Chereads / The Revenge Of My Boyfriend / Chapter 28 - Chapter 27

Chapter 28 - Chapter 27

Dahil sa sobrang excited ng anak ni Triana ay maaga ito nagising. Inaabangan niya ang pag dating ni Tyler, sabik ang bata na ma meet ang kanyang ama.

"Mommy, where na po ang dada ko?" Pagtatanong ng anak sa kanya. " Baby excited ka naman, mamaya pa siguro yun early pa masiyado baby." Natatawang sagot nito sa anak, napaka cute kasi nito mag tanong.

Habang nasa kusina si Triana ay may biglang nag doorbell. Papunta palang si Triana sa pinto inunahan na agad pala ito ng anak.

Dumating na pala si Tyler. Maraming bibet na kung ano-ano, hindi rin nito nakalimutan na mag dala ng bulaklak.

Agad naman sinalubong ni Triana si Tyler. " Pasok ka, eto nga pala ang anak ko si Stella Avery Reyes" pag papakilala nito sa asawa.

" Anak ko din si Stella." Nakatitig na ani ni Tyler. Dahil don saglit na napatigil si Triana. Naisip ni Triana, sabagay anak nga pala namin yun. Di naman ako mag isa gumawa non.

"Hi to your dada, Stella." Ang bata naman ay naka titig din sa ama. Manghang-mangha ito dahil sa kamukha niya ang kanyang dada. " Nga pala dada ang tawag niya sayo,"

Tumango na lang si Tyler dahil, Hindi niya alam ang sasabihin ngayong nasa harap niya ang anak na matagal niyang hindi Nakita.

"Hi I'm your dada Tyler." Pagpapakilala nito sa anak.

"I'm glad to meet you po. Papakilala din po kita sa Isa ko pa pong daddy." Dahil sa huling sinabi ng anak ay saglit napa hinto si Tyler.

Nagulat ito dahil nakakasama pala ni Atlas ang anak. Habang siya Hindi niya nakita ng ilang taon. Ngumiti nalang si Tyler upang hindi pahalata na nasaktan ang lalaki.

Matagal na tinanggap ni Tyler na baka karma niya ang mga nangyari sa kanya. Dahil sa Hindi pag sabi ng totoo sa asawa tungkol kay Vanessa.

Habang si Atlas ay never na inopen ang topic sa babaeng dapat papakasalan niya. Masakit sa lalaki na pinagkaitan ito ng tadhana na maging ama. Hindi narin naman siya pinilit ni Triana na ipakilala, dahil alam ng babae na nasaktan ang kaibigan.

Nag-paka daddy nalang si Atlas sa anak ni Triana. Paminsan minsan naman ay dumadalaw ito sa mag ina upang kamustahin, mabuti nalang hindi siya nasusundan noon ni Tyler. At sa tuwing dadating si Atlas ay excited ang anak ni Triana.

Dahil don naisip ni Atlas na ganito din ba ang pakiramdam na may bata na sasalubong sayo. Naiisip palang ni Atlas ay natutuwa na siya.

Ilang beses nag try si Atlas na hanapin si Vanessa, ngunit di talaga ito nag pakita pa muli. Nag sisi si Atlas na pinadudahan niya ang babae. Huli na nang malaman niya na kanya nga ang bata.

Umiiyak non ng nag usap sila ni Vanessa. " A-atlas, I'm pregnant.." noong una tinawanan lamang yun ni Atlas, dahil nga sa bar niya lamang ito nakilala, Malay ba ni Atlas na baka hindi kanya ang bata. Paano kapag may naka talik ito bago siya??

Ayon ang nasa isip ni Atlas that time.

" Baka nag kakamali ka lang V-vanessa. Baka may nauna pa sakin bago ako?" Dahil don sa sinabi ni Atlas ay sinampal niya ito.

Ilang beses nag pumilit padin noon si Vanessa, umabot sa point na arrange pa silang dalawa. Pero pilit naman iyon tinatanggihan ni Atlas na kanya ang bata. Siguro hindi na natiis ni Vanessa kaya nawala ito bigla.

Simula ng pagtabuyan niya ang babae ay nawala ito na parang bula. Tuwing naiisip niya yun pakiramdam niya ay parang gusto nalang niya mawala.

Habang si Tyler naman ay tila takot buhatin ang anak. " Huwag ka kabahan na buhatin si Stella. Hindi yan iiyak kagabi pa yan excited sayo." Umalis nalang si Triana. Dahil naramdaman niyang nahihiya siguro ang asawa sa kanya.

Bumalik na lamang si Triana sa kanyang ginagawa. Habang busy si Triana sa kanyang ginagawa ay nasilip niyang naka kandong ang anak niya Kay Tyler.

Masaya ang anak siguro nakuha niya agad na ito ang totoong ama niya. Obvious naman kasi kamukha niya ang daddy niya.

Hindi din mawala sa isipan ni Triana ang bulaklak na dala ni Tyler para sa kanya. Hanggang ngayon alam padin nito na ang favorite flower.

Habang nag aasikaso si Triana ay naisip niyang dapat bang pag bigyan niya ang asawa muli. Ayaw niyang maguluhan ang anak habang lumalaki. Bakit hindi nag sasama ang magulang niya.

Ayaw niyang maging ganon. Sa isip ng babae aantayin niyang I open ni Tyler ang ganong usapan. Kung paanong set up ba ang gagawin.

Dahil na busy na si Triana ay, hindi niya napansin na lumapit pala ang asawa. Nanonood ito sa ginawa niya. " Oh? May kailangan ka?" Tanong nito kay Tyler.

Ngumiti lamang ang lalaki. " Ikaw ang kailangan ko Triana, ang tagal mong nawala hindi mo man lang ako pinag bigyan na maka pag explain." Nakatitig nitong ani kay Triana.

" Alam mo naman siguro kaya ako nawala? Paulit ulit kitang tinatanong may iba ba? Pero lagi mong sagot wala. Habang buntis ako lagi moko binibigyan ng iisipin, bakit madalas ka gabi umuwi?" Walang emosiyon na sabi ni Triana.

" Matatanggap ko naman kung sasabihin mo, pero yung ponagmukha mokong tanga. Diko na kaya yun Tyler. Kapag mag tatanong ako sa secretary mo may emergency meeting kaba, kasi lagi mong excuse sakin yun. Alam mo lalong nagpasakit? Sagot lagi ng secretary mo Wala naman."

Dahil sa mga sinabi ni Triana ay nagulat ito. Matagal na pala itong may hinala, kung Hindi sana siya inunahan ng kaba. Nasabi niya sana sa asawa ang totoo.

" I know marami akong kasalanan. Pero ngayong nahanap na kitz gusto ko I explain bg sarili ko, diko na kaya Yung guilt sa sarili ko." Malungkot na pag amin ni Tyler.

Dahil don ay tinigil muna ni Triana ang ginagawa niya.

" Tara na, kumain kana ba? Sumabay kana samin. Mamaya na tayo mag usap uli." Pag putol ni Triana sa pinag uusapan nila.

" Baby, Tara na eat ka muna." Nagmamadaling lumapit ang bata, dahil don ay nataranta ang bantay nito dahil sa biglang pag takbo nito.

Nang makaupo na lahat sila ay tanging ang bata lang ang nagsasalita panay ang tanong nito. Naka upo naman si Tyler sa harap ni Triana.

Sinusubuan ni Triana ang bata. At si Tyler naman ay natutuwa na magalang at masunurin itong napalaki ni Triana. Napansin naan ni Triana ang pag titig ni Tyler.

" Gusto mo ikaw mag subo?" Dahil sa tanong ni Triana ay napatanong uli ito. "Huh? Ng alin?" Naguguluhang tanong nito kay Triana.

" Malamang kay Stella. Alangan naman ako subuan mo??" Pag tataray ni Triana. Dahil sa sinabi ni Triana ay natawa naman ang babysitter ni Stella.

Sa isip ni Tyler " oo nga naman, nawala angas ko don ah!"

"Ah yeah sure." Agad na tumabi si Tyler sa tabi ng anak. Upang pakainin ito. Kapag susubuan mo siya dapat laging may sapin, siya makalat kumain yan. Matakaw kasi." Base nga sa nakikita ni Tyler matakaw nga ang anak.

Sobrang natutuwa si Tyler sa kanyang anak. Sa sobrang dmi agad na plano ni Tyler ay gusto niya na agad iuwi ng pilipinas si Stella. Upang ipakilala sa Lola nito tiyak na matutuwa iyon sa anak.

"Pag katapos mo kumain Tyler, mag usap tayo sa garden." Dahil sa sinabi ng asawa ay kinabahan ito. What if Iwan na talaga siya nito.

Pag katapos nila kumain ay nag palit muna ng damit si Triana. Nang matapos ito ay tumungo agad ito sa garden.

" Gusto ko pag usapan ang set up natin." Pag sasalita ni Triana.

" Please.. gusto ko ng buong pamilya Triana para kay Stella." Agad na sabi ni Tyler

Tumango naman si Triana sa kanyang asawa. " Gusto ko din ng buong pamilya Tyler. Kahit masakit ang binigay mo sakin. Sa kabila non ay mahal padin kita, ang unfair." Natatawang ani ni Triana, dahil kahit ilang taon silng nag hiwalay ay mahal padin nito ang lalaki.

" Pero bago ko bigyan ng chance ang family natin. Gusto ko umamin ka sakin, lahat lahat walang kulang dapat Tyler." Saad ni Triana habang nakatingin Kay Tyler sa mata.

" O-okay. Promise me pakinggan mo muna lahat."

" The true reason bakit lagi akong busy kahit walang meeting is, may anak ako kay Vanessa that time na lagi ako umaalis dahil sinasamahan ko siya mag pa check up." Pag kukuwento nito sa asawa.

Dahil don ay tumulo ang luha ni Triana.

" Tinago ko kasi natakot ako na baka Iwan moko. Baka dimo matanggap na may anak ako sa iba." Pag papatuloy na explain ni Tyler.

" Ni hindi mo man lang sinabi sakin. Maiinitindihan ko naman. Alam ko na may anak ka kay Vanessa, Hindi pa ata tayo kasal non."

" Nag kausap na kami noon, nabanggit niya na nabuntis mo siya. Pero I choose na huwag maniwala kasi nawala siya 3 months. Akala ko nag sisinungaling siya non."

Nakatitig na kuwento din ni Triana kay Tyler.

" Masakit pa don Tyler, siya nagawa mong samahan, samantalang ako Hindi." Malungkot at disappointed si Triana kay Tyler.

"Pero, bibigyan ko ng chance ang family na ito Tyler. Huwag mo sana sayangin. And I want to meet your child, and no more secret." Dahil don ay parang nag karoon ng pag asa si Tyler.

" But for now, give me more time." Tumango nalang si Tyler, dahil alam niyang nasaktan ang asawa sa mga inamin niya.

Baddie_Cutie8