Chapter 4 - Chapter 4

Flashback

"H-ha??" Ang tanging namutawi sa bibig ko pagkarinig ko sa sinabi niya.

Prenteng sumandig ito sa upuan at humalukipkip. Ang mga mata nito ay kumislap sa magkahalong galit at pagnanasa.

"You heard what I said. Ganoon ka na ba kabobo para hindi makaintindi ng simpleng English? Fine, I'll translate it for you. Hubad. Maghubad ka."

Parang binabad sa suka ang mukha ko sa narinig. Animo naipon ang dugo sa buong mukha ko at sa puno ng leeg nang inulit nito ang mga salita. Biglang namanhid sa hiya ang pagkatao ko.

Kung hindi ba naman ito malupit, malalaman nitong sobra pa sa hinihingi nito ang ginagawa niya sa akin ngayon. Madaling hubarin ang damit pero sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin, parang hinahalukay na niya pati ang kaluluwa ko. Natatakot ako sa gagawin niya pagkatapos.

"Bakit ka may hawak na cellphone? I-re-record mo ba ako? Gagawa ba tayo ng video? Please Cholo, wala ito sa usapan," mangiyak-ngiyak ko na wika.

Pareho kaming natigilan dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya.

Sarkastiko itong ngumiti sa akin pagkatapos itapon sa kama ang cellphone na hawak.

"So you know me?" Tumawa ito nang nakakainsulto. "Right, sino nga ba naman sa bayang ito ang hindi nakakakilala sa mga Gastrell. If you know my family then you must have also known about my mother, my poor kind mother. Wala siyang kaalam-alam na iniiputan na pala siya nang magaling kong ama." Pinasadahan niya ako ng tingin. "You're too beautiful to be an old man's mistress. Leave my dad alone and be my woman instead."

Parang nalulon ko ang dila sa mga narinig. Sunud-sunod ang pinasabog nito na mga rebelasyon na ni hindi ko nakuhang kumurap.

May kabit si Mr. Gastrell? Pero akala ng lahat sa buong bayan na ito na napaka-ideyal ng pagsasama ng mag-asawa. Sa mga mata ng madla ay mahal na mahal nila ang bawat isa kaya hindi ako makapaniwala sa mga narinig mula kay Cholo.

Ang mas masaklap pa rito ay napagkamalan niya akong kabit ng kaniyang ama na napakalabong mangyari dahil una, kailanman ay hindi ko nakadaupang-palad ang ama nito. Ikalawa, wala akong balak sirain ang pamilyang hinahangaan at tinitingala ko. Hindi ako ganoong klaseng babae.

Maliban na lang siguro sa pagkakataong ito.

"Nagkakamali ka kung iniisip mong ako ang kabit ng ama mo," sabi ko sa mahinang boses. Sinusubukan kong salubungin sa mata ang nag-aapoy na titig nito pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang isipin na para sa akin ang galit na iyon. Nadudurog ang puso ko sa katotohanang sira na ang imahe ko sa lalaki.

Hindi ko naman pinangarap na magkagusto siya sa akin kasi alam kong malabo pa sa mga mata ko ang posibilidad na iyon. Nakatapak sa lupa ang isip ko kaya nagkakasya na lang ako sa pagtanaw sa kaniya mula sa mataas na gate ng unibersidad nito o sa mga bihirang pagkakataon na nakikita ko siyang namamasyal sa mall kasama ang girlfriend nito para sa buwan na iyon.

Ni sa hinagap ay hindi ko inakalang pagbibigyan ako ng tadhana na makasama sa iisang silid ang lalaki. Siguro tadhana na rin ang nagsasabi sa aking tigilan na ang pagkahibang ko kay Cholo sa pamamagitan ng paglalagay sa akin dito sa pinakakompromisong sitwasyon na kinasusuungan ko.

Padarag na tumayo si Cholo dahilan para matumba ang silya. Lumikha nang malakas na ingay ang tumimbuwang na silya sanhi para mapapiksi ako sa pagkagulat.

"Mautak ka. Bakit mo nga ba tatanggapin ang alok ko kung mas malaking pera ang mahuhuthot mo sa ama ko? Kaya ganito na lang Karina. I'll give a million peso for you to cut off your ties with my father. In exchange, hindi ko sasabihin sa ama at kapatid mo ang pinagagawa ng kanilang ulirang kapamilya."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Pinanuyuan ako ng laway at gumiti ang pawis sa noo at kilikili ko dahil sa nerbiyos. Tumayo ako at hinarap si Cholo na galit pa ring nakatitig sa akin.

"W-wag maawa ka, please...Wag mong sasabihin sa kanila ang m-mga pinagagagawa ko. Hindi nila alam. Please 'wag Cholo. Maawa ka. Nakikiusap ako sa iyo. Ikamamatay ni tatay kapag nalaman niya. Wag please."

Ikiniskis ko ang dalawang palad at kulang na lang ay lumuhod ako sa pakikiusap dito.

Nakikinita ko pa lang ang nasasaktang mukha ni tatay ay pinangangapusan na ako ng hininga. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanilang dalawa ng kapatid ko sakaling ipagkalat ni Cholo ang ginawa ko ngayon.

"Wala tayong magiging problema kung susunod ka lang sa mga sinabi ko. I don't know how many fathers and husbands you stole away from their families with that face and body of yours but I won't let you ruin my family, Karina. This has to stop here," pinal nitong saad.

Tatangggi na naman sana ako sa paratang niya sa akin pero hindi ko na ginawa. Sigurado akong ipagpipilitan lang niya uli sa akin na tama siya. Ang isang taong bulag sa galit ay hindi tumatanggap ng rason. Hahayaan ko na lang siyang paniwalaan kung ano man ang iniisip nito tutal ito naman ang una at huli naming paghaharap.

Hindi ako kumibo. Nagbaba lang ako ng tingin at ikinuyom ang mga kamay sa gilid para pigilan ang panginginig nito.

"Good pussy. I'll take your silence as a yes. For now, susulitin ko muna ang ibinayad ko sa iyo para sa buong gabing ito. I'll make sure I'll erase every memory you had with my father and all the other men you've been in bed. Ipapalasap ko sa iyo how it's like to be fucked hard, Karina. Now, strip."

Gusto ko na lang himatayin sa kinatatayuan dahil sa pinaghalong kaba, takot, at pandidiri sa sarili at hiya na rin dahil hindi lang ako naging isang bayaran at masamang babae sa harap nito kundi naging kabit din ako ng ama nito na nakaambang sisira sa kaniyang buong pamilya.

Gusto ko na lang na bumuka ang lupa at lamunin ako ng buhay.

"Kumpleto naman ang tenga mo at narinig mo rin ako kanina pero bakit parang bingi ka. Hubad," ulit uli nito sa matigas na boses.

"H-heto na. Heto na. M-maghuhubad na ako."

Tumikhim ako at unti-unting itinaas ang kamay patungo sa nakabuhol na tali. Sandali akong pumikit bago tuluyang kinalas ito at hinayaang malaglag sa sahig. Kasabay nang pagbagsak nito ang pagtulo ng luha ko.

Nakarinig ako ng tunog galing sa click ng camera pero hindi na ako nag-abala pang tingnan si Cholo. Sobrang hiya ang nararamdaman ko sa kaalamang nakabilad ang katawan ko sa isang lalaki sa kauna-unahang pagkakataon.

Napaigik ako nang bigla akong hilahin ni Cholo at itinulak pahiga sa kama saka dinaganan. Nanlalaki ang mga basang mata na napatitig na lang ako sa nanlilisik na mata nito.

"Stop using your tears with me, Karina. I will not fall for it. Only a fool will cower before a dirt like you, slut."

Bago pa ako makahuma, bumaba na ang mukha nito at hinalikan ako nang puno ng gigil at walang halong pag-iingat.

Ipinikit ko ang mga mata at tinanggap na lang ang kapalaran. Itinatak ko na lang sa isip na at least, isusuko ko ang sarili sa lalaking lihim na itinatangi.