Chapter 54 - Chapter: 53

Samantala sa kabilang dako.

Alas sais palang ng umaga ay nagising na si jordan. Sinipat niya ng tingin ang dalagang katabi niya at nakita niyang masarap pa itong natutulog. Nagpasya siyang huwag na itong gisingin. Dahan-dahan siyang bumangon at nagdamit. Nang matapos siyang makapag suot ng damit ay marahan siyang lumapit dito at pa damping hinalikan ito sa labi bago siya lumabas ng kuwarto.

Pagkalabas ng kuwarto ni jordan ay nakita niya agad sa sala ang tatay ni ella na si mang cardo na nakaupo. May tasa ito ng kape na nakapatong sa lamesang maliit na kaharap nito at nagbabasa ng diyaryo. Dahan-dahang lumapit si jordan dito.

" good morning po mang cardo.." bati ni jordan dito na suot ang malapad na ngiti sa labi habang naglalakad palapit dito. Nag angat ito ng tingin kay jordan at gumanti ng ngiti.

" uy good morning din iho.. Gising ka na pala.. Asan si eloisa? Halika maupo ka dito.. "

Saad sa kanya ni mang cardo bago humigop ng kape.

" ahmmm.. Tulog pa po eh.. Hindi ko na po muna ginising.." tugon ni jordan dito.

Maya maya naman ay siyang paglabas naman ni aling pasing mula sa kusina.

" good morning po ma'am.. " bati din ni jordan sa matandang babae. Akma sana itong tatayo ngunit sininyasan ito ni aling pasing gamit ang kanang kamay nito na huwag ng tumayo.

" good morning din iho.. Huwag mo na akong matawag na ma'am.. Aling pasing nalang.. Ako nga pala ang nanay ni ella.. Hindi naman na ako nagulat sa iyo dahil kagabi palang ay nabanggit ka na sa akin ng aking asawa na dumating nga daw ang kasintahan nitong si eloisa.. Naku! Iyong batang yun hindi man lang nag sabi sa akin na mayroon na pala siyang kasintahan!.. Mabuti naman at nagpunta ka rin dito iho.. Para may kasama mamaya si eloisa na mag tanong tanong sa mga kapitbahay.. " mahabang litanya ni aling pasing kay jordan.

Ngumiti dito si Jordan bago nag salita.

" baka ho ikinahihiya ako ni eloisa aling pasing kaya hindi niya ako binanggit na sa inyo.. " agad na tugon ni jordan dito at tumawa.

Tumawa din sina aling pasing at mang cardo sa sinabi ni jordan.

" naku.. Ay ka guwapo mo nga iho.. Bagay na bagay nga kayong dalawa eh!.. "

Pagkasabi niyon ni aling pasing ay nagtawanan ulit sila.

" sino hong bagay na bagay aling pasing?.." bungad ni eloisa pagka labas palang ng kuwarto.

" gising ka na pala iha.. Sabi ko dito kay jordan ay bagay na bagay kayong dalawa.. " agad na tugon ni aling pasing kay eloisa.

" hoy jordan! Ano nanaman ang pinagsasabi mo sa kanila?! Baka kung ano nanamang kasinungalingan ang sinasabi mo sa kanila huh!?" muli pang saad ni eloisa habang naglalakad palapit sa gawi nina jordan.

" ay! Sandali at ipagtitimpla ko na kayo ng kape na dalawa.. " saad ni aling pasing.

" tulongan ko na po kayo aling pasing.. " saad pa ni jordan at dali-daling tumayo at naglakad patungo sa kinatatayuan ni aling pasing.

Ngumisi lang si jordan ng madaanan niya si eloisa sa pwesto nito na nakatayo.

" halika dito iha maupo ka sa tabi ko.." tawag naman ni mang cardo kay eloisa.

Kaagad namang lumapit dito si eloisa at umupo sa tabi ng upuang kinauupuan ni mang cardo.

" huwag ka sanang magalit sa akin iha.. Kung pinapasok ko man kagabi si jordan.. Lalaki din ako kaya alam kong totoo sayo si jordan iha.." kaagad na paliwanag ni mang cardo kay eloisa paglapat palang ng pang upo nito sa upuan.

" hindi naman ho ako nagagalit sa inyo mang cardo.. Nagulat lang ho talaga ako kagabi dahil ang alam ko ay si ella ang katabi ko.. "

Natawa naman si mang cardo sa sinabi ni eloisa at nag salita ito muli.

" oo nga iha.. Hindi mo naman kasi binanggit sa amin na may nobyo ka na pala.. Mabuti nga at lumabas ako ulit ng mga bandang alas onse na yata yun dahil hindi ako kaagad makatulog. Naisipan ko munang tumambay sandali sa terasa para magpa antok sana.. Nagulat pa ako ng makita kung nakatayo parin sa tabi ng punong mangga yang si jordan. "

" ano hong ibig ninyong sabihin mang cardo na— nakita niyo parin si jordan na nakatayo?.."

Tanong ni eloisa sa matandang lalaki. Bahagya pang nangunot ang noo nito.

" oo iha.. Ganito kasi yun pagkatapos palang natin kumain ng hapunan nun ay lumabas ako saglit sa terasa upang magpahangin.. May napansin na akong lalaking nakatayo nun Malapit sa may puno ng mangga at nakatingin dito. Hindi ko na nga pinansin nun kasi akala ko may hinihintay lang siya kaya nakatayo siya sa tabi ng puno. Pero nang lumabas ako ulit dahil nga sa gusto kong magpa antok at balak kung tumambay muna sa terasa ay nakita ko parin yung lalaki na nakatayo parin sa may tabi ng puno at nakasandal na.. Hindi ko na napigilan pang usisain ito kung bakit nandun parin siya samantalang ilang oras na ang nakakalipas ng una ko siyang makita doon..

Kinawayan ko siya na lumapit.. Agad naman din siyang lumapit sa akin.. Nung tinanong ko kung may hinihintay ba siya.. Sabi niya nasa loob daw nitong bahay ang hinihintay niya.. Nagalit pa nga ako kasi akala ko si ella ang tinutukoy niya.. Akala ko kasi may inililihim na sa amin itong si ella dahil wala naman siyang nakukuwento sa amin na may naging manliligaw siya. Yun pala ay ikaw ang tinutukoy nitong si jordan.. "

Pagkasabi niyon ay bahagya pang natatawa si mang cardo. At siya namang dating ni ella.

" uy loisa my friend!.. Ikaw huh! Bakit hindi mo naman binanggit sa akin na may boyfriend ka na pala?! Kainis ka!.. " agad na bungad ni ella kay eloisa hindi pa man ito nakakalapit ng tuluyan sa kanila.

" inggit ka naman!" singit ni mang cardo.

" tatay naman.. Malungkot lang ako.. Wala na kasi akong kasama ngayon na nbsb.. " agad na tugon ni ella kay mang cardo.

Agad namang nagsalubong ang dalawang kilay ni mang cardo.

" ano kaba tatay!.. Nbsb as in no boyfriend since birth.." agad na paliwanag ni ella sa kanyang ama.

" naku ikaw na bata ka! Kung ano nanamang pauso mo diyan.. May pa ganyan ganyan ka pang nalalaman!.." tugon ni mang cardo sa kanyang anak.

" eh ganun talaga tay.. Mukhang kailangan ko ng tanggapin na wala talagang magtatangkang manligaw sa akin.. Bakit naman kasi kayo pa ang naging kamukha ko tatay hindi nalang si nanay.. Tuloy napagkakamalan nila akong bakla sa itsura ko!.." saad ni ella sa kanyang ama habang pumapadyak pa ang paa nito sa sahig.

Tawa naman ng tawa si eloisa sa nakikitang itsura ni ella. Naka nguso pa ito habang nagsa salita sa tatay niya.

" naku ewan ko sayong bata ka!.. Ako pa ang sinisi mo.. Sabihin mo kamo naa-artehan sila sayo kaya hindi ka nilalapitan ng mga kabinataan dito! Diyan na nga kayo at ako'y pupunta na sa bukid.."

Pagkasabi niyon ay agad naman ng tumayo si mang cardo. Siya namang pag dating ng dalawa sina jordan at aling pasing. May tangan na ang mga itong tray na may nakalagay na tasa ng kape at tinapay sa kanilang mga kamay.

" o cardo saan ka pupunta? Tikman mo muna itong ginawang sandwich ni jordan.." tawag ni aling pasing kay mang cardo.

" hindi na pasing pupunta na muna akong bukid. Ipadala mo nalang doon mamaya kay ella" tugon ni mang cardo bago tuluyang naglakad palabas ng pinto.

" o ayan maraming ginawang sandwich si jordan.." saad ni aling pasing pagka lapag palang ng tray sa maliit na lamesa.

Agad namang na Palingon si eloisa sa gawi ni jordan pagka rinig nito sa sinabi ni aling pasing.

" talaga Jordan ikaw ang gumawa niyan? Marunong ka ba?.. " tanong ni eloisa sa binata.

Ngumisi naman ang binata habang nilalapag ang plato na may lamang sandwich bread.

Tsaka ito umupo at tumabi kay eloisa.

" bakit hindi ka ba maka paniwala baby? Na ang guwapong to ay may alam din sa pag gawa ng makakain.. " tugon nito kay eloisa tsaka iniakbay ang braso nito sa balikat ng dalaga habang ang isa namang braso ay nakapatong sa sandalan ng upuang kinauupuan nila.

Hindi naman umimik si eloisa at umirap lang ito kay jordan.

" naku kayong dalawa— kinikilig tuloy ako! Nakakainis ka na talaga loisa!.." saad ni ella na nagkakanda haba-haba ang nguso habang nag sasalita ito.

Natatawa naman si jordan sa sinabi ni ella.

" wala namang nagpipigil sa iyo na magka boyfriend anak ah.. Basta ligawan ka lang ng maayos.. " saad ni aling pasing sa anak nitong si ella.

" oo nga ella maganda ka naman.. Baka masyado ka lang mapili.. tignan mo itong si eloisa walang ka pili-pili sa katawan.. Naguwapohan lang sa akin pumayag na.. " sabat naman ni jordan.

Agad na tumingin dito si eloisa at matalim ang titig na ipinukol nito kay jordan.

Dinampot nito ang tray na nakalapag sa katabing upuan at pinaghahampas si jordan.

" buwisit ka! Kanina ka pa! " saad nito kay jordan habang pinaghahampas ito.

" aray baby masakit! Tama na.." tugon naman ni jordan dito habang patuloy na umiilag sa ginagawang pag hampas sa kanya ni eloisa.

" naiinis na talaga ako sayo jordan! Sana hindi ka nalang nagpunta pa dito!" muling saad pa ni eloisa kay jordan.

Tawa naman ng tawa ang mag ina sa dalawa.

" sorry na baby.. Joke lang naman yun.. Huwag mo namang seryosohin..." tugon ni jordan sa dalaga habang ngumingiwi ngiwi ito dahil malakas ang ginagawang pag hampas sa kanya ni ella at dahil malapad at makapal ang tray na hawak ni eloisa ay hirap si jordan na ilagan ito.

" tama na nga yan.. Baka masira na yang tray ko loisa.. Nag iisa pa naman yan.." awat ni aling pasing kay eloisa. Agad namang inihinto ni eloisa ang ginagawang paghampas kay jordan. Bagkus umirap ito at lumipat ng ibang mauupuan.