Chereads / The Revenge Of My Boyfriend / Chapter 24 - Chapter 23

Chapter 24 - Chapter 23

Nasaktan si Tyler sa kanyang naabutan, pero wala siyang magawa dahil baka sa ngayon masaya ang asawa niya na kausap si Atlas, ayaw naman niya pilitin na pauwiin ang asawa dahil baka ma stress lamang ito. Dahil sa selos na nadama ni Tyler naisip niya paano naman ako?

Ni hindi man lang siya tinawagan ng asawa. Ganon ba kalalim ang kasalanan niya? Dahil sa kung ano-ano ang iniisip ni Tyler. Ay napa dami ang inom nito buong araw puro alak ang inaatupag.

Habang si Triana ay masaya na kausap ang kaibigan. " Ano balak mo na sa ngayon, di mo pala mahanap ang babae na tinutuloy mo?" Pagtatanong nito kay Atlas. " Baka hire nalang ako ng tao na mag hahanap sa kanya. Gusto ko malaman maayos ba ang baby ko." Tango ang naging sagot ni Triana sa sinabi ng kanyang kaibigan. " Good luck sa pag hahanap, mag tiwala ka lilitaw din yun."

" Alis nako Triana, ilang oras na pala ako dito." Natatawang ani nito dahil sa di nila napansin ang oras. " Hindi ba galit Yung asawa mo? Mukhang nag selos ang loko." Naisip naman ni Triana na baka nga nag selos yun.

" Hayaan mo yun, ngayong kasal na kami mag seselos paba yun?" Natatawang pag bibigay esplanasiyon ng babae. " Sige na umuwi kana baka hanapin ka ng mom mo, natatawang pang aasar niya kay Atlas.

Nang makaalis na si Atlas ay siyang pagdating naman ng ama ni Triana. " Oh? Iha andito ka?" Gulat na tanong ng kanyang daddy sa kanya. " May di lang po, pag kakaunawaang mag asawa daddy. " Naka ngiting ani niya sa kanyang daddy. " Ah.. ganon ba? Maayos din niyo niyan magusap lang ng masinsian."

"Sakto miss ko na din ang only baby ko" paglalambing ng kanyang daddy. " Daddy naman baby paden, magkakaron nako ng baby oh?" Pag turo niya sa kanyang malaking tiyan.

" Malaki na pala ang iyong tiyan, malapit naba lumabas ang apo ko?" Masayang ani ng ama niya. " Opo daddy malapit na din to, mabilis lang lilipas ang araw." Masayang nag uusap ang mag ama, dahil narin sa ilang araw din hindi naka dalaw si Triana sa kanyang daddy.

Simula ng makita ni Tyler na magkayap si Triana at Atlas ay nag paka lunod ito sa alak. Dahil sa lagi itong lasing ay tinawagan ng manang si Triana dahil sa napapadalas na pag inom ng lalaki.

" Mam Triana si sir lagi pong lasing at inom ng inom ng alak." Pag susumbong ni manang sakin. Dahil don ay nag alala ang babae sa kanyang asawa, dahil siguro dinamdam nito ang nakita.

Naisipan ni Triana na tawagan si Tyler. Ilang minuto lang ay sumagot ang kanyang asawa. " Ano ba!! Vanessa tigilan moko pwede ba?" Dahil sa narinig ni Triana ay saglit itong napa tigil.

Bakit nabanggit ni Tyler ang pangalan ng babae, gayong matagal na itong nawala? Niloloko parin ba ako ni Tyler? No! He can't.

Nag kunwaring di narinig ni Triana ang kanyang asawa. " H-hi narinig ko puro alak ka daw?" Biglang nawala ang tama ni Tyler ng ma-realize niya na asawa niya pala ang tumawag.

"I-im.. sorry please umuwi kana?? Di ako sanay na wala ka dito."

Gustong umiyak ni Triana dahil sa akala mo walang sinabing iba si Tyler kanina lamang. Si Vanessa padin ba? Pag iisip ni Triana.

" Hanggat di ka umaayos Tyler di ako uuwi diyan."

Dahil don ay parang nawalan ng pag asa na umuwi ang kanyang asawa. " I promise magbabago nako, umuwi kana.." agad naman na pinatayan ng telepono ni Triana si Tyler.

Buong araw tulala at iniisip ni Triana na, nagloloko padin ba Ang lalaki sa kanya? Ngayong buntis na ito magloloko padin ba ito? Muling bumabalik sa isipan ni Triana ang ginawa noon ni Tyler tuwing tumatawag ito na may kasamang iba.

Part parin ba to ng revenge niya?? Dahil sa ayaw ni Triana na masaktan muna dahil sa asawa niya ay nanatili ng matagal si Triana sa mansion nila.

Halos araw araw pumupunta ang asawa niya para I check siya. Ngutnit matigas ang babae Hindi siya nito binababa ng room, nakikinig lamang si Triana sa tuwing nakikiusap ito sa manang.

"Please... Manang paki sabi naman po sa asawa ko andito ako." Agad naman na kumatok ang Manag sa kwarto niya. " Iha andito asawa mo babaan mo naman." Pag papakausap ng matanda. " Paki sabi po umuwi na po siya."

Narinig ni Tyler ang sinabi ng kanyang asawa,bagsak ang balikat nito na umalis nalang dahil ayaw din naman niya mag pumilit na lumabas ito.

" Hayaan niyo na po, aalis nalang po ako maraming salamat po." Malungkot na umalis ang asawa no Triana. Gusto man labasan ni Triana ang kanyang asawa ay nasasaktan naman ang babae sa tuwing nakikita nito ang mukha, dahil iniisip ng babae na baka nagloloko pa si Tyler sa kanya.

2months ang makalipas..

7months na ang tiyan ni Triana, halos iwasan lagi ni Triana ang kanyang asawa. Hindi sila nagkakaayos sa tuwing naguusap. Dahil sa nagtatalo padin sila. Malakas ang kutob ni Triana na si Tyler ay nagloloko parin hanggang ngayon.

Sa mga check up ng baby ni Triana ay laging kasama nito ay si Atlas. One time napagkamalan na asawa niya ito, Kapwa natawa ang dalawa dahil sa napagkamalan sila. Masaya si Triana kapag ang kasama niya ay si Atlas.

Habang kapag si Tyler, puro pag dududa na ang nasa isip ng babae.

Araw ng check up ngayon ng baby ni Triana. At tulad nga ng pangako ni Atlas ay tumupad ito sa pangako na sasamahan siya nito lagi.

" Tara na?" Pag aanya ni Atlas kay Triana na sumakay ng kotse. Habang si Tyler naka tanaw sa malayo, tinitigan ang asawa na naka ngiti sa piling ng iba.

Naisip ni Tyler na mangyayari din ba sa kanila, ang nangyari sa mga magulang nila noon? Dahil don nagkaroon ng pag ka bahala si Tyler.

Nang makarating naman sina Atlas at Triana sa hospital ay masayang ang dalawa dahil ilang buwan nalang manganganak na ito.

Masaya si Triana na laging nasa tabi niya ang kaibigan, naisip naman ni Triana wala na atang pag asa si Tyler, dahil kung gusto nito mag kaayos o maka lapit man lang sakin sa makalipas na ilang buwan ay gagawa ito ng paraan.

Dahil tuwing pinapaalis niya ito, ay wala man lang ginagawa. parang susuko na din sa kanya si Tyler. Nalulungkot naman si Triana sa pinagdadaanan nilang mag asawa. Dahil umabot ng ilang buwan ang tampuhan at puno ng pag dududa sa asawa.

Ayon sa manag ganon padin ang asawa niya laging late umuuwi, at laging nagmamadali. Sa isip ng babae hindi padin pala nag bago.

Halos napadalas naman ang pag dalaw ni Tyler kay Vanessa, naisip ng lalaki tutal hindi ito makalapit sa asawa. Naisip niya na alagaan si Vanessa. Dahil sa kabuwanan na nito.

Habang busy sa pag aalaga si Tyler kay Vanessa, tila nakalimutan nito na may asawa pa ito. Na focus si Tyler sa pagbabantay nito kay Vanessa dahil sa napapadalas na pag sakit ng tiyan nito.

Kinabukasan ng gabi ng biglang sumigaw sa sakit si Vanessa.

" Ahh... T-tyler manganganak na ata ako!!!" Dahil don ay agad na binuhat ni Tyler si Vanessa at dinala sa hospital.

Tila kinabahan sa labas si Tyler dahil baka mapano ang baby paglabas.

Ilang oras ay tinawag naman ng doctor si Tyler. " Sino po ang asawa ng patient?" Tanong ng doktora.

" Ako po doc." Kinakabahan na ani ni Tyler.

"Don't worry daddy, safe na deliver si baby mo" dahil don nawala ang kaba ng lalaki. " T-thank you doc" nakangiting ani ni Tyler.

Agad na pumunta si Tyler kung nasaan naka room si Vanessa. Nakita ni Tyler ang baby, Puno ng luha ang mata ni Tyler dahil sa tuwa.

"Anong gusto mong name ng baby natin?" Tanong ni Vanessa kay Tyler.

"Adan Eziel Callistar yan ang pangalan ni baby." Tulalang ani ni Tyler sa baby na tila manghang-mangha ito sa baby.

Tumango nalang si Vanessa bilang pag sangayon sa gusto ni Tyler.

Sa ilang minuto na titig na titig si Tyler sa baby ay di niya napansin na ang daming missed calls from Atlas.

" Hey! Its me kailangan ka ng asawa mo." Maraming missed called at message from Atlas. Agad naman bumalik ang kaba ni Tyler dahil baka ang asawa naman niya mapahamak.

" Nasan kaba?? Dinugo ang asawa mo!!" Dahil don ay parang sasabog ang puso ni Tyler sa message ni Atlas.

Baddie_Cutie8