Napahinga ako ng malalim, at bumangon sa kama. Hindi ako makatulog sa kakaisip ng sagot sa mga tanong ko, mag-a-alas-dyes na rin ng gabi. Naisipan kong bumaba para uminom ng tubig sakto namang napansin ko si Kuya sa sala may kausap sa phone, lumapit ako kaunti para marinig siya.
"Kailan daw ang dating nila?"
Di ko marinig ang nasa kabilang linya, dahil hindi naman ito naka-loudspeaker. Hinintay ko pa ang sumunod na sagot ni Kuya.
"Bakit daw sila pupunta ng Pilipinas?"
Sino kaya ang kausap ni Kuya, at sinong pupunta sa Pilipinas?
"Naiintindihan ko, nag-aalala lang ako para kay Yuki pati na rin sa mga kaibigan niya lalo na sa pamilyang Rivera."
Anong ibig niyang sabihin, mukhang seryosong bagay ang kanilang pinag-uusapan.
"Alam kong gusto lang protektahan ni Lolo ang kapatid ko, pero hindi ba parang sobra na iyon baka makahalata ang kapatid ko."
Protektahan? Kanino? Dahil sa kuryosidad ko ay nakinig pa ako sa usapan nila.
"I know and I won't let anyone hurt her, lalo na si Sebastian Fonse."
Nangitla ako bigla noong marinig ang pangalan na iyon. Nagsimula na akong kumilos at umakyat sa kwarto ko. Mukhang di naman ako napansin ni Kuya, pagpasok ko ay pilit kong inalala ang sinabi ni Shrice.
Flashback
"Please."
Naghintay ako ng sagot niya pero wala akong nakuha.
"Hindi, gusto kong layuan mo ang dalawang iyon. We can't trust them Rih."
"Sino?"
"The Fonse, Sebastian Fonse and Maxville Fonse."
"Bakit sino ba sila para layuan ko? Mga ordinaryong estudyante lang naman sila tulad natin."
"Rih, will you please listen to me just for once? You'll never know what's every person identity until they take off their masks."
"I don't get you guys, all I want is to study and have my ordinary life."
"You world don't belong to it, I know that you know that."
Nagtataka ko siyang tiningnan, may alam ba siya sa akin? Sa pagkatao ko, sa mga magulang ko? What is she saying? What happened to that Shantelle Ashton Rivera that I've meet before? Gusto ko iyong itanong lahat sa kanya, subalit ni isang salita ay walang lumabas sa bunganga ko.
"Your world is different from us Rih, but I guess we have in the same world now."
End of Flashback
Iyon ang huling salitang binitawan niya, hindi ko na magawang magtanong dahil dumating na ang mga kaibigan namin noon. Sino ba ang taong iyon? Sino ka ba Sebastian Fonse, para katakutan ko at layuan ko? Sino ka ba para protektahan nila ako mula sa inyo? Nakaramdam ako ng sakit sa aking ulo, bigla ko namang naalala ang mukha ng lalaking nagngangalang Maxville, medyo pamilyar siya subalit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita noon. Bigla namang sumagi ang batang lalaki na iniligtas ko noon, kamusta na kaya siya? Saan na kaya siya ngayon? Simula kasi noong dinala ako sa US ay wala akong komunikasyon sa Pilipinas, wala akong ideya sa lahat. I am now a 4th year high school girl, 17 years old and almost three years of living here in Philippines pero wala pa rin akong mahanap na sagot sa mga tanong ko. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at natulog.
Kinabukasan...
Noong magising ako ay agad kong inayos ang sarili ko para pumasok, pero pagbaba ko ay nagulat ako kung sino ang naroon.
"Shrice?"
Nagtatakang tanong ko, di ko alam kung bakit siya nandito sa bahay, hindi niya ba alam na delikado ang pumunta dito. Paano kung makilala siya ng mga nakabantay sa labas at isumbong sa lolo ko.
"I invited her here,"
Ika ni daddy, tahimik namang tumango si Mommy. Tumingin ako kay Kuya na seryosong kumakain.
"You should eat now, we're leaving."
"What? Sure, we're not doing cutting classes right?"
"Nope, our teacher for the first period has an important meeting so we have a vacant class for 30 minutes."
"What are you exactly doing here?"
"Can't you just be happy, that I already get in this house for the first time?"
Nakanguso nitong tanong, kaya napaawang na lamang ang bibig ko sa inasal niya. No way, is she tripping me? Narinig kong tumawa si Mommy, at lumapit sa akin.
"Why don't you guys eat first before going out?"
"No fine Ms. Cortez, I filled my tank already. It is hard to move if I'm fully occupied."
"S-sure then, let's go baby?"
Nakita kong naupo si daddy sa tabi niya nag-usap silang dalawa, habang hatak-hatak ako ni mommy. Pagka-upo ko ay tiningnan ko ng masama si Kuya, na seryoso pa rin sa pagkain.
"You're undressing me in front of our mother Rih."
Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya.
"You're giving me creeps brother, you're not even my type."
"So even I, sissy."
Padabog naman ako kumuha ng kanin at ulam tsaka binilisan ang pagkain di ko rin maiwasang tumingin sa direksyon nila Shrice at Dad. I don't know what to call that girl anymore, dahil sa dami ng pangalan niya. Pareho sila ni Cedric, bumalik ako sa wisyo noong magsalita si Kuya.
"Mom, I am staying in the dorm this coming days. Si Shantelle na po muna ang bahala kay Yuki."
Halos mabulunan ako sa sinabi niya, anong si Shantelle ang bahala sa akin? Nagbibiro ba itong ugok na ito?
"Okay son, I understand."
Napatingin ako kay mommy hindi makapaniwala sa tugon nito.
"What do you mean guys?"
Di ko na napigilang magtanong, nagkatinginan muna sila bago sinagot ang tanong ko.
"May importanteng tao akong kailangan asikasuhin, kaya ihahabilin muna kita kay Shantelle."
"Bakit siya?"
"Because she's the only person wd can trust baby."
"What?"
"Sinisigurado kong mapopotrektahan ka niya, may tiwala ako sa kanya Yuki."
Napalingon ako kay dad, ano bang pinagsasabi nila. Ako? Poprotektahan ni Shantelle? Nagbibiro ba sila? Poprotektahan kanino? Kay Lolo? Ganon na ba talaga sila ka hibang, na sarili kong kaibigan ay ipapain nila sa Lolo ko?
"I won't allow it, paano kung mapatay sila ni Lolo. Ayokong mangyari 'yon dad. They don't deserve it."
"Your grandfather trust her Yuki, as much as you trust her. Mas may tiwala pa ang lolo mo sa kanya, kesa sa pagkatiwalaan mo siya."
Naguguluhan kong tiningnan si Dad, may di ba ako nalalaman? Anong pinagsasabi ng mga ito?