Chereads / The Revenge Of My Boyfriend / Chapter 21 - Chapter 20

Chapter 21 - Chapter 20

Agad kinabahan si Tyler sa tanong ng kanyang asawa, dahil sa hindi nito alam kung ano ang idadahilan niya sa asawa niya.

"A-ah nang galing ako sa kaibigan ko"

Kinakabahan ang lalaki dahil sa biglang tanong ng kanyang asawa. Marahil siguro nakahalata ito na hindi ito sumasagot sa tawag nito. Dahil ng dumating ng bahay si Tyler ay nakita niya na ang daming missed call from wife.

"Sino sa kaibigan mo" pilit nililito ni Triana ang kanyang asawa upang kapag ito ay nalito ay biglang may masabi ito na dapat hindi masabi. Kung may tinatago ba ito sa kanya.

"Si J-jeff yung kaibigan ko, O-oo tama si Jeff nga kasama ko" pagpapalusot ni Tyler sa kanyang asawa. Ngunit ang kanyang asawa ay may kutob na baka nagsisinungaling nanaman uli ang kanyang asawa.

"A-Ah Yung friend mong diko pa na meet?"

Napaisip ang lalaki na delikado siya ngayon sa kanyang asawa lalo na mukhang nag susupetsiya na ito sa kanya. Handa naman ito na sabihin sa asawa ang kaso nga lang ay takot ang lalaki na baka hindi nito siya mapatawad.

"N-next time love papakilala ko siya sayo, don't worry love." Pag kukunbinse nito sa kanyang asawa. "Tsaka love ngiti ka naman ganda mo kaya ngayon" tinarayan la!ang siya nito.

"Che!! Tigilan moko, naglalambing ka dahil may kasalanan ka" inis na inis si Triana sa kanyang asawa dahil sino ang matutuwa gabi na tas lalabas sila ng kaibigan niya.

Iisipin sana ng babae na gay ba ito? Naalala niya nga pala patay na patay ito sa kanya.

"Love samahan moko later check up ko with my doctor" nakangiting saad nito sa kanyang asawa. Hindi talaga nag tatagal ang galit nito sa kanyang asawa, siguro pinaglilihian niya ito kaya ganon.

Sana kapag lalaki kamukha ng asawa ko pagkakausao ng babae sa kanyang isipan. Kung babae naman dapat sakin. Excited na ito kahit maliit pa ang tiyan nito.

Habang si Vanessa naman ay malaki na ang tiyan, mahahalata na ito na buntis ito. Itinago muna siya ni Tyler. dahil sa ayaw pa ni Tyler malaman ng iba na buntis ito.

Palihim na nag tetext gamit ibang number si Vanessa Kay Triana upang sirain ang dalawa. Matagal na may gusto si Vanessa kay Tyler. Kaso ng malaman nito na may nobya na pala ito ay nainggit ito sa babae. Hindi totoo na sinadya niya ang nangyari sa kanila ni Tyler noong lasing sila. Intension niya tlaga iyon upang mapa'lapit sa lalaki.

Nag tagumapay naman si Vanessa, dahil sakto naman na may problema ito, at kumagat naman sa plano niya si Tyler.

Now she is pregnant 3months at anak ni Tyler. Lalong lumaki ang inggit niya ng malaman niya na buntis na din pala ang asawa ni Tyler. Mas lalong nabuhay ang inggit nito dahil sigurado na pipiliin ng lalaki ang asawa nito.

Habang papunta na sa hospital sila Tyler at Triana, Malaki ang ngiti ng babae. Dahil malalaman niya na kung ang baby ba nila ay healthy.

" I'm excited love for our baby" malaking ngiti nito, kitang kita sa mga mata ng babae ang pagkasabik nito sa kanilang anak. "Anong gender ang gusto mo?" Tanong nito sa kanya.

"Hmm.. kahit ano, pero kung babae love i want na maging kamukha mo para may mini me tayo na Triana, then kung lalaki gusto ko isang team para masaya."

"Grabe parang ginawa mo naman akong pig" natatawang ani ni Triana.

Pagpasok nila sa loob ng hospital ay tinawag na sila ilang oras lang. Excited ang babae marahil first baby nila ito.

"First baby niyo po ba ito?" Tanong ng doctor Kay Triana. " Opo first baby po namin." Proud na sabi ng babae.

" Kita mo yung parang bean na yun? yun ang baby niyo, maliit pa siya ngayon kasi 1 month palang si baby." Pag explain ng doctor sa kanilang dalawa.

" Make sure na iwasan ang maging stress, late matulog, and don't forget the vitamins." Nakikinig ng maayos ang babae dahil gusto nito na malaman kung paano niya maalagaan ng maayos si baby.

"And kung tatanungin niyo safe padin naman kahit pregnant ka misis." Naka ngiting saad ng doctor sa kanila.

"See, love pwede nga I told you na safe" doon lang na realize ni Triana na naka ngiti ang doctors, marahil gets nito ang sinasabi ni Triana sa kanyang asawa.

"Maraming salamat po" magalang na saad ni Triana.

Nakakahiya dahil ang lakas ng pag sasalita ni Triana kaya ng mag ka tinginan ang mag asawa ay nagtawanan ito dahil sa nangyari kanina.

"Gusto mo ba may bilhin ako sayo?" Tanong ni Tyler, nagiisip si Triana ng biglang matakam ito sa nakita niyang nag bebenta ng buko.

"Nakita mo yun love?" Sabay turo sa may pwesto ng buko juice.

"Gusto ko ng buko, pero gusto ko Ikaw ang mag open non para samin ni baby, and gusto ko topless ka para naman ganahan ako uminom ng buko. Siyempre habang ginagawa mo yun panoorin kita."

Napakamot nalang sa ulo ang lalaki, ni hindi kasi ito marunong mag bukas ng buko. No choice kaya sinunod nito ang gusto ng asawa.

Lumapit sila sa vendor ng buko juice. " Hi po manong pabili po ng buko, at pwede po ako nalang ang mag bukas request po kasi ng buntis kong asawa." Napangiti ang manong kay Tyler.

"Sige mag-ingat ka sa utak" pag papaalala ng vendor Kay Tyler.

Tinggal muna ni Tyler ang kanyang t-shirt, tila tuwang tuwa si Triana sa view na nakikita niya. Dumadami ang tumitingin sa kanyang asawa, siguro curious na bakit may gwapong macho na nag bukas ng buko juice.

Hirap na hirap naman ang lalaki sa pag bukas, mabuti nalang at nakuha din niya ang tamang way para madali mabukasan ang buko.

Habang ito naman si Triana ay nagseselos sa ibang nanonood dahil ang lalagkit ng mga mata ng ilang babae. Sa isip ng babae di na available yan.

Nang matapos na ang ginawa ni Tyler ay inabot naman niya ang buko sa asawa niya. " Here, love" agad naman nag tinginan ang mga babae kay Triana. Gustong mag yabang ni Triana na "sorry kayo asawa ko na yang pinag nanasaan niyo"

"Let's go na, I'm tired na" pag anyaya ni Triana sa asawa nito.

Habang pabalik sila sa sasakyan nagtaka naman si Tyler bakit Hindi pa ito umiinom sa buko juice.

"Bakit hindi mo pa iniinom love?" Tanong nito sa babae

"Ayoko na pala love, gusto ko Ikaw nalang iinom." Nakangiting nagpapacute sa asawa.

Tila napakamot nalang ito sa asawa, dahil pinagpagudan niya ito, halos mag ka sugat sugat ito para lang sa buko niya. Sa isip ng lalaki mabuti nalang asawa ko ito at buntis.

" Bakit?? Ayaw mo??" Biglang kinabahan si Tyler sa tono ng kanyang asawa. " H-huh Hindi ah G-gusto ko nga love e" kinakabahan na ani ni Tyler. Mabilis magbago ang mood ng asawa kaya ganon.

"Akala ko ayaw mo e" nakangiting saad ni Triana. " Okay inumin mo gusto ko makita."

Agad naman sinunod ni Tyler ang sinabi ng kanyang asawa. Ng maubos na ni Tyler ang buko ay agad naman niya itong hinalikan sa labi.

"Hmmm.. masarap nga yung buko" pang aasar ni Triana sa kanyang asawa. Habang si Tyler ay nagulat sa ginawa ng kanyang asawa.

Baddie_Cutie8