster!" sigaw ni Ms. Velasco. "Umalis ka na at baka kung ano pa'ng magawa ko sa 'yong bruha ka. Get out of our face, you little piece of shit."
Agad akong tumayo at nagsimulang humakbang patungo sa nakabukas na pinto. Malaya si Dragon Lady na magsisigaw hangga't gusto niya. Wala na akong pakialam. Bilang na ang masasayang araw nila ni Mrs. Villarica. Sa oras na makauwi ako at ma-upload ang video sa fb, wala nang makapipigil pa sa pagbagsak nilang dalawa.
Malapit na ako sa pinto nang biglang may pumasok at humarang sa daraanan ko. Huminto ako at kunot-noong napatingin sa babaeng may hawak na payong.
"L-Layla!" bulalas ko. Nakaramdam ako ng guilt sa mga naisip ko kanina laban rito. Ang buong akala ko umuwi na ito at iniwan akong mag-isa na harapin ang galit ng prinsipal at ni Dragon Lady. Pinagdudahan ko ang bestfriend ko.
"Saan ka pupunta, Miya?"
"Saan?" Napangiti ako. "Uuwi na."
"Uuwi?" Napabungisngis si Layla na tila ba may nasabi akong nakakatawa. "Bakit ka uuwi? May hindi ka pa sinasabi kay Mrs. Villarica."
"Anong-"
"At sino ang nagbigay sa 'yo ng pahintulot na pumasok dito, Castillo?" mabalasik na tanong ni Mrs. Villarica. Pahapyaw nitong binaba ang hawak na walkie-talkie. "Speak quickly!"
Sumilip sa likuran ko si Layla at tumingin nang may kumpiyansa kay Mrs. Villarica.
"Mrs. Villarica? Ms. Velasco?Meron po kayong dapat na malaman."
Nagkatinginan sina Mrs. Villarica at Ms. Velasco, parehong nakakunot ang noo.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" maang na tanong ni Ms. Velasco. "Magsalita ka, Castillo. Ano'ng hindi sinasabi sa amin ni Antipasado?"
Tinuro ako ni Layla.
"Ang ballpen sa bulsa ng uniform ni Miya, Ms. Velasco. Meron po itong nakatagong camera. Kanina pa po niya kayo kinukuhanan ng video. Kanina pa po niya kayo niloloko!"