Chereads / Viva La Vida (Live The Life) / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

"Ms. Yuki Rihya Cortez, ang laswa pakinggan."

Bigla kaming napatingin sa nagsalita, masama ko siyang tiningnan. Naramdaman niya ata na tinitigan namin siya kaya lumingon ito sa direksyon namin, then he manage to smile.

"Uh, may problema?"

Naiirita nitong tanong, mas lalo pang tumalim ang titig ko sa kanya.

"Do you know that rose is one of the most beautiful flowers?"

Tanong ko sa kanya, habang di naalis ang masamang tingin. Narinig ko naman ang boses ng tatlo.

"Oh, no."

"Hmm, for ladies? Maybe, I guess?"

Kalamado niyang sagot, sabay ngiti ulit, tatalikod na sana ito sa amin noong nagsalita ako ulit na ikinahinto niya.

"And, I feel like I am a rose now."

Bulong ko sa tenga niya, nakita ko naman ang labis na pagkagulat sa mata niya pati ang mga tao sa loob ay gulat rin.

"Yuki Rihya Cortez, always remember that name jerk."

Patuloy ko tsaka ko ito tinalikuran, lumapit ako kanina Kuya, Ate Shannon, at Shrice para kunin ang blazer ko, tsaka bag. Wala ni kahit isa sa kanila ang gumagalaw sa mga pwesto, they were just staring at me with "WHAT?" written in their faces. Nagsimula na akong maglakad para lumabas, pero nilingon ko muna ang taong iyon. Someone is already helping him, maybe they're his friends? I also saw his glance, gross huh? He also mouthed.

"Bitch."

Di ko nalang ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad, noong nakita ko sina Alice at Steffi sa labas, mukhang gulat din.

"Woah?! Did you just do that Yuki?"

Tanong ni Alice sabay turo doon sa lalaki.

"Nope, he did that to himself."

Magsisimula na sana akong maglakad noong nagsalita si Seteffi at ipinulupot ang kamay sa braso ko.

"Ayos ka na ba, wala nang masakit sayo?"

Pero, hindi ang tanong niya ang binigyan ko ng pansin.

"Sila ba ang bagong transfer dito, balita ko galing sila ng public school. How did they manage to get in here?"

Dinig ko sa babaeng na nagmumula sa likuran namin.

"Ano ka ba! Diba nga kapatid 'yan ni Senior Aki, ibig sabihin mayaman din siya. Siguro ganoon din iyang mga kasama niya."

"Pero balita ko ay iyong anak daw ni Mr. Rivera ang nagpapasok diyan sa dalawa, iba talaga nagagawa nang linta. Isang sipsip lang, kapit na kapit na agad."

Bigla akong napalingon sa mga iyon at tiningnan sila ng masama, kaya kusa naman silang tumahimik at lumayas sa kinatatayuan nila. Natanaw ko naman si Shrice or should I call her Shantelle Ashton Rivera, sa pintuan ng clinic kasama nito ang kanyang ate at ang Kuya ko.

"Tss,"

Napasinghal nalang ako noong maglakad ang mga ito papalapit sa direksyon namin.

"You sure, you okay Yuki?"

Tanong ni Ate Shannon, kaya tinanguan ko lang ito.

"Wala bang masakit sayo sissy? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?"

"You're over reacting brother, I'm fine. It's your fault that I passed out."

"Eh?"

Halos sabay-sabay nilang naiusal, kaya napangiwi na lamang ako. Di ba niya talaga naisip na hindi pa ako nag-aalmusal. Ghad! He's giving me creeps!

"You didn't even let me eat, that's why I guess?"

"Oh yeah! Baka! Baka!"

[Translation: Idiot! Idiot!]

"Tss,"

"Ganon, total malapit naman ang cafeteria. Why don't we go there and take a snacks?"

Yaya naman ni Ate Shannon, ramdam ko naman ang pagngiti ng dalawa kong katabi at sabay pang napatanong.

"Libre niyo po ba?"

"Haha, it's already paid off. Kukuha nalang kayo ng kung anong gusto niyo. Except for our special menu's, dahil medyo may kamahalan iyon and it was definitely not an outsider's taste because it was a secret recipe of our school, made by your senior culinary students. Didn't my little sister informed you that?"

Sa pagkakataong iyon ay doon lang nabaling ang atensyon namin kay Shrice na tahimik kaming pinagmamasadan, kung kanina ay kakaibang Shrice ang nakikita namin, ngayon ay tila walang ka-reaksyon ang mga tingin nito sa amin. It was her, that Shrice we've meet before.

"Shantelle?"

Tawag sa kanya ni Shannon, bigla itong ngumisi at tumawa ng nakakaloko.

"Of course they know that, pare-pareho kaming nakikinig sa orientation noon. Unless they are not paying attention?"

Napanguso bigla ang dalawa kong katabi, bago sumagot.

"Kasalanan ba naming maraming nakakamanghang tanawin ang school na ito."

Ika ni Alice, na sinundan naman ni Steffi.

"Oo nga, sa tanang buhay ko dito lang ako nakakakita ng mga poging nilalang na bibihira ko lang makita. Sa TV siguro, oo dahil napapanood ko lang iyon."

Gusto kong matawa sa sagot nila, I wish I could have attended that orientation para at least na inform ako na dito rin pala mag-aaral ang mga ito. Nagsimula na kaming maglakad habang nagki-kwentuhan ang apat, sina Kuya, Ate Shannon, Steffi at Alice. Noong una ay kasabay ko ang dalawa pero noong kalaunay nauna na rin, habang nagdada-daldal sa kapatid naman. Nagkapantay kami ni Shrice sa paglalakad, hindi naman nalalayo sa kanila. She was about to start a conversation when someone called me out, but in an unexpected name.

"Rih!"

Halong mabingi ako noong marinig iyon dahil sa pa-ulit-ulit iyon na tila ba hindi ito rumirehistro sa pandinig ko.

Flashback

"Rih!"

Nakangiti ito habang tumatakbo papalapit sa akin, may dala-dala itong box. Noong makalapit siya sa akin ay yumakap pa ito.

"Before you leave, I want to give you this."

Wika pa nito, habang inaabot nito ang hawak-hawak niyang box.

"Bakit siya lang ang may regalo ako wala?"

Sabat naman ng katabi ko, kaya napatingin kami sa kanya.

"Ano ka ba, hindi ka naman mawawala ng matagal. Halika nga dito."

Niyakap niya ito, kay di ko naman napigilang ngumiti. Sana ganito nalang kami lagi, iyon hindi nag-aaway dahil lang sa maliit na bagay tulad ng pagkain at laruan.

"Eh, bakit siya ang niyayakap mo samantala ako naman ang aalis?"

Napatingin naman silang dalawa sa akin at tumawa.

End of Flaahback

"Rih?"

Bumalik ako sa realidad noong umakbay ito sa akin. Kaya para akong nabato sa kinatatayuan ko, at napatingin sa kanya. Napakaaliwas ng mukha niya, walang nagbago sa ngiti niya maliban sa hugis ng kanyang mukha at katawan.

"Isn't it feels like we're back in the old days?"

Gusto kong ngumiti, pero hindi ko magawa. Masayang ang isip ko, subalit hindi ang puso ko.

"I wish I could turn back time."

Bigla kaming napalingon dalawa sa nagsalita, mapakla ang ngiting ibinigay niya sa amin. Ramdam ko ring ang bahagyang pag-alis ng kamay nitong katabi ko sa aking balikat.

"Ash."

Pareho naming naiusal, at sinundan siya ng tingin papasok ng cafeteria. Noong makapasok kami ng cafeteria, ay tahimik kaming tatlo kaya napansin nila ito bigla.

"So, guys how was your first day in here?"

Basag ni Kuya sa katahimikan, na sinang-ayunan naman ni Ate Shannon.

"Ayos naman po."

Sagot ni Steffi, na sinundan naman ni Alice.

"Though, hindi naman maiiwasan ang mga bubuyog, who kept buzzing around. Well, a normal first day of school I guess."

"How about you Yuki, Rich, and Shantelle?"

Bigla kaming napatingin kay Ate Shannon at nagkanya-kanya ng sagot.

"As usual."

Ani ni Shrice, na dinugtungan ni Rich.

"Hmm, pretty cool...I guess."

Napatingin naman silang lahat sa akin, naghihintay ng isasagot ko, bumuntong hininga ako at ibinuka ang bibig.

"Unexpected."

Napatingin ang dalawa kong katabi sa akin, maliban sa apat na kanya-kanyang iwas ng tingin.

"What do you mean by that?"

Nagtatakang tanong ni Steffi, kaya napatango nalang din si Alice bilang pagsang-ayon.

"I mean unexpected, seeing familiar faces in here."

Sagot ko sabay tingin sa dalawang kaharap ko. Magkaharap kasi kami ngayon, magkatabi si Shrice, Rich at ate Shannon, habang sina Steffi, Alice at Kuya naman ang katabi ko.

"Ow, akala kasi namin nandoon ka noong orientation, hinanap ka namin noon pero kahit anino mo ay di namin makita. Malamang hindi ka interesado sa orientation kaya hindi ka um-attend."

Kwento ni Alice, samantala napakamot nalang sa batok si Steffi.

"Tss, you didn't tell me anyway."

"Sorry Yuki, we just thought of surprising you."

Sabat naman nitong si Steffi kaya napangiti ako sa kanya, sinulyapan ko ang dalawa sabay sagot.

"I am indeed."

"Masaya ka bang nandito rin kami?"

Nagulat ang lahat noong magsalita si Rich, nakaakbay ito sa katabi, nakangiti habang si Shrice naman ay tahimik din pero kita mo ang gulat sa mga mata niya. Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas loob para sumagot.

"Nope."

Kitang-kita ko kung paano napalitan ang ngiti niya ng lungkot kasabay noon ang pagkunot ng mga kilay nila.

"What do you mean by that?"

Tanong nito ulit, lahat sila ay nilingon si Rich.

"Uhm, are you saying, did I meant to say it?"

Makahulugan kong tugon sa tanong niya at itinuon nalang ang atensyon sa pagkain.

"Rih?"

Di ko ito nilingon pa at nagtuloy-tuloy nalang sa pagkain, hanggang sa matapos na ako. Tumayo ako na ikinahinto nilang lahat at sabay-sabay nila akong tiningala.

"I'm done, if you'll excuse me."

Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanila, hindi naman mawawala ang mga mata ng tao sa loob ng cafeteria na nasa akin tahimik lang sila pero mapanghusga ang tingin na ipinupukol nilang lahat sa akin. Binilisan ko nalang ang paglalakad hanggang maabot ko ang bukana ng cafeteria at noong sandaling narating ko iyon ay nakita ko nalang ang sarili kong nakaupo sa sahig, rinig ko rin ang tawanan ng mga taong nasa harapan ko ngayon.

"Rih!"

"Yuki!"

Mga ilang minuto pa akong nakaupo doon bago ko narinig ang sigaw ng mga kasama ko na nagmumula sa table nila, pero nagulat ako noong may dalawang pares ng paa ang naglakad papalapit sa taong nakabunggo ko, ibang kaba ang naramdaman ko noon ng dahan-dahan itong lumapit doon.

"A-Ash?"

Napahinto siya sa paglalakad noong marinig ako, pagtingala ko ay nakita ko nalang ang walang malay na studyante sa harapan ko. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya, hinatak ko siya papalabas ng cafeteria. May mga bulungan na rin akong narinig sa paligid. Noong makalabas kami ay saka ko siya binitawan at hinarap.

"S-Shrice."

Ngumisi ito at napakamot sa ulo, sunod-sunod naman nagdatingan ang mga kasama namin kanina.

"It sounds the same, it's a relief."

Nag-aalala ko siyang tiningnan, di ko alam kung magagalit ako sa kanya o maaawa.

"What do you think your doing Shantelle?"

"You okay Ash?"

"Ayos ka lang ba Shantelle?"

Nag-aalalang tanong ng tatlo, lumapit naman ang dalawa naming kaibigan sa akin at natatarantang sinuri ang kabuuan ko.

"Oh my gosh! Are you alright Yuki?"

"Wala bang masakit sa'yo, sabihin mo re-resbakan namin."

Nasa seryoso kaming sitwasyon, na walang kaalam-alam itong dalawang kasama namin.

"Okay lang ako, you okay Shrice?"

"Bakit ba si Shrice ang tinatanong niyo, samantala si Yuki naman ang nabunggo?"

"Oo nga, tsaka dapat iyong lalaking dinala sa clinic. Humihinga pa ba iyon, Shrice? Ang galing mo talaga, hindi naman bago sa amin ang ganitong pangyayari pero mas astig ngayon."

Tanong ng dalawa, si Steffi ay ipinulupot ang kamay kay Shrice at naglakad papalayo sa amin. Naiwan naman si Alice kasama namin, nagkatinginan kaming lahat.

"You alright sissy?"

"Di ko alam."

Iyon nalang ang naisagot ko, at nagsimula na ulit maglakad sumunod naman sa akin si Alice. Pinilit kong alalahanin lahat, ang kabang naramdaman ko kanina ay ang kabang naramdaman ko noon.

Flashback

"Ced, wake up! Wake up Ced!"

Niyugyog ko itosubalit ayaw niyang magising, natanaw ko si Ashton sa di kalayuan napapatakip sa bunganga na may kalayuan sa amin habang umiiyak, pero biglang nagbago ang reaksyon nito at natuon ang atensyon sa batong nasa harapan niya, bigla akong kinilabutan sa naisip ko. I was thinking that she wouldn't do as what I am thinking. Nilingon ko ang batang lalaking may hawak na baseball bat, na hindi magawang gumalaw sa kinatatayuan niya dahil sa kanyang ginawa. Umiiyak ito, sa murang edaddi ko alam kung bakit nangyayari ito? Biglang gumalaw ang kamay ni Cedric, kaya napatingin ako dito.

"Rih?"

Napangiti ako noong makitang ayos na siya.

"Shantelle!"

Halos tumalon ang puso ko noong maalala si Ash! Bigla akong napalingon sa gawi niya, ganoon din ang ginawa ni Ced, pareho namin naisusal ang pangalan niya.

"Ash?"

"Shantelle please stop it!"

Dinig kong sigaw ni Ate Shannon, malayo ito sa amin kita ko ang pagtakbo ni Kuya papalapit sa kanya pero hindi nito kayang abutan ang batang nilalapitan ni Ash. Noong naramdaman ko nalang ang katawan kong gumalaw at tumakbo sa kinaroroonan nila, itinulak ko ang batang kanina lang ay inaasar kami at ang dahilan kung bakit nawalan ng malay si Ced. Naramdaman ko rin ang kung anong bagay na tumama sa ulo ko, may kung anong likido ang dumaloy sa bandang tenga ko napalingon ako kay Ash, gulat itong nakatititig sa akin. Ngumiti ako sa kanya, at unti-unti ko nang naramdaman ang sakit sa parteng tinamaan ng bagay na iyo, dahan-dahan din bumagsak ang katawan ko sa damuhan ng playground na iyon sabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Rih?"

Iyong ang huling boses na narinig ko bago ako nawalan ng malay.