Chereads / Viva La Vida (Live The Life) / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

"Yuki?"

Tawag sa akin ni Alice, kaya nilingon ko ito, nasa hallway kami ngayon papasok sa lab, last period na namin at Science subject.

"Bakit?"

Mahina kong tugon, nauna na sina Steffi at Shrice.

"Kanina ka pa kasi tahimik, you sure that you're okay?"

Nag-aalalang tanong niya, ngumiti naman ako bilang sagot.

"Nag-aalala lang kasi ako, sanay naman kami sa pagiging tahimik niyo ni Shrice pero bakit parang kakaiba ngayon? Tsaka sino ba-"

"Excuse me lady, you're blocking the door."

Naputol ang sasabihin ni Alice at napalingon sa lalaking nasa likuran namin.

"Hi, Rih! Aren't you gonna introduce me to your new friend?"

Tahimik ko siyang pinagmasdan, alam kong may alam siya sa mga nangyayari pero bakit parang balewala lang sa kanya lahat. Iyong para bang wala kaming nakaraan, nagniningning ang mga mata nito habang ngiti-ngiting nakaturo sa kasama ko, bumuntong hininga ako saka nagsalita.

"Alice, this is Cedric my-"

"I'm her childhood best friend, together with Ash."

Sabat nito, nagtataka naman siyang tiningnan ni Alice.

"Ash? Who's Ash?"

"Aren't you planning to get inside now students?"

Gulat kaming napatingin sa nagsalita, base on what she wears, she's definitely our Physics teacher.

"We're very sorry Ms."

Sabay-sabay naming hingi ng pasensya.

"It's Ms. De Jesus, you better get inside now so we can start our lesson for today."

Sumunod naman kami sa kanya, at naupo sa bakanteng upuan na natira para sa amin. Napapagitnaan pa rin ako ni Alice at Steffi, magkatabi naman si Shrice at Rich, kaya minsan ay di ko maiwasang sumulyap sa kanila. Nagle-lecture ang teacher namin sa gitna, halos lahat naman ay nakikinig sa kanya habang may hawak na ballpen at notebook maliban sa akin na nakasara ang hawak kong libro pati ang notebook kasabay ng pagpapaikot ng pen sa aking kamay, hanggang sa nahulog ko ito sa sahig kaya naagaw ko ang atensyon nila.

"Is there a problem Ms. Cortez?"

Tanong sa akin ng teacher, kaya nag-isip ako ng palusot para lang hindi ako mapahiya.

"I'm sorry Ms. De Jesus, I didn't mean to interrupt you."

Tumango naman ito at itinuloy ang ginagawa, may isinusulat ito sa board na siya namang kinokopya ng kanyang mga studyante. Pinulot ko nalang ang nahulog kong pen at bumalik sa kinauupuan, sakto namang tumunog ang buzzer.

"Tomorrow I am gonna give you a quiz for todays lesson, I hope that each and every of you listened to me. Class dismiss, see you tomorrow afternoon."

Kanya-kanyang ayos naman sila ng gamit, science ang last subject namin sa hapon. Noong nahimatay kasi ako kanina ay tanghali na ako nagising, at matapos naming kumain sa cafeteria ay dumiretso kami sa first subject namin sa hapon. Ipinasok ko ang notebook ko sa bag at kinuha ang phone ko sa loob pati ang earphones tsaka ito isinalpak sa tenga ko, habang naghahanap ako ng magandang kanta ay may humablot ng earphones ko. Tumingala ako para tingnan kung sino iyon, nakatayo ito sa harapan ko sabay ngiti, bumuntong hininga ako tsaka ipinasok ulit ang phone sa bag.

"What is it now Ced?"

Tanong ko sa kanya, habang bitbit ang bag.

"I want to invite you two at home."

Masaya nitong wika, sabay turo sa amin ni Shrice.

"Ahy, sila lang? Paano naman kami."

"Steffi."

Suway ni Alice sa kanya, napa-peace sign nalang si Steffi sa kanya.

"Sorry guys, next time. I promise to invite you of course, if that's okay?"

Tumango naman ang dalawa, sabay tingin sa akin.

"I think I can't promise to come."

Iyon ang naisagot ko, kahit sa loob-loob ko ay gusto kong sumama. Para namang nanlumo siya sa sinabi ko, pati na rin ang dalawa maliban kay Shrice.

"Please Rih?"

Seryoso ko siyang tinitigan at napatingin sa dalawa kong kasama.

"If your reason of rejecting his offer is me, I'd rather choose not to go, so you can."

Napatingin kaming lahat sa kanya, natahimik ako hindi siya ang rason kung bakit hindi ko gustong sumama sa kanila, iyon ay dahil sa pamilya ni Rich. Nagsimula na itong maglakad papalayo sa amin, susunod na sana si Steffi sa kanya pero pinigilan ito ni Alice.

"Yuki?"

Napalingon ako kay Alice, iyon lang ang sinabi niya pero nagawa niyang ipaintindi ang gusto niyang iparating. Tumingin muna ako kay Rich, tinanguan ako nito kaya naglakad na ako at sinundan si Shrice, hindi pa ito nakakalayo binilisan ko ang paglalakad para maabutan siya pero sadyang mabilis maglakad ang babaeng ito. Papunta siya sa parking lot, kaya tumakbo na ako baka kasi di ko siya maabutan pagnagkataon. Di ko tinanggal ang tingin sa kanya hanggang sa-

"Shantelle!"

Umalingawngaw ang boses na iyon sa parking lot, nakaupo ito sa motor niya. Nakasuot siya ng uniporme katulad ng sa amin, di ko masyadong maaninag ang mukha niya, pero kung susuriin ay parang mas matanda ito sa amin. Masamang tingin ang pinukol ni Shrice dito, at nanatiling nakatayo at nakipagtitigan sa taong iyon. Hindi naman ako nalalayo sa kanila.

"Anong ginagawa mo rito?"

Tumawa ang lalaking iyon sabay bumaba ng motor, humakbang ito papalapit sa kanya, habang nakapamulsa.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo niyan?"

Ipinantay nito ang mukha kay Shrice, kaya napaatras ito.

"Bakit natatakot ka ba sa akin?"

Ramdam ko ang pagngisi ng lalaki, kaya nanindigan lahat ng balahibo ko sa katawan. Why this human is giving me the sense of creepiness?

"Bakit naman ako matatakot sayo, Sebastian Fonse?"

Tumawa iyong lalaki, nakakabinging pakinggan.

"Oo nga naman, you know that you're my greatest demonic angel in my nightmare when I was a kid, Shantelle Ashton Rivera."

"Shouldn't be lucky of you that you're still alive, you're no difference on me Sebastian."

Di ko maintindihan ang sinabi nila ang masasabi ko lang ay, punong-puno ng tensyon at galit ang mga mata nila. Nagulat nalang ako noong hinawakan ng lalaki ang kaibigan ko sa kwelyo sabay hinatak ito papalapit sa kanya.

"You still have the guts to say that after what you've done before?!"

Nanggagalaiting sigaw ng lalaki sabay suntok kay Shrice, napatakbo ako sa kanya at lumapit doon sa lalaki. Dinuro ko ito, at kinwelyuhan tulad ng ginawa niya sa kaibigan ko.

"What is you problem?!"

Sigaw ko sa pagmumukha niya, galit na galit ito noong napatingin sa akin at itinulak ako dahilan upang sumalampak ako sa sahig, medyo may kalakasan ang pagkakatulak niya.

"Rih!"

Nagulat ako noong hinatak ako ni Shrice papalayo doon sa lalaki.

"Rih-Rihya?"

Dinig kong naiusal niya ang pangalan ko, kaya nagtataka ko siyang nilingon habang hatak-hatak ako nitong kasama ko, kung kanina ay galit ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon ay may kaunti itong tuwa't pag-aalala. Sino siya? Bakit ganoon nalang ang tingin na ipinukol niya sa akin? Bakit parang kilala ako ng taong iyon?