Chereads / Viva La Vida (Live The Life) / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

Pareho kaming tahimik habang nasa gitna ng byahe, di ko alam kung saan kami pupunta.

"Can you just at least tell me kung saan tayo pupunta?"

Tahimik pa rin ito at hindi nagsasalita.

"Shrice."

Tawag ko sa kanya pero wala pa rin, nanatili lang itong nakatingin sa labas at walang  kibo. Ay kung sapukin ko kaya ito, kung hindi lang talaga kita kaibigan.

"Shantelle Ashton Rivera nakikinig ka ba!"

Sigaw ko bigla, kaya nagulat ang driver namin at napa-preno. Nahulog ako sa upuan samantala ang katabi ko ay nakaupo pa rin, na para bang walang nangyari. Inis akong bumangon at naupo sa upuan.

"Sorry po ma'am, ayos lang po ba kayo?"

Nag-aalalang tanong noong driver nila, tumango naman ako bilang sagot kasi kasalanan ko naman.

"Be careful next time, or I'll pull out your eyes for not paying attention on the road Ramir."

Sinabi niya iyon sa napakalamig na boses, nanindigan lahat ng balahibo ko at may kaba akong naramdaman sa pagkakataong iyon. Ang mga tingin niya sa driver, ang titig niya ay kakaiba. Ngayon ko lang siya nakitang ganon.

"Pasensya na po Ms. Rivera, may bigla po kasing nag-counter-"

"I saw that, magdrive ka na ulit talasan mo ang mga mata mo."

Tumango naman ito, at nagsimula na ulit mag maneho. Natahimik naman ako bigla, naroon pa rin ang kaba. Palihim kong sinulyapan si Shantelle, bakit kakaibang tao ang nasa harapan ko ngayon? Napaisip ako bigla, di ko alam kung bakit sumagi iyon sa isip ko. Tiningnan ko ang bandang batok niya, naka-ponytail naman ang buhok niya, nagbabaka-sakali akong may mapansin doon.

"You're saying something right, what is -"

Napahinto siya bigla noong nakitang ang lapit ng  mukha ko sa kanya buti nalang at napatakip ako ng bunganga.

"What on earth are you doing Rih?"

Bulyaw nito sa akin, napaatras siya at umiwas ng tingin. Ano ba kasing ginagawa mo Yuki? Wala naman siyang tattoo doon, ano bang iniisip mo. Imposibleng mangyari ang iniisip mo.

"I'm sorry."

"It's alright wag mo nalang ulitin, dahil hindi tayo talo."

"What?"

"Mali ba ang iniisip ko?"

Nakangisi nitong tanong, kinilabutan ako sa sinabi niya. Halos umusok ang ilong ko sa inis noong mapagtanto ang ibig niyang sabihin.

"Hoy Shrice-"

"Hoy ka rin Yuki!"

"Ghad, you're giving me creeps."

"Do I?"

"Oo, you're unbelievable."

"Haha, just kidding."

"Ewan ko sayo, you're weird. Di na talaga kita kilala Ash."

Natahimik siya saglit bago sumagot.

"You don't need to know who I really was, just remember I am still Shantelle, your best friend and now your protector."

"What do you mean by that?"

"Nandito na po tayo ma'am."

Napalingon ako sa driver, hindi ko napansin na nasa school na pala kami.

"Sigurado ka bang nailigaw mo sila?"

"Opo, niligaw po sila ng mga tauhan natin gamit ang parehong model ng sasakyan."

"Good."

Hindi ko sila maintindihan, naunang lumabas si Shrice kaya sumunod naman ako pero laking gulat ko noong makita kung sino ang nasa harapan namin ngayon.

"Good morning, princesses."

"Tss,"

Singhal ng kasama ko at hinatak ako papalayo sa kaharap. Nilingon ko naman ang taong iyon, ngumisi lang ito sa akin sabay yuko na para bang nagbibigay galang.

"Shrice! Yuki!"

Pareho kaming napalingon ni Shrice sa pinang-gagalingan ng boses na iyon. Nakita namin si Steffi na tumatakbo papalapit sa amin, samantala ay nakangiting sumusunod sa kanya si Alice.

"Late na kayo ah, buti nalang at vacant class natin ang first period. Saan ba kayo galing at kailangan mag-holding hands?"

Bigla kong hinatak ang kamay ko na hawak ni Shrice.

"We enjoy the G.I Joe adventure ride."

Napatingin kami sa kanya sakto naman ang dating ni Alice.

"Hahaha, you're funny Shrice. Tigilan mo na nga ang kakapanood ng movies at puro action pa. Eh, itong si Yuki kailan kaya natin makakasamang mag-overnight kanina Alice."

"Nag-overnight kayo sa kanila?"

Di makapaniwalang tanong ko, binigyan naman nila ako ng nagtatakang tingin.

"Natanong ko lang, bakit ganyan kayo makatingin?"

"Wag mo sabihing gusto mo nang gumala ngayon Yuki?"

Pang-aasar ni Steffi,

"Huh? S-saan bahay nila?"

"Taga Cavite ako Yuki, kaya wag ka nang magplanong mag-overnight sa amin dahil paniguradomg hindi papayag ang mga magulang mo, lalo na ang masungit mong Kuya, ang iwan ka nga lang sa amin ay halos hindi pumayag iyong isang gabi pa kaya. Don't me!"

Napangiwi nalang ako sa sinabi niya may point siya doon, gusto kong matawa sa reaksyon ni Steffi nagpipigil ito ng tawa, napailing naman si Shrice. Nagsimula na kaming maglakad papuntang, gymnasium. P.E class namin ngayon at required kaming mag-P.E uniform, noong marating namin ang gym ay dumiretso kami sa locker para sa mga babae, sinimulang magpalit. Nahagip ng mata ko si Shrice, muli na naman sumagi sa isip ko ang hanapin iyon. Napatitig ako sa katawan niya, nakasando siya at nakasuot na ng pambabang P.E.

"Hindi naman matutunaw ang kaibigan natin niyan diba? Di ko akalaing may tattoo ka pala sa likuran mo?" 

Bulong ni Steffi sa akin, dali-dali kong sinuot ang T-shirt ko.

"Hindi naman bawal ang magpa-tattoo, trip ko lang."

Palusot ko, at inayos na ang gamit, maayos kong itinupi ang uniform ko at ipinasok sa locker.

"Hindi din naman, pamilyar lang kasi sa akin. Parang nakita ko na 'yan, ah basta ewan ko kung saan."

"Ganon ba?"

"Kung ano-anu na naman iyang pinag-uusapan niyong dalawa diyan."

Saway sa amin ni Alice, habang ipinapasok ang uniform sa locker niya.

"Wala naman, alam mo bang ma-"

Bigla ko namang tinakpan ang bunganga ni Steffi.

"Pwede bang sa atin nalang muna ang nakita mo."

Tumango naman ito bilang pagsang-ayon.

"Anong gusto mong sabihin Steffi?"

"Huh? Ah, eh, itong kaibigan kasi natin kung makatitig kay Shrice akala mo hinuhubaran eh."

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko, nakalusot nga ako sa tattoo ko pero sa palusot niya ay mapapahamak ako.

"Hahaha, anong ibig mong sabihin?"

Nagtatakang tanong ni Alice, na natatawa pang lumapit sa amin.

"I am just overwhelmed by her body, she change a lot indeed. Are you working out?"

Singit ko naman sa kanila dahil paniguradong aasarin lang ako ng mga ito.

"Nope, it is natural yet hindi pa rin tayo talo Yuki."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, nag-uusok ang tenga at padabog kong tinalikuran sila, narinig ko naman silang nagtatawanan, noong may nakasalubong akong babae.

"Yuki Rihya Cortez?"