Chereads / The Revenge Of My Boyfriend / Chapter 26 - Chapter 25

Chapter 26 - Chapter 25

Nag try na pumunta si Tyler, kung nasaan si Triana ngunit ay pinapaalis lamang siya doon. Binilin ng asawa na kung may magpupumilit na pumasok na ang pangalan ay Tyler Callistar ay huwag papasukin.

Dahil don ay nagalit ang lalaki dahil sa sariling asawa niya ang nag bawal na pumasok siya. " Triana!!! Papasukin mo ako, anak ko din yan." Sumisigaw na ani ni Tyler.

Sandalng napatigil si Triana sa kanyang narinig. Nagulat ito dahil ngayon lang ito muli nag paramdam. Siguro nakita nito ang larawan ng anak.

Agad na pumunta sa labas si Triana. Kaya naman niya na ang kanyang sarili kaya naisipan ng babae na labasin ang lalaki, upang tumigil ito sa pag iiskandalo.

"Ano ba!! Tumigil ka nga nakakahiya ka!" Galit na sabi ni Triana sa asawa. " Hindi ako titigil hanggat diko nakikita ang anak ko. Kahit yun lang Triana." Pag mamakaawa nito sa asawa.

"Baliw kana talaga ano? Matapos mong di magparamdam ng ilang buwan lakas ng loob mo pumunta dito. Grabeng kapal naman ng mukha mo meron ka!!" Hindi mapigilan ng babae ang kanyang nararadaman dahil sa sobrang disappointment nito sa lalaki.

" Alam mo sa tingin ko wala nang pag asa tong relasyon natin." Walang ganang nakatingin ito sa asawa. " Siguro tama nga naisip ko noon na dapat talaga hindi natin tinuloy ito. Ang hirap kasi sayo sa tuwing pinapaalis kita wala kang

Ginagawa man lang para mag ka-ayos tayong dalawa. Pagod nako umasa na magbabago kapa Tyler." Tumutulong luha ni Triana.

" Kaya mo ba nasasabi yan dahil sa g*go mong kaibigan na sulsol?? Ha!!" Galit na sumbat ng asawa. Dahil sa sinabi ng lalaki ay sinampal ito ng asawa, sapat upang bumakat ang sampal sa mukha nito.

Umiiyak na tumingin si Triana sa asawa. " F*ck youu!! Wala kang karapatan na murahin kaibigan ko. Dahil sa inyong dalawa Ikaw ang g*go!!"

"Umalis kana, kung hindi tatawag ako ng pulis kung magpupumilit kapa." Agad na tinawag ni Triana ang guard upang paalisin na ang asawa. Hanggang sa pinalabas na ang asawa ay Nag wawala ito. Sumisigaw ng bitawan siya.

Dahil sa naging sagutan muli nila na isip ni Triana na putulin na Ang ugnayan nila. Tutal wala nang pag-asa ang relationship nila.

Kinabukasan ay umuwi na si Triana sa kanilang mansion. kasama nito ang anak na mahimbing ang tulog. " Anong plano mo iha?" Malungkot na tanong ng ama.

Bumuntong hiniga si Triana, mahirap na desisyon ang kanyang gagawin. " Siguro daddy, mag ibang bansa muna ako. Doon po sa dating bahay natin sa state." Tumango lamang ang ama upang sumangayon sa desisyon ng anak.

" Hindi naba talaga maayos?" Nag babakasakali ang ama niya na baka pwede pa maayos. Dahil mauulit nanaman ang history.

" Hindi na po dad, ilang beses ko na po ako nag try, paulit-ulit lang po." Dahil sa lungkot na nadama ng babae ay yumakap ito a ama.

"Lagi mong tatandaan, kung saan ka masaya doon ako. Piliin mo saan sa tingin mo magiging okay ka." Pag binilin ng ama niya sa kanya.

Naisip ni Triana na ipaalam sa kaibigan ang kanyang plano na mag stay sa state. " Hi? Free ka today?" Sumagot naman agad ang kaibigan. " Oo, bakit?" Pagtatanong ng lalaki.

"May sasabihin lang ako sayo, importante lang." Hindi na sumagot ang lalaki, dahil pumunta agad ito sa bahay nila Triana.

Pag karating agad ni Atlas ay nakita niyang malungkot ang kaibigan. " Andito nako, ano ba sasabihin mo?" Tinitigan muna ni Triana ang kaibigan, sa kanyang isipan mamimiss ko itong lalaki na to.

"I-im going to state." Sandali naman natahimik si Atlas, dahil sa hindi niya agad natanggap ang sinabi ng kaibigan. " Sure na bayan? Pano ang asawa mo? For sure magwawala yun." Pagtatanong ni Atlas.

"Hindi ko din alam, pero ang nasa isip ko lang ngayon ay maging maayos kami ng baby ko." Malungkot na ani nito.

"Mukhang desidido kana, basta pwede ako dalawin ka ah! Gusto ko makita ang baby mo na lumaki." Dahil sa wala na din magawa si Atlas ay hinayaan na lamang niya ang gusto ng kaibigan.

Nag stay muna ng ilang araw sa pilipinas si Triana upang maayos niya ang mga needs nila ng kanyang anak. Busy sa pag aasikaso si Triana ng umiyak ang kanyang anak.

"Shsss.. huwag kana umiyak, may ginawa lang si mommy." Pag papatahan nito sa anak. Sa tuwing binubuhat niya ang bata ay tumitigil ito sa pag iyak.

Hindi maiwan ng babae na malungkot lalo na mukhang, Hindi buong pamilya ang mabibigay niya sa anak niya. " I'm sorry baby, if di complete family tayo." Lumuluhang sabi ng babae.

Hindi ganon ang kanyang pangarap. Dahil kahit bata palang hangad ni Triana na buo ang bubuoin niyang pamilya. Ngunit sa problema na kinaharap nila. Pareho na silang sumuko.

Nang maayos ni Triana ang mga papers na need nila para maka punta ng states. Agad nilang hinanda ang mga dadalhin nila. Mabuti nalang hindi na nanggulo ang lalaking asawa.

Bitbit na nila ang mga gamit ng biglang dumating ang asawa nito na si Tyler. "Mukhang bihis ka?" Nagulat ang babae dahil sa biglang pagsulpot ng asawa. " Pano ka nakapasok dito??" Tanong nito sa asawa. Dahil sa takot ay pinatago muna niya muli ang bitbit nila.

"It doesn't matter love. Gusto ko lang mahawakan ang anak ko. Nasan ba ang anak ko?" Hahakbang na sana pa taas ng kwarto si Tyler ng pigilan ito ng babae.

" Diyan ka lang, kukunin ko lang si baby." Hindi hinayaan ni Triana na umakyat ito sa kwarto dahil baka makita nito ang mga naka empake na gamit nila.

Nang makuha na ni Triana ang anak ay parang ayaw pa niya ito ipahawak sa asawa. Ang kanyang asawa ay tila parang isang bata na sabik na mahawakan ang bata.

"Hawakan mo ng maayos ang baby." Pagpapaalala ni Triana sa asawa. Tumango naman si Tyler. " Pwede ba ako mag stay dito? Para makasama ko pa si baby?" Dahil sa tanong ng asawa ay nataranta si Triana.

"Sh*it Hindi pwede!!" Pag papakausap sa sarili ni Triana. Dahil maya-maya na ang kanilang flight. " Hindi pwede ngayon Tyler." Dahil ay nagtaka ang lalaki, bakit Hindi pwede.

" Bakit naman? Anak ko din to Triana." Masungit na paglaban ni Tyler. " Basta next time nalang please??" Dahil sa pag hingi ng please ni Triana ay wala na itong inangal.

" Okay fine, maybe next time nalang ako dadalaw." Ilang oras din nag stay si Tyler sa mansion muntik pa Hindi umabot sa flight si Triana. Dahil ng makaalis na ang asawa ay tumungo agad si Triana sa airport.

Sa isip ng babae ay mamimiss ko ang bahay na nakasanayan ko. At makakalimutan ko din ang mga masasakit na memories.

Buhat ni Triana ang kanyang baby. Walang duda na anak talaga ito ni Tyler dahil sa nakuha nya ang dugong Callistar. Sa isip ng babae ang daya tagal kong binitbit tas sa daddy lang pala mag mamana ang mukha.

5 years makalipas...

Sa unang taong pag stay ni Triana at ang anak nito. ay nahihrapan ito, lalo na may baby ito. Mabuti nalang at may katulong ito na pilipino din.

Nahihrapan din siya dahil sa tuwing papasok ito ng work niya ay lagi ito natatakot na baka mapano ang baby.

Hanggang sa nasanay na din ang babae. Sa 5 taong makalipas ay pinag-igihan talaga ni Triana na di malaman ni Tyler kung nasaan sila.

Nalaman ni Triana na nagwala ang asawa, matapos malaman na umalis ito at kasama ang anak. Ayon sa kanyang daddy nag hire pa ng tao si Tyler upang ipahanap kung nasaan kami.

Mabuti nalang at nandiyan ang daddy ni Triana at hindi nito nalaman kung nasaan talaga ako.

Baddie_Cutie8