Chereads / The Revenge Of My Boyfriend / Chapter 22 - Chapter 21

Chapter 22 - Chapter 21

Masaya ang mag asawa sa mga nagdaang buwan. Sa kabila ng masasayang pagsasam ay nagsimula na ang mga problema na dumating sa mag asawaa.

Napadalas ang pagiging late ni Tyler sa pag uwi at kung paminsan minsan naman ay nag mamadali naman ito umalis. Dahil don ay nag susupetsiya si Triana kung saan nga ba nagpupunta ang kanyang asawa at bakit bigla nagbago ang kinikilos ng kanyang asawa.

Habang si Tyler naman ay naging sobrang busy sa kanyang anak kay Vanessa at sa kanyang trabaho, nakalimutan na nito na paglaanan ng oras ang kanyang asawa.

Pero sa tuwing uuwi ito ay naaabutan nalang niya ito na tulog na, kapag naman humarap siya kay Triana ay tatalikod ito sa kanya.

Dahil don na dismaya si Tyler dahil sa hindi na nagkakaunawaan silang mag asawa.

Lalong nagalit si Triana kay Tyler, nang mangako ito na sasamahan siya sa kanyang check up dahil sa 5months na ang kanyang baby. Atat pa naman ang babae na sabay nilang malaman ang gender ni babay.

Naalala ni Triana ang kanyang sarili kanina sa hospital ng siya lang magisa. "Hi Mrs. Callistar, ikaw lang ngayon? Gender reveal pa naman natin ngayon, asan si daddy? Ngumiti nalang si Triana at agad naman ng gets ng doctor ang nais ni Triana.

Since napagkasunduan nalang nila na I announce nalang ang gender ni baby no need na ng celebration.

Nang makaalis na si Triana sa hospital gusto nito umiyak dahil sa hindi man lang ito sinamahan ng kanyang asawa sa check up niya.

Nang makauwi ito nakita niya ang kanyang asawa, na mukhang kakauwi palang. " I-im sorry love, ngayon lang ako nakauwi." Pag hingi ng sorry nito sa kanya. Galit si Triana dahil alam niya na parehas silang excited sa gender reveal ni baby.

Hindi nalang pinansin ni Triana ang kanyang asawa, dahil ayaw nito mainis, at baka ma stress lamang siya dito.

Padabog na nilagay ni Triana ang papel na naglalaman kung anong gender ng baby. " Oh! yan tignan mo ng malaman mo naman ano gender ni baby." Hindi matago ng babae ang kanyang inis at galit sa kanyang asawa, kaya nagdabog nalang ito sa kanya.

" I-im sorry talaga love, busy lang sa work" pag hingi ng paumanhin nito sa kanya. " Alam mo Tyler, bakit pa nga ba ako umasa na magbabago ka?" Tanong nito sa kanyang asawa.

Bigla naman natahimik si Tyler, sa sinabi ng kanyang asawa.

"Noong mag gf and bf naman tayo ganyan kana, you have so many reasons, pero alam mo ang nakakainis lagi ako umaasa sa wala" Hindi na nakatiis si Triana, at bumagsak na ang kanyang mga luha.

" Lagi ko iniisip na baka sa future ng baby namin kaya sobrang busy, pero hindi na normal to Tyler, lagi lang late umuwi, minsan nagmamadali kahit wala naman emergency meeting sa company niyo, akala mo diko alam?" Pagak na tawa ng babae sa kanyang asawa.

" You know, I regret na nag pakasal ako sayo, alam mo kung bakit? sa ilang buwan na tayong kasal, pero parang wala kang balak I open yung sa church wedding na plano natin noon. Ano Tyler part parin ba to ng revenge mo????" Hindi na mapigilan ng babae ang kanyang emosiyon, tila nakalimutan nito na buntis nga pala siya.

" Please, love calm down baka ma stress ka." Pagpapaalam nito sa kanya. " Kung ma stress man ako kasalanan mo yun."

" May balak naman ako love na mag Church wedding tayo, huwag mo sabihin please na nagsisi ka na nag pakasal sakin." Pag aalo nito sa kanyang asawa.

Sa sobrang galit ng babae ay umalis nalang ito sa harap ng kanyang asawa, dahil walang kwenta kung makikipag talo pa siya dito at walang pakikitunguhan ang kanilang pagtatalo.

" Sa guess room ka matulog." Dahil don ay napa singhap nlang si Tyler, Hindi nito gusto na mag pumilit pa, lalo na pregnant so Triana. At nung huling sama niya dito ay nabanggit ng doctor na sensitive ang babae sa unang niyang pregnancy.

Yun ang kinakatakot ni Tyler, dahil baka duguin ang asawa sa sobrang pagtatalo nila. Bagsak ang balikat ng lalaki na tumungo sa guess upang doon matulog.

Hindi niya alam paano ito aayusin, nangako kasi ito na sasama

ito kapag 5 months na ang tiyan nito. Hindi naka sama si Tyler dahil sa inasikaso nito si Vanessa. Panay ang sakit daw ng tiyan nito kaya tumungo ito doon. Walang choice si Tyler kundi ang puntahan ang babae. Akala kasi nito malala ang pananakit ng tiyan ng babae.

Nang gabi na yon ay di makatulog ang lalaki sa kakaisip na, mukhang nag iisip na ng iba si Triana. Hindi niya kaya ma mawala ang asawa niya at anak niya kung nagkataon na maisipan ni Triana na Iwan siya nito.

Kinaumagahan ay Nakita niya na kumakain na ng umagahan ang kanyang asawa. Tahimik ito at walang imik, hindi sanay ang lalaki na hindi siya nito kinikibo.

"Good morning love,." Hahalik sana sa pisnge ng umilag ang babae, " kumain kana, mauna nako pupunta ako sa bahay," walang emosiyon na sabi ng babae sa kanya.

"Kung tatanungin mo, di ako uuwi doon muna ako, para makasama ang daddy." Alam no Tyler na gusto lamang siya nito iwasan.

" Please, love magusap naman tayo." Pagmamakaawa nito.

"Alam mo Tyler Sana hindi tama ang kutob ko na may babae ka."

Dahil don ay parang naging malamig ang katawan ni Tyler, mukhang tama siya nag susupetsiya na si Triana sa kanya. Sa ngayon palang parang alam na ni Tyler ang magiging desisyon nito pag nalaman ng kanyang asawa ang pag tatago niya kay Vanessa, plus buntis pa ito.

Wala na nagawa ang lalaki kundi, payagan niya ito na doon muna matulog sa bahay ng daddy nito. Gusto man pigilan ni Tyler ang babae ay wala itong magawa dahil desidido na ito.

" I will call you." Pag papaalala nito kay Triana. Tanging tango lang ang sagot sa kanya ng asawa niya.

Habang nasa biyahe naman si Triana hindi nito akalain na, puputok na parang bulkan ang kanyang sarili kagabi dahil sa pagtatalo nito. Masama ang loob ni Triana dahil sa puro lamang pangako at reason si Tyler.

Na parang walang balak na pakasalan ito sa church, naisip ng babae na once na humupa na ang kanyang nararadama na galit ay susundan niya ng patago kung saan ba nagpupunta si Tyler.

Wala na siyang pake kung masaktan man siya sa kanyang malalaman ang mahalaga, hindi masayang ang oras at pagod nito sa walang kwentang lalaki.

Kung nag checheat man ito hanggang ngayon ay ibang level na yun. Kung noon nasabi ko na patatawarin ko ito. Ngayon ubos na ang pasensiya ko.

Dahil ang nasa isip ng babae ay..

once na nag cheat ka you don't deserve a second chance, why? First choice mo yun, bakit mo gagawin kung ayaw mo naman pala iwan ka ng mahal mo? At hindi ka naman bobo para hindi mo malaman ang salitang MALI!

Isa sa toxic mindset ng mga cheater.

" pwede naman mag start tayo uli, kalimutan na natin yun past na yun!"

Like wow? Really you gave me a trauma tas sasabihin nila past? Kalimutan?

Kung sila madali kalimutan, pero yung trauma hindi madaling kalimutan. Tsaka unang una kung matino kang tao hindi mo gagawin ang alam mo na mali.

Hindi na muna iniisip ni Triana so Tyler dahil baka ma stress lamang siya dito, kung di siya kakalma.

Habang si Tyler ay hindi na alam ang gagawin, dahil nagsisimula na hindi sila mag kaintindihan silang mag asawa. Nag sisi ito bakit nga ba niya iyon nagawa noo. Ngayon sobra ang pagsisi nito.

Dahil sa nangyari noon, kailangan niya panindigan ang responsibilidad niya sa magiging anak nito kay Vanessa. Hindi man niya gusto si Vanessa, Isa lang ang nais nito ang makuha ang anak niya sa babae, at subukang pakilala kay Triana.

At lalong nagtaka ito si Tyler kung bakit ganon nalang ang bilis ng pag payag ni Vanessa na lumayo muna siya at itago. May pinagtataguan ba itong tao? Kung meron sino? At bakit?

Tila Isang palaispan ang bilis ng pag payag ng babae sa plano niya. Trap ba ito?

Baddie_Cutie8