Eloisa POV:
Nagpasya akong tumawid sa kabilang kalye at akmang tatawid na ako ng may biglang sasakyan na humarurot.. Sa sobrang kabiglaan ko nanigas ako at napapikit nalang. Naramdaman kong tumilapon ako at tumama ang aking likod sa semento. Nakaramdam ako ng kirot sa aking likod at pinipilit kong imulat ang aking mga mata. Nakita kung sa di kalayuan may humintong color white na sasakyan. At maya maya pa may lumabas na lalake na medyo may edad na at may kalakihan ang tiyan.
Nakita kung naglalakad ito papunta sa akin.
"miss bakit ka naman kase hindi tumitingin sa tinatawiran mo. Napagalitan pa ako ng boss ko! Paano nalang kung hindi ko nakabig kaagad ang manibela eh di patay kana sana ngayon! At makukulong pa ako!.." saad ng lalake habang naka pamewang. Pinilit kong makapag salita kahit na namimilipit sa sakit." naku kuya ang bilis niyo naman po kase magpatakbo.. Hindi ko na po kasalanan ang nangyari.. Ako na nga ho itong nasaktan, kayo pa ang may ganang magalit! " sagot ko dito sabay irap. Pinilit kong makatayo. At nagawa ko naman.
Mas Lumapit sa akin si kuya at dinuro niya ako." aba't talagang sasagot kapa huh! Lintik kang bata ka! " agad na sagot sa akin ng lalake. Magsasalita pa sana ang lalake ng biglang may nag salita sa loob sa sasakyan. "hey! Mang arturo what's going on?! Why you're going to be there for so long?! "
napalingon kami ng lalake sa nag salita. "Tingnan mo ang ginawa mo babae ka. Mapapagalitan pa ako ng boss ko. Kung hindi ko lang kasama si boss malamang hindi na kita binabaan pa at kinausap.!" muling sabi sa akin ng lalake. tumalikod ito at naglakad patakbo papunta sa kotse.
Lumingon sa gawi ko ang lalake. At may pinagbuksan ito sa likurang bahagi ng kotse. May lumabas na matangkad na lalake at naka eye glass ito. Lumakad ito papalapit sa gawi ko. "hey woman! You should be careful everytime you walk on the road like this! Look, you're not right crossing your path so you're almost going to get hit."
Naglakad ako palapit dito. At umirap. "sir, mas lalo naman ho na hindi ko kasalanan dahil bago ho ako naglakad patawid eh luminga muna ako sa magkabilaan at wala naman ho ako nakitang sasakyan! Kayo nalang ho itong biglang susulpot!" agad na sagot ko dito. Napansin kung nag tiim ang bagang ng lalake. At nagsalita
" alright let's stop this conversations woman! " at nilabas ang kanyang wallet at may kinuha. Inabutan niya ako ng pera. Tinanggap ko ito at binilang. Umabot sa sampung libo ang pera na lilibohin. Tumingin ako sa kanya at nakita kung tumaas ang kanang bahagi ng kanya labi." is that enough miss?! If you have any concerns, you can contact me.." sabay abot ng calling card niya sa akin. Magsasalita pa sana ako ngunit bigla ng tumalikod ang lalake at sumakay na sa kotse.
Napakamot ako sa ulo. Buti nalang talaga hindi masama ang pagkakabagsak ko sa semento dahil kung hindi mas lalo akong matatagalan makapag hanap ng trabaho. Ipinasok ko sa aking bag ang pera na iniabot ng lalake pati na ang calling card. Nagpa tuloy ako sa pag tawid sa kabilang bahagi ng kalsada at ng makatawid na ako sakto may nakita akong eskinita paloob. Naglakad ako papasok dito at napansin kung marami palang bahay sa gawing kanan. Habang ang kaliwa naman ay bakanteng lote. Lumiko ako pakanan. Sa di kalayuan may nakita akong matandang babae na nagwawalis sa may bakuran. Huminto ako at nagtanong. "ahmm.. Excuse me po.. Nay, pwede ho bang magtanong?" nakuha ko ang atensyon ng matanda at tumingin sa gawi ko. "sige iha libre lang ang mag tanong! Ano ba iyon?"
Kaagad na sagot ng matanda. "may alam ho ba kayong maaring maupahan dito.. Kahit na maliit na kuwarto lamang po basta mura sana.. Bago lang po ako dito sa maynila at maghahanap pa ho ako ng mapapasukang trabaho.." at ngumiti ako dito. "Ay ganoon ba iha.. O sige kung gusto mo dito ka nalang sa akin umupa. May isang kwarto ako diyan sa likod kaso may nakaupa na. Kung okay lang sa iyo na dalawa kayo. Mag isa lang naman si ana diyan at madalas wala din naman dahil busy siya sa trabaho." saad nito.
Napaisip ako mas mabuti pa ngang may kasama ako para hindi mabigat sa bulsa ang upa. Tumango ako dito at ngumiti na hanggang tenga. "talaga po! Kung okay lang po doon sa Ana na sinasabi ninyo wala hong problema sa akin.. Ang totoo ho niyan kanina pa talaga ako naghahanap ng mauupahan.. Teka magkano ho ba ang paupa ninyo? "
Kaagad na sagot ko dito.
"oo naman, okay lang yun sa kanya dahil nagtitipid din naman ang batang yun. Matagal na rin siya nagpapahanap sa akin ng makakahati niya sa upa. Bale one thousand seven hundred lang ang monthly bukod ang bayad sa kuryente at tubig dahil may metro naman akong ipinalagay. Kayo nalang mag usap ni Ana kung magkano ang ambagan ninyo sa bills ng kuryente at tubig. Halika pasok kana.. Sandali kukunin ko lang ang susi. Naka lock kase yan at nasa work pa si Ana mamayang alas diyes pa ng gabi ang uwi nun.." sabi pa nito na pumasok sa loob ng bahay niya. At sa pag labas niya may hawak na siyang susi. Sumunod lang ako sa likuran niya habang naglalakad. Umikot kami sa may likurang bahagi ng kanyang bakuran. Ang laki ng bakuran ng matanda at may dalawa pang puno ng mangga sa likuran. Hindi ko napigilang mag tanong. "nay, mag isa lang ho ba kayo rito sa bahay ninyo? Ang laki ho pala ng lote ninyo.. At presko pa dahil sa mga puno.."
Sumulyap siya sa akin at nagpa tuloy lang sa paglalakad. "hindi iha may kasama ako rito, kasama ko ang aking anak at apo.. Namili lang sila sandali ng mauulam namin.. Kung may gusto ka palang bilhin may tindahan doon sa may gitna pa.. Maglakad ka lang at makikita mo rin naman kaagad iyon." sabi pa nito. May hinituan kaming maliit na bahay at sa tabi nito ay may c.r na gawa sa bato. Binuksan niya ang pinto at pumasok." halika ka iha pumasok ka. Ito ang magiging kwarto mo. Maliit lamang ito dahil dito dati natutulog ang katulong ko. Malikot kase ang kamay kaya pinalayas ko. Napag isipan ko nalang na gawing paupahan para may pakinabang."
"Nauna lang sayo ng dalawang buwan si Ana na umuupa sayo.. kapareho mo naghahanap din ng trabaho iyon ng mapadpad dito. Pasensya kana at iisa lang ang papag dito. Pero may isa pang kutson na extra. Eto dito ko tinago sa may likod ng pinto kuhanin mo nalang kung gagamitin mo. Oh siya sige na at maiiwan na kita ha. Baka dumating na ang anak at apo ko. Puntahan mo nalang ako kung may kailangan ka pa o katanungan. " huli pang sabi nito.
Ngumiti ako ng hanggang tenga.
" maraming salamat ho nay.. Ay ako nga pala si eloisa.. Eloisa Macaraeg 19 yrs. Old.. " pakilala ko dito.
" Ay oo nga pala! ako naman si Ursula.. Pwede mo akong tawaging nanay ursula. Sige na iwan na kita para makapagpahinga ka.. " muling sabi nito at Ngumiti at tuloyan na itong naglakad palayo.
Nang makaalis na si nanay ursula kinuha ko ang kutson na sinabi niya at inilapag sa sahig. Tiles ang sahig na kulay puti kaya malinis tingnan. Napabuntong hininga ako marahil sa pagod at ibinaba ko ang backpack ko at shoulder bag na maliit. Kumuha ako ng pamalit na damit isang brown na short na lagpas tuhod at t-shirt na puti. Pagkabihis ko tumingin ako sa oras ng cellphone ko mag aalas siyete na pala ng gabi. Ang bilis ng oras at narinig kong tumunog ang sikmura ko. Patunay na gutom na talaga ako. Naisipan kung lumabas para bumili ng makakain.
Hahanapin ko yung tindahan na sinabi ni nanay ursula. Lumiko ako sa kanan pagkalabas ko ng gate nila at naglakad. Sa di kalayuan napansin ko na kaagad ang tindahan dahil maliwanag ang ilaw na nagmumula sa labas ng tindahan. At bukod pa doon may mga nakatambay na umiinom ng soft drinks. Mga costumer ito marahil na inuubos lang ang binili nilang pagkain. Pagkalapit ko sa tindahan sakto nakaupo din ang tindera at kaagad na napag bilhan ako. Bumili lang ako ng buns na tinapay at isang de latang sardinas. At bumili na rin ako ng kape para may matimpla ako bukas ng umaga pagka gising ko. Pagka bigay sa akin ng tindera kaagad na naglakad ako pabalik ng bahay.
Pagka pasok ko ng kwarto naghanap ako ng plato at kutsara hihiramin ko muna ang gamit ni Ana. Bibili nalang ako bukas kaagad pagka gising ko upang may matawag naman ako na gamit ko. Nakakahiya kay Ana at pinakialaman ko ang gamit niya. Huhugasan ko nalang kaagad ito pagkatapos ko kumain.
Nang matapos na ako kumain. Tumayo ako at nakiinom muna sa mineral water ni Ana. Sabay hugas na rin ng mga pinag kainan ko. Pagkatapos ko mag hugas dumiretso ako sa banyo na nasa labas. Doon na ako naghilamos at nag toothbrush. Pagkalabas ko ng banyo agad na humiga na ako. Naalala kung i-text pala si ella para iinform na nakarating na ako ng maynila at may nakuha na rin akong paupahan. Pagka send ko ng text messages inilapag ko na kaagad ang cellphone ko at hindi ko na talaga kaya ang pagod. Hapong hapo kase ang katawan ko. Pakiramdam ko lalagnatin ako. Pagkalapat palang ng katawan ko sa higaan nakatulog ako kaagad.
Kinabukasan naalimpungatan ako dahil may lumagabog na ingay galing sa kusina. May nakita akong babae na nakatayo sa lababo. Marahil ito na si Ana ang babaeng makakahati ko dito sa bahay. Tiningnan ko ang oras sa cellphone alas sais na pala ng umaga napasarap ang tulog ko dala ng sobrang pagod ko kahapon sa paglalakad. Agad akong tumayo at binati si Ana "Good morning!" at bahagyang ngumiti. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Good morning din! Ikaw ba si Eloisa? Kakauwi ko lang kase at nakita ko si nanay ursula na nagwawalis diyan sa labas at nabanggit niya sa akin na may makakahati na nga daw ako sa upa dito sa bahay.." saad niya.
"oo ako nga si Eloisa.. Pasensya kana wala pa akong gamit.. Mamaya palang ako makakabili.." agad na sagot ko dito. "okay lang yun naranasan ko din yan noong bagong salta din ako dito sa maynila.. Kung gusto mo sasamahan kita mamaya mamili" sabi niya pa.
"ay naku huwag na nakakahiya.. Alam kung pagod ka dahil galing ka pang work.." sabi ko.
"naku hindi naman.. Doon ako sa boyfriend ko kase natulog kagabi nag date kami kagabi at tinamad na akong umuwi pa dito.. Kaya hindi naman ako puyat.. At isa pa day-off ko naman ngayon.. " muling sabi pa ni ana.
"sige ikaw bahala.. Total hindi ko pa naman alam ang palengke dito.." at ngumiti ako dito ng abot hanggang tenga. Umokey naman na kase ang pakiramdam ko dahil na rin siguro sa haba ng naitulog ko kagabi. Bumangon ako at nagtimpla ng kape na nabili ko kagabi at kinuha ko ang tinapay na natira ko kagabi muli ko itong pinalamanan ng sardinas. Habang nagkakape ako sa maliit na lamesa na sadyang pang dalawahan lang talaga umupo din si Ana at nakipag kwentohan. Napag alaman kong bago lang sila ng boyfriend niya na nakilala niya sa trabaho niya. Isa siyang Sales lady sa malapit na mall dito sa alabang.
Inalok niya ako mag apply sa kanila pero hindi naman ako pwede doon dahil hindi ako pala make up at bukod pa doon hindi naman ako nag susuot ng maiksing palda. Nasanay ako sa mahahabang kasuotan. Dala na rin ng takot ko na baka malapitan ako ng mga manyakis lalo na dito sa maynila na hindi ko pa kabisado. Mahirap ng magtiwala.
Pagkatapos ko kumain at magkape nag paalam na ako kay Ana na maliligo na muna dahil amoy ko pa ang natuyong pawis ko kahapon. Hindi ko na nagawang makaligo kagabi dala ng sobrang pagod ko. Nagdala na rin ako ng masusuot na damit sa banyo at doon na nagbihis. Nagsuot lamang ako ng itim na slacks at white polo shirt. Nilugay ko lamang ang buhok ko na basa pa.
Pagkalabas ko ng banyo nagyaya na si Ana na samahan akong mamili ng mga gamit ko sa palengke. Mabuti at may malapit na palengke dito. Nilakad lang namin dahil hindi naman kalayuan. Namili ako ng isang unan at kumot. Plato baso at kutsara na rin. Yun nalang muna ang binili ko dahil ayoko gumastos ng malaki dahil wala pa akong trabaho. Pagkabili namin agad na kaming umuwi.
Napag isipan kong bukas na ako mag a-apply dahil ramdam ko padin ang hapdi ng paa ko. Ako na ang nagluto ng tanghalian namin ni ana bumili lang ako ng kalahating kilong manok at inadobo ko ito. Habang nagpapahinga nag kwentohan lang kami ni ana.. At kina tanghalian pagkatapos naming kumain naisipan kung umidlip muna para may lakas ako bukas sa paghahanap ko ng trabaho.
Nagising ako ng alas dos ng hapon. Naalala kung magpaload ng pantawag para matawagan ko sila inay at makumusta ko na rin sila doon. Ngayon lang kami nagkahiwalay ni nanay ng ganito. Lumaki akong siya ang palagi kung kasama kaya hindi ko maiwasan maluha. Nakaka isang dial palang ako ng may sumagot kaagad ng tawag ko at nabosesan ko si ella.
"hello, ella! Kamusta kayo diyan? Si nanay ko kamusta siya? Pasensya na kayo kung ngayon lang ako nakatawag ha. Sobrang pagod ko kase kagabi kaya hindi na ako nakapag paload ng may pantawag. Narisib mo ba ang text messages ko kagabi?.."
"uy loisa! Salamat naman at tumawag kana.. Late ko na nabasa ang text message mo eh kaninang umaga ko lang nabasa. Alam mo naman dito sa atin pahirapan ang signal. Buti nga at nagkataon na may signal ng tumawag ka ngayon.. Ayun kagagaling ko lang kanina sa bahay ninyo. At naabutan kong kumakain ng tanghalian ang nanay mo.. Huwag ka mag alala dito sa amin okay lang kami dito. Ikaw ang mag iingat diyan dahil hindi mo pa kilala ang mga ugali ng mga tao diyan sa maynila. Huwag kang magtitiwala kaagad ha. Hayaan mo at sasabihin ko kay aling sonya na tumawag kana.." kaagad na sagot ni ella.
" salamat talaga ella ha.. Kung wala ka hindi ko na alam kung paano makikibalita kay inay.. Namili ako ng mga gamit ko ngayon at bukas ng umaga ako mag hahanap ng trabaho ginabi na kase ako kahapon kakahanap ng mauupahan na mura.. Huwag niyo rin ako alalahanin dito.. Okay lang ako.. Mabait ang nakasama ko dito sa bahay si Ana.. Mukhang magkakasundo kami.. Basta mag iingat din kayo diyan ha.. Mis ko na kayo kaagad ella.. Lalo na ang nanay.. Pakisabi aalagaan niya ang sarili niya ha.." magsasalita pa sana ako ng biglang maputol ang tawag marahil ay nawalan nanaman ng signal doon. Napabuntong hininga na lamang ako. At umusal ng panalangin ng pasasalamat na nakahanap na ako ng mauupahang bahay at mura lang. At least kahit papaano natawagan ko sina ella. Bukas kailangan makahanap na ako ng trabaho.
Ella POV:
Pagkababa ko ng tawag ni loisa nandoon pala si nanay at narinig niyang si loisa ang kausap ko.
"si Eloisa ba yung kausap mo anak?.. Mabuti naman at tumawag na siya.. Nagpunta kase si sonya kaninang umaga dito at tinatanong niya kung tumawag na si eloisa.."
"oo nay, mabuti nga at may signal ng tumawag siya. Okay naman daw po siya doon may nakuha na siyang bahay paupahan.. Sige po nay balitaan ko na muna si aling sonya na tumawag na si loisa.." sagot ko kay inay.
" o siya sige at nag aalala yun si sonya sa anak niya. Maganda na yung mabalitaan mo siya para hindi na siya nag iisip ng kalagayan ni eloisa sa maynila.. " pahabol na sabi ni inay. Agad na akong tumayo at naglakad papunta sa bahay nila eloisa. Pag dating ko sa bahay nila eloisa nakita ko sa may tabing pintuan si aling sonya na nakaupo. Agad kung tinawag ito.
"magandang hapon po! Aling sonya tumawag na po si Eloisa kanina.." agad siyang tumingin sa gawi ko na parang alam na alam niya kung saan ako nakatayo. "ay talaga ba ella! Hay salamat naman sa diyos at nakontak niya tayo!.. At agad naman akong lumapit dito." opo aling sonya.. At okay naman daw po siya doon.. Medyo natagalan nga lang daw siya sa pag hahanap ng bahay paupahan.. At pinapasabi niya rin po na huwag na daw kayong mag alala sa kanya dahil mabait naman daw yung kasama niya sa paupahang bahay na si Ana.. Huwag niyo rin daw po pababayaan ang sarili ninyo at mahal niya kayo.." muli kung sabi dito.
At ngumiti ito ng matamis. Kahit papaano alam kung nabunotan ng tinik si aling sonya sa pag aalala sa anak niya. Dahil wala manlang silang kamag anak o kakilala sa maynila kaya ganun nalang din ang pag aalala niya sa kaniyang anak. "salamat ella.. Ngayon kahit papaano payapa na ang kalooban ko.. Malaman ko lang ang kalagayan ni eloisa doon.. Balitaan mo ako ulit ha kapag tumawag siya ulit.." at bahagyang ngumiti ito.
"oho aling sonya.. Huwag po kayong mag alala.. Sabihan niyo lang po ako kung kailangan ninyo ng tulong ha. Punta lang po kayo sa bahay.. Ah sige ho aalis na po muna ako. Babalik nalang ako bukas para kahit papaano may nakakasama kayo dito." Kaagad kung sagot dito.
"sige iha maraming salamat ulit.."
at tumalikod na ako para bumalik sa bahay. At least ngayon hindi na kami masyadong mag aalala kay loisa kahit na sa malayo siya. Sana lang palaging may signal kapag kokontakin niya kami ulit. Kung bakit naman kase pahirapan ang signal dito sa baryo namin. Paano nalang kung may emergency wala kaming kaalam alam sa mangyayari. Kahit yung mga kamag anak namin sa ibang lugar wala na rin kaming balita sa kanila.