Chereads / The Revenge Of My Boyfriend / Chapter 27 - Chapter 26

Chapter 27 - Chapter 26

Sa ilang taong pamamalagi namin sa US ay naging masaya naman ako dahil lumalaking maayos ang anak ko,at masayahin. Ang hindi ko lang alam ay paano kapag naghanap na ang anak ko ng ama? Anong isasagot ko?

Natatakot si Triana na baka pag dumating na ang panahon na yun ay mahirapan ito sa pag explain sa bata.

Kahit nasa US, si Triana ay nag trabaho padin ito. Upang magkaroon ng kahit papano na gagamitin si Triana. Hindi kasi biro ang gastusin si US. Kaya kahit binibigyan siya ng daddy niya ay nag trabaho padin ito. Ayaw naman niya na umasa lagi sa ama niya.

Ngayong araw ay may nag email sa kanya for interview sa company. Kinakabahan ang babae dahil ayon sa mga nabasa niya ay malaking company daw iyon dito sa US.

Nag mamadali ng mag ayos si Triana upang tumungo sa kanyang interview. Hindi mapakali si Triana dahil iniisip niya. "Pano kapag di ako natanggap? Baka di ako mukhang presentable."

Handa na nang lumapit ito kay Ate Belen upang mag paalam na aalis na. " Mauna na po ako Ate, paki bantayan po si baby Stella." Nakangiting sabi ni Triana.

" May job interview po kasi ako ngayon, if may need po kayo free po na tawagan ako." Pagpapaalala nito sa Ate.

Mabuti nalang at magaan ang loob ni Triana sa babysitter niya na si ate Belen. Dahil kung hindi mahihirapan ito na Iwan ang anak.

" Aalis na ang mommy, huwag mo pahirapan ang Ate Belen ah.." pag lalambing niya sa anak.

Mahing tumatawag naman ang anak nito. Marahil natutuwa sa kanya.

"Aalis na po ako Ate, huwag po mag papasok ng hindi kakilala. Mas better po na tanungin niyo po ako, para sure." Tumango ang Ate upang ipaalam na naiinitindihan nito ang bilin ni Triana.

Nang maka alis na si Triana ay nag mamadali naman ito sumakay sa kanyang kotse. Hindi niya napansin na napatagal pala ito sa kanyang bahay.

Na traffic pa so Triana. Lalong kinabahan ang babae dahil gustong-gusto talaga niya makapasok sa company na yun. Dapat Hindi ako mahuli sa isip ni Triana.

Nang makarating sa company na pupuntahan ni Triana ay agad itong nag park ng kotse niya. Nagmamadaling tumungo sa desk upang mag tanong.

"Hi! I'm Triana Reyes, I have interview schedul today." Sandaling chineck ng babae kung mayroon ngang schedule na interview si Triana.

"Ahm.. you have a schedule for today for interview. and you can go to the fourth floor first door for you interview." Naka ngiting saad ng babae kay Triana. Agad naman nag elevator si Triana.

Habang naglalakad si Triana patungo sa fourth floor ay kinakabahan ito sa kanyang interview. "Mabait kaya ang magiging boss ko??"

Kumatok si Triana ng tatlong beses. Nang biglang nagsalita ang tao sa loob. "Come in." Dahil sa boses ng lalaki ay parang nabosesan ito ni Triana.

Kinakabahan si Triana habang lumalapit sa table ng magiging boss niya. Nang malapit na si Triana ay siyang pag harap naman ng lalaki. Tila nakakita ng multo si Triana ng makita niya kung sino iyon.

"What??" Bulong ni Triana. Gustong umatras ni Triana na makumpitma niya na si Tyler ang nasa harap niya. "Hi Mr. Reyes. Ohh.. wait should I call you Mrs. Callistar?" Sarcastic na sabi ni Tyler.

" Ang tagal kong hinanap ka, nag hire pa ako ng taong hahanap sayo. Dito lang pala kita mahahanap." Habang nagsasalita ang lalaki ay natulala ang babae.

Nag bago ang itsura ng lalaki mas naging matured ito kesa noon. Mas maging maskulado ang katawan.

" I think nag ka mali ako ng pinuntahan." Pag papalusot ni Triana. "No, you don't." Pag pipigil ni Tyler.

"Gusto ko lang makita ang anak ko Triana. Kahit yun lang." Nakatitig na ani ni Tyler kay Triana. Hindi alam ni Triana ang sasabihin. Dapat ba niyang ipakilala na ang ama ng baby niya.

" Pwede ba Tyler tigilan mo na kami?" Pag mamaka-awang ani ni Triana sa asawa.

" Hindi kita lulubayan hanggat di mo man lang pinapakita ang anak ko sakin." Pag lalaban ni Tyler kay Triana.

"Dahil kung hindi mo gagawin ang gusto ko, magkikita tayo sa Korte. Kukunin ko ang full custody ng bata." Pag babanta ni Tyler kay Triana.

"Hindi mo pwedeng gawin yun. Dahil ayon sa batas kapag ang bata ay wala pang 7yrs old ito ay dapat nasa pangagalaga ng Ina." Pag lalaban din ni Triana.

Kapwa nag lalaban ng tinginan ang dalawa. Tila walang gustong mag patalo.

"Okay, please Triana gusto ko lang makita ang anak ko . Huwag mo naman pag kait sakin yun." Pag mamaka-awa ni Tyler sa asawa.

Hindi rin natiis ni Triana. At pumayag din ito na ipakilala sa anak. " Papayag ako pero dapat nasa akin ang bata. Kung gusto mo makasama ang bata kailangan ipaalam mo sakin."

Ayaw din naman ipagkait ni Triana sa anak niya ang ama nito. Kaya pumayag ang babae.

"Tomorrow, mag text ako sayo of ready na, then you can go na samin, by the way eto number ko." Tuwang-tuwa ang lalaki dahil sa loob ng 5 year na pag tatago ng asawa ay nakita na niya uli ang asawa.

" Okay I will. And ano nga pala ang gusto ng baby natin?" Excited na tanong ni Tyler sa kanya. Naawa si Triana dahil sa pinagkainan ito ay ni hindi man lang alam kung anong ayaw ng anak, ano ang favorite nito.

" Mahilig sa barbie si Stella. And mahilig din siya sa mga Sweets lalo na kapag ang cupcakes ay kulay pink, favorite color niya kasi." Tumatango si Tyler sa mga sinasabi ni Triana.

Tila akala mo nasa meeting si Tyler at kailangan mag take down notes.at tahimik itong nakikinig sa aking sinasabi tungkol sa anak namin.

Dahil don ay pinigilan ni Triana na maawa dito. Dahil naalala padin nito ang ginawa nito. Even na di pa niya ito nahuli ito ng akto na may babae, pero malakas ang kutob ni Triana.

Dahil nadin sa malaki ang binago nito noon. Kaya naniwala sa kutob si Triana.

" I'm going na. Baka hanapin nako ni Stella iiyak yun for sure." Nag isip talaga ng reason si Triana upang makaalis na din agad. Hindi niya kayang dalawa lang sila sa isang silid.

Sa isip ni Triana baka may mangyaring hindi dapat. Dahil sa isipang yun ay natawa nalang si Triana.

Nang makauwi na si Triana ay nakita niya agad ang anak na naglalaro. " Hi baby Stella." Nang marinig ng anak ang kanyang boses ay tuwang-tuwa ito agad na yumakap sa leeg niya.

Gandang ganda si Triana sa kanyang anak. Hindi mapagkakaila na Isang Callistar ito. Parang girl version ni Tyler ang anak.

Kahit medyo bata pa ang anak ni Triana ay nakakaintindi na ito kahit papano ng ilang salita. Matalino ang anak kahit bata pa siguro kung ipapasok na ito mas lalong tatalino ang anak, dahil mabilis makaunawa.

Kinausap ni Triana ang anak. Pinaupo niya ito. Nakakapag salita na ang anak nito minsan bulol nga lang sa ibang words.

"Baby Stella, do you want to meet your daddy?" Pag tatanong ni Triana sa anak.

Agad tumango ang anak sa tuwa. "Yesh poo.. mommy" sagot ng kanyang anak. Naisip ni Triana ay mukhang mapapalit ang anak sa ama nito. Dahil excited agad itong ma meet ang ama.

"Kaelan po mommy, tomorrow po baa? Tumango nalang si Triana. Dahil tiyak na mag dadaldal ito ng sobra.

"Kaya dapat mag sleep ka ng maaga. Bukas andito si daddy mo." Tuwang-tuwa naman ang anak.

"Opo mommy, dapat po mabait ako sa dada ko." At hindi nga nag kamali si Triana dahil nag sisimula na ito mag daldal.

" Opo, dapat bait ka sa dada mo." Pag papaliwanag ni Triana sa anak.

Kahit na hindi sila okay ng asawa ay, never nag sabi ng ikasisira ni Tyler si Triana sa kanyang asawa.

Hanggang sa pag tulog nila ay panay ang tanong ng bata sa kanya. Pogi ba daw ang dada niya. Sasagot sana si Triana ng " oo anak, ang pogi non at ang hot pa ng dada mo." Mabuti nalang at Hindi iyon nasabi ni Triana sa anak.

At akala naman ni Triana makakahanap ito ng bagong trabaho. Ang asawa lang pala ang mahahanap. At itong anak ko naman babanggitin ko palang ang salitang daddy parang sasama na agad sa ama niya. Gandang naman ng araw ko ngayon.

Enjoy reading.. :)))

Baddie_Cutie8