"Hey!"
Tawag nito sa akin, kanina pa siya buntot ng buntot.
"Bakit ba?"
"I think we're in the same class."
Napahinto ako at napaawang ang bibig, sa pagkakaalala ko ay hindi ko siya nakita kahapong pumasok maliban sa parking lot. Kung hindi niya sinabi iyon ay aakalain kong mag-school-mate lang kami.
"What do you mean? Eh, hindi nga kita nakita kahapon. Then, you're telling me magkaklase tayo? Hindi ka naman nasisiraan ng ulo hindi ba?"
"Haha, no I wasn't joking here, I have my own reason why I didn't attend classes yesterday, yet I was here in school."
"Ghad! You're crazy, just like your friend, what's his name Gellimar?"
"Gellmar, as in Gel-ya-mar. That's how we pronounce it."
"What so ever, you humans are the creepiest creature."
"You're also human, Ms. Cortez but we have different genetic factors. "
"Uh, yeah! But, you guys are different."
"Are you considering yourself as martians, Ms. Cortez?"
Natatawa nitong wika, kaya napatingin ako sa kanya pero agad ko ring binawi.
"Did my words offended you? I'm sorry, I didn't meant to say that."
"Nah, it's okay."
Ngumiti ako sa kanya at naglakad papasok sa room, sumunod naman siya sa akin, nagtataka akong tiningnan ng mga kaibigan ko subalit magkakaibang tingin ang ipinupukol nila sa akin, hindi sa akin kung hindi sa likuran ko. Napalingon ako sa kanya, nakangisi lang ito at ngumiti ng napakalapad noong nakita niyang nakatingin ako sa kanya, bigla naman akong nakarinig ng bulungan.
"Nakita niyo ba iyon guys, minsan lang siya ngumingiti hindi ba, at hindi ganyan kalapad. Ang swerte naman ng kapatid ni senior Aki, nakakainggit siya girl."
"Anong kinaiinggitan mo sa kanya, eh ang sungit-sungit naman niya."
Hindi ko nalang iyon pinansin at dumirestso nalang sa upuan ko, nakita ko siyang naupo sa likuran, meron doong nag-iisang upuan hindi ko iyon napansin kahapon, nilingon ko siya pero sa pagkakataong iyon ay nagtama ang mga mata namin napaiwas ako ng tingin noong ngumiti ito sa akin sabay kindat.
"Ehem, mukhang lumalablayp na ang kaibigan namin ah."
"Did you see it Steffi, ang sweet ng smile niya, he's a handsome guy bagay kayo Yuki. Big letter O-M-G!"
Panunukso ng dalawa kong katabi, at hindi tumigil sa kakadaldal. Tumikhim bigla si Cedric, kaya napalingon kami sa kanya.
"May nagseselos."
Parang bulating wika ni Steffi kaya siniko ko ito, bilang suway sa kanya kaya ayon tumahimik nalang siya. Pumasok naman ang English teacher namin.
"Oh, look who's here? Mr. Sebastian Gregory Fonse III, that's a long name indeed."
"Try not mentioning it Miss, para hindi ka na mahirapan."
Walang ganang sagot nito, kaya napalingon ako sa kanya, well tatlo ata kami ni Steffi, at Alice lang ang napalingon dahil sa sagot niya, ngumisi lang ito sa amin at ibinaling ang atensyon sa labas.
"What's your reason for attending my class Mr. Fonse?"
Tanong ng teacher namin sa kanya.
"Why bother asking Ms. Parcon? You sure you don't like to know."
Natahimik ang teacher namin at itinuon nalang ang atensyon sa hawak niyang libro, kung pagbabasihan lang kung paano sila mag-usap dalawa ay para bang magkakilala ang dalawang ito, hindi naman nakakapagtaka sapagkat mas matagal niya siyang nag-aaral dito at kami ay ngayon pa lamang.
"So, today we are gonna talk about Figure of Speech, I know you've learned it from your past school year anybody that has an idea about it?"
"Boring, as usual."
Reklamo ng nasa likuran, sakto lang para marinig iyon ng aming guro.
"Yes, Mr. Fonse you're saying something?"
"Oh, as I was saying why don't you ask our new pal? He maybe have an idea of what figure of speech are. Besides, he must be a fluent native speaker someday? Who knows he might be the next Obama? Or should I say Lincoln?"
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng ng mga kaklase namin.
"Excuse me, are you to referring me?"
Sabat naman nitong si Cedric, tss kakaiba ang eskwelahan na ito.
"Are you considering yourself as my new pal? If it occurs, you're also seeing yourself as the next reigning man in the white man's nation, I guess?"
Biglang napatayo si Cedric, pero pinigilan ito ni Shrice.
"Hayaan mo na siya."
Dining kong suway nito sa katabi, naupo nalang ito at napabuntong-hininga.
"Weak, as ever. Tss,"
Sinulyapan ko ang dalawa, pati na rin ang taong nasa likuran. May nagtaas ng kamay para sumagot, pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Ano nga ba ang nanyari noong mga taong nasa US ako para sa surgery ko? Halos tatlong taon akong nahinto sa pag-aaral, pero naghome school ako sa US. kaya pag-uwi ko dito ay dito ko na ipinagpatuloy ang pag-aaral ko sa high school. Naisipan kong mag-enroll sa public school, subalit hindi ko inaasahang makikita ko doon si Shantelle. Noong una ay hindi ko siya nakilala, pero kalaunan ay nalaman ko rin. Bumalik lang ako sa wisyo noong marinig ko ang tunog ng buzzer. Tumayo na ako at isinabit ang bag sa balikat, tsaka naunang lumabas naramdaman ko ang pagsunod ng dalawa sa akin. Nagulat ako noong may humarang sa daraanan ko.
"What is it?"
Mahinahon kong tanong,
"You're blocking the way Ms. Rivera."
Angal noong lalaking nasa likuran ko, kaya nilingon ko siya at masamang tiningnan.
"Stop messing around Mr. Fonse."
Nagbatuhan pa sila ng masasamang tingin, bago gumalaw sa kinatatayuan. Hinatak ako ni Shrice pero sa kasamaang palad ay hinablot ni Sebastian ang kamay ko.
"A little respect for your old friend."
Seryosong tugon nito, at ngumisi pa kay Shrice. Kitang-kita ko ang paniningkit ng mata ni Shrice sa kanya dahilan upang hatakin ko ang kamay ko sa lalaking iyon.
"You know what? Just, leave me alone. Kung ano man meron kayo, wag niyo nalang akong idamay."
Naiinis kong sabi, at napatingin kay Shrice.
"Maybe we can talk about it later."
Mahinahon kong pagkakasabi at binawi ang kamay sa kanya, tsaka naglakad papalayo sa kanila.
"Yuki!"
Dinig kong tawag ni Alice mula sa likuran, napabuntong-hininga ako at napahinto sa paglalakad, at hinarap ito.
"Not now, Ice."
"I just want to check you out if you're okay."
"I'm fine."
"No you don't, emotionally no and physically! Look at your face, what happened to that."
Nagulat ako noong itinuro niya ang bandang kaliwang labi ko. Napahawak ako doon, at nakaramdam ng kaunting kirot kaya napailing nalang ako noong maalala ang nangyari sa parking lot.
"Ghad, may pasa ang pisngi mo Yuki and you're telling me that you're fine. What's up with you guys?"
"Hey, calm down. Nabunggo lang ako kanina di ko napansin kasi iyong poste sa daraanan ko."
"You're lying Yuki, I saw what happened in the parking lot."
Napaawang ang bibig ko noong sinabi niya iyon, di ako makapagsalita.