Chapter 19 - 19

"Can you compete with that? Look at the way he looks at Ely as if she's the only woman he can see. Kaya mo bang tapatan iyan?"

Hindi ko na kailangang lumingon pa sa nagsalita para makilala ito. The uncontrollable anger that suddenly roused from deep within me is enough for me to identify the person.

I smirked and continued drinking my wine. Kanina pa ako nakaupo rito sa nakalaang mesa para sa amin ni Cholo sa gitna ng bulwagan kung saan idinadaos ang isang pagtatapon ng isa sa family friend ng mga Gastrell. Kanina pa rin ako nag-iisa rito dahil ang magaling kong asawa ay basta na lang akong iniwan para makipag-usap sa mismong organizer ng event. And to my utter dismay, Elizabeth is there by his side looking like his wife while laughing with the other wives beside their own husbands.

Ako dapat ang nasa posisyon niya. Ako dapat ang nakikipagtawanan sa mga legit wives while sipping my glass of champagne. Ako dapat ang nakahawak sa braso ni Cholo at sumusuporta sa asawa, not the mistress. But instead, nakaupo lang ako rito habang nilulunod ang sarili sa alak habang nakatitig lamang sa dalawa na ngiting-ngiti na nakikipag-usap sa kapwa mga dignitaries.

Pabagsak na ibinaba ko ang kopita sa mesa at binawi ang mata sa dalawa para bigyan ng pansin ang intruder ng pananahimik ko rito.

"No, I can't but can she compete with the truth and nothing but the truth? Can she handle it if the man she put in the pedestal will know the true her? Na isa pala siyang peke?"

Tinapunan ko nang nang-uuyam na ngiti ang lalaki na makikita ang pagtiim ng bagang.

"Wag mo akong hamunin, Ymir. In just a snap of my fingers," I snapped my fingers on his face. "I can make your sister's life a living hell. Malapit na talaga akong mainis sa mga pangingialam niya sa buhay naming mag-asawa. Kaya kung ako sa iyo, pagsasabihan ko ang kapatid ko na lumayo sa mga bagay na pagmamay-ari na ng ibang tao. Napupuno na kasi talaga ako. Baka sumabog na lang ako bigla, mapunta na naman sa kung saan ang kapatid mo. Kaya mo ba iyon? Kaya mo bang makita ang nag-iisang kapatid mo na nakagapos at inila—"

Hinablot ako sa kamay ni Ymir at pinilipit ang palapulsuhan ko. Masakit. Gusto kong magmura sa sakit pero sa tuwing naikokompara ko ang sakit sa mga naranasan ko sa nakaraan, himalang nawawala agad ang pisikal na sakit na nararamdaman ko.

"What the fuck are you talking about?!" he gritted his teeth. Namumula na rin ang mukha nito na ngayon ay nakalapit na sa akin. Naroon ang takot at pagkabalisa.

Nginitian ko siya nang inosente. "Huh? I didn't say anything. Ano ba naman kasi ang laban ko sa mga tulad ninyo na maimpluwensiya at makapangyarihan?" Tinapik ko nang mahina ang kamay nito na mariin pa ring nakadakot sa pulso ko. "Relax. Wag kang pikon. Ikaw naman kasi, pupunta ka sa mesa ng may mesa tapos ikaw pa ang may ganang mainis at magalit kahit ikaw ang naunang mang-provoke."

Kinuha ko ang bread knife sa mesa at iniumang ito sa kamay nito.

"Bibitawan mo ako o gagawa ako ng eskandalo rito? I have nothing to lose Ymir so better get that filthy hand of yours away from me."

Ilang sandali pa ang nagdaan bago nito pinakawalan ang kamay ko. Pagkuwan ay sumandal ito sa silya saka tumawa.

"You are definitely not the Karina that I knew back then. Para kang maamong tupa noon. Napakalayo sa napakagandang tigre na kaharap ko ngayon."

It's my turn to laugh. "Really?" Hinawi ko ang buhok at sensuwal na hinaplos ang nakabilad na leeg. Hindi naman ako nagkamali dahil sumunod ang tingin nito dito. "So, what's the verdict? Do you like this new version of me?"

Tumiim ang titig nito sa akin. "I'll be honest, I like the old version."

Nawala ang ngisi sa mga labi ko. "I think I know why. Mas madaling paikutin at isilid sa bulsa ang mangmang na Karina."

Kinuha nito ang kopita ko at inubos ang laman nito. Umiling ito sa akin pagkatapos.

"No, that's not it. The reason why I liked the old Karina is because of your eyes. I like how innocent they were."

Tiningnan ko siya nang blangko. "Miss ko na rin siya, Ymir. Kaso nga lang, dahil sa mga ginawa niyo sa akin, hindi ko na siya maibabalik pa. W-why... Why do you have to do that to me? Bakit niyo pa ako kailangang sirain?"

Nilunok ko ang bara sa lalamunan at pinigilan ang pag-iinit ng mata. He must have caught the change in my expression because he looked away to watch his beloved sister.

"Families protect each other, Karina."

I chuckled. My wrath is being heated up to the highest degree. Inusog ko ang silya para mas mapalapit ako sa kaniya. Inilagay ko ang kamay sa dibdib nito at doon ay masuyong inayos ang nagulong neck tie nito. Napapitlag ito sa kinauupuan pero hindi ito umiwas.

"Families protect each other. What a noble thing to say. So it's alright for you to destroy other families in the guise of protecting your own? Kung ganiyan lang din naman ang paniniwala mo, then allow me to ruin yours as well. Let's start with your sister, shall we Ymir?"

His body become rigid. Pabalya nitong inalis ang kamay ko sa dibdib nito na nag-landing sa hita nito saka matalim ang mga matang tumingin sa akin.

"Subukan mo lang, Karina. I wouldn't think twice about ruining yours as well."

Tumigas ang mukha ko. Ikinuyom ko ang mga kamao para pigilan ang pagsambulat ng emosyon.

"Karina."

Sabay kaming tumingin ni Ymir sa pinanggalingan ng boses. Cholo is looking at us darkly particularly at my hand on Ymir's lap. Balewalang inalis ko ang kamay sa hita nito at sinulyapan si Elizabeth na katabi ni Cholo at curious ang mga titig na ibinibigay sa amin.

"Hi, did it go well?" tanong ko rito nang makahuma.

He looked at Ymir first then to me.

"Yeah, it did."

Inilahad niya ang kamay sa akin. Natigilan ako nang maalala ang unang beses na ginawa niya ito sa akin. Iginalaw nito ang kamay.

"Hold it," he commanded me. Walang anumang pagsuyo sa tinig.

"Of course."

Inabot ko ang kamay ni Cholo sabay tayo. Idinikit ko pa ang sarili rito bago tiningnan nang pailalim si Elizabeth na ngayon ay nagbaling ng tingin sa kapatid na nakatingin din sa amin.

Tinanguan lang ni Cholo si Ymir bago ako hinila patungo sa dancefloor kung saan may mga couples na ring sumasayaw.

I put my arms on his neck and swayed with him. I looked at him just in time for me to see his eyes burning with anger.

"Dinala kita rito bilang asawa ko, hindi para lumandi sa ibang lalaki na kaibigan ko pa," matigas na wika ni Cholo.

Napangiti ako nang mapait. Why am I not surprised that he will interpret the situation in this way?

But just like all the other days that I have successfully hidden my emotions from him, I did it once again through smiling and shrugging the pain away.

"Hub, relax. Don't show the people here that your marriage is a miserable one." Inihilig ko ang pisngi sa dibdib nito at pumikit. "Smile. Don't let it affect you. Nag-uusap lang kami ni Ymir. He approached me about your secret project with him. I said I don't know about it but he won't believe me. Iyon na ang naabutan ninyong eksena."

Naramdaman kong dumantay sa hubad na likod ko ang kamay nito at mariing humaplos.

"Maaring mapapaniwala mo ang iba sa kasinungalingan mo Karina but not me. I saw how you flirted with the man."

Sumungaw ang ngiting tagumpay sa bibig ko. It's nice to know that I am not the only one who's affected by us being in other people's presence.

"So, you've been watching me all this time?"

Inangat ko ang ulo para magpantay ang tingin naming dalawa. "Hindi mo hinahayaang mawala ako sa paningin mo, ganun ba?"

He smiled back at me but I know it's not a smile of amusement but an insulting one.

"Don't flatter yourself too much, wife. Iniiwasan ko lang na gumawa ka pa ng isang eskandalo na magpapahiya sa pangalan namin. Don't forget that you are a Gastrell. As much as I wanted to strip off the title from you, I couldn't for the sake of this fucking election. It's like eight years ago all over again."

Pinanatili ko pa rin ang kalmadong mukha at nakangiting mga labi kahit gusto ko nang bumulalas ng mga mura dahil sa pagbanggit niya sa nakaraan na nagsadlak sa akin sa walang katapusan na sakit at pagdurusa.

"Cholo, akala mo ba madali rin para sa akin itong lahat ng pambabalewala mo sa akin bilang asawa mo? May narinig ka bang reklamo mula sa akin? Hindi ba wala? Did I make a scandal during the time that I'm here? Never. What I'm only asking from you is respect. Oo, alam kong hinding-hindi ko na maibabalik ang dati. May mahal ka nang iba at hindi ako iyon. Just don't rub it on my face because I'm still human after all. Nasasaktan din ako. Pakiusap, wag mo namang araw-araw na ipamukha sa akin na kailanman ay hindi mo ako kailangan. Alam ko na iyon. Matagal ko nang alam maniwala ka."

Hindi ko namalayan na kanina pa pala kami tumigil sa pagsasayaw at ngayon ay nakatayo na lang at nakatitig sa mata ng isa't isa.

"Then why did you come back here? Ano pa ba ang intensiyon mo sa pagbabalik dito other than to wreck havoc in our lives? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa mo noon at bumalik ka pa rito?" he asked in between his gritting teeth.

Mapakla akong napangiti.

"Nagtatanong ka kung bakit ako bumalik? Dahil mahal kita, Cholo. Mahal na mahal. Ano pa ba ang maari kong maging rason? Mayaman na ako. I don't need your money at all but my heart wants to be here with you. Do you think madali sa akin ang bumalik pa rito kahit alam kong isinusuka na ako ng lahat ng mga tao especially you? You said you can only tolerate me until after the election which is only a few months away from now. I know that no one can stop you from completely annulling me once that time will come. Alam ko ring wala na akong magagawa pa kaya nakikiusap ako sa iyo na hayaan mo na akong makapiling ka pa until that day that we will finally part our ways. I'm putting my best foot forward now. Please, I'm begging you. Let me be with you until then. Let me show you how I love you so much. I'm not expecting for anything in return from you. Pabayaan mo lang ako na gawin ito para sa ikasasaya ko. This is my way of telling you Cholo na... na ikaw lang mula noon hanggang ngayon. Dumaan man ang mga taon, nakalimutan mo man ako, kinamuhian mo man ang buong pagkatao ko... but that won't change the fact that you're the first man who offered his hand to me. Pagbigyan mo ako uli this time, please."

Walang nangiming magsalita sa aming dalawa pagkatapos nang napakahabang litanya ko. Nakatayo lang kami sa gitna ng musika at mga parehang mahinang sumasabay sa saliw ng classical na tugtog.

I am looking directly at his eyes to send him my sincerest message. This is what I've wanted from the very moment our eyes locked up that one summer afternoon while he is inside his posh car laughing at his friend's jokes. This is what I wanted from the day I opened my eyes and felt the empty bed beside me. This is my biggest dream: to return to his arms no matter what it takes.

Naputol ang aming titigan dahil sa isang pagsabog na umalingawngaw sa buong paligid. Kasunod nito ang pagkabasag ng mga plato at baso sa mga mesa. Animo mga langgam na nabulabog ang lahat. Tilian at sigawan ang pumuno sa lugar kasabay nang iilan pang mga putok ng baril.

Hinila ako padapa ni Cholo at kinubabawan. His eyes wandered back to our table's direction. Alam ko kaagad ang gagawin nito kaya pinigilan ko siya.

"No. Stay here," pagsusumamo ko rito pero parang wala itong narinig na tumayo at iniwan ako.

"Ely!" narinig ko pang sigaw nito bago ito nilamon ng kaguluhan.

Parang sumikip bigla ang lugar dahil sa hindi magkamayaw na mga boses. Naghalo-halo na ang iyak, ang panic sa boses ng lahat, at ang mga tunog ng mga bala sa convention area.

Dinaklot ko ang dibdib nang magsimula akong mahirapan sa paghinga. Ikinurap ko ang mga mata habang pilit na inaaninag ang paligid na unti-unti nang nagiging itim sa paningin ko.

No, this can't be happening again. No, no, no!

Mula sa kung saan ay may mapagpalang kamay na buong ingat akong pinasan sa mga bisig nito.

"Ms. Karina. You're safe now," saad ng isang baritonong tinig.

Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko pa ang nag-aalalang mukha ni Vishen bago ako tuluyang pinanawan ng ulirat.