Chereads / Viva La Vida (Live The Life) / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Napagulong-gulong ako sa kama habang iniisip ang nangyari kanina, medyo masakit din ang katawan ko dahil sa mga nangyayari. Ang kabilin-bilinan ng doktor ko sa akin ay bawal akong ang mag-isip ng sobra. Pero sa mga nangyari ay di ko maiwasan hindi mag-isip.

Flashback

Hinatak ako nito hanggang marating namin ang sasakyan nila, sumakay kami sa likuran.

"Saan po tayo ma'am?"

Tanong ng kaniyang driver.

"To Cortez residence."

Tumango sa kanya ang driver, at sinimulan ng magmaneho. Teka alam ba ng driver nila ang bahay namin? Hindi ko na nagawang magtanong dahil sa katahimikan niya. Ibang-iba siya sa batang nakilala ko noon, o baka siguro dahil sa tumatanda na kami.

"You shouldn't have follow me."

Pag-uumpisa nito pero nasa labas ang tingin, bumuntong hininga ako at napayuko. Nangyari na rin ito noon, noong nasa dati naming paaralan kami dahil sinundan namin siya nina Steffi at Alice ay muntik na kami mapahamak, pero ibang sitwasyon naman iyonat hindi ko iyon kagustuhan.

"I know, pero hindi ikaw ang rason kung bakit ayaw kong tanggapin ang alok ni Ceddy."

"Am I not?"

Sa pagkakataong ito ay lumingon siya sa akin, medyo may pagkasarkastiko sa pananalita niya.

"You don't have to lie Rih, alam kong ako ang rason kung bakit ayaw mong tanggapin ang alok ni Ceddy. Hinding-hindi ako magugustuhan ng mga Roswell, pareho nating alam iyon. Ang lamang ko lang sa iyo ay ang dala-dala kong pangalan, pero sa pagkatao talong-talo ako."

"Ash-"

"Alam ko rin kung bakit gusto mo akong iwasan, simula noong nangyari iyon ay nagbago ang tingin nilang lahat sa akin maging ang pamilya ko."

"Hindi 'yan totoo Ash, hindi nagbago ang tingin namin sa iyo maging si Ceddy."

"Hindi nga ba?"

Natahimik ako bigla sa tanong niya, huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Sige na magpahinga ka na, baka makasama sa iyo ang mga nangyari kanina."

"We are still what we are to you Ash, hindi iyon magbabago kung may nagbago man ay nadagdagan iyon. There's Steffi and Alice, they're true friends Ash, as we are."

Hindi ako nito nilingon at nakatuon lang ang atensyon sa bintana, kaya naisipan ko nalang lumabas ng sasakyan.

End of flashback

Napatingin ako sa picture na nasa study table ko kinuha ko iyon at saka tinitigan.

"Kung sakali mang maibalik ang mga nangyari noon ay gagawin ko pa rin ang ginawa ko noon Ash."

Mapait akong napangiti, sabay ang pagtulo ng luha sabay ng pagpikit ng mga mata ko.

"Baby, gising na."

Nagising ako sa pagyugyog ni mommy sa akin, hinanap ko ang picture frame na hawak ko bago ako matulog, huminga ako ng malalim noong makita iyong nasa study table ko.

"Tumawag pala ang mga Roswell sa akin kagabi, kinakamusta ka. Inimbitahan ka pala nilang maghapunan kaya sinabi kong tulog ka na baka kasi napagod ka sa school niyo kaya hindi na kita ginising, ayos ka lang ba Rih?"

Kapag nag-aalala silang lahat ay iyon ang naitatawag nila sa akin, tumango ako sa kanya bilang sagot at tumayo na.

"I'll leave you here then, hihintayin ka nalang namin sa baba para sabay na tayong mag-almusal."

"Okay mom,"

Sagot ko sa kanya, at pumasok ng banyo dinig ko rin ang pagsara niya ng pinto. Habang naliligo ako ay naalala ko ang mukha noong lalaki kahapon. Tandang-tanda ko pa ang kabuuan niya, subalit ang ipinagtataka ko ay kung paano niya ako titigan ibang-iba ang tingin niya sa akin, kaysa kay Shrice. Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko, bago ko isinara ang shower at lumabas na ng banyo. Nagbihis na ako at mabilis na pinatuyo ang buhok ko gamit ang blower, tsaka bumaba para kumain, tahimik lang kaming kumain at nang matapos ay nagpaalam na kami sa mga magulang namin.

"Nagkausap na kayo ni Shantelle?"

Tanong ni Kuya habang sa gitna ng byahe.

"Not really."

"She might be like that for now pero naiintindihan ko siya, nag-aalala kami ng Ate Shannon mo para sa inyo."

Nilingon ko siya noong sinabi niya iyon, imbes na kay Shrice ang usapan namin ay nabaling ito sa kanya.

"So, what's the score brother?"

"What do you mean, Yuki?"

"Now you're using that name now."

"You know that our parents are against with that Rih, kahit sa inyo ni Shantelle ayaw niyang makipagkaibigan tayo sa kanila."

"Is that against the law of love? Fighting for your right? Brother?"

Natahimik siya saglit bago sumagot.

"Hindi ganon kadali iyon Rih,"

"Or, maybe against the law of Yakuza."

Bigla siyang napakabig sa preno at masama akong tiningnan.

"Yuki!"

Ma-autoridad niyang wika, iyon ang totoong dahilan kung bakit kami umiiwas sa kanila. Iniiwasan namin ang mga Rivera, dahil sa sandaling malaman iyon ng Lolo namin ay maari nila itong ikapahamak.

"Dahil iyon ang totoo, you're a grandson of the greatest Yakuza brother, Akimori Harabi."

"Stop it now Yuki!"

"I won't brother, hindi matatapos ang gulong ito dahil sa galit ng nakaraan. Walang kasalanan si Shantelle, nadala lang siya sa galit niya."

"Hindi rin natin mapipigilan ang galit ng mga nakakatanda sa atin Yuki, hindi natin sila katulad."

"Then, you're gonna risk your feelings just to save your girl brother?"

"Yes, like how you risk your life saving a useless person and protecting your friend."

Ako naman ang natahimik ngayon sa sinabi niya, muli niyang pinaandar ang sasakyan at minaneho papunta sa eskwelahan. Noong makarating kami sa school ay nauna siyang lumabas ng sasakyan, nasira ko ata ang araw niya. Paglabas ko ng sasakyan ay agad niyang ni-lock iyon at iniwan ako. Now, he's really mad. Sinundan ko lang siya ng tingin, hanggang sa may narinig akong ingay na namumula sa labas ng gate. Napatingin ako sa papalapit na sasakyan at pinagmasdan ang nakasakay doon. May mga estudyante din ang nasa parking lot, karamihan ay mga kababaihan. Tinanggal ng taong iyon ang kanyang helmet kasabay ang pagtili ng nga babae, maliban sa akin. Nakita kong isinabit ng taong iyon ang kanyang bag sa balikat at nilingon ang direksyon ko. Humakbang ito papalapit sa akin habang nakangiti, subalit bago niya pa ako marating ay may lalaking lumapit sa akin at sinuntok ang mukha ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo, kaya napaatras ako muntik pa akong matumba mabuti nalang at may sumalo sa akin.

"YUKI RIHYA CORTEZ! I SURELY REMEMBER THAT BITCH!"

Tiningnan ko ang taong iyon, malabo man ay nasisiguro kong kilala ko siya, siya lang naman ang lalaki sa clinic kahapon.

"What the heck are you doing Gellmar!"

Sigaw ng lalaking kasama ko, inalalayan ako nitong tumayo.

"What on earth are you doing Sebastian!"

Sagot naman nito, di ko inaasahan na ang taong itinulak ako kahapon ay tutulungan ako ngayon.