Chapter 10 - Chapter 10

Flashback

Hindi ko alam na pwede ko palang maramdaman ang ganitong klase ng sensasyon. Laksa-laksang kiliti ang nagmumula sa pinakasentro ng pagkababae ko pataas sa tiyan at ulo hanggang sa kumalat na ito sa buong katawan ko.

Nahihiya akong tumingin sa nakabuka kong hita kung saan parang hayok kung tikman ako roon ni Cholo. Hindi ako makapagsalita dahil sa kabiglaan dahil hindi pa napoproseso ng utak ko ang kaniyang ginagawa sa akin.

Wala akong kaalam-alam sa ganitong klase ng pakikipagtalik. Ang alam ko lang ay ipapasok ng lalaki hanggang sa labasan ito. Hanggang doon lang. Ni hindi pa ako nakakapanood ng porn video.

Wala akong kaalam-alam sa ganitong mga bagay. Sabi nga ni Missy sa akin, napakainosente ko raw na siyang totoo naman kasi bahay at trabaho lang ang buhay ko. Sa edad kong bente ay ni hindi ko pa naranasan ang makipag-holding hands sa isang lalaki.

Wala akong panahon sa mga ganiyan dahil pokus ako sa pagkakayod para mabuhay. Kaya naman naeeskandalo ako sa mga ginagawa sa akin ni Cholo.

At mas naeeskandalo ako sa sarili dahil nagugustuhan ko ang pagpapasasa niya sa akin. Para nang mapupugto  ang  hininga ko dahil sa parang may gusto akong abutin na hindi ko alam kung ano.

Hindi ko na napigilan ang sarili. Kinagat ko ang labi at ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sariling bumitaw sa katinuan.

Hinihingal at nanunubig ang matang tumitig ako sa puting kisame. Hindi ko alam pero iyon na siguro ang pinakamaganda at pinakamasarap na limang segundo ng buhay ko.

Naramdaman kong hindi pa rin tumitigil si Cholo sa paghalik sa ibaba ko kaya sinubukan kong bumangon pero pinigilan niya ako sa hita. Naglakas-loob na akong tingnan ang direksiyon niya na agad kong pinagsisihan dahil nakangisi lang naman sa akin si Cholo habang sinisimot niya ako.

Namumula ang mukhang nag-iwas ako ng tingin at pumikit. Pawisan at kanina pa ako hinihingal kaya naramdaman ko na ang pagod sa ginawa niya sa akin.

Isa pang halik ang naramdaman kong iginawad niya sa pagkababae ko bago ito pagapang na ipinantay ang mukha sa akin. Parang napaso na nagbaling ako ng tingin mula sa abuhing mga mata ni Cholo. Hindi ko kayang salubungin ang mainit pa rin na mata nito.

Narinig ko ang pagtawa nito bago bahagya akong dinaganan at hinalikan ang balikat ko.

"So that's how a virgin tastes like. Sweet and addictive," bulong nito nang dumako ang basa pa nitong labi sa tenga ko.

Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan at wala sa loob na napayakap ako sa likod niya nang magsimula itong halikan ang pagitan ng balikat at leeg ko.

"So pure and fresh... Hmmm..."

Bigla itong tumigil sa ginagawa at ibinalik sa akin ang tingin.

"Is Karina your real name?" tanong nito habang maingat na pinunasan ang luha sa mukha ko.

"Oo. Ako si Karina."

Muntik na akong matunaw nang bigla niya akong nginitian mula sa ibabaw ko. Ang medyo mataas at mamasa-masa na na buhok nito ay nakayungyong sa akin,  ang iilang hibla ay tumatabing sa mukha nito.

May kakaibang nangyayari sa akin habang nakatitig din ako sa mata niya. May kaunti pa rin akong hiya na naramdaman pero mas nangingibabaw ang bugso ng damdamin ko.

Itinaas ko ang dalawang kamay at hinawi ang buhok nito at hinawakan para hindi malaglag. Gusto kong makita ang buong mukha nito para masulit ko ang natitirang panahon na magkasama kami. Kahit man lang ngayon ay mapagbigyan ko ang sariling maging masaya.

"Karina... Do you like it?"

Namilog ang mga mata ko sa tanong nito at kaagad na namula ang mukha ko. Tumawa si Cholo at sinuklay ang buhok ko.

"No need to be shy. It's an honest question. Nagustuhan mo ba?"

Nag-iinit ang pisnging tumikhim ako bago tumango sabay pikit at baon ng mukha sa mga kamay ko sa sobrang hiya.

Narinig ko ang malutong na pagtawa ni Cholo bago ito umalis sa ibabaw ko at tinabingan ng kumot ang kahubdan ko. Nagtataka man sa kaniyang ginawa ay hindi na ako nagtanong pa.

"Wala kang dapat ikahiya. I only want to know if you liked it. You lost your virginity to me. It's your first time so I owe you to give you your first orgasm. It's nothing. I can accept a simple thank you."

"Tapos na ba tayo? Pero hindi ka pa tapos?" naguguluhan kong tanong.

Tumawa lang si Cholo saka sinulyapan ako mula sa kung anumang ginagawa nito sa cellphone na hawak.

"You'll bleed if I take you again. I don't want that to happen again. I want you to remember your first as a good one 'cause you did it with a Cholo Gastrell."

Ibinulsa nito ang cellphone saka pumasok sa CR. Lumabas ito makalipas ang ilang minuto na may nakasampay na na towel sa balikat at pinupunasan ang mukha.

Nakaupo na ako sa kama at nakasandig sa headboard. Magulo ang buhok ko, pawisan pa rin ako, at hubad sa ilalim ng kumot. Naguguluhan ako sa bilis ng mga pangyayari. Naguguluhan ako sa pag-iiba ng kilos at pakikitungo niya sa akin.

Pinukol niya ako ng isang tingin at tumaas ang isang sulok ng labi nito.

"You look like a lost child, Karina. Don't worry. I already erased the photos and videos. I'm sorry for what I did. I was an asshole an hour ago."

Walang salita ang lumabas sa bibig ko dahil sa kawalan nang masasabi.

"Stay here for a moment. May aasikasuhin lang ako."

Nakita kong inabot nito ang pitaka na nalaglag sa sahig at kumuha ng lilibuhing pera. Inilagay nito iyon sa night stand bago ako tiningnan.

"I'll only be out for a while. Babalikan din kita. Order whatever you want."

Hindi ako kumibo. Ipinagpatuloy ko lang ang pagsunod ng tingin sa kaniyang mga kilos.

Nagpakawala ito ng isang mahinang buntunghininga at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ng buong ingat ang baba at mabining hinaplos ito habang diretso ang tingin niya sa mga mata ko.

"Wag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi ko itinuloy. I'll still pay you afterwards. May kailangan lang akong gawin bago kita harapin uli. It's all my fault and I'm taking responsibility of it. Nagkamali ako at nagpadalos-dalos kaya hindi ko muna inalam kung tama ba ang impormasyon na ibinigay sa akin. I was blinded by rage. I'm sorry again, Karina."

Ipinilig ko ang ulo at tuwid na sinalubong ang mga mata nito.

"Walang may kasalanan. Ginusto ko ito. Nagkataon lang ikaw. Kung hindi man ikaw, gagawin ko pa rin ito kasama ang kung sinong lalaki."

Mukhang hindi nito nagustuhan ang mga sinabi ko gaya kanina dahil bahagyang nagdilim ang mukha mo.

"No, I will never take it against you. You are just a victim of consequences."

Tumayo na ito at naglakad papunta sa pinto. Sinundan ko siya ng tingin kaya kitang-kita ko kung paano ito nag-atubili. Humugot ito nang malalim na hininga saka malalaki ang hakbang na binalikan ako. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at ginawaran nang mainit na halik sa mga labi. Nagulat man sa kaniyang ginawa ay wala akong ginawang protesta.

Nakapikit pa rin ako kahit na naghiwalay na ang aming mga labi. Isang halik pa ang pinagsaluhan naming dalawa bago ko narinig ang pagbukas-sara ng pinto.

Hindi ako nagmulat ng mata hanggang sa masiguradong nakaalis na si Cholo.

Kagat ang labi at nag-iinit ang mga matang tumayo ako at isa-isang pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig.