Chapter 18 - 18

Flashback

Napakabilis ng mga pangyayari. Para lang akong dahon na nagpapadala sa marahas na daloy ng tubig. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa sariling bahay, naghakot ng mga gamit, nagbilin sa kapatid, at nagbiyahe pabalik sa Cerro Roca.

Bitbit ni Cholo ang isang maliit na overnight size na bag ko na laman ang iilan kong piraso ng mga damit. Tumutol pa nga ito kanina dahil pagkauwing-pagkauwi raw namin ay ibibili niya ako ng mga damit.

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong tumutol pa sa plano nito. Nasilaw ako sa laki ng halaga na ibibigay niya sa akin pagkatapos ng aming pagpapanggap. Hindi na rin ako nagprotesta pa. Masasabi kong desperada na rin ako sa puntong ito dahil lumalala na ang kalagayan ni tatay. Kailangan ko ng pera para sa maintenance nito at check-ups.

Huminto ang sinasakyan namin sa mataas na bakod ng isang bahay. Naguguluhan ako kung bakit dito kami dumiretso. Akala ko ay sa mansiyon kami titira.

"It's better if we stay here until after the election. Hindi kita pwedeng iuwi sa mansiyon. Kilala ko ang mama. Ayokong mas mahirapan ka pa sa sitwasyon natin. Naperwisyo na nga kita na umayon sa plano ko kaya hindi ko hahayaan na kasangkapin ka pa ni mama," ani nito na animoy nabasa kung ano ang tumatakbo sa isip ko.

Nauna itong bumaba bago niya ako pinagbuksan ng pinto.

"Salamat." Kimi ko siyang nginitian.

Saglit na natigilan ito bago ngumiti rin sa akin. Inilahad nito ang nakabukang palad sa akin.

"Hold it," sagot nito sa nagtatanong mata ko.

Natigilan ako, iniisip kung tatanggapin ba ang kamay nito. Alam kong hindi lang ito simpleng kilos. Alam kong may ipinahihiwatig siya sa akin. Tumingin ako sa abuhing mata ni Cholo. Hinahanap ko roon ang sinseridad para maalis ang agam-agam sa dibdib ko.

Ngumiti ito sa akin at iginalaw ang kamay. Napangiti na rin ako bago ito inabot. Malambot ang kamay nito. Halatang hindi batak sa trabaho hindi katulad ng mga kamay ko na puno na ng kalyo kakatrabaho.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko rito pero hindi niya ako hinayaan. Sa pamamagitan nang nangungusap na mata nito ay ipinaabot niya sa akin ang piping hiling nito na pagkatiwalaan ko siya.

Na hindi naman mahirap na gawin.

Sa maikling panahon na nagkasama kami, alam kong mabuti siyang tao. Pagkakatiwalaan ko siya dahil minsan na rin niya akong binigyan ng pag-asa sa pamamagitan ng ngiti nito noong una ko siyang nasilayan.

Pinisil nito ang kamay ko kasabay nang paghawi nito sa nilipad na iilang hibla ng buhok pabalik sa likod ng tenga ko.

"Don't worry, Karina. I'll be by your side. Always."

At tuluyan na ngang naputol ang manipis na lubid ng pag-aalinlangan ko. Ang naiwan na lang ay tiwala. Tiwala na hindi niya ako pababayaan hanggang sa matapos ang aming pagpapanggap. Nalungkot ako bigla sa naisip. Hindi pa man nangyayari ang paghihiwalay namin ay alam ko nang mahihirapan na akong tuluyang kalimutan si Cholo.

Binuksan nito ang gate habang nakasukbit sa balikat nito ang bag ko. Pagkatapos isarado ang bakal na gate ay hinagip nito uli ang kamay ko. Napangiti ako ng lihim. Kanina pa ako parang lumulutang sa alapaap magmula ng unang segundo na hawakan niya ang kamay ko.

Bakit naman hindi? Matagal ko na siyang gusto disin nga lamang ay pinipigilan ako nang nagdudumilat namin na agwat sa buhay. Pero mukhang kakampi ko ang tadhana. Binigyan niya ako nang ganitong pagkakataon kahit pa sabihing hindi maganda ang mga konsekwensiya na naglapit sa aming dalawa ni Cholo.

Magkahawak-kamay na pumasok kami sa malaking bahay. Nabigla pa ako sa lamig ng aircon. Wala kasing ganito sa amin. Mahihiya ang pandak at uugud-ugod na electric fan namin sa dambuhalang puting aircon dito.

"Welcome po senyorito," bati ng isang may katandaan na na babae na hindi napigilan na bigyan ako nang nang-uusisang tingin.

"Manang, pakiasikaso si Karina. She's my very important guest here. Ibigay mo sa kaniya ang lahat ng gustuhin niya. Sa library lang ako."

Binitawan nito ang kamay ko. Saglit pa akong parang nakaramdam ng kahungkagan nang hindi ko na maramdaman ang init nito. Iniabot nito ang bag ko sa matanda na agad kong kinuha.

"Ako na. Nakakahiya kung si manang pa ang magdadala."

"Okay lang po iyon, ma'am. Akin na po."

Umiling lang ako. Niyakap ko ang bag at tumingin kay Cholo.

"Sige na. Okay na ako rito."

Tinitigan muna niya ako sandali. Saglit akong nag-alangan sa nabasa sa mga mata nito pero sa huli ay tumango ito.

"Okay. If you need anything, just tell it to Manang Deling."

Tumalikod na si Cholo sa amin at tinumbok ang isang pinto sa bandang kaliwa. Inilibot ko ang tingin sa buong kabahayan. Iisa lang ang maaring mailawaran ko rito.

Magara at malaki.

Kahit saan ako tumingin ay naghuhumiyaw ang katotohanang simbolo ito ng karangyaan ng mga Gastrell.

"Tara na, hija. Pabayaan muna natin si senyorito. Mukhang matatagalan pa siya sa loob dahil nandiyan si Senyorita Elizabeth."

Sumunod ako sa pag-akyat ni manang sa engrandeng hagdan.

"Sino po si Elizabeth?"

Nagulat na lumingon ito sa akin. "Hindi mo kilala ang mga Asturia?" tukoy nito sa pangalan na palagi kong naririnig sa tuwing namamalengke ako.

"Medyo pamilyar nga po ako sa pangalang iyan."

Niyapos ko ang sarili nang makarating kami sa second floor. Mas malamig dito kompara sa ibaba. "Ang lamig naman po rito. Sorry po kung hindi ako sanay sa ganito kalamig na lugar. Wala po kasing ganito sa amin."

"Hayaan mo at pahihinaan ko ang aircon pagkatapos kitang ihatid sa magiging kwarto mo. Hindi mo ba talaga kilala si Senyorita Elizabeth?"

Umiling uli ako. "Hindi po."

"Siya lang naman ang bunsong anak ng panganay ng mga Asturia. Isa iyang tagapagmana at ang napipisil ni Donya Teodora na papakasalan ni Senyorito Cholo."

Napakurap ako ng ilang beses para sanayin ang sarili sa panibagong impormasyon na nalaman. Kung gayon, malaking gulo nga itong pinapasok ko.

"Manang, magkasintahan po ba sina Cholo at Elizabeth?" mahina kong tanong nang tumigil kami sa isang nakapinid na pinto.

Binigyan niya ako ng isang nang-aalong tingin.

"Hindi naman lingid sa buong Cerro Roca na nagkakamabutihan na ang dalawa pero wag kang mag-alala, mukhang iba na ang gusto ng senyorito ngayon." Tinapunan niya ako ng isang makahulugang tingin. "O siya, ako ay babalik na sa kusina. Tawagin mo lamang ako kung may kailangan ka."

Kanina pa nakaalis si manang pero hindi pa rin ako tumitinag sa kinatatayuan ko. Iniisip ko kung ano ba ang ibig sabihin nang sinabi nito. Nang walang mapiga sa utak na kasagutan ay nagpasya na akong pumasok sa kwarto pero bago ko pa iyon magawa ay narinig ko muna ang mga sigaw na nagmumula sa sala kasunod ang tunog ng mga nababasag.

Dali-dali akong nagpunta sa hagdan at dumungaw sa kung ano ang nangyayari sa ibaba. Nakita ko si Cholo na yakap-yakap sa likod ang pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko.

Napaatras ako nang magawa nitong maabot ang isang vase sabay tapon sa sahig pagkatapos ay humiyaw ito ng buong lakas saka kumawala sa pagkakahawak ni Cholo. Doon ko lang nakita na umiiyak na pala ito.

"How could you have done this?! You're mine, Cholo! You're mine so why did you marry that girl?!" sigaw nito sa pagitan ng paghagulhol.

Lumuhod ako at nagtago sa likod ng barandilya ng hagdan at sumilip sa siwang nito.

"Ely, I just needed to do this to save my mother. Our marriage is just for convenience. Please, stop. Makakasama sa iyo ang mga ginagawa mo."

Hinawakan ni Cholo nang buong suyo ang mukha ni Elizabeth na para bang babasagin ito na kristal. Nakita kong pinunasan nito ang mga luha ng babae at nginitian ito sa paraan na nang-aalo.

"Cholo, paano na tayo? Paano na tayo ngayon, ha? Hindi ko kakayanin na makita ka kasama ang ibang babae. Don't worry. I... I-ll just talk to mom and dad. I'll also talk to kuya so that they can help you. That would only be easy. Yes. Tara, Cholo. Samahan mo akong umuwi."

Pinigil ni Cholo ang tangkang paghila sa kaniya ni Ely.

"No, please. I appreciate your suggestion but I have to decline. Nakakasa na ang lahat. Any minute now, I have to face the media. Hindi ko pwedeng basta-basta na lang na bawiin ang kasal naming dalawa ni Karina."

Bumagsak ang mga balikat ni Ely at nagsimulang tumulo uli ang mga luha sa mata nito. Kinagat nito ang mga labi saka humagulhol.

Naaawa ako sa kaniya. Kung ako man din ang girlfriend tapos malalaman ko na biglang may pinakasalan na iba ang nobyo ko ay walang kasinsakit din ang mararamdaman ko. Pero bakit nasa club si Cholo at nag-hire pa talaga ng babae? Nagtataksil ba ang lalaki sa kaniya?

"Karina. Her name is pretty. Is she pretty? Prettier than me?"

"N-no, no. You're beautiful, Ely. So so much more beautiful."

Parang may sibat na sumaksak sa puso ko sa narinig mula kay Cholo. Aminado naman akong wala talaga ako sa kalingkingan ni Ely pero ang marinig iyon nang personal mula kay Cholo ay nagdudulot ng ibayong sakit sa akin. Para akong pinitpit na luya. Nadurog ang kakarampot na tiwala sa sarili na meron ako.

"Eh bakit siya pa when I'm always available for you. Bakit kasi hindi na lang ako? Why did you even decline when our families arranged us to be married? Eh 'di sana hindi ka na nagkakaproblema ngayon. Hindi ka na sana nasangkot pa sa gulong ito."

Tumingin ako sa direksiyon ni Cholo. Wala akong bahid na pagkairita na nakikita mula rito. Kitang-kita ang pagmamahal sa mga mata nito.

"Ely, we're both still young. Hindi pa tayo handa sa mga resonsibilidad that comes with marriage. We haven't even graduated in college."

"Pero ba't nauna ka nang magpakasal? Bakit hindi mo ako nahintay? I have been devoted to you, Cholo. Why did you have to do this?"

Hindi sumagot si Cholo. Hinila lang nito si Ely saka niyakap nang buong higpit. Kumawala naman ang babae na may luha pa rin sa mga mata. Inabot nito ang leeg ni Cholo at siniil ng halik.

Napasinghap ako sa biglang sakit na naramdaman dahil sa nasaksihan. Nagbaba ako ng tingin. Para akong tinadyakan sa sikmura sa mga narinig at nakita.

Mukhang mali itong pinasok ko. Mas komplikado pa sa iniisip ko ang kinasasadlakan kong sitwasyon ngayon.

Dahan-dahan akong gumapang palayo sa hagdan at tumayo nang nasa may dingnding na ako. Bumalik ako sa paanan ng silid at kinuha ang bag na nasa sahig. Dala pa rin ang bigat ng dibdib na itinulak ko pabukas ang pinto.